Share

Chapter 21

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-08-06 12:49:54

“Mira, tawag ka ni Boss,” saad sa akin ni William pagkalapit niya, may hawak-hawak pang tray na may lamang baso.

“Isang oras na lang naman ang extension mo, kaya ako na lang riyan. Iilan na lang naman ang customer,” dagdag pa niya habang pasimpleng tumingin sa wall clock.

Napatingin na rin ako sa paligid. Tatlo na lang ang mesa na may tao, halos tapos na rin silang lahat sa inumin nila. Medyo maaliwalas na rin sa loob, hindi na kasing ingay at gulo tulad kanina.

Hindi pa nga nag-iinit ang pagkakaupo ko sa upuan bilang kahera, ay mukhang iiwan ko na naman ang counter.

“Ano naman kaya ang kailangan niya?” tanong ko, may bahid ng inis at pagtataka. Napakibit-balikat lamang si William, saka ngumiti na parang may alam pero piniling hindi magsalita.

Napatayo na lamang ako at muling ipinagkatiwala ang kaha sa kanya. Inabot ko pa ang ballpen at maliit na notepad na ginagamit ko panglista ng mga bayad sa card.

Mag-isa kong binagtas ang hagdan papuntang second floor, panay ang hikab ko. K
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 23

    **Vaughn** I smell a very feminine perfume. Hindi ko maiwasang singhutin pa iyon habang ramdam ko ang isang malambot ngunit mainit na bagay na nakadikit sa noo ko. Medyo nangunot ang noo ko dahil humihinga ang bagay na ito. Mabilis kong iminulat ang mga mata at bahagyang napaatras. Ilang segundong nakatuon ang mga mata ko sa bare boobs na nasa harapan ko. Bahagyang napaawang ang labi ko at, noong pagtaas ko ng tingin, si Mira pala. Mahimbing siyang natutulog, nakadantay ang isang hita sa tagiliran ko, nakapatong ang isang kamay sa leeg ko, habang bungad na bungad sa akin ang nakaluwa niyang dibdib mula sa uniform niyang napigtas ang mga butones. Wala akong maalala kung paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon. May nangyari ba sa amin? Bumaba ang tingin ko at marahan kong kinapa ang palda niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Mukhang wala namang nangyari sa amin dahil nakasuot pa rin siya ng panloob at ako naman ay nakasinturon pa rin. Gumalaw siya at balak niya sana akong yakapin,

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 22

    Palihim kong naibaling ang mga mata ko sa pintuan. Gusto ko nang umalis. Kaya naisipan kong ihakbang ang isang paa ko, pero bigla na lang kumalawit ang braso niya sa baywang ko at malakas niya akong hinila palapit sa katawan niya. Muli akong napasinghap sa sunod niyang ginawa. Kinagat niya lang naman ang balikat ko kaya napalo ko siya agad sa likuran. “Hoii! Tangína ka! Ang sakit!” reklamo ko habang pinaggigilan niya ang balat ko, para bang sinasadya niyang asarin ako. Pinagpapalo ko ang likod niya para patigilin siya. No’ng huminto siya, agad ko siyang itinulak palayo nang malakas. Pero muli akong napamura dahil no’ng na-out of balance siya, mabilis niyang hinablot ang damit ko. Sa sobrang lakas pagkakakapit niya at ang bigat pa niya, napigtas ang butones ng uniporme ko. Nadala ako sa bigat niya, at pareho kaming natumba sa sahig. He groaned because of the pain, samantalang ako naman ay nasa ibabaw niya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil lumapat lang naman ang mga labi ko sa labi n

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 21

    “Mira, tawag ka ni Boss,” saad sa akin ni William pagkalapit niya, may hawak-hawak pang tray na may lamang baso. “Isang oras na lang naman ang extension mo, kaya ako na lang riyan. Iilan na lang naman ang customer,” dagdag pa niya habang pasimpleng tumingin sa wall clock. Napatingin na rin ako sa paligid. Tatlo na lang ang mesa na may tao, halos tapos na rin silang lahat sa inumin nila. Medyo maaliwalas na rin sa loob, hindi na kasing ingay at gulo tulad kanina. Hindi pa nga nag-iinit ang pagkakaupo ko sa upuan bilang kahera, ay mukhang iiwan ko na naman ang counter. “Ano naman kaya ang kailangan niya?” tanong ko, may bahid ng inis at pagtataka. Napakibit-balikat lamang si William, saka ngumiti na parang may alam pero piniling hindi magsalita. Napatayo na lamang ako at muling ipinagkatiwala ang kaha sa kanya. Inabot ko pa ang ballpen at maliit na notepad na ginagamit ko panglista ng mga bayad sa card. Mag-isa kong binagtas ang hagdan papuntang second floor, panay ang hikab ko. K

