เข้าสู่ระบบ
**MIRA**
Dala-dala ko ang anniversary cake na binili ko para sa unang anibersaryo namin ni Vaughn bilang magkasintahan habang tahimik kong binabagtas ang main hallway ng Crossban Hospital. Papunta ako sa opisina ng boyfriend ko dahil gusto ko siyang sorpresahin. Masaya ako sa mga sandaling iyon dahil, sa wakas, umabot kami ng isang taon, kahit pa sikreto lamang ang aming relasyon. Maituturing itong bawal na relasyon dahil tutol ang mga magulang ko sa kanya, lalo na sa pamilyang kinabibilangan niya. Matagal nang magkaaway ang Adore at Crossban. Hindi pa man ako ipinapanganak ay may alitan na ang mga pamilya namin. Ngunit hindi ko iyon pinansin dahil naniniwala akong wala naman kaming kinalaman sa pinagmulan ng galit nila sa isa’t isa. The family feud started with an old unrequited love story between Don Macontish Crossban—ang lolo ni Vaughn—at ang lola ko. At iyon ang naging ugat ng matinding hidwaan ng aming mga pamilya. Pagdating ko sa harap ng opisina niya, marahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. May narinig akong dalawang tinig na nag-uusap. Nakilala ko agad ang isa, si Dr. Saint Cameron, ang long-time boyfriend ng nakatatandang kapatid ni Vaughn na si Grace. “Mukhang seryoso ka na sa relasyon, Vaughn. Masayang-masaya ako na malaman na, sa wakas, nakita mo na rin ang the one mo,” ani Saint. Napatigil ako at pinigilan ang sarili na makagawa ng kahit anong ingay. Nagtatanghalian sila. Rinig ko ang tunog ng kubyertos na tumatama sa plato, kasabay ng mahinang musikang tumutugtog sa background. Ayaw kong gambalain ang seryoso nilang usapan kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko. Bukod doon, curious din ako sa magiging sagot ng boyfriend ko. “The one?” baritonong tanong ni Vaughn. Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “I didn’t treat her as the one, Saint.” Nanlamig ang buong katawan ko. “I’ve used many women for my schemes, but none of them ever held my attention beyond that. I find women boring. Ano bang maiaalok nila sa buhay ko? Sex? That’s not something I’m interested in,” diretsahan, malamig at walang emosyon niyang sabi. “Then why are you messing with her?” tanong ni Saint. “To shut down that ridiculous rumor that I’m gay. At para tigilan na ako ni Grandpa sa pagrereto ng mga anak ng kung sinu-sinong mayayamang pamilya na wala namang maiaalok sa akin. Wala nang ibang dahilan. Like the others… she’s nothing special. Mira is just average. I don’t have feelings for her. Not even a little.” Parang may humawak sa puso ko at mariing piniga iyon. So I’m just a cover girl? How nice. “But Grace told me you’re going to propose to her later,” giit pa ni Saint. “Yes. For convenience,” matabang niyang sagot. “She’s easy to manipulate. At nage-enjoy akong paglaruan siya.” Narinig ko pa ang mahina niyang tawa, puno ng panghahamak. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Namanhid ang buong katawan ko habang sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. It hurts. It hurts so damn much. “Loko ka talaga. Akala ko seryoso ka na sa kanya,” saad ni Saint, hindi makapaniwala. “That will never happen, Saint. Walang babaeng makakapagpaibig sa akin. As in wala.” Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang umalis. Isang taon. Isang taon niya akong pinaasa kahit wala pala siyang nararamdaman para sa akin. Nasa labas na ako ng ospital nang tumawag siya. Ilang beses akong napabuga ng hangin at pinilit pakalmahin ang sarili. Pinunasan ko ang mga luha ko at sinagot ang tawag. “Hello, babe? Where are you? May inihanda akong dinner for us sa Missouri Hotel. I am expecting you to come.” Napahigpit ang kapit ko sa tali ng anniversary cake. “Y-Yeah… I’m coming. It’s our first anniversary. Siyempre darating ako,” tugon ko, pilit pinasasaya ang boses. “Okay. Don’t be late.” Pagkababa niya ng tawag, napatitig ako sa screen ng phone ko. “You’re going to propose to me? Is that your plan, Vaughn? To marry me just to use me as your cover girl?” bulong ko. “Fine. Papayag ako sa wedding proposal mo. Pero hindi kita sisiputin sa araw ng kasal natin.” ★★★ **VAUGHN** One Month Later, Wedding Day... “Boss, three hours na po tayong naghihintay dito. Sigurado po ba kayong darating siya?” tanong ni Rio, steady ang boses pero ramdam ko ang pag-aalinlangan. Napasilip ako sa suot kong relo. Every second was expensive, and I just wasted one hundred eighty minutes of it waiting for a woman who clearly had no intention of showing up. “I don’t wait,” malamig