Mag-log inMaraming-maraming salamat sa pagbabasa ng kwento nina Vaughn at Mira. Masaya akong malaman na may mga nagpatuloy na sumubaybay sa kuwento nila (mga bidang mahilig mag-away HAHAHA) kahit hindi naging consistent ang pag-uupdate ko. Unang-una sa lahat, wala akong mataas na expectation para sa librong ito—may magbasa man o wala, may magsabi mang maganda o hindi, buong puso ko itong tinatanggap. Isa ako sa mga author na bukas sa lahat ng komento at kritisismo, kaya sana huwag ninyong kalimutang mag-rate o mag-iwan ng komento, kahit maikling salita lang, dahil lubos ko itong ikatutuwa. ‘Yan lang… thank you ulit! 💕✨
MIRA “Ma'am Mira, ito na po ang pinapahanap po ninyo,” ani Daisy pagkapasok niya ng opisina ko, bitbit ang ilang makakapal na folder na naglalaman ng confidential documents. Naibaba ko ang hawak kong sign pen at inayos ang mesa. Medyo makalat ang ibabaw nito dahil sa dami ng mga papeles na ni-review ko. Mga project proposal ang pinagkakaabalahan kong basahin this week, kung dapat ba itong i-approve o i-turn down. Maingat niyang inilapag iyon sa mesa. “Thank you, Daisy,” masaya kong pasalamat sa kanya. Nakangiti rin siya sa akin. “Ano pong cravings n'yo today, Ma'am? Si Allen kasi, lalabas raw siya ng building para bumili ng makakain. Magpasabay na po kayo,” aniya. Napaisip naman ako. “Hmm... sabihin mo na lang kay Allen kung anong gusto niyang bilhin, iyon na rin ang akin.” Napatango naman siya. “Basta huwag lang iyong pagkain na makakasama sa baby ko,” tuloy ko. I am now 8 months pregnant pero heto, pumapasok pa rin sa trabaho. Ayaw nga ni Vaughn na magtrabaho pa ako
THREE MONTHS LATER...MIRATatlong buwan ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa plaza. Tatlong buwan ng paghilom, pagbangon, at pagtatanim ng bagong pundasyon para sa aming pamilya.Ngayon, narito kami sa Grand Cameron Hotel kung saan ginaganap ang aming pag-iisang dibdib ni Vaughn. Sa dulo ng aisle, nakatayo ang lalaking nagturo sa akin na kahit sa pinakamadilim na mundo ay may puwang pa rin para sa liwanag.Marahan kong binagtas ang pasilyo habang tumutugtog ang wedding march, hawak ang bouquet habang nakatuon lamang ang aking mga mata sa kaniya.Si Vaughn ay nakasuot ng puting groom’s suit na lalong nagbigay-diin sa kaniyang presensiya. Naka-half man bun hairstyle siya na mas lalong nagdagdag ng kaniyang karisma. Nakasilay sa kaniyang mga labi ang isang maliwanag at payapang ngiti habang hinihintay akong makalapit sa kaniya.“You are so beautiful, baby...” marahan niyang puri nang sa wakas ay magtagpo ang aming mga mata.Inialay niya ang kaniyang kamay sa akin at marahan akong na
VAUGHN“Gusto ko lang siguraduhin kung patay na nga talaga sina Gallagner at Sylvette,” alibi ko na lang at lumakad na palayo sa kanila.Malapit na ako sa gitna ng plaza nang mapahinto ako dahil sa boses na tumawag sa akin.“Vaughn!” Hindi ko siya nilingon.I gave her a lot of pain. At ayaw ko nang dagdagan pa ang sakit na naranasan niya.Tumulo ang mga luha ko habang tulalang nakatingin sa kawalan.‘Gusto kong magkaroon ng masayang pamilya kasama siya. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay pero paano ko magagawa iyon? Masyadong delikado ang daan na tinatahak ko. Napatay ko man ang mga kalaban ko ngayon—hindi naman mawawala ang mga panibagong makakalaban ko in the near future.’‘Her family suffered a lot because of me. She suffered a lot because of me. At ayaw ko nang iparanas sa kanya iyon ulit. Ang dami-dami ko nang trauma na ibinigay sa kaniya. Ayaw ko nang dagdagan pa.’“Vaughn...” usal niya noong tuluyan na siyang yumakap sa akin mula sa likuran habang ang mga luha ko ay
