Share

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son
Author: FlyionA

Chapter 1

Author: FlyionA
last update Last Updated: 2025-09-18 20:17:28

(Violet)

"Nanay Mel, alis na po ako," paalam ko kay Nanay Mel, na abala sa paggawa ng apat na klaseng kakanin dahil may order si Aling Bebang.

"Sige, mag-iingat ka, anak. Magbaon ka rin ng kakanin, baka gutumin ka sa biyahe," tugon ni Nanay Mel.

"Opo," sagot ko, at agad kumuha ng apat na bibingka. Inilagay ko ito sa aking bag at lumabas ng bahay.

"Magandang umaga, iha," bati ni Mang Kanor pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya at bumati pabalik, saka sumakay sa tricycle na minamaneho niya.

"Magandang umaga din po, Mang Kanor," bati ko.

"Saan tayo, Iha?" tanong ni Mang Kanor.

"Sa Saintrone Village po tayo, Mang Kanor," nakangiti kong sabi.

"Nakahanap ka na ba ng trabaho, iha?" tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa daan.

"Opo, kaya po tayo pupunta sa villa na 'yon. Doon po kasi nakatira 'yong  batang aalagaan ko," sagot ko.

"Ahh, ganoon ba," tugon niya.

"Opo," sagot ko.

Pagkatapos ng usapang iyon, naging tahimik na ang biyahe. Malayo kasi ang villa na 'yon sa amin.

"Nandito na tayo, iha," sabi ni Mang Kanor. Paghinto ng tricycle, agad akong bumaba. 

"Salamat po sa paghatid, Mang Kanor," pagpapasalamat ko.

"Walang anuman, iha. Sige, alis na ako," sabi niya.

"Ingat po sa biyahe pauwi," paalala ko.

Pinagmasdan ko ang papalayong tricycle hanggang sa hindi ko na makita. Kaya naglakad ako palapit sa guardhouse para makapasok. Masyado kasing secured ang villa na ito kaya kailangan munang isulat ang pangalan sa logbook. Depende rin 'yan sa mga taong nakatira sa villa, kung may bisita silang parating, sinasabi na sa guard para aware itong may darating. Ang iba, isinusulat na lang ang pangalan, 'yong iba naman, ang bisita na 'yong bahalang magsabi at magpakita ng gate pass.

"Magandang umaga po, kuyang guard," bati ko sa guard.

"Magandang umaga din, ma'am. May bibisitahin po ba kayo?" tanong ni kuyang guard.

"Ahh, sa mansion po ng mga Vladimir. Ako po 'yong na hire na babysitter ng young master," sagot ko.

"Ahh, ikaw po ba si Violet Rodriguez, ma'am?" sabi ni kuyang guard habang nakatingin sa logbook at tumingin sa akin.

"Opo," sagot ko.

"Pwede na po kayong pumasok, ma'am," sabi niya.

Agad akong pumasok nang buksan niya ang maliit na gate.

"Doon sa pang-anim na mansion nakatira 'yong mga Vladimir, ma'am," nakangiting sabi ni kuya guard.

"Ah, salamat po," pagpapasalamat ko bago ko sinimulang maglakad.

Nang marating ko 'yong pang-anim na mansion, agad akong nag-doorbell. Hindi naman nagtagal ay bumukas 'yong gate.

Shttyyyy!! ! Bakit may mga dambuhalang mandirigma dito?*

"Who are you, miss?" Napalunok ako ng wala sa oras nang marinig ko ang malamig at nakakatakot na boses ng isa sa mga naka-men in black na lumabas ng gate na may dalang mahabang baril.

"A-ah, ehhmm!! Magandang umaga po. Ako po si Violet Rodriguez, ang hinire para maging babysitter ng anak ni Mr. Vladimir" sabi ko.

"The new nanny of young master is already here," sabi ni kuyang malamig doon sa iba niyang kasama na nakasilip lang sa may gate. Agad naman silang nagsilabasan, kaya palihim akong napalunok.

'Shemmayyyy, katapusan ko na ba? Wag naman sana.

Kinakabahan man, nakangiti pa rin akong nakatingin sa kanila kahit sa kaloob-looban ko ay parang gusto ko nang umatras. Mga 15+ ata silang lumabas at lumapit sa akin.

"Can we check your bag, miss?" mahinahong tanong ng isang men in black, kaya napahinga ako ng maluwag, pero kalaunan ay nanlalaki 'yong mata ko nang ma-realize 'yong sinabi niya.

