공유

Chapter 21: Ang Madrasta

작가: SenyoritaAnji
last update 최신 업데이트: 2026-01-10 15:30:16

Sa malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang iyak ng kapatid ko. Bumilis ang tibok ng aking dibdib at binilisan ko ang aking mga hakbang. Saktong pagkapasok ko sa loob ng bahay ni Belinda ay nakita ko si Aling Norma na naglalakad pababa ng hagdanan.

“Yael!”

Mabilis kong dinaluhan ang kapatid kong humihikbi ngayon sa sulok. Binalingan ko ng masamang tingin ang madrasta naming kakababa pa lang ng hagdanan.

“Anong ginagawa mo rito?!” asik ko sa kanya habang yakap si Yael. “Lumayas na kami katulad ng gusto mo. Anong ginagawa mo rito?!”

“Pera.” Lumapit ito sa amin at nilahad ang kamay. “Kailangan ko ng pera, Asli. May bill na kami sa kuryente at tubig. Wala na rin kaming—”

“At kailan ko pa naging problema ‘yan?” Hinaplos ko ang ulo ni Yael at mahinang bumulong dito. “Ayos ka lang? Kaya mo ba magpunta sa kwarto? Doon ka muna. H’wag ka na umiyak baka mapano puso mo.”

Sunod-sunod na tumango si Yael at agad na tumakbo papuntang pangalawang palapag, sa kwarto na tinutuluyan namin. Saka pa lang
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 33: Catarina

    Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba kahit saglit?” tanong nito.Bakas ang pagmamadali sa boses nito, kaya naman agad akong naalarma.“B-bakit po? May problema po ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang pag-aalala ko.“Mukhang kailangan tayo ni Sir Axton ngayon.”“K-kailangan—ay! Saan po tayo?”Wala sa sarili akong napasinghap nang bigla nitong hilahin ang aking pulso at binuksan ang backseat ng sasakyan. Wala sa sarili naman akong napahakbang papasok at umupo sa isang bakanteng upuan.Sumunod naman sa akin si Sir Oli na agad sinarado ang pinto. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa kaba habang nakatingin dito. Hindi ko alam kung ano una kong sasabihin o itatanong.Bago ko pa man mabuksan ang aking bibig para sa mga katanungan, may

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 32: Resign

    Nang sumapit ang umaga ay nagising na si Yael. Nilipat kaagad siya sa private ward kung saan siya patuloy na mag-re-recover. Nasabihan na rin ako ni Dok kung ano ang dapat at hindi dapat na ginagawa ni Yael.Kabilang na roon ang pagbubuhat at pagligo nang matagal dahil hindi pa sarado ang incision. At lahat ‘yon ay kailangang sundin ng kapatid ko. Wala kaming sapat na pera para magwaldas na naman ng isang milyon para sa kanyang puso.Total rest daw ngayon dapat si Yael, hindi ko ito hinayaan na bumangon. Tanging mga mata lang nito ang nagagalaw dahil hindi makapagsalita dahil sa tube na nasa leeg nito. Masakit man makita para sa akin, pinipilit ko pa rin ang sarili kong magpakatatag.Ito na ang huling pagkakataon.Nang bandang tanghali, dumating si Belinda, sinasabing magpahinga muna ako at umuwi muna sa apartment para kahit papano ay matignan ko kung ano ang hitsura nito dahil sa kanilang mga furniture na nilagay kagabi.Hindi naman ako umangal dahil excited din akong makita ito. Mat

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 31: Success Operation

    Mabilis lamang na lumipas ang mga araw. Nang dumating ang araw ng surgery ni Yael. At kasalukuyan akong na sa labas ng operating room, mag-isa habang hawak ang rosaryo sa aking kamay. Palihim akong nagdarasal na sana ay maging successful ang surgery ni Yael.Ako na lang mag-isa rito sa labas ng operating room. Alas dose na rin kasi. Alas otso ang nagsimula ang operation ni Yael at mukhang matatagalan pa ito, lalo na’t ang doctor mismo ang nagsasabi sa akin na mahirap ang surgery lalo na’t na sa mahirap na place ang location ng butas sa puso ni Yael.Napahilamos ako sa aking mukha at humugot ng malalim na hininga. Sa oras na matapos ang surgery, kailangang ilipat si Yael sa ICU, hindi muna sa mismong ward nito. At sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapanganga sa tuwing naiisip ko na nilipat na kami ni Mr. Oliver sa private ward. Hindi na ako magiging conscious na baka mayroong contagious disease ang mga kasamahan naming sa ward at mahawa si Yael.“Ate…”Wala sa sarili akong napalingon k

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 30: Who is the Mute Billionaire?