VAUGHNNapahawak ako sa kaliwa kong braso. Nang mapansin iyon ni Tiara, mabilis siyang lumapit sa pinagtataguan ko. Walang pagdadalawang-isip niya iyong tinalian ng puting tela.“Daplis lang ito,” alma ko sa ginawa niya. “Si Vernon, siya ang may tama sa tiyan. Siya dapat ang una mong nilapitan,” tuloy ko at napasilip kay Vernon na nakahawak sa kanyang tagiliran.“Ayos lang ako! Daplis lang din ito,” aniya.Pagkatapos maayos ni Tiara na itali ang tela, saka pa lamang siya nagsalita.“Naroroon sa armored van si Mira. She is safe. Kami na ang bahala rito. Puntahan mo na siya,” aniya sa akin.“M-May tama ba siya? May s-sugat ba siyang natamo?” nanginginig na tanong ko.“Hindi ko na-check. Ikaw na lang ang pumunta roon para kamustahin siya.” Balak niya na sana akong iwan pero pinigilan ko siya.“Nakita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi sa akin. Paano kung... paano kung saksakin niya ako?” kabadong saad ko.“Ako ang nagdala sa kanya sa magulo kong mundo. Mula noon, trauma na lang ang inabot
MIRANaitutok ko ang mga mata ko kay Sylvette, at ganoon rin siya sa akin. Ibang-iba na ang postura niya ngayon. Nangayayat na siya at may eye patch ang isa niyang mata. Ang dati niyang makinis na kutis ay nagkaroon na ng malalaking peklat. Kitang-kita ko ang mga iyon dahil nakasuot lamang siya ng itim na spaghetti sando at cargo pants.Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Isang maigting na tingin ang ipinako ko sa kanya, pero mahina lamang siyang natawa at itinutok ang tingin sa unahan.Natigilan ako nang mapatingin ako sa unahan.I saw Vaughn.Nakatanaw rin siya sa amin. Katulad namin ni Sylvette, nakagapos rin ang kanyang mga kamay. Napansin ko ang mantsa ng dugo sa suot niyang light blue shirt. Magulo ang buhok niya at halatang binugbog base sa itsura niya ngayon.Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Isang simpleng plaza ang kinaroroonan namin pero para itong war zone dahil sa dami ng armadong tauhang nakapalibot sa paligid. Parehong maraming tauhan sa magkabilang panig.Hu
**MIRA** Kitang-kita ko kung paano tumitig si Caroline sa akin habang magkalapat ang mga labi nila ni Vaughn. Ang titig niya ay puno ng hamon, at ang marahang paghaplos ng kanyang kamay sa matipunong dibdib ni Vaughn ay malinaw na anyo ng pagmamay-ari. Para bang sinasadya niyang ipamukha sa akin n
**VAUGHN** “Sa lahat ng mga sinungaling na tao sa mundo, ikaw ang pinaka-sinungaling,” puno ng hinanakit kong bulong habang mahigpit na hawak ang picture frame ng aking ina. Nakaupo ako sa sofa, suot ang isang puting silk robe, sa loob ng malawak at malamig kong kwarto. Tahimik ang paligid, nguni
**VAUGHN** “Here comes the woman-hater,” bulong ni Zachary noong pumasok ako sa meeting hall. Dahil sa sinabi niyang iyon, kusang napalingon sa direksyon ko ang lahat ng naroon. Masyadong tahimik ang loob ng hall kaya kahit pabulong lang ang pagkakasabi niya ay malinaw ko pa ring narinig ang bawat
**MIRA** Naisipan niyang itiklop ang mga hita ko. “Go back to your seat,” utos niya sa akin sa halos pabulong na boses. Ilang beses akong napasinghap at marahan na umalis sa kanyang kandungan. Inayos ko muna ang suot ko bago ako tuluyang bumalik sa upuan ko kanina. Pagkaupo ko ay hindi ko pa ri







