Pareho kaming natigilan nang biglang may boses na sumigaw na pumukaw sa atensyon ng lahat nang naririto sa loob ng restaurant. Sa boses pa lamang niya ay alam ko na kung sino ito, kahit na nakatalikod ako mula sa kanya, alam na alam ko kung sino ang lalaking ‘yun.Hindi ko inabala ang sariling lumingon sa’king likuran upang makita siya. Nakayuko lamang ako habang nag-aaktong nagbabasa ng menu kahit na wala naman akong naintindihan sa mga binabasa ko dahil nasa ibang dako ang utak ko.“Xier,” rinig kong gulat na saad ni sir Lue. Ramdam ko ang presensya ng isang bulto sa aking tabi, pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin iniangat ang aking ulo, nanatili akong yuko. Wala akong balak na harapin siya, galit pa ako sa kanya. At alam ko sa aking sarili na marupok ako, kaunting paawa at pa-gwapo effect niya ay lalamunin na ako ng pagmamahal ko sa kanya, at ‘yun ang pinaka kinatatakutan kong mangyari.Ramdam ko ang malamig niyang awra mula sa aking tabi. Nakatayo lamang siya sa aking gili
Nginitian ko siya. 'Yung plastic na ngiti ang ibinigay ko sa kanilang dalawa ni Azul. Pinilit ko ang sarili na ngumiti sa kanila kahit na sa kaloob-looban ko ay gusto ko na silang saksakin sa sobrang galit ko sa kanila.Habang nakatingin kay Cy, nakangiti rin siya sa akin animo'y hindi ako pinagbantaang patayin o muntikang patayin.Sa isip-isipan ko, gusto kong saksakin ang plastic niyang pagmumukha. Ang kapal niyang magpakitang tao sa akin pero sa loob-loob pala niya ay gusto niya na akong patayin."Oh naparito ka, Py?" Biglang singit ni sir Lue. Mukhang napansin niya ang pagka-plastic ko sa dalawang bisita niya.Inalis ko ang tingin ko kay Cy. Bumaling ako kay Rexier na ngayon ay pabalik- balik ang tingin sa akin at kila Cy. "Makikibalita lang sana ako sa anak ko. Kung nahanap mo na ba siya," saad ko sa kanya. Kumunot ang noo niya, nagtataka dahil sa tanong ko ih alam ko namang nahanap na niya ang anak ko. Sinenyasan ko siya gamit ang mga mata ko na makisabay na lamang siya. Nap
Nanlaki ang mga mata niya sa biglaang pagsigaw ko. Gulat na gulat ang kanyang expresyong nakatingin sa akin."Gusto ko lang mag-sorry dahil-" Hindi niya naituloy ang kanyang sabihin nang sabuyan ko siya ng pera sa mukha. Sumugod ako sa kanyang harapan at sinampal ang libo-libong pera sa pisngi niya.Galit na galit ako sa kanya. Malamin ang paghinga ko matapos kong gawin 'yun sa kanya. Kulang pa. Sa palagay ko'y kulang pa. Hindi sapat sa akin ang simpleng sampal lang."Hindi ko kailangan ng sorry mo, gag*. Kainin mo 'yang bayad ko sa utang ko sayo, alam kong binayaran mo ang bills ng anak ko. At gusto ko itong bayaran dahil ayaw kong isipin mo nanaman na pera ang habol ko sayo!" Sigaw ko sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko, kulang na lang ay dumugo ito sa sobrang higpit ng pagkakuyom ko. Dinuro ko siya at pinanliksikan ng tingin. "Hayop ka! Kasal ka sa akin noon! Asawa kita, siguro naman ay naaalala mo na kung paano mo 'ko lokohin. Alam ko, Xier! Alam na alam kong nakipagsiping ka sa
“You’re the woman that slept with my daddy.” Singhal niya at tinuro ako. Napa ‘o’ rin ang bibig niya animo’y gulat na gulat.Kumunot ang noo ko sa kanyang tinuran. Hindi ko puwedeng sabihin rito na hindi totoo ang sinasbai niya dahil alam ko mismo sa aking sarili na totoo ang kanyang sinasabi. Kahit mali man, hindi pa rin maibabaliktad na pawang katotohanan ang sinasabi ng bata. “Sino ang nagsabi sa’yo niyan?” Nagtatakang tanong ko.“Mommy said it to me. She said that the lady who was here when we arrived is daddy’s kabit. Kabit means sleeping with my dad, right?” Inosente niyang saad.Bakas sa kanyang expression at sinasabi na wala siyang kalam-alam sa nangyayari sa kanyang paligid, na para bang normal lang ‘yun na gawain, ni hindi niya man lang ako inaway. Nagtagis ang bagang ko, galit na galit ako sa ina niya.Ang bata-bata niya pa pero kung ano-ano na ang pinagsasabi niya sa bata. Hindi ba siya nag-iisip? Alam niyang wala pang muwang ang anak niya sa nangyayari sa paligid pero ku
Pinaalis ko na ito dahil maggagabi na at kailangan niyang bantayan ang anak kong si Pyxier. Nung una ay ayaw niya pang pumayag dahil siya na raw kuno ang magbabantay sa akin pero pinilit ko siyang bumalik kila nanay. Hindi puwede mapuyat si nanay, iyun ang kabilin-bilinan sa kanya ng doctor nang isinugod namin siya sa hospital noong bigla na lamang ito nahimatay, huwag na raw siya ipapapuyat ulit. Masama sa matanda ang kulang sa tulog at pahinga. "Sige ate. Babalik na lang ako rito bukas ng tanghali, daldalhan kita ng pagkain, napapansin ko kasing namamayat ka ate." Aniya, bago tumalikod at umalis. Tinignan ko ang sarili ko. Tama nga siya, medyo namamayat ako, dahil din siguro sa puyat, walang kain at walang pahinga ko. ..... Hindi ko na muling nakita pa sila Azul, Cy at Zulan. Simula nang marinig ko silang nag-uusap noon, hindi ko na muling nakita ang kanilang bulto. Ngayon ako madi-discharge. Hiniram ko muna ang cellphone ng kapatid ko at tinawagan si sir Lue upang ma
Dinidibdib ko pa rin ang sinabi niya sa akin. Na ang tanging habol ko lamang sa kanya ay ang kanyang pera. Hindi ko aakalaing ganoon pala ang iniisip nila sa akin. Oo, mahirap lamang ako pero kahit kalian hindi ako na silaw sa pera, kontento na ako kung ano mang meron ako, hindi na ako humahangad ng mas malaki pa. Napapaisip ako. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagpapakasarap lang ba siya sa kanyang yaman kasama ang kanyang pamilya habang ako halos mabaliw na kakahanap sa anak naming nawawala at ang isang anak ko rin ay wala pa ring malay sa hospital. Isa rin sa pinoproblema ko ay ang gastusin, wala akong trabaho, hindi rin sapat ang ipon ko para mabayaran ang bills ni Pyxier sa hospital, tapos dumagdag pa ako, kagaya ng anak ko ay nasa hospital din ako. Patong-patong na ang problemang pinapasan ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin. “Ate!” Sigaw ng kapatid kong lalaki nang bumungad siya mula sa pinto. Para siyang pusang bigla na lamang tumalon patungo sa aki