    “Sir Ethan?” wala sa sarili kong sambit.Nang magtagpo ang aming paningin ay tila nagulat ito nang makita ako.Agad itong lumapit na may ngiti sa labi, ngunit ang mga mata nito ay mababakas ang pagkalito at pagtataka. Nang makarating ito sa harapan ko ay agad itong namulsa.“What brought you here, Asli?” kalmadong tanong nito na may ngiti sa labi. “I haven’t seen you this morning at the café. Hindi ko alam na rito pala kita matatagpuan.”“Ah…” Napakamot ako sa ‘king kilay. “Absent kasi ako ngayong araw, Sir Ethan. Inaasikaso ko ang mga papers ng kapatid ko lalo na’t malapit na ang surgery niya.”“Why? What happened to your brother?” Kumunot ang noo niya.Ayon na nga. Kung sana nahanap lang kita nitong nakaraang araw, e ‘di sana sa ‘yo ako nakalapit.Gusto ko sanang sabihin ‘yon ngunit pinili kong itikom na lang ang aking bibig. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na ngumiti sa kanya.“Ooperahana po kasi siya. Open heart surgery,” sambit ko. “Kaya baka hindi pa ako makakapakita

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 29: Sir Ethan?

    Kamuntikan na akong matalisod kakamadali habang papunta sa meeting location namin ni Sir Oliver. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako sa kung ano ang pag-uusapan namin. Paano ba naman kasi, sobrang seryoso ng boses ni Sir kanina habang nagsasalita. Sinong ‘di kakabahan doon?Naglibot ako ng tingin para masigurong hindi ako nagkakamali sa ‘king daan na tinahak. Nang makita ang pangalan ng café ay agad akong pumasok sa loob. Agad ko rin namang nakita si Sir Oliver na kalmadong humihigop ng kape habang abala sa laptop nito.Lumapit ako sa kanyang pwesto at agad naman itong nag-angat ng tingin nang mamataan ako. Gumihit ang isang ngiti sa kanyang labi.“Miss Bernardo, I’m sorry for rushing you to come over. I hope I am not meddling with any important things you have to do right now,” nakangiti nitong sambit.Grabeng English naman ‘yan. Nakakaintindi naman ako, pero feeling ko magdudugo yata ang ilong ko kapag siya ang kausap ko palagi.Hilaw akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang, Sir Oliver.

  • The Mute Billionaire's Personal Maid   Chapter 28: Her Background

    “Good morning, Mr. Axton.”Tahimik na tumitig ako kay Oliver na maaga. Mukhang wala itong tulog.So am I.Sinong makakatulog kung sa pagpikit ko ng mga mata ay mukha ni Asli ang makikita ko? Those dark brown eyes of hers that holds back tears every time she fell into a deep thought. That innocent face…Simple lang akong tumango kay Oliver. Agad naman itong lumapit sa ‘kin at naglapag ng isang tasa ng kape sa center table saka muling tumayo ng tuwid. Tahimik ko itong pinulot at hinintay ang kung ano mang sasabihin nito.“Are you sure about this, Sir?” agad nitong tanong. “It’s not that I am criticizing your judgement, but I believe Miss Bernardo has the rights to know what her role really is. Wala siyang background about business. She’s just all about fashion designing.”May binigay itong folder na agad ko namang tinanggap.Accepting someone without knowing their backgrounds is not so me at all. Kaya hindi ko masisisi si Blythe kung marami ang tanong nito, kung napupuno ito ng pagtatak

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status