ログインHiwalay ang mga magulang ni Laarni Villegas. Ganun pa man kahit hiwalay ay busog siya sa sustento at suporta sa bawat panig. Kaya naman nang piliin niyang maging isang volleyball player ay walang kontra ang mga magulang niya. Hanggang sa makilala niya ang isang Kyre Mendoza, gwapo, matangkad at nag- uumapaw ng sex appeal na laging nambulabog sa kanya tuwing may laro siya. Isang CEO na may-ari ng team kung saan siya miyembro bilang isang manlalaro. Paano maiwasan ni Laarni ang isang Kyre na walang ibang ginawa kundi ang palaging pagpapa- cute sa kanya? O dahil sa kakulitan ni kyre ay magiging magkalaro sila sa larangan ng pag-ibig?
もっと見るPagpasok ni Kyre sa silid ay tulog na ang asawa. Pansin niyang nasa kama pa ang bowl na nilagyan ng crackers at ubos na Ang gatas na nasa bedside table lang. Napailing na kinuha na lang niya ang bowl at itinabi sa baso saka tumabi sa asawa. Patagilid siyang humiga at ipinatong ulo sa kamay niya habang pinagmasdan ang asawa.“Such a beautiful face,” puri ni Kyre sa natutulog na asawa. Hinawakan pa niya ng marahan ang mukha nito. “Hmmm,” ungol ni Laarni at tumagilid paharap sa kanya. Itinanday pa nito ang isang kamay nito sa baywang niya. Pinaglaruan ni Kyre ang buhok ng asawa habang inamoy-amoy ito. Ang bango talaga ng asawa niya kahit wala naman itong ginagamit na kung ano. Ngayon lang din niya napansin na hindi talaga mahilig sa mga beauty products ang asawa niya. Talagang natural na natural ang kinis at mukha nito. Dahil na rin siguro athlete ito at mabilis pagpawisan kaya hindi na nag-abalang maglagay ng kung ano-ano. “What are you thinking?” nagulat pa si Kyre nang marinig a
“Anak, gabing-gabi na bakit nandito kayo?” Tanong ni Ethel sa anak ng salubungin niyya ang mag-asawa sa entrance ng bahay nila. “Bawal na ba akong pumunta dito?” balik tanong ni Laarni sa ina. “Ito naman, parang nagtatanong lang,” depensa naman ni Ethel. “Pasok nga kayo. Ipaganda ko kayo ng makakain.” Tumango lang si Laarni at kumapit sa ina tapos ay sabay na silang pumasok sa loob. Sumunod naman sa kanila si Kyre matapos i-park ng maayos ang sasakyan. “Daddy? Nandito ka rin?” Nagtatakang napatingin si Laarni sa ina matapos makita ang daddy Ramon niya nang makapasok sila sa sala. “Yes, anak. Wala na kasing kasama ang mommy mo kaya dito na rin ko for the meantime,” patay malisya na sagot ni Ramon sa anak. Napahawak pa to sa batok niya habang sinasabi yon. “Mommy?” binalingan naman ni Laarni ang ina na para bang hindi hindi nagustuhan ang nangyari ngunit kalaunan ay tinutukso-tukso na niya ang ina. “Ayeee, mommy, ha?” “Tse! Tigilan mo nga ako, Lani. Di ko gusto yang nasa isip mo,
“Hooh! Let’s go, M & Berries!” Halos napapaos na si Laarni sa kakasigaw ng pangalan ng team nila. Sumabay pa sa kakasigaw ng fans nila kaya sobrang ingay ng Arena lalo sa banda nila. “Sweetie, relax. Baka kung ano pang mangyari sa dinadala mo,” saway sa kanya ni Kyre. “Pinagbawalan mo akong e-cheer ang mga ka-teammates ko?!” sikmat ni Laarni kay Kyre.“No, sweetie. I’m just telling you to calm down,” pagpaintindi ni Kyre sa asawa.“Calm down my ass,” nakaismid na wika ni Laarni. “Bakit ba nandito? Di ba may trabaho ka?”“It’s because you said that we’ll going to watch,” sagot ni Kyre na parang Napipilitan lang. “So kasalanan ko na nandito ka ngayon?” Naasar na tanong ni Laarni. “No, it’s not, sweetie,” sagot naman ni Kyre. “Alis ka nga, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo,” sabi naman ni Laarni.“Sweetie naman,” sabi na lang ni Kyre. Hindi na pinansin ni Laarni ang asawa dahil nawili na siya sa kaka-cheer sa ka-team niya lalo na at lamang na sila ngayon. Sobrang energetic niya
Sarap na sarap si Laarni habang kumakain ng mangga na may bagoong. Hindi talaga siya nagsasawa na kainin to kahit mag-isang linggo na matapos siyang magpabili nito sa kaibigan niya. Nagrereklamo na nga si Kyre dahil nangangamoy bagoong ang buong condo nila. Oo, nakalabas na sila ng ospital at kasalukuyang nagpapahinga sa condo na sila. Ang pinagtataka rin ni Laarni ay kung bakit nasa condo pa rin ang asawa kahit na alam niyang trabaho ito at may Vivoree pa. Mag-isang linggo na rin na di niya pinapansin ang asawa. “Sweetie, hindi ka pa ba nagsasawa sa bagoong na yan? Noong isang linggo ka pa kumakain niyan. Pwede bang iba naman?” suggestion ni Kyre. “Hmmmm,” sabi ni Laarni. “Gusto kong sampaloc yong hindi masyadong hilaw, hindi rin hinog. Gawin mong juice yon. Parang masarap inumin ang sampaloc.”Napailing na lang si Kyre sa mga gusto ng asawa. Ayaw niyang sundin ngunit sinasabi ng doctor nito na kung may hingin ang asawa ay dapat pagbigyan dahil parte ng paglilihi. “Alright, I
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビューもっと