LOGINSa loob ng isang pribadong opisina sa Makati, nakaupo sina Adrian Herrera at Gabe Santiago habang nakalatag ang ilang kontrata at mga folder ng proyekto. Tahimik na nagbabasa si Gabe, samantalang si Adrian ay naglalaro ng ballpen sa kanyang kamay.
“Bro, you mean… the boss behind Ayala Heights?” biglang tanong ni Adrian at tinaasan ng kilay si Gabe. “That’s pretty close. Kung hindi man siya mismo ang babaeng sinasabi mo na nakita mo, siguradong konektado siya doon. After all, talagang sala ang mga pwedeng makabili ng property sa village na iyon.” Napailing si Adrian at napakunot ang noo. “What do you think this boss wants? Just take the money, right? Kahit pagbebenta ng bahay, dumadaan sa background checks. Pero itong taong ‘to… parang sobrang lawak ng intelligence network niya.” Ipinaikot-ikot ni Gabe ang ballpen sa daliri nya habang nag-iisip. “Maybe may espesyal na sentimental value ang bahay na ‘yon. Ayaw niyang mapunta sa maling kamay o talagang maselan lang sya.” “Sentimental value?” napakunot na naman ang noo ni Adrian sa komentong iyon. “Bro, come on. You’d be stupid not to make or take the damn money.” Nagkibit na lamang ng balikat si Gabe, wala nang maidugtong pa sa sinabi ni Adrian. Ilang minuto pa ay napunta na rin ang usapan nila sa negosyo, tuluyang tinantanan na ang usapan tungkol sa babaeng misteryosong nakabili ng bahay sa kilalang Ayala Heights. Kinabukasan ng umaga, bumangon si Luna sa kama at dumiretso ng sariling banyo para mag-ayos ng sarili. Nang satisfied na sa kaniyang ayos, bumaba na siya sa kusina para mag-agahan. As usual, una niyang kinuha ay isang in can orange juice. Mabuti na lang at talagang ipinag-grocery nga siya ni Marcus bago umuwi. Tangan-tangan ang isang loaf bread, dumiretso si Luna sa sala at umupo sa isa sa mga sofa doon. Habang ngumunguya at sumisimsim ay nakatingin ang babae sa kawalan, bumalik sa isip niya ang lahat ng impormasyong nakalap kagabi. Ang mga impormasyong ito ay hindi lingid kay Luna, sadyang pinili lang niya ang hindi ito pakinggan o pagtuunan ng pansin man lang. Labinlimang taon na ang nakalilipas, nawala ang bunsong anak ng kilalang pamilyang Valencia. Hindi ito isikreto lalo na sa mga eilitista ng Maynila. Lahat ng gumagalaw sa kanilang iisang mundo ay alam ang katotohanang pagkawala ng bunsong babae ng pamilya. Ang mag-asawang Roberto Valencia at Marietta Valencia ay kilalang-kilala bilang huwarang mag-asawa. Ngunit mula nang ipasa ni Roberto ang pamamahala ng kumpanya sa panganay nilang anak na si Miguel Valencia, halos hindi na sila natigil ni Marietta sa palipat-lipat ng bansa. Taon-taon, kung saan-saan sumusuyod ang mag-asawa para hanapin ang nawawala nilang anak na babae. Kung tatawag ka kay Roberto, tiyak na darating din si Marietta. At kung minsan, pati buong pamilya dala-dala nila sa kanilang misyon, kung mayroon kahit na anong impormasyon tungkol sa nawawalang anak ng mag-asawang Valencia. Si Miguel Valencia, ang panganay ay ang siyang tumatayo ng CEO ng Valencia Corporation. Kilalang kalmado at matatag ang lalaki dahil bihira siyang magpakita ng emosyon, ngunit sa ilalim ng kanyang disiplina ay may matinding determinasyon at malasakit sa pamilya. Ang pangalawa naman sa magkakapatid ay si Angelo Valencia. Isang rising star sa showbiz. Dalawampu’t dalawang taong gulang pa lang ngunit nakasungkit na ng tatlong prestihiyosong parangal sa FAMAS. Maingay, palaban, at laging hindi nawawala