Share

The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart
The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart
Author: Trendsterchum Chronicles

Chapter 1 Rare Nurse

last update Last Updated: 2025-08-26 11:45:58

Kung tatanungin mo ako kung bakit pa ako nananatiling nurse, Ang sagot ko lang: kasi Ang damping bills. At saka, hindi ako marunong sumuko.

“Stef, ikaw na muna sa Bed 7. Yung pasyente ayaw magpa-injection sa akin,” bulong ni Marites, co-nurse ko, habang nakapamewang at parang nanalo sa palosebo.

“Grabeness? Si Mang Efren?” napapailing ako, habang inaayos ang tray ng gamot. “Hindi ko alam kung pasyente talaga siya o stand-up comedian. Pero sige na nga.”

Paglapit ko sa Bed 7, nakita ko si Mang Efren, naka-sumbrero pa ng malaki kahit nasa ospital. Para siyang nag-vacation sa beach imbes na naka-admit.

“Good morning, Mang Efren,” bati ko.

“Teka lang, hija. Good morning ba talaga kung i-injectionan mo ako?” nakakunot ang noo niya, sabay nagkunwaring nahimatay.

Napahalakhak ako. “Eh kung ayaw niyo, paano gagaling ang infection ninyo? O baka gusto niyo, ikaw ang magturok sa sarili mo?”

“Hindi puwede. Baka mamatay ako.”

“Hindi po kayo mamamatay. Swear. At kung mamamatay kayo, hindi dahil sa akin—kundi dahil matigas iyang ulo niyo.”

Narinig kong nagtatawanan ang ibang pasyente at mga bantay. Sa ospital, minsan mas mabisa ang biro kaysa gamot. At sa totoo lang, gano’n ang nakakapagpatibay ng loob ko: yung makita silang kahit saglit lang ay nakangiti.

“Fine. Pero hawakan mo ang kamay ko,” drama pa ni Mang Efren.

“Hawakan ang kamay? Hindi po ito romcom, Mang Efren. Pero sige.” Inabot ko ang kamay niya at sabay tinurok ang gamot. Mabilis. Walang kirot.

“Hoy, tapos na? Aba’y hindi ko naramdaman!” gulat siya.

“See? Mas matindi pa nga siguro ang kurot ng asawa niyo kaysa sa injection ko.”

Nagtilian ang mga bantay. Ako naman, ngumisi lang at nagpatuloy sa trabaho.

Pagbalik ko sa station, sinalubong ako ni Marites.

“Grabe ka, girl. Sumakses ka naman na  very no sweat. Paborito ka na talaga ng mga pasyente. Ako, ang daming reklamo. Ikaw, parang may fans club.”

“Fans club? Hindi. Sanay lang ako sa makulit. Remember, si tatay ko dati gano’n din. Makuha lang makipagbiruan kahit hirap na hirap na.”

Tumahimik si Marites saglit. Alam niyang kapag na-mention ko ang tatay ko, medyo sensitive ako. Tatay ko kasi dati ang naging airline mechanic sa isang kilalang pamilya—ang mga Zubiri. At hanggang ngayon, may pait sa dibdib ko kapag naaalala ko kung paano siya tinanggal at halos walang pakundangan.

“Sorry, Stef,” bulong niya.

I shook my head. “Don’t be. Nasanay na ako. Part ng motivation ko ‘to. Alam mo na, someday gusto kong patunayan na hindi porke’t anak ka ng mekaniko, hindi ka na puwedeng umangat.”

Lunch break. Nasa maliit kaming pantry, may tatlong mesa, dalawang electric fan, at amoy adobo na hindi ko alam kung galing sa baon o sa kusina ng hospital.

“Stefanie, asan ba dream hospital mo?” tanong ng isa naming bagong nurse, si Jenny.

“Dream? Wala. Basta’t may sahod at may pasyente, puwede na.”

“Liar,” singit ni Marites. “Kilala kita. You want more than this. Hindi ka forever dito sa public hospital.”

Napangiti ako. “Siyempre naman noh.. Lahat naman tayo gusto ng mas maayos. ...Forda Ambisyosa ganern...Pero sa ngayon, this is reality. Dito ako kailangan.”

Tahimik kaming tatlo saglit. May bigat sa hangin, pero tinabunan ko agad ng biro.

“At saka, kung aalis ako dito, sinong magpapa-smile kay Mang Efren? Baka umiyak siya kapag hindi na ako ang nag-i-injection.”

Tawanan ulit.

Pag-uwi ko, sumalubong ang nanay ko sa maliit naming bahay. May amoy ng tinolang manok, at ramdam agad ang init ng kusina.

“Anak, kumusta duty?”

“Same old. May drama, may comedy, may action. Complete package,Nay.”

