Ang sarap na ng tulog ko pero may biglang tumamang bagay sa mukha ko kaya napadilat ako at agad napatayo sa gulat. Unan lang pala ang tumama saakin. Pagtingin ko sa bandang kama ni Stelo ay nakaupo na siya ata nakatingin sa direksyon ko ng seryoso. Kumunot ang noo ko. Para bang sinadya niya na ipatama sa mukha ko yung unan ah. "Anong problema mo?!" Naiinis na tanong ko. Nakakainis kasi, ang sarap na nung tulog ko manggigising siya. Dito lang naman ako natulog sa kwarto niya kasi binibantayan ko siya at takot ako sa kulog kaya naman ayoko mapag-isa sa basement. "Ikuha mo ako ng tubig," pag-uutos niya na para bang robot ang inuutusan niya. "Yun lang naman pala. Sana tinawag mo na lang ang pangalan ko, nambabato ka pa diyan!" Naglakad ako ng medyo palapit sakanya at binato pabalik yung unan na nasalo niya. Ngumisi siya ng makalagpas ako at makalabas ng kwarto, hindi ko na lang pinansin. Baka na-engkanto lang siya. Kumuha ako ng tubig sa kusina, isang baso at isang pitsel ang
"Lolo po? Sino?""Pila para sa tinapay at kape, dito!" Sigaw ng isang barangay tanod na naatasan rin para tumulong dito kaya naman ang matandang kinakausap ko ay nabilis na nilisan ang aking paningin para makipila roon. Bumuntong hininga na lamang ako at tinignan sila habang napapaisip. Umihip amg hangin na pumasok kaya naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko dahil sa lamig pero agad kong naramdaman ang.pagpatong ng jacket sa balikat ko. Pagtingin ko ay kay Raul pala 'yon. "Suotin mo na. Malamig ngayon." Tumango lang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Nakalimutan ko kasing magsuot bago kami umalis.Ilang minuto pa ang itinagal ko roon bago ako h8natid ni Stelo. Halos magkandadulas-dulas ako ng makita kong umuupo na sa salas si Stelo habang nagbabasa ng kung ano sa cellphone niya at sumisimsim ng kape."Oyy Gov! Gising ka na pala? Kamusta?" Pagbati sa kanya ni Raul at agad na pumunta sa tabi ng lalaki. Iniwan akong nakatayo malapit sa may pintuan!"You talked like I was comatose for
Pagkagising ko ng umagang iyon ay may nakahanda ng pagkain para sa akin sa kusina. Iba 'yon sa nakasanayan kung kainin tuwing umaga. Cereal na may mga prutas sa ibabaw, boiled egg at gatas. Nangunot ang noo ko ng tignan si Manang na naglilinis ng kalan. "Manang, ito po ba ang niluto mong agahan? Kumakain ba ng ganito si Stelo?" Pagtatanong ko. Bahagya naman siyang natawa. Alam naman niya na kape ang gusto kong inumin tuwing umaga e, bakit gatas ang nakahanda ngayon?"Si Stelo ang naghanda niyan bago siya umalis. Hindi ko naman na pinigilan ng sinabi niyang para saiyo yan para raw maging healthy kayo."Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at masayang kumain. Simula noon ay napapansin ko na nag-iiba na ang kilos ni Stelo para sa akin. Naging maalaga na siya. Nalaman na rin ng lahat ng tao sa bahay ang tungkol sa pagbubuntis ko at siya ang ama, pano ba naman kasi ay inanunsyo niya. Hindi na tuloy ako makagawa ng gawaing bahay dahil pinagbabawalan ako! Kulang na lang ay ihele nila
Umuwi na kami bago pa man dumilim ay nakauwi na kami. Maayos naman na daw kami nga anak ko kaya hindi na kailangan pang iconfine sa hospital. Pero ang sabi ng doktor kung dinudugo raw ay agad na ipaalam sa kanya para malaman kung ano ang dahilan. Hindi na nga bumalik pa sa senado si Stelo nung araw na 'yun. Ipinagpahinga niya lamang ako sa kanyang kwarto habang siya ay abala sa trabaho sa tabi ko. Sa bawat galaw ko ay nagtatanong siya kung ano ang kailangan ko o kung ano ang masakit sa akin o kung saan ako pupunta kapag lumalapat ang paa ko sa sahig. "Kaya ko naman. Huwag ka mag-aalala, hindi naman mamatay ang anak mo sa simpleng pagkilos ko. Kaya kung pwede sana ay huwag ka ng bantay-sarado sa akin at mag-focus ka na lang sa ginagawa mo." Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa sinabi ko. Sinarado niya ang kanyang laptop, nilagay niya 'yon sa side table at pagkatapos ay bahagyang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na nasa kabilang bahagi ng kama. "Matulog na lang tayo tutal hind