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 20 (SPG)

    “Extend ka raw,” ani William sa akin. “H-Huh?” tanong ko sa kanya. “Sabi ni Boss, extend ka raw ng 2 hours. Hindi pumayag si Lyca mag-extend kaya ikaw nalang,” paliwanag niya. Medyo lutang na kasi ako dahil inaantok na talaga ako. Napasilip ako sa wristwatch ko. It was 10:30 PM. Excited pa naman akong umuwi, tapos i-e-extend pala ako ng 2 hours. Ano ba 'yan. “Ok,” pagsang-ayon ko na lang, napipilitan. “Punta ka muna sa kitchen para magkape. Alam kong inaantok ka na. Ako na muna bahala sa kaha. Hindi naman na masyadong maraming customer,” saad niya sa akin. Napatango na lang ako at tumayo para tumungo sa kitchen at magtimpla ng kape. Pinagtimpla ko na rin si William. Pagbalik ko, wala siya sa kaha. Inilibot ko ang mga mata para hanapin siya pero hindi ko siya mahagilap. “Is that for me?” isang baritonong boses ang nagpasinghap sa akin. Nasa likuran ko na pala siya, si Vaughn. Kaya pala nawala siya sa pwesto niya kanina. Balak ko sanang harapin siya pero mabilis niyang hinapit a

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 19

    “Oh, nandito ka pa?” saad ni Yen, katrabaho ko, noong naabutan niya akong abala sa pagpupunas ng mesa at pag-aayos ng mga upuan sa restaurant na pinapasukan ko. “Hindi ka pa sisante?” Natigilan naman ako at napalingon sa kanya. “Nakikita mo naman ang suot ko, ’di ba? Malamang hindi pa,” pabalang na saad ko bago ko siya nilagpasan at nagtungo sa kabilang mesa. “Naks naman. Ang lakas ng kapit mo. May relasyon siguro kayo ni Manager, no?” Nairolyo ko ang mga mata ko dahil sa yamot habang nakatalikod sa kanya. Ayan na naman siya. Ipipilit na naman niya na may kapit ako at may relasyon sa manager namin. Hindi niya kasi alam ang schedule ko kaya nasasabi niya na madalas akong umabsent. Pumapasok lang ako rito three times a week (MWF), 9 AM–5 PM bilang service crew. 6:30 PM–10:30 PM naman ako sa isang night bar bilang cashier. Tuwing Tuesday and Thursday, 8 AM–10 AM, nagtututor ako ng Math subject. Sideline ko rin ang pagiging waitress sa catering service ni Tiya Nadia. At pumapasok di

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 18

    Napapailing si Ate Bell pagkatapos niyang sabihin iyon. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, puno ng panghuhusga pero hindi galit, kundi pagod. Para bang isang bagay na paulit-ulit niyang nasaksihan hanggang sa tuluyang nawala na ang anumang pag-asa. “Gusto nila ng alipin, hindi partner. Isang babaeng susunod sa lahat ng utos nila—maglilinis, magluluto, magpapagamit, tatanggapin lahat ng magpapasaya sa kanila. Kahit mag-cheat sila, kahit ituring kang basura, gusto nila sila pa rin ang nasusunod,” tuloy niya sa isang malalim na tono at napahinto siya saglit. Hinayaan ko siyang magpatuloy dahil gusto kong makinig sa saloobin niya. Gusto ko siyang maintindihan. “Iyan lang ang tingin nila sa atin, Mira. Ikaw... ‘yan lang ang kaya mong ihandog—ang katawan mo,” nakatitig niyang saad sa akin. Parang sinasabi ng mga mata niya na wala nang ibang halaga ang isang babae sa paningin ng mga lalaki, lampas sa laman. Na iyon lang ang nakikita ng mga lalaking tinutukoy niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status