Share

IV

Thou shall not covet thy neighbor's husband eventhough you have history with him.

Kinurot ni Jules ang sarili. She knew she was only here because of a job. Because she needed money for her Mamay's treatment and not for anything else. Ngunit sadyang napakalaking tukso ni Jacob Alexander Mitchell. Para ba siyang kumuha ng isang malaking bato para ipukpok sa sarili niyang ulo. But come to think of it, mabuti na sigurong mapukpok ng bato sa ulo kaysa maging p****k.

Isang bagay na minsan nang sumagi sa isip niya dahil sa sobrang kagipitan.

Palihim na sinulyapan niya si Jake. He seemed relax while driving along the south express way. He was wearing a simple gray v-neck sweatshirt and some jeans na akala mo hindi ito isang multi millionaire. But he looks expensive as it is. Sa kanang kamay nito nakasuot ang isang kulay gintong Rolex. Napangiti si Jules. Hindi parin talaga ito nagbabago. He still wears his watch on his right wrist which is so weird. Ang dahilan ni Jake ay nakasanayan na raw niya ito mula pagkabata. It was a habit he couldn't seem to get rid of.

Sadyang may mga bagay siguro na hindi na magbabago.

Kagaya na lang ng pag-ubos ni Jake sa tinimpla niyang kape.

Ayaw na sana bigyan ng malisya ni Julianna iyon ngunit nang marinig niya ang sinabi ng asawa nito na never nakaubos ng kape si Jake ay may kung anong umahon sa dibdib niya. Pag-asa? Pag-asa na ano? Na manunumbalik ang samahan nila noon ng ex-fiance' niya?

She's gone mad.

Sa sobrang gutom siguro niya kaya kung anu ano na lang ang pumapasok sa utak niya.

Una sa lahat, kasal na si Jake. Pangalawa, hindi na siya ang dating Jules na nakilala nito. She's ugly, poor and miserable. Pangatlo, sa tingin ba talaga niya ay kaya siyang patawarin ni Jake sa ginawa niya? Hindi naman porket binigyan siya nito ng trabaho ay ibig sabihin pinatawad na siya nito. Jake's not dumb. However, she is, for thinking that things could go back to the way they were.

Sa sobrang kaiisip ni Julianna ay lalo siyang nagutom. Hindi sapat ang isang muffin para tumagal hanggang sa makarating sila sa kung saang lupalop siya dadalhin ni Jake. Kung sana ay maisipan nitong mag-stop over para makabili siya maski tubig man lang. Dahil talagang wala siyang ibang mabibili sa pera niya sa wallet kundi mineral water lang. Napakagat labi siya nang kumalam ang sikmura niya nang sobrang lakas!

Damn! Ramdam niya ang paggapang ng init sa pisngi niya. Sana naman ay hindi narinig ni Jake yon! Kundi ay sobrang nakakahiya!

Muli ay palihim niya itong sinulyapan. It doesn't seem like he heard it. Or kung narinig man nito iyon ay tila wala naman itong pakialam dahil patuloy lang ito sa tahimik na pagmamaneho.

Kagat labi na pinakiramdaman niya ang sarili. She's really starving. Siguro kung nasa labas siya at hindi komportableng nakaupo sa de aircon na sasakyan nito ay baka nahimatay na siya. She felt another pang of hunger. Alam niyang tutunog nanaman ang kanyang tiyan kaya inunahan na niya ito. "Can we play some music?"

Nagulat yata si Jake sa biglaan niyang pagsasalita dahil bahagya itong napapitlag.

"Sure."

Mabilis niyang inabot ang sound system ng sasakyan. She didn't know where to press. Masyadong high-tech ang interior ng sasakyan ni Jake and she didn't know how to operate things. Her fingers hovered over the stereo unsure of what to do. Baka mamaya ay iba ang mapindot niya.

