Inis ko siyang nilagpasan. Kung papatulan ko siya ay baka masira lang ang gabi ko.
“Nice ass,” nangaasar niyang tudyo.Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa lamesa ni Izzy. Kalong nito ang dalawang anak ni Kuya Hellton. ”Mia! Maria!” tawag ko sa kambal na kaagad namang bumaba sa pagkakakalong ni Izzy at tumungo sa akin.“Dahan-dahan mga anak,” saway ni ate Melissa sa dalawang anak.They both ran and hugged me. Natawa ako nang makitang hanggang baywang ko lang ang abot nila.Talaga namang cute na cute ang dalawang ito sa suot nilang pink at violet na dress. They both looked like a princess, they really are. Silang dalawa ang prinsesa nang angkan ng mga Alvarez. The third generation, kaya naman ay mahal na mahal namin ang maliliit na ito.“Tita Bett, Tita Bett, does Mia and I look pretty tonight?” Maria asked innocently.I smiled at her and pinched her chubby cheeks. “Of course, baby.”Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko at saka ako sabay na hinila palapit sa lamesa. Nakita ko ang pagirap ni Izzy sa akin makita pa lamang ang buhok ko.Niyakap ko si Ate Melissa nang makalapit ako sa kanila. Binuhat niya ang dalawang anak, at iginaya paupo.“Mommy, I'm thirsty,” paghingi nang isa na sinegundahan din ng kakambal nito.Kaagad silang minuwestrahan ni Ate Melissa ng maiinom. How I wish, na sana ay may anak din akong inaalagaan ngayon.“Maganak ka na kasi.”Nilingon ko ang nagsabi niyon. Inirapan ko si Kuya Hellton na bitbit sa balikat niya ang prinsipe namin, ang pangatlo nilang anak.“Right, ako gusto ko na ring magkaanak.” Sulpot ni Montagne sa tabi nito.Paano ko ba nakalimutang magkaibigan nga pala ang dalawang ito?“Walang nagtatanong.”Masama ako nitong tiningnan dahil sa naging komento ko. And I did the same. Akala niya siguro ay magpapadala ako sa mga pairap niyang iyan.“Good evening, ladies and gentlemen!”Naputol ang pagaaway naming dalawa nang magsalita si Mama sa harapan. “First of all, gusto kong batiin ng happy birthday ang pinakagwapo kong asawa!”Napangiwi ako nang kinilig kilig pa ito sa sinabi at saka nag-flying kiss kay Papa. “Yuck, kadiri!” hiyaw ni Izzy na kaagad sinangayunan ni Kuya.“Time check, 10:45 pm. You're bored right? This is indeed a boring party, why don't we add some spice to it?” litanya niya na hindi ko na pinakinggan pa.Tumayo ako sa upuan saka lumapit sa mahabang lamesa na puno nang pagkain, nakita ko pang kinuha ni Manang Selya ang tatlong bata, siguro ay oras na para patulugin. Nagkibit balikat ako, nagpalinga linga siniguradong walang makakakita sa gagawin ko. I secretly picked the cherry on top of one of the cupcakes beautifully done. Kaagad akong napahagikhik sa sarap niyon.Busy ang lahat sa pakikinig kay Mama paniguradong hindi nila ako napansin kaya naman tinikman ko na lahat ng putahe. This is heaven for me. Hindi ko na alam kung kailan iyong huling nabusog ako. I'm always busy with work, at ultimo pagkain ay nakakaligtaan ko na.Napapikit ako habang ninanamnam ang isang baso ng tequila.Kaagad akong napatianod nang may kung sinong herodes ang humila sa akin. Nakasimangot kong tinanaw ang hindi ko manlang nakalahating inumin at saka masamang tiningnan ang lalaking nakahawak sa braso ko.“Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya, nagtitimpi at baka masakal ko siya ng wala sa oras.