(Stefanie’s POV)
Kung may award lang ang universe para sa “Pinaka-Walang Pasok Pero Biglang Na-ambush na Duty,” feeling ko panalo ako ngayon. Kasi imbes na nakaupo ako sa kwarto ko, kumakain ng pancit canton habang nanonood ng k-drama, andito ako ngayon, nakatayo sa harap ng isang malaking wooden door na parang hindi pinto kundi portal papunta sa ibang dimensyon. “Ms.Rivera” tawag ni Dr. Santos sa akin, ‘yung medical director namin, habang inaayos ang coat niya. “Huwag kang kabahan. Sundan mo lang ako, and let me do the talking—unless kausapin ka directly. Got it?” Napalunok ako. “Doc, baka naman puwedeng i-decline ko na lang ito? Hindi ba puwedeng si Nurse Jenny na lang? Mas… sophisticated siya. May pa-English-English pa sa rounds.” Umiling siya, pasimpleng ngumiti. “Sa Lahat ng recommendations and CV na binigay namin, ikaw ang pinili, Stefanie. Hindi siya o kung sino pang nasa isio mong e-proxy sayo.” Ayun na nga. Doña Beatriz Zubiri. Ang alamat. Ang bruhang alamat ng Maynila—at least or sabihin na rin natin - ng Asia.... iyon ang tawag ng mga nurse kapag nagtsi-tsismisan. Ang matriarch na hindi mo pwedeng tingnan ng diretso kung ayaw mong lamunin ng lupa. Ang babaeng may hawak ng kalahati ng industriya ng real estate at business empire ng bansa at may-ari ng pinakamalaking airline company sa Asia. At ngayon, ako ang tatawaging private nurse niya. Habang tumutunog ang heels ko sa polished na sahig ng mansion, halos mabingi ako sa katahimikan. Wala man lang TV, wala ring nag-uusap. Parang lahat ng tao dito may invisible rule na bawal magsalita nang malakas. Pagdating namin sa loob, sinalubong kami ng isang babae na mukhang hindi tumanda mula 1980s—matikas, naka-uniform na gray, at walang ibang aura kundi “I run this household.” “Good afternoon po,” bati ko, pilit na ngumiti. Hindi niya ako pinansin agad. Sinukat muna ako mula ulo hanggang paa. “So… this is the nurse? Mukhang bata pa.” Sumingit si Dr. Santos. “Yes, Yaya Loring. She’s one of our best in the ward. May sense of humor, kaya bagay kay Doña.” Tumikhim ako. “Pashneya, Sense of humor agad ang pambenta?” bulong ko kay Doc. “Shh,” sagot niya. Bago pa ako makapag-react, bumukas ang double door papunta sa main living area. At doon ko unang nakita si Doña Beatriz. Hindi siya mukhang matanda na dapat nasa ospital. Nakaupo siya sa isang wingback chair, naka-silk na emerald green robe, may perlas sa leeg at pulseras na mas mahal pa sa buong sweldo ko sa isang taon. Pero ang mata niya—sharp. Hindi mata ng isang lola. Mata ng isang general na sanay mag-utos ng gera. “Doc,” malamig ang boses niya. “So ito na ba ang kapalit sa mga useless na nurses na pinadala mo last week?” Napakagat-labi ako. Aba, hindi pa nga ako nakakaupo, tinawag na akong kapalit Dr. Santos tried to smooth things over. “She’s Stefanie Rivera, Doña. Dedicated, skilled, and compassionate. I think she’s exactly what you need.” Finally, tumingin siya sa akin diretso. Para bang X-ray ang mga mata niya na tumatagos sa balat. “Stefanie, huh?” dahan-dahan niyang sambit, para bang tinitikman ang pangalan ko. “Mukhang probinsyana. But your CV was attractive and interesting. Marunong ka bang magsalita ng English? Yung totoo.” “A little po,” sagot ko agad, medyo nanginginig ang boses. Napataas ang kilay niya. “A little? That’s not very reassuring.” Huminga ako nang malalim. Bahala na. “Fluent po ako, Doña. Pero English doesn’t save lives in the hospital. Skills do.” Narinig ko ang mahinang “Oh my God” ni Yaya Loring sa gilid, parang gusto na niya akong palabasin. Pero hindi ko nakita na nagalit si Doña Beatriz. Sa halip, bahagya siyang ngumiti—pero ‘yung tipong smile na hindi mo alam kung natutuwa siya o pinagtitripan ka. “May angas,” sabi niya. “Finally, someone with backbone.” Nagpatuloy ang maikling silence. Ako naman, gusto ko nang lumubog sa sahig. “Stefanie” sabi niya bigla, “I have read your CV but I wanna hear it straight from you, tell me something. Bakit ka nurse?” Nagulat ako. “Po?” Hindi ko naman ginustong mapunta dito pero mukhang magigisa pa ako sa screening at interrogation.Pag minamalas nga naman.... “Hindi kita tatanungin kung ano ang kaya mong gawin. I want to know… bakit? Bakit nurse? Out of all careers.” Tumingin ako kay Doc, pero umiwas siya ng tingin. Ah, so