Noon naman naisipang makialam nung isa. Seryosong pinindot lamang nito ang isang buton at pumailanlang na ang isang classical na pyesa. Mula pa noon ay mahilig na si Jake sa mga ganitong tugtugin. She could remember him saying that this kind of music calms him. He still have the same taste as before.

But damn! Hindi niyon matatabunan ang tunog ng tiyan niya kung sakali. "Can we choose a more upbeat song? N-nakakaantok kasi."

Jake's lips pressed together as he indulged her. Mukhang nairita pa ito sa dami ng request niya.

Pinilit na lamang niya magconcentrate sa tugtog kaysa sa kumakalam na sikmura niya. Awang awa sa sarili niya si Julianna pero alam niyang karma na rin siguro kaya ito nangyari sa kanya.

Hindi pa natatapos ang isang kanta ay sumapit sila sa isang stop over. Ayaw sana magpahalata pero hindi na niya napigilan ang mabilis na lakad papunta sa isang convenience store upang bumili ng maiinom at kaunting makakain. Ni hindi nga niya nilingon kung saan pumunta si Jake. She just needed some food before she went hypoglycemic.

Nagkasya naman ang pera niya para sa isang biscuit at mineral water mula sa convenience store sa tapat ng gasolinahan. Naupo siya sa sidewalk habang hinihintay si Jake kung saan man ito nagpunta habang inuunti unti ang natira sa tubig niya.

Wala pa yatang dalawang minuto ay nakatanggap siya ng tawag mula rito at sinabing tagpuin niya ito sa isang restawran. Tanaw naman niya ang sinabi nitong lugar kaya agad siyang tumayo upang pumunta doon. Kahit pa maraming tao sa stop-over ay hindi gaanong matao sa loob ng restau. High end kasi at pihadong mahal ang pagkain dito. Iginala niya ang mga mata upang hanapin si Jake. She couldn't see him.

Iginiya siya ng isang waiter sa isang hapag at walang nagawa na nagpatianod na lamang siya rito. Once she was settled at the table she texted Jake.

"Nasaan ka?"

Bago pa dumating ang sagot ni Jake ay dumating ang dalawang waiter na may dalang pagkain. At hinain iyon sa mesa niya.

"Uhm, wala po akong inorder, may hinihintay lang ako," protesta niya. Wala naman akong pambayad dito!

Hindi naman siya pinansin ng mga waiter at patuloy lang na hinain ang mga pagkain sa kabila ng pagpoprotesta niya. Nang matapos ang mga ito ay nanatili lang siyang nakatitig sa hapag, walang kakilos kilos. Her stomach started growling again. Hindi talaga sapat ang biscuit para maibsan ang gutom niya dahil pasado alas dose na ng tanghali.

Nasaan na ba kasi si Jake?

Balisang balisa si Julianna. Pakiramdam niya ay anumang minuto ay darating ang may-ari ng pagkain at paalisin siya sa mesa. Patayo na sana siya upang lumipat sa ibang bakanteng upuan nang dumating si Jake.

"Eat up,"

Halos mapalundag siya sa gulat nang bigla itong magsalita sa likuran niya. "Jake! I mean, Mr. Mitchell!"

Kumunot ang noo nito sa inakto niya. He took a seat in front of her and started to casually eat.

"Wala akong p-pambayad," mahinang pag amin niya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Jake. Nasaan na ang pinagmamalaki niyang pride ngayon? Inis na inis siya sa sarili niya. Paano ba siya nalugmok nang ganito? How did she sink this low, to the point that she couldn't even buy herself some lunch?

"Hindi kita sinisingil, Julianna. Shut up and eat."

Siguro nama ay dapat na niyang ibaba ang pride niya. Una sa lahat ay wala naman siyang mapapala doon. Hindi malalamnan noon ang kumakalam niyang sikmura. Hindi noon mapapagamot si Mamay. Huminga ng malalim si Jules. Nasimulan na rin lang naman niya sa paglapit sa lalaking iniwan niya sa altar, siguro ay dapat na lubus lubusin niya ang kakapalan ng mukha.