“We’ll join the game, kailangan daw ng partner, ikaw lang naman ang kilala ko rito.”Inilibot ko ang paningin at kaagad na napangiwi sa kasinungalingan niya. “There’s your friend Hellton, siya ang isama mo,” asik ko habang nakaturo sa kinaroroonan ni kuya.His face turned into a frown. “Dapat nga ay babae.”Hindi ko mapigilang matawa sa tinuran niya. Naroon si Judia Garland her rumored girlfriend, si Shasha Olivares na sa pagkakaalala ko ay kasama niya sa isang sumikat na scandal noon, at Faith Susano the girl who’s with him at the mall.“Are you fucking kidding me?” Nakataas ang isang kilay na bulalas ko.Tinitigan niya ako diretso sa mga mata. I did the same. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya tumitigil kaya naman ako na ang sumuko.“Fine, laro lang naman pala e,” I answered him haughtily, wishing that I did made the right choice.Nagtaka ako nang takpan niya ng panyo ang mata ko. “What's with the blind fold? Anong laro ba ’to?”“Don't worry, kailangan ko lang masagot ng tama ’yong itatanong ni Tita Pat.”Hindi ako nakuntento sa isinagot niya at tinanong pa si mama. “Ma, what kind of game is this? Bakit may pa blindfold?”“O’ Bettina for now, hindi muna kita anak.”Napairap ako sa isinagot niya, kasabay no'n ay siya namang tawanan nang ibang bisita.“Let's start,” anito nang hindi manlang sinasagot ng tama ang tanong ko.Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan. Binabawi ko na. “Damn it. . .”Mayroon siyang itinanong at kaniya-kaniya naman ng sagot ang ibang kasaling mga lalaki at isa na ro'n si Montagne.“Mali! 25th of July,” pagtatama ni Mama.For pete’s sake, itinanong lang naman niya kung kailan sila unang nag-honeymoon ni Papa.My forehead creased when Freed hold my waist. “Ano satingin mo ang ginagawa mo?”“It's your fault for not listening,” pagsisi niya sa akin na mas lalong nagpadagdag sa ulo kong nagsisimula ng maginit. “We're playing a sexy game. One wrong question, more intimacy,”“What? At hindi mo manlang sinabi sa akin, idadamay mo pa ako sa kalandian mo!” Hinampas ko siya sa balikat pero ang gago ay tinawanan lang ako.Kahit hindi ko siya nakikita, I know he’s grinning from ear to ear. Ano na namang klase ng kalokohan itong naisip ng magaling kong ina.“Next question, in biology!”“What the fuck, ma!” hindi makapaniwalang bulalas ko sa kaniya.“Wrong answer, closer!”“Ano? Hindi—” naputol ang pagrereklamo ko nang hilahin ako ni Freed at mas inilapit sa kaniya.“Matatalo tayo,” bulong niya.My forehead knitted. What a pushover.Hindi na lamang ako umangal pa at nanahimik na lang, siguraduhin niya lang na tama na ang susunod niyang sagot sisipain ko talaga siya.“Wrong!”Napakagat labi ako ng maramdaman kong binuhat niya ako at ipinulupot ang mga paa ko sa baywang niya.“What a hot position, Freed!” I heard Kuya Hellton shouted that made Freed laugh.“Are you doing this on purpose?” yamot kong tanong.“You noticed? Quite so.” Akmang hahampasin ko siyang muli nang hawakan niya lang ang kamay ko at ibalik iyon sa pagkakahawak sa batok niya.Hindi ko man nakikita ay alam kong pinapanood kami ni Lorcan ngayon. Gusto kong tanggalin ang takip sa mata at tingnan ang reaksyon niya.Will he be jealous? Kahit pa paano ba ay magseselos siya?“May asawa akong tao, Montagne,” seryoso kong litanya sa kaniya. Peke man o hindi ang kasal namin, sa mata ng lahat kasal kaming dalawa ni Lorcan.“Really?” Kaagad naginit ang ulo ko sa sinabi niya. He made it sounded like he is mocking me.I pulled the blind fold off. To my surprise, he immediately let me go. Hinanap nang mga mata ko si Lorcan.He was nowhere to be found. Saan siya pumunta?Tumakbo ako palabas kahit hindi pa tapos ang laro. Lumiko ako sa isang hallway, nakahinga ako nang maluwag matapos ko siyang makitang nakatayo roon.Kahit magsinungaling ako sa sarili ko, I can't change the fact that I loved him, at hanggang ngayon ay hindi iyon nagbago. Maybe we can still sort things out.