Share

Kabanata 11

Baguhan

Sinundan ko si Aoife hanggang sa marating namin ang labas ng gusali. Isa iyong malawak na damuhan. May mga bench sa gilid at malalaking punong maaring silungan.

Nagawi ang tingin ko sa gitna. Agaw pansin ang napakalaking estatuwa ng anghel na nakabuka ang pakpak habang hawak hawak ang punyal na mayroong nakaukit na iba't ibang uri ng bulaklak.

Pamilyar iyon sa akin dahil ang punyal na hawak hawak nito ay kahawig na kahawig ng logo ng paaralan. Sa paahan ng anghel umaagos ang tubig.

Sa ibabang parte naman ng fountain makikita ang maliliit na anghel na tila masayang naglalaro sa bawat patak ng tubig sa uluhan nila.

Napakaganda no'ng tingnan.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad at itong si Aoife, imbis na maglakad sa malilim na daan, gusto niya pang maglakad sa gitna ng initan.

Nakita kong unti unti nang nang naglabasan ang mga estudyante mula sa kani kanilang silid.

Baka break time?

Namangha ako nang makita ko ang unipormeng suot suot nila.

Ang mga babae ay nakasuot ng high-waisted
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status