sa bibig at pahayag ng mga media. Ang pangatlo sa kanila ay si Michael Valencia, na kakambal ni Luna Valencia, ang binata ay estudyante pa lamang. Dahil sa murang edad, hindi matunog ang pangalan nito. Wala rin namang dahilan para ito ay tawagin sa seryosong usapan. Sa lahat ng pagtitipon para sa anumang leads tungkol sa nawawalang unica hija, naroroon lagi ang iba pang miyembro ng pamilya. Mga tiyuhin, tiya, at pinsan, na palaging bahagi ng buhay at samahan ng pamilyang Valencia. Matapos basahin isa-isa ang pangalan, at iba pang description sa lahat ng mga ito, napahilot ng sentido si Luna. Ang lawak ng koneksyon ng… pamilya niya. Ang sakit sa ulo! Kaya naman sa puntong ito, tila tama nga ang kaniyang naunang desisyon. Mas ligtas nga sigurong si Miguel muna ang una niyang lapitan. Ang iba ay saka na lang kung kinakailangan. Matapos ang ilang segundong pag-iisip, kinuha niya ang cellphone at dinial ang pribadong numerong nahagilap niya ilang araw na ang nakakalipas. Samantala, sa Valencia Corporation sa Ortigas, abala si Miguel sa kanyang opisina. Katatapos lang mag-report ng kanyang assistant na si Mr. Reyes. “Sir, ang construction po ng resort project sa Batangas ay matagumpay nang nagsisimula. Target completion will be end of next year, Sir. while the bidding for the land in Quezon City will be scheduled next Wednesday. Also, Bruce is still not giving way, so you may have to personally fly to Singapore this weekend. As for the new branch—” Naputol ang paglilitanya ng sekretarya sa mga nakaabang na schedule ni Miguel nang biglang tumunog ang private phone ng kaniyan. Natahimik si Mr. Reyes, hindi alam kung aalis para sa privacy o maghihintay na lang matapos ang tawag. Napakunot ang noo ni Miguel nang makita ang hindi kilalang numero na tumatawag sa private number niya. Ilang tao lang ang may hawak ng numerong iyon, at awtomatikong naka-block naman ang mga scam calls. Nagdududa man, pinindot pa rin niya ang answer button. “Hello?” mahinahon na bati ni Miguel sa kabilang linya. Mula sa kabilang panig ng tawag, narinig niya ang boses ng isang babae. “Hello, Migue Valencia. This is Luna, your lost sister.” Napatayo si Miguel, at nalaglag ang ilang papel mula sa kanyang kamay. “Who are you?!” galit at gulat ang halong tanong ni Miguel sa kausap. Duda na nga siya sa biglaang tawag nito sa kaniyang numero, ano pa ang gulat niya sa nakakagulat na balita nito. Sandaling natahimik ang kabilang linya, bago muling nagsalita si Luna. “My name is Luna. According to the information I’ve gathered, if nothing went wrong, I’m the sister you’ve been searching for the past fifteen years. When would you be available so I can accompany you for a DNA test?” Lubos na nabigla si Miguel. Napasinghap siya, ngunit mabilis ding kumalma. Sa dami ng taong nagsasabing sila ang nawawala nilang kapatid, alam niyang hindi siya dapat basta-basta maniwala sa gannitong tawag. Pero… paano nalaman ng babaeng ito ang private number ko? Even his mind is in a state of chaos right now, huminga si Miguel nang malalim bago muling nagsalita. “Okay. Where are you? I’ll come find you now.” “No need. See you in half an hour at the entrance of the private hospital under the Valencia family,” mabilis na sagot ni Luna bago walang pasubaling ibinaba ang tawag. Naiwan naman si Miguel na nakatitig lang sa kaniyang cellphone. Ngunit ganun pa man, may halong parehong pag-aalinlangan at pag-asa sa kanyang mga mata. Habang