“Lor . . .” I was about to call him, but when I was only a feet further from him, natigilan ako.“Sarah? What are you doing here? They can't see you,” naaalarma niyang bulong.“Na-miss kasi kita,” anito at saka hinalikan ang asawa ko.My heart clenched tighter. Pumatak na lamang ang mga luhang hindi ko inaasahan. Sa totoo lang ay handa naman akong tanggapin, handa naman akong makinig sa paliwanag niya sabihin niya lang sa akin. I can even turn a blind eye, isang wika lamang niya.“Does it hurt?” Tiningala ko si Freed na nakasunod na pala sa akin.“Please not now,” nanghihina kong taboy at akmang lalampasan na siya.He stopped me and pulled me for an embrace. “You never begged before. The Bettina I knew was high and almighty.”He stroke my hair. “Don't let him made you a beggar. You are a queen to me, and my queen will never plea,”I don't know why, but those words are somewhat familiar.Third Person POV“You’re so quiet.” Mabilis na nagpantig ang tainga ni Freed nang marinig ang boses ni Lorcan na nasa likuran lamang ng lamesang kanilang kinauupuan. “Boss ang kati,” pagwiwika naman ni Noah matapos ay sige ang kamot sa kaniyang mga braso na nasa loob ng mascot na suot niya. “P’wede ko na ba tanggalin ’t—” Imbis na sagot ay malakas na sipa ang natamo niya mula kay Freed. Itinaas nito nang bahagya ang head piece ng mascot na suot din nito na siyang hugis coconut tree. Matalim ang mga matang ipinukol ni Freed kay Noah matapos ay sinenyasan itong manahimik dahil hindi niya marinig nang maayos ang pinaguusapan sa kabilang table.“Is there something wrong? Hindi mo ba gusto ang pagkain? P’wede tayong lumipat ng restaurant kung gusto mo," dagdag pa ni Lorcan sa sinasabi nito kanina. Nakuha noon ang buong atensyon ni Freed. Pasimple nitong inusod ang kinauupuan para mas marinig pa ang isasagot ni Bettina. Bettina sighed before answering. “No, of course not. It's just th
• • • [Back to Present] • • •Bettina's POVMariin na napapikit ang aking mga mata. Isang malakas at sariwang hangin ang humampas sa mukha ko. Dinama ko iyon habang pinakikinggan ang tugtugin na nagmumula sa hindi kalayuang cottage mula sa kinalalagyan kong veranda. “Not sleepy yet, hon?” I felt a hand slipped on my waist. The feeling was familiar. Ngunit hindi gaya rati, wala akong kahit na anong nararamdaman ngayon. Gone was the butterflies that I used to feel whenever he does this gesture. Humarap ako sa kaniya at ngumiti ng peke. “Hindi ako makatulog, siguro dahil sa mahabang biyahe.” He laughed a bit before pulling me closer. “I was surprised when you told me that we're going on a sudden vacation.” “I’m sorry I didn't get to tell you sooner. Hindi kasi ako makahanap ng tyempo.” Lie, natagalan lamang talaga dahil nakipag-pilitan pa ako sa makulit na lalaking si Freed.“Ayos lang. You know that I'm really looking forward for this. Ang tagal na rin simula noong nagbakasyon tay
Third Person POV “Boss no offense, pero mukha kang tanga riyan.”Tila walang narinig at hindi pinansin ni Freed ang naging komento sa kaniya ni Noah. Sa halip ay medyo ibinaba nito ang suot na sunglasses at saka iniayos ang pagkaka-ipit ng puting orchid sa kaniyang tainga. “Did the plane landed yet?” pagtatanong ni Freed kay Noah. Tumingin muna si Noah sa kaniyang wristwatch bago sumagot. “Preparing to land boss.” Tumango-tango si Freed at inayos ang kaniyang pagkakasandal sa pader na kanilang pinagtataguan. Naningkit ang kaniyang mga mata nang makita ang isang papalapag na eroplano mula sa hindi kalayuan. Kaagad na bumalatay ang pagkataranta sa mukha ni Freed at dagling kinuha ang binoculars na siyang nakasabit sa leeg ni Noah. “S-Sandali boss, ’yung l-leeg ko—ack!” Hindi pinakinggan ni Freed ang naging pagdaing ni Noah sapagkat tutok ang mga mata nito sa pagtingin sa binoculars. Gamit ang binoculars ay mabilis nitong hinanap ang hagdan kung saan bumababa ang mga sakay ng eropl