ganito pala. Interview pala ito. “Honestly po?” sagot ko. “Because I wanted to prove people wrong.” “Wrong about what?” “That we’re weak. That people like us—ordinary families—don’t matter. My father… he was terribly sick and hardly managed in hospital room dahil walang nagbigay ng proper care. And I promised myself, hindi mauulit iyon sa iba. Not on my watch.” Tahimik ang buong sala. Narinig ko lang ang mahina niyang pagtapik ng daliri sa armrest ng upuan niya. “So it’s personal,” bulong niya. “Yes po. Very personal.” “Good.” Bahagya siyang tumango. “I like personal. Passion drives people better than money.” Nagulat ako sa sagot niya. For someone na tinatawag na greedy matriarch, hindi ko in-expect na iyon ang sasabihin niya. Bago pa tumagal ang tensyon, biglang sumingit ang driver na mukhang kanina pa nakatayo. “Doña, oras na po ng gamot ninyo.” “Bring it here,” utos niya, hindi man lang tumingin. Ako na ang iminwestra ni Doc at inabutan ng pill box. Lumapit ako sa kanya, medyo kinakabahan pa rin. “Doña, here’s your medication. With water po.” Tinignan niya ako, tapos imbes na kunin agad, she said, “Feed it to me.” Nanlaki ang mata ko. “Po?” “Don’t make me repeat myself, hija. You’re my nurse, aren’t you?” Okay. Challenge accepted. Nilagay ko ang tablea sa kamay ko, inalalayan ang baso ng tubig, at diretso ko siyang pinainom. Pagkatapos niyang inumin, pinatong niya ang baso, saka ngumiti ulit—this time mas genuine. “Hmm. Steady hands. Hindi ka man lang nanginig.” Ngumiti ako, kahit nanginginig na ang kaluluwa ko sa loob. “Sanay na po, Doña. Kahit sa mas malalalang pasyente.” Tumawa siya. Malutong pero malamig. “Good. You’ll need that skill in this house.” Nagkatinginan kami ni Doc. Ano raw? Anong ibig sabihin nun? Bago pa ako makapagtanong, tumayo si Doña Beatriz nang dahan-dahan. “Stefanie from now on, you’ll be staying here in the mansion. I don’t like nurses who come and go. I want consistency.” Para akong natuliro. “Po? Staying… here?” “Yes. You’re not just my nurse anymore. You’re about to become part of my household.” At doon ko naramdaman—yung weird na kilabot sa dibdib ko. Yung pakiramdam na parang isang pintuan ang binuksan, at hindi ko alam kung makakalabas pa ako kapag tumuloy ako. “Welcome to my world, Stefanie” dagdag ni Doña Beatriz, sabay lakad papalayo. Naiwan ako roon, hawak pa ang baso ng tubig, parang biglang lumiit ang buong katawan ko. Yaya Loring cleared her throat, saka lumapit. “Miss Nurse,” bulong niya, malamig ang tono. “Kung ako sa’yo, umalis ka na habang kaya mo pa. This house… swallows people alive.” At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung biro ba iyon o warning.Tahimik ang buong bahay nang dumating si Stefanie mula sa ospital.Walang banda, walang bulaklak — tanging amoy ng disinfectant at ulan ang bumungad sa kaniya.Nasa loob siya ng kotse ni Adrian, pareho silang walang imik.Ang tanging tunog ay ang patak ng ulan sa windshield, parang mabagal na metronome ng mga alaala nilang parehong sinusubukang kalimutan.Ang IVF procedure ay opisyal nang nagsimula.At sa unang pagkakataon, si Stefanie mismo ang magdadala ng bata — ang anak nila.Ngunit sa bawat hakbang niya pauwi, may bigat sa dibdib na hindi niya mailarawan.Hindi lang dahil sa physical exhaustion, kundi sa ideya na ang lalaking kasama niya ngayon — ang lalaking minsan niyang minahal hanggang sa punto ng pagkasira — ay nandiyan muli, pero parang hindi naman talaga siya naroon.Pagpasok nila sa mansion, nag-unahan ang mga kasambahay sa pagbubukas ng ilaw, pero mabilis silang pinigilan ni Adrian.“Walang kailangan. Let her rest,” malamig na sabi nito, pero may diin, may bigat na paran
Tahimik ang buong Aragon Medical Wing nang gabing iyon.Ang mga ilaw sa corridor ay dimmed, parang nakikisimpatya sa bigat ng desisyon na nakabitin sa hangin.Sa loob ng isang conference room na pansamantalang ginawang IVF command center,nakaupo si Stefanie, tahimik, habang sinusuyod ng mga mata ang mga folder na nakahanay sa harap niya.Nakaipit ang buhok niya, pagod ang mukha, pero may kakaibang liwanag sa mga mata—hindi iyon galing sa pag-asa, kundi sa laban ng isip at puso.Sa tabi ng kape na hindi niya nainom, nakapatong ang medical summary: “Final briefing before embryo transfer.”Tatlong salita lang ang bumara sa isip niya— “surrogate mother confirmed.”Napakapit siya sa papel.Ang mga daliri niyang dati’y sanay sa paghawak ng stethoscope, ngayon ay nanginginig sa paghawak ng sariling tadhana."So this is how it ends," naisip niya."Another woman will carry something that was supposed to be ours."Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng mga iniisip, biglang bumukas ang pinto.S