palabas ng villa si Luna sakay ng kanyang itim na kotse, hindi nya pansin na sa kabilang villa, isang black Lamborghini Aventador ang kasabay niyang lumabas. Nasa loob ng huling sasakayan sina Adrian at si Gabe. Nakatingin si Adrian sa bintana. “Bro, did you see that? That’s the Sound of the Rolls-Royce Sweptail! There’s only one in the world. Damn, I’d sell my soul just to drive that car!” Ngunit si Gabe ay walang pakialam. Abala pa rin ito sa pagbubukas ng laptop at pagtitig sa mga files, sigurado siyang maaaring nasa isa sa mga files na iyon ang impormasyon tungkol sa babae. Makalipas ang kalahating oras, sa harap ng Valencia Private Hospital, naroon na si Miguel kasama ang sekretaryang si Mr. Reyes. “Boss, sa tingin niyo po ba, ang totoong kapatid niyo na nga po ang hinihintay natin ngayon?” tanong ni Mr. Reyes sa seryosong tono. Sumandig si Miguel sa sandalan ng backseat ng sasakyan, bahagyang nakapikit. “Whether it’s true or not, we’ll know after the damn test.” Hindi pa man sila nakakausap, dama na niya ang bigat ng posibilidad. What if this is really her… Maya-maya’y may kumatok sa bintana ng kotse. Nang ibaba ni Miguel ang salamin, natigilan siya sa mukhang bumungad sa kaniya. Isang magandang dalagang nakaputing T-shirt at overalls ang nakatayo ngayon sa harap niya. “Sorry, traffic. I’m two minutes late,” wika ni Luna, diretso ang tingin sa lalaki na may nakamaang na tingin sa kaniya. Napakunot ang noo ni Miguel, pero halatang tila nagulo ang kanyang mundo. Ang mukha ng babae… tila ba nakatingin ngayon si Miguel sa isang larawan ng kanyang ina noong kabataan nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Miguel. Wala pa namang resulta, ngunit tila ang puso niya ay nagtatalon na sa tuwa. Sa wakas… makalipas ang napakahabang panahon… Tila nahanap na nga niya ang kaniyang nawawalang kapatid. “No… it’s okay.” Nang maka-recover sa pagkagulat ay magmamadali na siyang bumaba ng kotse at hinarap ang dalaga. Madaming naglalaro sa isipan ni Miguel ng mga oras na iyon ngunit mas pinili niya ang manahimik. Hinhintay na lang ang test na tiyak siyang pormalidad na lang. He was sure as hell, may lukso ng dugo na siyang nararamdaman sa babaeng kaharap. Magkasabay ang dalawa na pumasok sa ospital. Sinamahan pa sila ng department director na agad sumalubong. “Mr. Valencia, bakit po kayo nandito?” halos nanginginig na tanong ng director. “DNA test. As fast as possible,” malamig na sagot ni Miguel, sabay abot ng hibla ng buhok niya. Sumunod naman si Luna sa ginawa ng lalaki, at marahang nag-abot din ng hibla ng kaniyang buhok. Agad itong tinanggap ng director at nagsimula na sa proseso. Ngunit sa kabila ng pagiging abala ay hindi niya maiwasang mapatitig sa babaeng nagngangalang Luna. Ang pagkakahawig nito sa ginang ng pamilya Valencia ay… hindi maipagkakaila. Sana ngayong pagkakataong ito, totoo na, anang sa isip ng direktor, isa sa mga tapat na empleyado ng pamilya. “The test will take about three hours the soones. Are you hungry? How about we go eat first?” alok ni Miguel matapos silang lumabas ng laboratory. Nag-isip sandali si Luna, saka tumango nang maalalang bread and juice nga lang pala ang umagahan niya. It’s past lunch already. “Then let’s go.” “Reyes, you stay here and wait for the results. I’ll pack something for you later,” utos ni Miguel “Walang problema, Boss!” wika ni Reyes. Walang pag-aalinlangan na sumama si Luna kay Miguel. Nagtungo sila sa