“You okay?” Iyan ang bungad sa akin ni Izzy nang sandaling pumasok ako sa kwarto ko. May hawak siyang unan at sa palagay ko ay patulog na ngunit dumaan lamang dito. “Of course, why wouldn't I?” sagot ko rito at tinungo ang aking vanity table. “I really don't like that Sarah. Gusto mo takutin ko para lumayas?” Napabuntong hininga ako bago dinampot ang suklay at sinimulang ayusin ang buhok ko. “Hindi iyan magugustuhan ni Papa.” “Iyan ka na naman, ano naman kung hindi niya magustuhan? It's not like I'm killing the bitch.” “Ouch!” daing niya nang ibato ko ang nadampot kong lipstick at matamaan siya sa balikat. “Masakit ah!” “Kung ano-ano kasi iyang sinasabi mo,” pagwiwika ko bago muling humarap sa salamin. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko kung paano siya sumampa sa aking kama. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang bumuntong hininga. “Hindi ko nagugustuhan ang paglapit lapit niya kay Kuya Lorcan. It's like she's a linta kung makaasta. At mas hindi ko nagugustuhan na hinahaya
“Why are you both still outside?” Kaagad na nag-angat ang aking paningin sa bagong dating na aking ama. Kaswal itong nakatingin sa akin habang may pagtatanong sa mga mata. Lumipat ang paningin niya kay Sarah matapos ay kay Lorcan. “Come inside, you’re welcome here,” aniya at saka naunang pumasok sa loob ng bahay. Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ko. He really have no clue about them. Wala talaga siyang kaalam-alam. Paano nga ba niya malalaman, eh magaling magtago si Lorcan. “Tell the cook to prepare a feast for our dinner,” saad ni papa sa isang katulong. Naglakad na ito paakyat sa kaniyang opisina, tulak ang wheelchair na siyang kinauupuan ni mama. Ngunit bago pa man tuluyang makapanik sa itaas ay bumaling pa ito sa akin. “Make sure to treat our guest with your at most, anak.” I gritted my teeth, my jaw clenched still I nodded my head. “Of course, papa.” ***Magkasalikop lamang ang dalawang braso ko. Dinig na dinig ko kung paano maka-ilang beses na bumuntong hininga si Izzy
Puno ng pagtataka ang mukha ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako napakurap para siguraduhing si Sarah nga ang nakaupo sa tabi ni mama. Tumayo ito at humarap sa akin. Naging malawak ang ngiti nito na mahahalata mo naman ang ka-plastic-an. “Hi, Bettina.” Pinangunotan ko siya ng noo. “I’m asking you, Sarah. Anong ginagawa mo rito?” Pagak siyang tumawa matapos ay bumuga ng hangin. “Kung makatingin ka naman parang ako ang sumagasa sa nanay mo.” “You’re the one concluding that.” Umirap siya at pinagsalikop ang dalawang mga braso sa dibdib. “Fine! Hindi ako okay? In fact you should thank me. Kung hindi dahil sa ’kin hindi maliligtas ang nanay mo.” Naglakad siya palapit sa ’kin. Doon ko lamang napansin ang mumunting dugo sa damit niya. Mahina niyang tinapik ang balikat ko. “Hindi na ako magpapaliwanag pa, isipin mo na kung anong gusto mong isipin.” Nilampasan ako nito at kaagad na lumabas sa hospital room. Hindi ko na siya hinabol pa at binalingan na lamang si Mama. I im