Ngumiti siya pero bakas ang pagod. Nagtitinda lang siya ng gulay sa palengke. Ako ang breadwinner.

“Nak, may nagtanong sa akin kanina. Sabi daw, may opening for private nurse. Malaki daw ang sahod.”

Napahinto ako sa paghuhubad ng sapatos. “Private nurse? Saan daw?”

“Hindi ko alam kung totoo, pero sabi sa isang malaking pamilya. Zubiri daw ang apelyido.”

Parang biglang may humigop ng hangin mula sa dibdib ko. Zubiri. The name I hated.

“Hindi ko tatanggapin,” sagot ko agad.

“Pero anak—”

“Ma, kahit malaki pa sweldo, hindi ko kayang maging alipin ng mga Zubiri. Hindi ko sila makakalimutan. Hindi ko sila mapapatawad.”

Tahimik si Nanay. Sa mata niya, alam kong gusto niyang ipilit. Pero hinayaan niya ako. At ako, kahit sa puso ko curious ako, pinilit kong maging matatag.

Kinabukasan, duty ulit. Pagpasok ko sa ward, sinalubong ako ng head nurse.

“Stefanie, office. Now.”

Napakunot ako ng noo. Naku, may ginawa ba akong mali?

Pagpasok ko, naroon ang isang babae. Elegante, naka-pearl necklace, parang hindi bagay sa amoy ospital. Nakatingin siya diretso sa akin, parang scanner na dumadaan sa kaluluwa ko.

“Miss Stefanie Rivera?” tanong niya.

“Yes, ma’am?”

“Ako si Ms. Cruz. Representative ako ng Zubiri family. Gusto ka sanang kunin ni Doña Beatriz bilang private nurse.”

Pakiramdam ko bumalik ang lahat ng kinikimkim kong galit. Ang Zubiri. Muli silang nasa harap ko.

Huminga ako nang malalim. “Pasensya na po. Hindi ako interesado.”

Kita ko ang gulat sa mukha ng head nurse ko. Kita ko rin ang bahagyang ngisi ng babae.

“Sigurado ka, Miss Rivera? Hindi lahat nabibigyan ng ganitong oportunidad. Doña Beatriz doesn’t usually handpick nurses. Rare ito.”

“Sigurado po ako,” matigas kong sagot.

Pero sa loob-loob ko, may kumikiliti. Bakit ako? At bakit ngayon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Apple Kaela
ang cool niya sa duty! walang pansit!
goodnovel comment avatar
Angelkate
Relate! Sa katoxican!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 122 The Undoing-POV: Celina

    Tahimik ang buong bahay nang makabalik ako. Ilang araw na akong walang maayos na tulog, puro headline at crisis meeting ang laman ng bawat oras ko. Wife of Zubiri CEO under fire. Stock manipulation scandal. Board in turmoil.Lahat ng iyon—mga salitang paulit-ulit kong naririnig, hanggang sa parang tinutunaw na ng ingay ang katahimikan sa loob ko.Ngunit ngayong gabi, kakaibang katahimikan. Walang camera, walang flash ng mga reporter. Tanging ang mahinang tik-tak ng antique clock ni Doña Beatriz at ang pagpatak ng ulan sa bintana ang naririnig.Nakasalampak ako sa sofa, may laptop pa rin sa kandungan ko habang sinusuri ang mga email ng PR department. Pero totoo, hindi ko na maintindihan kahit isang linya. Hindi ko na rin alam kung paano pa ako tatayo bukas para harapin ulit ang mundo.“Magpahinga ka na, Stefanie.”Napapitlag ako.Si Adrian, nakasandal sa pintuan ng study room—suot pa rin ang dark suit, pero may

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 121. The Undoing — Adrian’s POV

    Ang ingay ng mundo ay hindi agad humuhupa.Kahit ilang araw na ang lumipas mula sa press conference, bawat headline, bawat notification sa phone ko, ay paulit-ulit lang — parang echo ng kasalanan ko.> “Zubiri couple scandal rocks the aviation industry.”“Adrian Zubiri breaks silence — defends wife publicly.”“From betrayal to redemption: the power couple’s silent war.”Lahat sila, may sariling bersyon ng kwento.Pero ako lang ang nakakaalam ng totoo.Na ako mismo ang sumira sa babaeng ‘yun.At ako rin ngayon ang desperadong nagtatangkang ayusin kung ano’ng hindi ko alam kung kaya pa bang ayusin.Tatlong araw nang hindi umuuwi si Stefanie sa mansion.Nasa penthouse siya ng hotel na pagmamay-ari pa rin ng kumpanya — irony at its finest.Technically safe. Pero alam kong mas pinili niyang lumayo.Araw-araw akong pumapasok sa opisina, halos

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 120 Breaking Point — (Adrian’s POV)