"A-ahh, wala po ba kayong babaeng kasama na pwedeng mag-check ng gamit ko? Hehe, alam niyo na po, babae ako, ta-tapos a-ano... 'yong al-alam niyo na po 'yon... 'Yong pang-girls stuff..." kanda-utal at nahihiya kong sabi.

G*gi, e che-check nila bag ko eh makikita raw nila panty at bra ko na kakahiya! Tumitig lang sila sa akin, kalaunan ay nanlaki 'yong kanilang mga mata at namumulang nagsiiwas ng tingin. Nakuha na siguro nila ang ibig kong sabihin.

"A-ah, pa-pasok ehhmm!! Pasok ka na lang, miss," nauutal at nakaiwas tingin na sabi ng isang men in black. Tumango na lang ako at sumunod sa naunang naglakad, at may iba rin na nasa likuran ko.

Feeling ko nalulunod ako dahil sa laki at taas nila. 5'7" 'yong height ko, pero sila? Mala-hulk 'yong katawan, pero mala-superman 'yong height.

Ano kasi—ang lalaki nilang tao at halatang matitigas 'yong muscle. Bagay sa kanila ang maging bodyguard dahil kapag may bumaril sa kanila, parang 'di ata sila tatablan ng bala. Charrotttt lang, hehe.

"Miss."

"Miss!"

"MISS!!"

"H-huh?" Pag-angat ko ng tingin, nabigla ako nang nakatutok sa akin 'yong mga baril na hawak nila at nakapalibot sila sa akin, kaya palihim akong napalunok.

Katapusan ko na nga talaga…. Mapapahamak pa ako sa katangahan kong ito. G*ging isip naman kasi ito, ang daldal at kung ano-ano lang ang pumapasok, ayan, natutukan tuloy ng wala sa oras.

"What are you thinking, miss?" tanong ng 1st men in black.

"Are you planning to kill our young master?" tanong ng 2nd men in black.

Dahil sa sinabi ng pangalawang men in black, napalaki 'yong cute kong mata at hindi maiwasang mainis.

"Ako??? May planong patayin 'yong sinasabi niyong young master? Ni ipis nga hindi ko magawang patayin, tao pa kaya!!" sarkastikong sabi ko at inirapan sila. Hindi ko na inisip pa 'yong mga baril nilang nakatutok sa akin.

"Mga bintangero!" dugtong ko pa at inirapan ulit sila.

"Kanina ka pa namin tinatanong, pero mukhang malalim ang iyong iniisip kaya na-alerto kami baka may binabalak kang masama kay young master," sabi ng isang pang men in black. Men in black na lang ang itatawag ko, hindi ko naman kasi sila kilala eh.

"Mga kuya?! Mukha ba akong killer? Mamamatay-tao?" nakataas kilay kong tanong. Sinuri naman nila ako mula ulo hanggang paa at sabay-sabay silang umiling.

"Trabaho po ang pinunta ko dito, hindi ang pumatay," pairap kong sabi.

Napapahiyang nagsiiwas naman sila ng tingin at pinapasok na ako sa loob ng mansion na ngayon ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng malaking pinto.

"Salamat," sabi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 5

    MAAGA akong nagising, ginawa ko na ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na para gawin ang trabaho ko.“Magandang umaga sa inyo,” bati ko kila Manang at Ate Marie, kasama ang tatlong katulong na hindi ko pa kilala.“Magandang umaga, ija,” sabi ni Manang.“Magandang umaga rin sa'yo, V,” sabi ni Ate Marie.“Magandang umaga din sa'yo, ako pala si Yan-yan,” sabi ng babaeng hanggang balikat lang 'yong buhok.“Magandang umaga, ako naman si Yen-yen, kakambal ko si Yan-yan,” pakilala ng isa namang babae na hanggang siko 'yong buhok. Halata ngang kambal sila dahil magkamukhang magkamukha sila, 'yong buhok lang 'yong naiba.“Magandang umaga, magandang binibini, ako pala si Strella,” pakilala ng isa na may maalon na buhok na hanggang siko.Nginitian ko naman sila bago nagpakilala.“Ako naman po si Violet Rodriguez, V for short,” nakangiti kong pakilala.“Nice to meet you, V/Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini,” sabay na sabi nilang tatlo na sinuklian ko lang ng ngiti tsaka ako