kong sagot. “I allow people the privilege of not disappointing me.” Pero malinaw ang katotohanan na, I was waiting for her. Biglang nag-vibrate ang phone ko. Si Grace. “Hello, Vaughn? Nariyan na ba si Mira?” diretso niyang tanong pagkasagot ko. “Wala,” maikli kong tugon. Tahimik siya sandali bago muling nagsalita. “Mukhang totoo nga ang nakita ko. Akala ko edited lang.” Napakuyom ang panga ko. “What are you talking about, Grace?” “Open your I*******m. Search Vogue Macabre, and then try to check his latest post. Nandoon si Mira.” Hindi na ako nagpaalam nang maayos. Binaba ko ang tawag at agad kong binuksan ang account ko. Isang search lang, lumitaw agad ang pangalan niya. Vogue Macabre. That spoiled, reckless underdog na kilala lang dahil sa apelyido niya. At doon ko nakita ang mga litratong hindi ko kailanman inasahang makikita sa araw ng kasal namin. Magkatabi sila. Nakapatong ang kamay ni Mira sa dibdib ni Vogue, habang nakayuko si Vogue at halos dumampi ang labi nito sa sentido ni Mira. Mira is in a relationship with Vogue for one month. One month? Huh. Ilang segundo akong nakatitig sa screen habang unti-unting umiinit ang dugo ko. So... while I was overseeing the wedding venue, planning a discreet ceremony away from the media, and handling the legal transfers and prenup clauses, she was already in another man’s bed. She cheated on me for a month. Mas humigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Ang init sa dibdib at ang bigat sa lalamunan. Hindi ito selos. I don’t get jealous. Never. “She chose him?” bulong ko sa mababa at kontroladong galit. “She chose a nobody.” “Tch. Stupid girl,” mahinahon kong sambit. “She chose someone na wala pang napatunayan. A playboy living off family scraps. She traded a billionaire surgeon who built empires for a spoiled brat with a last name.” Hindi niya alam kung sino ang binangga niya. Agad kong tinawagan si Fabio. “Fabio.” “Yes, boss.” “Call Rodriguez. I want all my shares pulled out from Adore Company. Liquidate everything. Today.” Sandaling katahimikan bago siya sumagot. “All of it, sir?” “All of it,” mariin kong ulit. “And listen carefully. Contact our partner banks. Freeze negotiations. Any investor na nagpaplanong pumasok sa kompanya nila, block them. Offer them better terms under Crossban Business Holdings. If they refuse, remind them who controls this city.” Walang investor ang maglalakas-loob na kalabanin ako. Kung hindi sila susunod sa gusto ko, hindi sila makakapag-invest sa siyudad na ito. “I want Adore Company suffocated,” dugtong ko pa. “Cut off their funding lines. Delay their supply chains. Pull our logistics support. I want their stocks crashing before the week ends.” “Yes, boss. Masusunod.” Binaba ko ang tawag bago lumapit sa pari. “The wedding is cancelled,” matigas kong sabi, at hindi na nagbigay ng anumang paliwanag. Tumango lamang siya bilang tugon. Sayang lang preparations na ginawa ko. Sinayang niya lang ang lahat ng effort ko.Isang mabigat na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko sila tinalikuran, dala ang bigat ng lihim na unti-unting pumapatay sa akin.Sumunod naman sa akin si Crusher patungong sala kaya hinarap ko siya upang kausapin nang masinsinan.“Ilista mo na lahat ng gusto mong ipabili para wala kang makalimutan. I know Vaughn's attitude, kapag sinabi niyang ibibigay niya, talagang tutuparin niya iyon,” payo ko sa kanya.Napailing naman si Crusher nang marinig ang sinabi ko.“Hindi ko naman kailangan ng mga hindi importanteng gamit. At saka iniisip ko rin na baka may kapalit lahat ng iwawaldas niyang pera sa atin. Baka ikaw pa ang mahirapan kapag siningil ka niya balang araw,” ani Crusher sa mahinang tinig.I just patted his head, proud sa ganitong pag-iisip niya.“Kapag yumaman na ako—yung yaman na pinaghirapan ko talaga—ikaw ang una kong ililibre. Bibilhin ko ang lahat ng gusto mo. Promise,” pangako ko sa kanya habang nakangiti.Ngumiti naman siya nang matamis bilang tugon.Inilabas ko a
“Balak kong bumili ng apartment na malayo sa lugar na ito. This place isn’t safe for you anymore,” pang-iiba ko ng paksa.“Magkano bang pera ang ibinigay ni Vaughn sa iyo?” usisa ni Ate Belle, bakas sa kanyang boses ang interes na malaman kung magkano ang perang nasa akin.“Apartment lang ba ang kaya niyang ibigay? Ang yaman-yaman niya, tapos apartment lang ang kaya niyang ilaan para sa amin?” sabad naman ni Hansoni na may halong panghahamak ang kanyang tono.“Ako ang nagdesisyon na sa apartment lang muna kayo titira,” sagot ko naman; isang pahayag na agad na nagpaarko sa kilay ni Ate Belle.“Oh? So may opsyon pala kung sa apartment kami o hindi, pero dahil napakamakasarili mo, mas pinili mong sa apartment na lang kami patirahin,” asik niya sa akin. Ang bawat salita niya ay tila may lason.“Nangutang lang ako ng pera sa kanya para may ipambili ng matitirhan ninyo. Actually, he doesn’t even know that the money I borrowed will be used for you,” pag-amin ko sa kanila.“Punyeta ka talaga,