Sa pagdating ng araw ay wala na akong naabutang tao sa tabi ko. Sinikap kong makatayo mag-isa dahil bumibigat na rin ang aking tiyan. Sumisilip na sa bintana ang tindi ng sikat ng araw kaya naman nang mapatigin ako sa orasan ay sinasabi nitong tanghali na ako nagising! Halos takbuhan ko na ang banyo para makapag-ayos ng sarili bago bumaba at kumain. Wala naman akong pupuntahan pero nakalimutan kong may kailangan pala akong inuming vitamins para sa anak pagkatapos ng agahan pero paano ko na 'yon gagawin ngayon kung tanghali na?! Alas dyes pa lang naman pero tanghali na rin 'yon. Didiretso na sana ako sa kusina ng may nakita akong dalawang bulto ng lalaki na nakaupo lamang sa sofa. Isinantabi ko ang balak na pagpunta sa kusina para lumapit sa kanila. Ngayon ko lamang sila nakita. Nakuha ko kaagad ang atensyon nila dahil sa aking presensya. Mabuti na lang at makapal na damit ang suot ko ngayon at itim pa kaya hindi halata ang umbok ng tiyan ko. Naka-on kasi ang aircon ni Stelo sa k
Dahil sa likas na kabutihang loob ng mga kabaranggay ko ay pinasakay na ako ni Mang Elong. Nadaanan niya kasi ako at pagarahe na rin naman daw siya. Sinabi ko na baba lamang ako sa isang kanto dahil may pupuntahan akong kaibigan pero ang totoo ay ang kanto na 'yon ay may eskinita pang papasukin bago makarating sa bahay ni Stelo. Hindi naman na siya nagtanong-tanong pa, marahil ay pagod na rin, gabing-gabi na rin kasi. "Salamat po." Bumaba na ako pagkatapos magpasalamat at gamit ang flashlight ng cellphone ko ay naglakad-lakad ako upang tahakin ang daan para makauwi. Matagal-tagal ko ring hindi hinawakan ang cellphone ko na ito, ngayon ko na lang nga naalala ko na ginamit ko ito. Nakauwi naman ako ng maayos, ipinaalam ko na lang sa mga bodyguard na nakauwi na ako bago nagpahinga. Sa sulok ng kwarto ko ay hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa naging eksena sa bahay. Hindi nga ako halos tumagal doon ng labing-limang minuto pero ganito na ako ka-emosyonal. Hindi ko lang sila nakasama
Nailayo nga ako sa kamatayan pero hindi ko akalain na seryoso siya para kitilin ang buhay ng mga magulang ko. "Gov, seryoso na ba to? Papatayin mo na ang mga magulang niya?""Raul, alam kong malapit ka na kay Gaia pero hindi kita papayagan na hadlangan ang aking mga plano. Bumabalik lang ako sa kung ano talaga ang plano ko mula pa noong isang dekada.""Hindi kita hinahadlangan sa mga plano mo. Mula pa noon ay ikaw na lang ang aming pamilya, sinisigurado ko lang kung ito ba talaga ang gusto mong mangyari."Nabigla ako sa biglaang pagsigaw ni Stelo. Nag-uusap sila ngayon ni Raul sa loob ng kanyang opisina at ako naman ay nakikinig lamang sa labas."Of course! Her family killed mine! I want her to suffer like I did when I lost my family, Raul!" Sigaw niya a puno ng hinanakit. Nararamdaman ko yung hinanakit niya. Ako naman ay hindi makahinga. "At huwag mo rin kalimutan na dahil sa pagpapahirap nila sa pamilya mo ay kaya sila nawala, Raul! It's a win-win situation for us kaya gawin mo na
"Gaia! Gumising ka! Binabangunot ka!"Alog ng alog ang aking katawan kaya naman ay napilitan akong magmulat ng mata. Alalang mukha ni Raul ang aking nakita pero nung mapalingon alo sa gilid ay nandoon na nakatingin si Doktora August at si Stelo."Ahh..." binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala namang lumabas na salita. "What happened? May nangyari bang masama sa pagtulog mo?" Tanong ni doktora. Lumunok ako at sumulyap kay Stelo bago umiling ng umiling. "Wala. Wala po."Ngumiti lamang siya ng pilit bago ako nilapitan. Pinalitan niya ang pwesto ni Raul kanina. "Kung ganoon ay maaari ko na kayong tignan ng anak mo. Pero did you experience bleeding ba?" Umiling ako at umayos ng upo. Takot na tignan si Stelo. "Hindi po. Nararamdaman ko lang ang pagsipa niya.""Good then. Ime, hand me our tools." Lumapit sa kanya ang parati niyang kasa-kasamang nurse kapag dumadalaw dito. Kakapasok pa nga lang niya. Pagkalapit niya ay lumabas na si Stelo na sinunda naman ni Raul. Katulad lang