Share

Chapter 6

Author: Mariposa
last update publish date: 2026-11-10 22:21:26

Elara's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi naman ako nahirapang matulog kagabi, pero iba pa rin ang pakiramdam na nasa isang bahay ako na halos wala akong alam tungkol sa mga taong nakatira rito.

Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Aling Marta sa kusina. Abala siya sa paghahanda ng almusal.

"Good morning, Lara. Maaga ka yata nagising?"

"Good morning po, Nakasanayan ko na rin pong gumising nang maaga."

"Halika na. Kumain ka muna bago kita ihatid sa records room."

Umupo ako sa maliit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Man who Owned my Destiny   Chapter 6

    Elara's POVMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi naman ako nahirapang matulog kagabi, pero iba pa rin ang pakiramdam na nasa isang bahay ako na halos wala akong alam tungkol sa mga taong nakatira rito.Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Aling Marta sa kusina. Abala siya sa paghahanda ng almusal."Good morning, Lara. Maaga ka yata nagising?""Good morning po, Nakasanayan ko na rin pong gumising nang maaga.""Halika na. Kumain ka muna bago kita ihatid sa records room."Umupo ako sa maliit na mesa habang inilalapag niya sa harap ko ang isang plato ng tinapay at itlog."Kumusta naman ang kuwarto mo? Maayos ba ang tulog mo?""Opo. Komportable naman po. Salamat."Ngumiti siya bago muling bumalik sa ginagawa.Ilang sandali kaming tahimik. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagtatanong, pero may isang bagay akong gustong malaman."Aling Marta, matagal na po ba si Mr. Vale na hindi umuuwi rito?"Napatingin siya sa akin."Si Cassian?"Tumango ako."Limang taon din. Dito siya lumaki,

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 5

    Cassian's POVHindi ko inaasahang ganito ang salubong sa akin sa unang araw ng pagbabalik ko sa Vale Group.Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, napansin ko na agad ang dalawang mahabang hanay ng mga empleyadong nakatayo sa magkabilang gilid ng entrance. Halos lahat ay nakasuot ng pormal na damit. May ilan pang may hawak na maliliit na bandila na may logo ng kumpanya.Napatingin ako kay Jeo na kararating lang din sa tabi ko."Seriously?" tanong ko.Ngumisi siya. "Welcome back, Boss.""Sinabi ko bang maghanda kayo ng ganito?""Hindi. Pero hindi naman araw-araw bumabalik ang tunay na CEO."Napailing ako.Wala na akong nagawa nang bumukas ang malaking pinto. Sabay-sabay na yumuko ang mga empleyadong nakahanay."Welcome back, Mr. Vale!"Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman kailangan ng ganitong klaseng pagsalubong. Mas gusto ko pa rin ang tahimik na pagpasok sa opisina kaysa sa ganitong eksena.Pero mukhang hindi iyon ang plano ni Jeo."Enjoy the welcome, Ian,

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 4

    Cassian's POVHindi ko inakalang magiging ganito kadali ang desisyon kong bumalik sa Pilipinas.Limang taon din akong nanatili sa United States. Sa loob ng panahong iyon, halos tuluyan ko nang iniwan ang lahat ng responsibilidad ko sa Vale Group. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kumpanya, kundi dahil gusto ko munang mamuhay nang walang iniisip na negosyo, kontrata, meeting, at mga taong araw-araw may hinihinging desisyon mula sa akin.Nakakapagod din pala ang maging ako.Sa loob ng limang taon, si Jeo ang namahala sa kumpanya bilang acting CEO. Isa siya sa iilang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi naging mahirap para sa akin na iwan sa kaniya ang operasyon ng Vale Group.At hindi naman ako binigo ni Jeo.Sa mga report na natatanggap ko, maayos ang takbo ng negosyo. Hindi lang niya napanatili ang posisyon ng kumpanya sa merkado, kundi nagawa pa niyang palawakin ang ilan sa aming investments at negosyo.Kaya naman wala akong dahilan para magreklamo.Kung tutuusin, mas naging ma

  • The Man who Owned my Destiny   CHAPTER 3

    Elara's POVIlang araw na ang lumipas mula nang matanggap ko ang email mula sa Vale Group na nagsasabing natanggap ako bilang kanilang bagong archivist.Mula noon, naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga kailangang dokumento at iba pang requirements para sa employment ko. Ilan sa mga ito ay naipasa ko na sa pamamagitan ng email, habang ang iba naman ay kailangan kong personal na isumite sa HR department.Akala ko, sa mismong opisina ako magsisimula ng trabaho. Iyon din ang una naming napag-usapan ni Adam. Ngunit may posibilidad na iba ang maging assignment ko depende sa pangangailangan ng kumpanya.Kaya nang mag-vibrate ang cellphone ko isang umaga, hindi na ako nagtaka nang makita ang pangalan niya sa screen."Adam?""Good morning, Lara," bungad niya. "May update na ako tungkol sa assignment mo."Napaupo ako nang tuwid sa kama. "Ano iyon?""Na-finalize na nila ang arrangement. Hindi ka sa main office magsisimula. Sa Vale Residence ka muna itatalaga."Saglit akong natahimik."Sa mismo

  • The Man who Owned my Destiny   Chapter 2

    Elara's POVIlang araw na rin mula nang huli kong makausap si Adam. Bago matapos ang tawag namin, napag-usapan naming kailangan kong dumaan sa maayos na proseso ng aplikasyon sa Vale Group. Kaya nagsimula akong kumuha ng appointment. Hindi ako maaaring basta pumasok sa kumpanyang iyon. Kailangan kong magkaroon ng posisyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makalapit sa mga lumang dokumento ng pamilya Vale.Pagkatapos maligo at mag-almusal, dumiretso ako sa harap ng salamin upang ayusin ang itsura ko. Nagsuot ako ng puting blouse, itim na pantalon, at simpleng sapatos. Hindi naman kailangang magmukhang mayaman para mag-apply sa isang malaking kumpanya.Ang mahalaga, maayos akong tingnan.Kinuha ko ang itim kong bag at siniguradong kumpleto ang mga dokumentong kailangan ko. Nandoon ang résumé, mga kopya ng diploma ko, employment records, at ilang sertipiko mula sa dati kong pinagtatrabahuhan.Bago lumabas, sinilip ko muna si Snow na nakahiga sa kaniyang paboritong unan."Aalis muna ako

  • The Man who Owned my Destiny   Chapter 1

    Elara's POVHindi ko akalaing darating ang araw na maghahain ako ng resignation letter sa kumpanyang apat na taon ko ring pinagsilbihan.Nakatayo ako sa harap ng desk ni Alisa habang hawak ang isang puting sobre. Kanina ko pa gustong ibigay iyon sa kaniya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko."Ano 'yang sobre na 'yan?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng ilang dokumento."Resignation letter," maikli kong tugon.Natigil ang kamay niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, tila hindi sigurado kung tama ang pagkakarinig niya."Ano?""Magre-resign na ako," ulit ko."Elara, seryoso ka ba?"Tumango ako at inilapag ang sobre sa mesa niya.Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat sa harap. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin."Sandali lang. Kailan mo pa pinag-isipan 'to?" hindi makapaniwalang sabi niya."Matagal-tagal na rin.""At ngayon mo lang sasabihin sa akin?" Halos magsalubong ang kilay niya sa pagkabigla.Bahagya akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status