Share

Chapter 3.1

I blinked twice. Isiniksik ko ang ulo sa unan. Nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa puwitan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng pisil pisilin nito iyon.

“P*****a!”

Sinamaan ko siya ng tingin nang tumawa lang siya. “Nakakatawa ‘yon? Manyak ka!”

“Get up, then,” aniya at saka pilit na hinihila ang mga kamay ko.

Nagtaka ako nang titigan niya ako at saka humalumbaba. “I didn’t do anything last night.” Inirapan ko siya, ano na naman ba ang sinasabi nito? “Pero bakit mukha kang ginahasa?”

Sinipa ko ang paa niya. “Ikaw kaya ang gumawa niyan!” tukoy ko sa laptop na puno nang ginagawa kong thesis “Alam mo namang bobo ako diyan, you do it!”

“As you say, mi amor,” tumatawa niyang ani.

Naalimpungatan ako dahil sa sinag nang araw. I’ve been dreaming about weird memories I have with Lorcan lately.

Isiniksik ko ang ulo sa unan, kaagad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy.

“Get up,”

Nilingon ko ang nakatayong si Freed sa harapan ko. He’s holding a cup of coffee. Inagaw ko iyon.

“That’s not yours!” angal niya pero natigil din nang inuman ko na.

Dumiretso ako palabas nang kwarto hanggang sa makalabas nang bahay bitbit pa rin ang basong naglalaman ng kape.

Tumawag ako ng taxi at sumakay doon nang hindi na nagpapaalam sa kaniya. What for? Ayoko nang kahit na anong dahilan para mapalapit pa sa kaniya.

Ang tahimik na bahay ang sumalubong sa akin. Nakakalat na gamit, ang iba ay basag pa. What happened? Nanakawan ba kami?

“Lorcan!” Tawag ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot.

Umakyat ako sa second floor at pumasok sa kwarto naming dalawa. Doon ko nakita ang nakayukyok na katawan ni Lorcan. He’s drunk.

“Hey, are you okay?”

Nakapambahay na ito kaya malabong uminom ito sa labas. Nakita ko ang nagkalat na bote sa lapag. Did he drink first thing in the morning?

“What did you do? Gusto mo bang magkasakit!” ani ko at saka inayos ang pagkakahiga niya.

“Bettina? Hon?”

Narinig ko ang mumunti niyang pagsinghot. “Umiiyak ka ba?”

“I’m sorry, I’m sorry,” paulit ulit niyang ani.

I cupped his face. “What are you apologizing for?” I asked trying my very best not to scream in anger.

Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap ako nang mahigpit. I must admit that I missed his embrace. He kissed me, halik na palagi niyang ibinibigay sa akin noon. It was with the same feeling as before.

Nakakahabag ang postura niya ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nahihirapan siya.

“Sleep,” ani ko matapos siyang kumutan.

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. He stared at me like a baby. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na tila ba kapag binitawan niya iyon ay mawawala ako.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya. “You should sleep.”

Tahimik akong bumaba at nagsimulang linisin ang mga kalat. Winalis ko ang mga nagkalat na basag na bote pati na ang natapon na pagkain sa lapag.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad ko iyong kinuha. “Hello?”

“Bett, are you free this weekend?” rinig kong ani sa kabilang linya. It was kuya Hellton’s voice.

“Yeah,”

Off iyon ng buong kumpanya. May party na hindi naman ako pupunta. Everytime there's a party, si Ariana lamang ang pinagaasikaso ko.

“Puwede mo bang bantayan ‘yong tatlo for the day? Melissa and I need to go to Baguio, Tatay’s sick at aalis si Manang Selya that day.”

I heave a sigh. Kung kailan naman pahinga ko ay saka siya maguutos. Alam ko kung bakit ako ang tinawagan niya at hindi si Izzy. Palpak ang isang iyon pagdating sa pagaalaga.

“I never work for free, kuya.” Inilagay ko ang cellphone sa pagitan nang pisngi at leeg. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

“I know, I know. That's why I have two tickets of Trolese’s,” aniya na kaagad nagpamilog nang mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. I immediately said yes, kapag si Hellton talaga ang nagutos ay hindi ka lugi.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis, hindi ko mapigilang mapangiti isipin pa lamang ang exhibit.

Kaagad nawala ang mga ngiti ko nang mayroon akong matapakan. Bumalatay ang pagtataka sa mukha ko nang maramdamang malambot iyon.

I bit my lower lip, shocked from what I saw. Humigpit ang kapit ko sa telepono. Kaagad na nagngingitngit sa galit ang buong sistema ko.

How dare him? Ang kapal naman nang mukha niya. Anong karapatan niyang dalhin ang babaeng iyon sa pamamahay ko mismo?

It was a girl’s undies, at sigurado akong hindi sa akin iyon. Ang kapal nang mukha niyang humingi ng tawad gayong mas lalo niya pa akong sinasaktan. Putangina niya!

Hinayaan kong nakaladlad ang maikli kong buhok. Tiningnan ko ang closet na puno ng coat na palagi kong sinusuot. Kumuha ako ng isa na agad ko ring ibinalik.

I left my shoulder blades bare. Hindi ko na kailangan niyan ngayon. Kinuha ko ang bag na nakapatong sa kama saktong bumukas ang pinto at iniluwa ang asawa ko.

“H-Hon?” aniya sa nagtatanong na tono.

Kaagad ko siyang binigyan ng pagkalawak-lawak na ngiti. I gave him a peck on his cheek. “How do I look?” giliw kong ani sa kaniya.

“Ang ganda mo,” nakangiti na niyang sagot matapos makabawi.

“Really?” Beautiful than Sarah? Gusto ko sanang idagdag, pero hindi, hindi pa sa ngayon.

“Yeah, magsisinungaling ba ako sa asawa ko? You’ll always be beautiful for me," pambobola niya na muntik na sa aking magpatawa.

Lorcan is really a comedian. Really fuckin’ comedian.

Tumaas ang gilid ng labi ko. “Syempre,” Saad ko at saka siya mahigpit na niyakap. “Ako lang naman ang nagiisang mahal mo e,”

I saw his face darkened. Sandali lang iyon at bumalik din sa pagkakangiti.

Nagpaalam na ako sa kaniya bago pa ako masuka sa mga kasinungalingan niyang iyon. Pinaandar ko ang kotse pero imbis na dumiretso sa kumpanya ay iniliko ko iyon. May kailangan muna akong puntahan.

Huminto ako sa tapat nang isang malaking building. Diretso akong pumasok sa loob at sumalubong sa ’kin ang receptionist. I’ve been here before kaya naman hinayaan na ako nitong umakyat.

Pinindot ko ang thirty fifth floor. I clearly remember what he offered that night. What Freed Montagne . . . offered that night.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status