isang restaurant malapit sa ospital. Sa isang pribadong silid, iniabot ni Miguel ang menu kay Luna. “What would you like?” “Grilled lamb chops and yang chow fried rice. You can order the rest.” Nakangiti si Miguel habang inaayos ang order. Napansin niyang ilang beses tumigil ang tingin ni Luna sa buttered garlic shrimp. Kaya agad niya itong idinagdag sa listahan. Nakita ni Luna iyon at bahagyang nagduda. “Why did you…” “Order if you want. I’ll peel it for you,” nakangiting sagot ni Miguel. Napakurap si Luna. “Thank you.” Pagdating ng waiter, pareho silang nagsalita nang sabay “No green onions.” Nagkatitigan sila, sabay napalingon palayo si Luna, halatang nahiya. Habang hinihintay ang pagkain, napakunot ang noo ni Miguel. “How did you find me? And you even know my private number?” “Someone found me.” Maikling sagot ni Luna. Hindi na siya nagdagdag ng detalye, ngunit si Miguel, sa isipan, ay nakabuo na ng sariling larawan, isang batang babae, pagod at nagugutom, kumakayod maghugas ng pinggan para mabuhay, at nang makaipon, nag-hire ng isang detective para hanapin ang kanyang pamilya. Napabuntong-hininga si Miguel sa bigat ng mga naisip. So pitiful… Pero si Luna ay simpleng ngumiti. “It only took five minutes, and I didn’t spend a penny.” Napatigil si Miguel. “So… where have you been all these years? Were you adopted? Are you doing well?” Tahimik si Luna, nakatitig sa kanya, bago bahagyang yumuko at bumulong. “Miguel… do you really want to know who paid the price for me to come back?"Pagpasok sa silid-opisina, kinuha ni Lolo Cristobal Valencia ang isang dokumento mula sa drawer at inilagay ito sa harap ni Luna. May ngiti sa mukha niya nang sabihin—“Ito ang plano ni Lolo nang ipinanganak ka. Dapat sana ay ibigay ko sa’yo noong ikaw ay gaganap na sa coming-of-age mo, pero isang taon itong naantala.”Kinuha ni Luna ang dokumento upang tingnan at laking gulat niya nang makita na ito ay share transfer lahat ng shares ni Lolo Cristobal, buong 15%, ay ililipat sa kanya?!“Lolo… I don’t…” panimula ni Luna.“Why not?! I told you, this is for you and that’s final! No one can object, and they have no right to make this decision!” sagot ni Lolo Cristobal, halatang puno ng determinasyon.Napabuntong-hininga si Luna. “You know, Lolo, that’s not what I mean. Hindi naman po ako nagkukulang sa pera.”“Ano?! You don’t lack money, kaya parang minamaliit mo ang maliit na bagay ko?” nagalit si Lolo Cristobal.Napailing
Ang lumang tahanan ng pamilya Valencia ay matatagpuan sa kalagitnaan ng isang bundok. Sa paglipas ng mga taon, ilang beses na itong pinalawak hanggang sa maging isang marangyang manor. Malawak, tahimik, at napapaligiran ng luntiang taniman.Si Don Cristobal Valencia at Doña Soledad Valencia ay may dalawang anak na lalaki, si Roberto Valencia mismo at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ricardo Valencia. Si Ricardo ay piniling pumasok sa pulitika, kaya’t si Roberto ang nagmana at nagpapatakbo ng mga negosyo ng pamilya. Sa kanyang pamumuno, mas lalo pang lumago ang yaman at pangalan ng mga Valencia.Nang kalaunan, parehas sila nag-asawa at nagkaroon ng kani-kanilang mga anak. Hindi tulad ng ibang pamilyang mayaman na madalas masira dahil sa pag-aagawan ng mana, nanatiling buo at payapa ang mga Valencia. Sa kanila, walang trono na kailangang agawan, sapat ang kayamanan ng pamilya para sa lahat. Ang pera, sa totoo lang, isa lamang numerong hindi kailanman mauubos.