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 4

    “Meron pa pala, huwag mong kakalimutang painumin siya ng vitamins niya two times a day tuwing umaga at gabi, tsaka ibigay mo kung ano ang gusto niya at baka magwala pa 'yon pag hindi mo ibigay. Mag-iingat ka rin sa batang iyon dahil marami na ang naging nanny niyan na hindi nagtatagal dahil pinapahirapan niya ang mga ito,” sabi pa ni Manang na tinanguan ko lang. Wala nang atrasan ito, nandito na ako eh.“Noted po, Manang, pero tanong ko lang po, saan ang magiging kwarto ko po?” tanong ko.“Ayy, oo nga pala, Marie, ihatid mo siya sa katapat ng kwarto ni Young Master, doon ang magiging kwarto niya, at para makapagpahinga na rin siya,” sabi ni Manang Fe.“Sige po, Manang,” sabi ni Ate Marie, tsaka niya ako hinila palabas ng kusina. Mula dito, tanaw ko sila Boss na seryosong nag-uusap habang may kinakain ang mga kaharap niya, maliban lang sa isa na hindi nakikinig at nakafocus lang sa kinakain niya.“Tomorrow is your first day, for now rest first,” malamig na sabi ni Boss nang makalapit k

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 3

    Magkokomento din sana ako kaso huwag na lang dahil nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya, pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako."He's my son, gi—what's up, bro! You're here na pala!"Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang dumating si Kwago. Kala ko nalunod na ito."Buti't buhay ka pa," sabi ko kaya napatingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay."Ano sa tingin mo sa akin, patay na?!" pairap at may inis na sabi nito."Ikaw may sabi niyan, hindi ako.""Tsaka akala ko kasi nalunod ka na sa paghihilamos ng mukha, ang tagal mo kasing bumalik," sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin, kalaunan ay ngumisi."Namiss mo kagwapuhan ko 'noh?" sabi niya at ang lawak ng ngiti."Ang tanong? Gwapo ka ba?" sabi ko na nagpawalang ngiti niya."What the?!! Hindi mo ba makita 'tong kagwapuhan ko? Eh halos habulin ako ng mga babae pag nakikita ako," pagmamayabang niya."Pwes, ibahin mo 'ko! Tsaka ikaw na may sabi na ‘halos,’ hindi ka pa hinabol. HALOS pa lang, it means malapit pa

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 2

    BAGO pa man ako makapasok sa malaking pintuan, may nakita pa akong apat na kotseng pumasok sa gate, ngunit hindi ko na iyon pinansin.Pagpasok ko ng mansion, namangha ako dahil sa ganda ng interior design ng bahay, I mean, ng mansion. Maganda at maayos ang pagkakalagay sa mga gamit.Habang mangha akong nagmamasid sa paligid, may naramdaman akong parang may tatama sa akin, kaya yumuko ako para ayusin ang pagkakakatali ng sintas ko, and…“Fck!!! Shtt!! My handsome face!!!”“Hey bro.. what Hap-BWAHAHAHHAHAHAHHA”“SH*TT BRO!! HAHAHAHHAHA YOUR FACE HAHAHAHAH”“Nice shot, Storm HAHAHHAHAHA”Agad akong umayos ng tayo at nag-angat ng ulo sabay tingin kung saan galing 'yon. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatayo malapit sa nakabukas na glass-sliding door, sa tingin ko papuntang kitchen? Walang emosyon itong nakatingin sa akin, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa apat na lalaking sobrang ingay, at 'yong isa may itlog at harina sa mukha?“Ows, face shot?”Face shot kasi, sa

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 1

    (Violet)"Nanay Mel, alis na po ako," paalam ko kay Nanay Mel, na abala sa paggawa ng apat na klaseng kakanin dahil may order si Aling Bebang."Sige, mag-iingat ka, anak. Magbaon ka rin ng kakanin, baka gutumin ka sa biyahe," tugon ni Nanay Mel."Opo," sagot ko, at agad kumuha ng apat na bibingka. Inilagay ko ito sa aking bag at lumabas ng bahay."Magandang umaga, iha," bati ni Mang Kanor pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya at bumati pabalik, saka sumakay sa tricycle na minamaneho niya."Magandang umaga din po, Mang Kanor," bati ko."Saan tayo, Iha?" tanong ni Mang Kanor."Sa Saintrone Village po tayo, Mang Kanor," nakangiti kong sabi."Nakahanap ka na ba ng trabaho, iha?" tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa daan."Opo, kaya po tayo pupunta sa villa na 'yon. Doon po kasi nakatira 'yong batang aalagaan ko," sagot ko."Ahh, ganoon ba," tugon niya."Opo," sagot ko.Pagkatapos ng usapang iyon, naging tahimik na ang biyahe. Malayo kasi ang villa na 'yon sa amin."Nandito na ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status