“Good job, Gael. You shot those traitors with impressive precision,” puri niya habang may kinakausap sa kanyang earpiece. Lumakad siya palayo na parang walang nangyaring madugong engkwentro.At ako? Natulala ako sa aking kinaroroonan, hindi makagalaw habang nanunuot ang lamig sa aking mga buto. I saw the real face of Giovanni Valenti, the notorious mafia prince of disguise. Ibig sabihin ba nito ay kamatayan din ang naghihintay sa akin?Tuluyan akong nalugmok sa lupa, hindi makapaniwala sa katotohanang sumampal sa aking mukha.Si Vaughn... ang lalaking pinakasalan ko ay walang iba kundi si Giovanni Valenti. Siya ang taong kayang magpalit-palit ng pagkatao para lamang itago ang kanyang madilim at madugong buhay.“I... I married one of the most notorious mafia bosses. I am going to die soon after seeing Giovanni’s real face,” halos walang boses na bulong ko sa hangin.Nanatili akong tulala, nawalan ng lakas na tumayo dahil sa tindi ng pagkabigla at takot na baka sa susunod na pagkakataon
“Anong tinitingin-tingin ninyo?!” hiyaw niya sa mga taong nanonood sa aming eksena noong malapit na siya sa pintuan. Agad na napaatras ang iba habang ang ilan ay mabilis na nag-iwas ng tingin sa takot na madamay sa nagngangalit niyang emosyon.Nang tuluyan na siyang makalabas ng food court, nanginginig ang aking mga daliri habang pilit na dinadial ang numero ni Vaughn. Hindi ko maiwasang labis na mag-alala para sa aking kapatid kaya kailangan ko ang tulong ni Vaughn upang mahanap si Hansoni bago pa maging huli ang lahat.Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana noon ko pa naisip na ilipat sila sa isang mas ligtas na tirahan, hindi sana mangyayari ang trahedyang ito, kaya naman nararapat lamang na gumawa ako ng paraan para mahanap siya sa lalong madaling panahon.Inis akong napamura dahil hindi ko ma-contact ang aking asawa. Kung kailan may napakaimportanteng balita akong kailangang sabihin sa kanya, doon pa siya hindi ma-contact.Pagkalabas ko ng pharmacy ay agad akong pumara ng taxi,
Pagkatapos ng aming lakad sa ospital ay inihatid ako ni Vaughn sa harap ng Crossban Pharmacy. Napatayo ako sa gilid ng kalsada habang nasa loob siya ng kanyang luxury van. Pilit akong ngumiti at kumaway sa kanya. Isang malamig na tingin lamang ang isinagot niya sa akin bago tuluyang sumara ang salamin ng sasakyan at mabilis itong lumarga palayo.Tumuloy na ako sa pagpasok sa napakalaking gusali ng pharmacy. Habang binabagtas ko ang hallway patungo sa lugar kung saan naroroon ang aking kapatid ay nag-text ako sa kanya para ipaalam na naririto na ako. Kaagad naman siyang nag-reply at sinabing sa food court na lamang kami magkita, kaya agad akong lumiko at nagtungo sa nasabing lugar.Nag-order ako ng maiinom at hinintay ang pagdating ni Ate Belle.“Siya ba iyon? Ang asawa ni Doctor Vaughn?” bulong ng isang babae na dinig na dinig ko naman dahil kakaunti lamang ang tao sa loob ng food court.“Oo, siya nga iyon. Maganda rin naman pala siya sa personal,” ani naman ng isa pa.“Pero kapatid s
Maaga akong nagising kinaumagahan habang si Vaughn naman ay mahimbing pa rin ang tulog sa aking tabi. Nakabaluktot siya at walang anumang saplot sa katawan, tanging ang makapal na kumot lamang ang bahagyang tumatakip sa kanyang págkalalaki at sa bawat kurbada ng kanyang matipunong pangangatawan.Hindi kami natuloy sa aming plano kahapon na magtungo sa ospital para sa isang pekeng prenatal check-up, kaya ngayong araw namin ito kailangang gawin. Isa pa, nag-request din si Don Macintosh na ipakita sa kanya ang ultrasound scan bilang patunay na buntis nga talaga ako. “Vaughn,” tawag ko sa kanya habang marahan siyang inalog sa balikat. Mahina lamang siyang napaungol at mas isinubsob ang mukha sa unan, nananatili siya sa kanyang posisyon at tila walang balak bumangon.“Gising na. May lakad pa tayo ngayon. Sabi mo ay pupunta tayo nang maaga sa hospital dahil marami kang aasikasuhin ngayong araw. It’s already 8:50 AM pero ayaw mo pa ring bumangon,” reklamo ko bago ko siya muling inalog nang