Pagkapapirma ni Luna sa kontrata, nakahinga siya ng maluwag. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Pawis na pawis siya kaya agad siyang umakyat para maglinis ng katawan. Pagkaligo niya, bumaba ulit siya sa sala kung saan naroon na si Miguel parehong tahimik, kanya-kanyang ginagawa, pero ramdam ang maayos na samahan ng magkapatid. Minsan, hindi naman kailangan ng salita para maramdaman ang kapayapaan. Pagkatapos mag-agahan nina Roberto at Marietta, agad lumapit si Luna sa kanila dala ang ilang kahon. “Mom, Dad, these are for you,” sabi niya sabay abot ng mga regalo. Napakunot ang noo ni Marietta. “Ha? Kailan ka pa lumabas para bumili ng gift, Luna?” Ngumiti si Luna. “Hindi po ako lumabas. These were sent over earlier. Tingnan n’yo po kung magugustuhan n’yo.” Binuksan ni Roberto ang kahon at lumabas mula roon ang isang jade thumb ring na makintab at halatang mamahalin. Samantalang ang kay Marietta naman ay isang set ng blue diamond jewelry, isang kwintas, hikaw, at pulseras na kumiki
Maaga pa lang, biglang nagising si Marietta pawis na pawis, habol ang hininga, at kabadong-kabado. May malamig na pakiramdam na gumapang mula dibdib hanggang batok, na para bang may masamang mangyayari. Hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niyang may mali. Agad siyang tumakbo pabalik sa kanilang silid at marahas na ginising ang natutulog niyang asawa. “Roberto! Roberto, gising! Nasaan si Luna? Wala si Luna! Nasaan ang anak natin?!” Napabalikwas si Roberto, paos pa ang boses at halatang bagong gising. “Ha? Si Luna? Baka naman tulog pa ’yon, hon. Maaga pa, diba?” Pero umiiyak na si Marietta habang kumakapit sa braso ng asawa. “Hindi siya nandon! Pinuntahan ko na ang kwarto niya wala siya, Roberto. Wala na ang anak natin…” Agad siyang natauhan. Napaupo si Roberto at kumunot ang noo. “Paano mangyayari ‘yon? Tiningnan mo na ba sa ibaba? Baka naman gising na siya, nagkakape, o lumabas sandali.” “Naku, hindi ko na naisip! Nataranta na ako kaya tumakbo agad ako rito!” Halos maiyak si M
Nag-vibrate ang telepono ni Luna. Tiningnan niya ito at nakita na si Marcus ang tumawag. Kumuha ito ng mga screenshot ng I*******m posts ni Luna at ni Angelo Valencia, pati na rin ng ilang malisyosong komento. “Luna, how can you tolerate this? How about I get involved on behalf of the company?” Napatulala si Luna sa galaw ng kanyang kapatid na lalaki. So this is what it feels like… to have a family that protects you. Not the other way around. Ngunit hindi siya basta-basta natitinag. Alam niyang ang relasyon ay laging two-way street. Kaya’t ang tanging naisagot niya ay isang maikling, ngunit makahulugang “Okay,” Nanlamig si Marcus nang makita ang reply. She agreed? Right away? Halos mabitawan niya ang telepono sa pagkagulat. Ngunit agad din siyang nagbalik sa realidad. Ngunit kung hindi siya papayag, maaari niyang ipagpatuloy ang paghihiganti sa ibang paraan. Tinap ni Marcus ang mesa nang mariin. “Notify the legal and network departments. Meeting, now. It’s time to get to work.”
‘Damn… I only know how to kill, not comfort people!’ Luna thought to herself. Ngunit kahiti na ganoon, sa unang pagkakataon, hinayaan niyang madama ang init ng yakap ng isang ina. Dahan-dahang hinaplos ni Luna ang balikat ni Marietta para pakalmahin ito. “M-Mom… please… don’t cry.” Bahagya namang humina ang pag-iyak ni Marietta dahil sa kaniyan sinabi, pero mahigpit pa rin siyang yakap nito, parang ayaw siyang pakawalan. Lumapit si Roberto, ang kanilang ama, para yakapin silang dalawa, ngunit agad na humaguhol si Marietta. “My daughter… she’s mine,” rinig ni Luna na bulong ng kaniyang ina. Hindi na matiis ni Luna ang bigat ng tensyon. “Mom, you’ve been standing for so long, your feet must be tired po.” “Yes! Come inside already! Why are you just standing there? Don’t tire out my daughter!” sabi ni Roberto habang inaakay na si Luna sa loob ng villa. Sumunod naman si Marietta at ang tatlong kapatid na sina Miguel, Angelo at Michael, tahimik ngunit puno ng damdamin. Hindi nila ina