    Tahimik ang boardroom pagkatapos niyang umalis.Pero hindi iyon ‘yung tahimik na madali lang tiisin — ito ‘yung uri ng katahimikan na bumibingi, na bawat segundo ay parang sampal.Nakatitig pa rin ako sa pintuan kung saan siya lumabas, habang ramdam ko ‘yung unti-unting pagyuko ng mga balikat ko.She didn’t look back. Not even once.At siguro, iyon na ang pinakamasakit.“Mr. Zubiri,” mahinahon pero matalim na boses ni Chairman De Villa ang bumasag sa hangin. “With all due respect, your wife’s behavior just jeopardized the company’s image. If you want to protect the Zubiri name, distance yourself before it’s too late.”May mga sumang-ayon. May mga tumango.At sa gitna ng lahat, tahimik lang akong nakaupo, pinipigilan ang pag-igting ng panga ko.Pero sa loob ko — putok na ang lahat.Every muscle in my jaw ached. Every nerve in my body screamed.Kung alam lang nila.Kung alam lang nilang hindi si Stefanie ang kalaban nila.“She’s my wife,” mahina kong sabi, halos pabulong.Pero si De Vil

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 119 Breaking Point -Celina’s POV

    Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat.Isang tawag lang mula kay Franco, ang head ng PR, at ang buong mundo ng Zubiri Group ay biglang nagimbal.“Ma’am Stefanie, the press is all over it. They’re accusing you of insider trading. Leaking confidential data to manipulate stock prices. The investors are panicking—”“WHAT?!” Tumigil ako sa paglakad, hawak pa ang folder ng flight expansion proposals ng Doña Beatriz Airlines. “That’s insane, Franco! Sino namang nagkakalat niyan?”Pero kahit bago pa siya makasagot, nakita ko na ang mga headline sa lumulutang na screen sa loob ng elevator.> BREAKING NEWS: ‘Ice Queen’ of Zubiri Group Under Investigation for Stock ManipulationAnonymous whistleblower exposes Stefanie Rivera’s alleged deal with foreign investorsZubiri Group shares drop 18% overnightPara akong binuhusan ng malamig na tubig.Ang bawat salitang lumalabas sa screen ay parang bala.At ang mas masakit—ang katahimikan ni Adrian.Alam kong nakita na niya ito. Hindi posible na h

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 118. Behind Closed Doors Adrian’s POV

    Hindi ko alam kung anong mas mahirap — ‘yung araw na pinili niyang hindi ako pansinin, o ‘yung gabi na naririnig kong umuubo siya sa kabilang kwarto pero hindi ako makalapit dahil alam kong ako rin ang dahilan kung bakit siya ganyan ngayon.Tahimik ang buong mansion.Except sa mahinang tunog ng ulan na tumatama sa mga bintana.It was close to midnight, but I couldn’t focus on the papers in front of me.Another expansion deal for the airline — dapat ito ang concern ko. Pero hindi.Kahit ilang kontrata pa ‘yan, kahit ilang investors pa ang makuha ko, wala pa rin silang timbang kumpara sa iisang boses na ayaw tumigil sa isip ko.Lies.Both of us were living on lies.Narinig ko ulit — isang malakas na ubo mula sa guest room.Mabilis akong tumayo, napabuntong-hininga, at bago pa ako makapagdesisyon kung lalapit o hindi, gumalaw na ang mga paa ko mag-isa.Pagbukas ko ng pinto sa hallway, ramdam ko agad ang lamig.Nasa kabilang dulo ang ilaw — bukas ang kwarto ni Stefanie At doon, sa gitna

  • The Nurse Who Ruined My Life...And My Heart   Chapter 117 The Confession You’ll Never Hear

    Adrian’s POVThe moment she stopped looking at me the same way, parang tumigil din lahat ng hangin sa paligid. Binago nito ang bawat paghinga ko...naging mas mabigat...the weight that I cannot measure.Stefanie was right. She doesn’t scream, she doesn’t cry.She just leaves in silence — and that’s what makes it terrifying.The headlines were merciless.> “THE ICE QUEEN OF ZUBIRI GROUP REIGNS.”“CEO ADRIAN HERRERA OUTSHINED BY WIFE’S COMPOSURE.”“THE FALL OF A TYCOON’S IMAGE.”I could handle market crashes, takeovers, even blackmail — pero hindi ko kayang labanan ‘yung tingin ng mga tao sa kanya ngayon.Hindi dahil naaawa ako.Dahil I caused that look.At habang pinapanood ko siya sa monitor ng security feed sa loob ng office ko, I swear — mas gusto ko pang mabaril kaysa makita siyang ganyan.She’s walking across the hangar grounds, wearing a white blazer over her baby bump, talking to engineers like the world hasn’t destroyed her yesterday.Her smile is faint. Pero to me — it’s still

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status