Share

Chapter 18

Ang sarap na ng tulog ko pero may biglang tumamang bagay sa mukha ko kaya napadilat ako at agad napatayo sa gulat.

Unan lang pala ang tumama saakin.

Pagtingin ko sa bandang kama ni Stelo ay nakaupo na siya ata nakatingin sa direksyon ko ng seryoso.

Kumunot ang noo ko. Para bang sinadya niya na ipatama sa mukha ko yung unan ah.

"Anong problema mo?!" Naiinis na tanong ko. Nakakainis kasi, ang sarap na nung tulog ko manggigising siya. Dito lang naman ako natulog sa kwarto niya kasi binibantayan ko siya at takot ako sa kulog kaya naman ayoko mapag-isa sa basement.

"Ikuha mo ako ng tubig," pag-uutos niya na para bang robot ang inuutusan niya.

"Yun lang naman pala. Sana tinawag mo na lang ang pangalan ko, nambabato ka pa diyan!"

Naglakad ako ng medyo palapit sakanya at binato pabalik yung unan na nasalo niya. Ngumisi siya ng makalagpas ako at makalabas ng kwarto, hindi ko na lang pinansin. Baka na-engkanto lang siya.

Kumuha ako ng tubig sa kusina, isang baso at isang pitsel ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status