She picked up the utensils and started eating. Tahimik lang din si Jake. Gusto sana niyang mag usisa rito tungkol sa proyektong sinasabi nito ngunit hindi niya magawa. Kinakabahan din naman siyang magtanong dahil baka tama ang hinala niya. Sana hindi.

Nang matapos sila kumain ay saglit na nagstay muna sila sa resturant. Magkaharap. Walang imikan. It was so fucking awkward. Pero parang sa parte lang naman niya. Dahil tila wala naman pakialam si Jake na gumamit ng telepono nito. He made some calls, discussing things she knows nothing about. Habang siya naman ay palihim lang na minamasdan ito.

Ang laki ng pinagbago ni Jake. Gone were the youthfulness of his face. Nawala na ang kaunting bilog sa mukha nito noong beinte singko anyos pa lamang ito. His jaws were sharper now, dusted with a shadow of unshaven hair. But it didn't make him look unkempt. Bagkus ay nakadagdag lamang iyon sa pagka manly nito. Lalo na siguro kung makikita niya ang famous smirk ng ex niya. Jules inwardly sighed. That was the smirk that made her fall in love with him. It was also the same damn smirk that made her say yes when he proposed. She wondered if it would be as irresistable as it was before. Or would it be deadly now?

"Are you positive he's there?" narinig niyang sabi ni Jake. Naghintay ito ng sagot ng kausap. "Ayoko mag aksaya ng oras, Frank, mahaba ang byahe."

Tumango tango lang ito sa sunod na sinabi ng kausap. Napahiya pa siya nang bigla itong tumingin sa kanya at mahuli siya nitong nakatitig rito. Mabilis na nagbaba siya ng tingin at pilit na itinago ang pamumula ng mukha. Matapos ang usapan nito at ng kausap ay nagyaya na itong bumalik sa sasakyan.

Muli ay pinagpatuloy nila ang byahe nang walang imikan. Nasa bungad na sila ng Batangas nang makaramdam ng antok si Julianna. Siguro marahil sa kabusugan ay hindi na niya napigilan ang mapapikit.

Nakahinto na ang sasakyan nang magmulat siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatingin lang sa kanya si Jake at tila wala man lang balak na gisingin siya.

"Sorry! Sorry nakatulog ako, andito na ba tayo?" pasimpleng inayos niya ang sarili niya. Nawalan siya ng oras para pagmasdan ang kapaligiran niya dahil sa pagkapahiya. "Bakit naman hindi mo ako ginising?"

"Alam kong pagod ka," ang simpleng isinagot ni Jake.

Walang bahid ng pagkapahiya na nahuli niya itong nakatitig sa kanya. What was he thinking anyway? Siguro pinagiisipan nito kung sasakalin ba siya habang natutulog.

Walang salita na bumaba na ito ng sasakyan at dali dali naman siyang sumunod. Dumiretso si Jake sa likuran ng sasakyan nito upang i-unload ang mga gamit nila. Nakita naman niyang sumunod ang ilang unipormadong lalaki dito upang tulungan ito sa mabibigat na bag na dala nila.

Sinamantala niya iyon upang igala ang mata sa paligid.

Where are we?

Isa iyong magarang resort. Lumampas na sila sa pinaka arko ng resort kaya hindi niya alam kung anong tawag sa lugar. Tingin niya ay wala pa namang limang taon ang lugar. Bagong bago ang pintura ng mga bakod. Habang umiikot ang mata sa paligid ay sumunod siya kila Jake. Dala na ng mga lalaki ang mga gamit nila habang si Jake ay isang itim na bag na ang hula niya ay laptop ang laman ang dala. Sinubukan niyang kunin iyon dito at ito naman ay kinunutan siya ng noo.

"A-ano.." baka nga naman importanteng bagay ang laman noon at ayaw nitong ipahawak sa iba. "Sorry. Gusto ko lang naman makatulong."

"You're my secretary. Hindi kita alila." dumiretso lang ito ng lakad matapos sabihin iyon.

Ngumuso si Jules. Malay ba niya kung anong magiging role niya sa project na ito ni Jake? Mukha pa namang sanay ito na laging may nakaalalay. Padarag na sumunod na lang siya rito. Nakita niyang binati ito ng mga tauhan sa resort. Mabilis na tumango lang si Jake saka dumiretso sa reception siya naman ay nakasunod parin dito. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng mga tauhan ng resort.

"Welcome to Villa Julianna!" masiglang bati ng mga ito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Were they expecting us? Ang weird naman na alam ng mga ito ang pangalan niya. "Uhm, thank you?"

Gulong gulo parin siya habang naglalakad palapit kay Jake. Nasa akto nang inaabutan ito ng susi ng receptionist nang makalapit siya.

He handed her one key.

"Let's go," he said curtly. He didn't even give her a chance na umabot sa reception. Basta na lang ito tumalikod at dumiretso sa isang hallway na marahil ang daan papunta sa kwarto nila.

She curled her lips at him. Why is he being so grumpy and rude all of a sudden? Para naman itong hindi nakakain.

Wala man lang naganap na briefing sa pagitan nila. Jules didn't know if this is where their project is or this is simply the place they're staying. Nothing. Walang anuman na sinabi si Jake sa kanya. Anong project ba talaga ito? What was the goal? Ang dating tuloy sa kanya ay tinatago nito ang tunay na dahilan kung bakit siya nito dinala rito sa Batangas.

Naghihintay na sa pinto ng kwarto nila ang mga gamit nila. Her room was just beside Jake's. He didn't utter a word to her and just entered his room. Umikot ang mata niya. What's eating that man?

Pati tuloy mood niya ay nadadamay sa kasungitan nito. Inis ba ito na kailangan nitong gumastos para sa pagkain niya? O dahil nakatulog siya sa byahe? Whatever! Siguro ay malapit na itong magandropause kaya moody.

Ipinasok niya ang susi at pinihit iyon. Pagpasok niya sa kwarto ay agad na nawala ang iritasyon niya kay Jake.

The place was beautiful!

Mabilis na tinungo niya ang kama na nababalutan ng puting puting kobre at puti ring comforter. It was a canopy bed. May pakurtina pa ang bawat kanto nito. Sa kabilang panig ng kama ay ang sliding glass door kung saan sa labas ay tanaw mo ang beach at swimming pool sa labas.

Oh my god!

Bakit naman ganito kagarbo ang binigay na kwarto sa kanya ni Jake? Muli niyang tiningnan ang gamit na susi. Tama naman ba ang pinasukan niya? She went out and checked. Napanganga siya. Sobra naman ito? Hindi naman siya nandito para magbakasyon. She came here to work. Jake's going overboard.

Oh well, baka sadyang ganito tratuhin ni Jake ang mga empleyado ng JFM. What does she know? Big time na si Jake at baka may budget talagang inilaan para sa project nitong ito.

Mabilis na inunpack niya ang gamit, thinking na maaaring ipatawag siya ni Jake anytime. She hung her clothes in a small walk-in closet. Nagfreshen up na rin siya sa banyong singlaki na yata ng kwarto niya sa bahay. Mapait na napangiti siya habang minamasdan ang sarili sa salamin. She's already thirty and she felt really old. Pakiramdam niya ay napaglipasan na siya ng panahon dahil sa hirap ng buhay na dinanas nila ni Mamay.

Huminga siya ng malalim.

Cmon, Jules. Hindi ito ang oras para mag-self pity ka!

Hinugasan niya ang kamay sa lababo. Hinagilap niya ang free na sabon sa gilid. Bago pa niya mabuksan ang balot niyon ay nakuha ng pangalan ng resort ang atensyon niya.

VILLA JULIANNA

Okay, what the actual fuck?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status