Madaling-araw na. Tahimik ang buong Zubiri mansion—maliban sa tunog ng ulan na tumatama sa mga salamin. Sa silid ni Stefanie, bukas pa rin ang ilaw. Hindi siya makatulog. Sa harap ng mesa, hawak niya ang dokumento ng IVF procedure na para bang iyon ang magpapaliwanag ng lahat. Pero sa bawat pahina, tanging pangalan ni Adrian ang nakikita niya. Ang pirma nito sa dulo ay tila paalala ng lahat ng pinagdaanan nila — ng bawat salitang nasaktan siya, at ng bawat sandaling minahal pa rin niya ito kahit ayaw na niyang umamin. Sinubukan niyang isulat sa journal ang mga dapat niyang maramdaman — dapat siyang maging matatag, ito ay para sa negosyo, ito ay para sa legacy ng pamilya. Pero ang mga linyang lumalabas sa lapis niya ay hindi plano, kundi pag-amin: > “I hate that I still care. I hate that I still look for him every morning.” Bumuntong-hininga siya, at sa mismong sandaling iyon — isang mahinang katok sa pinto. Dalawang beses. Maingat. Halos parang ayaw gambalain. Pagbukas niya
Tahimik ang buong silid habang binabasa ng abogado ang dokumento. Wala ni isang ingay maliban sa tunog ng mga pahinang binabaliktad, bawat salita ay tila may bigat na parang pako na ipinupukpok sa pagitan nila. “Both parties shall cooperate in full compliance of the IVF procedure. All legal and medical responsibilities shall be jointly shared…” Nakatitig si Stefanie sa papel, pero hindi niya nababasa ang mga letra. Hindi dahil mahirap intindihin—kundi dahil mas mahirap tanggapin. Katabi niya si Adrian, nakaayos, pormal, walang emosyon. Parang hindi ito ang lalaking minsan niyang minahal hanggang sa masaktan siya ng labis. Parang CEO lang siyang nakikipag-deal, hindi dating fiancé na minsang nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. “Do we have an agreement?” tanong ng abogado, marahang nag-aadjust ng salamin sa ilong. Tumango si Adrian. “Yes. For the sake of the estate.” Sumunod din siya, halos pabulong: “For business purposes.” At doon, nagtagpo muli ang mga mata nila—isang
POV: Stefanie Bumubuhos ang ulan sa labas—malakas, mabigat, parang tinig ng langit na gustong iparinig ang bigat ng lahat ng hindi masabi. Sa opisina ni Stefanie, iisang ilaw lang ang bukas: ang desk lamp na nakatutok sa mga medical forms.Nakaipit sa pagitan ng mga papel ang ballpen, pero ilang minuto na niyang tinititigan lang ito. Hindi niya kayang pirmahan.Hindi pa.Ang mga salita sa form ay malamig—“IVF consent form,” “surrogate contract,” “biological donor acknowledgment.”Pawang mga teknikal na termino para sa isang bagay na minsan ay tinatawag nilang pag-ibig.Humigop siya ng malalim na hininga. Hindi na siya umiyak, pero ramdam niyang nabibigat ang dibdib niya.Hindi siya umiiyak… pero parang lahat ng luha niya, nasa loob.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.BLAG!“Stefanie.”Halos mapatayo siya sa gulat. Si Adrian, basang-basa sa u
POV: Stefanie Ang lamig ng conference room ay parang mismong tinig ni Adrian—tama ang air conditioning, pero sobra sa tindi ng presensya niya. Tahimik siyang nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang mesa, suot ang itim na suit na masyadong perpekto para sa isang taong kayang magsabi ng mga salitang kayang magwasak ng kaluluwa.Sa harap nila, nakalatag ang mga dokumento—ang opisyal na interpretasyon ng last will and testament ni Doña Beatriz. Sa bawat pahina, parang may tinig na bumubulong sa likod ng isip ni Stefanie: "Love built this empire, but pride will destroy it."“Miss Rivera,” sabi ng abogado habang inaayos ang salamin sa ilong. “Base sa huling habilin ni Doña, ang estate ay mananatiling shared ownership sa inyo ni Mr. Zubiri. Ngunit... kung kayo ay magpapakasal at magkakaroon ng lehitimong tagapagmana, magbabago ang hatian. Fifty-forty.”Tahimik si Stefanie. Parang biglang sumikip ang paligid. Ramdam niya ang pag-ikot ng tingin ng lahat sa mesa papunta sa kanya, para bang siya a