LOGINSANDRA'S POV
Kinabukasan ay ginising ako ng mabigat na pakiramdam. Ang aking ulo ay parang tinataga sa sakit na animo'y mabibiyak na. Mabigat ang aking buong katawan at nakakapaso ang temperatura nito. Halos hindi ako makatayo dahil sa labis na sakit. Kahit ganoon ang aking nararamdaman ay tumayo pa rin ako upang makauwi na. Alas otso ang first subject namin at alas singko pa lamang ng madaling araw.
Naggising din ang lalaki nang umuga nang kaonti ang higaan. Napabangon siya at tinignan ako gamit ang mga nagtatanong niyang mga mata. Nasilayan ko kung paano lumambot ang ekpresyon ng kaniyang mukha nang umubo ako nang kaonti.
"Your cheeks are red, are you feeling well?" Tanong niya at kinapa ang aking leeg at noo, ngunit tinabig ko ang kaniyang kamay.
"Kailangan ko nang makauwi, may klase pa ako." Sagot ko at dali-dali tumayo upang makapagbihis na.
"You're sick for god's sake!... You stay here and I'll fetch my personal doctor." Aniya at dali-daling nagsuot ng sleeveless shirt at pajamas, hindi man lang hinintay na sumagot ako.
Walang ano-ano'y lumabas siya ng motel at rinig ko mula sa bintana ang paghahurot ng kaniyang sasakyan papalayo. Sa mga oras na iyon ay ramdam ko na lalong lumalala ang init ng aking katawan.
Wala na akong balak na hintayin pa siya kaya naman nang maisuot ang lahat ng aking saplot ay dali-dali akong lumabas ng motel bago niya pako ako maabutan. Pumara ko ng taxi at agad na nagpahatid sa club house. Sa ilang minutong biyahe ay nakarating na ako agad.
Mabibigat ang aking bawat hakbang habang umaakyat patungo sa aking silid upang makapaghanda na. Kailangan naming makarating 30 minutes bago ang scheduled time dahil ngayon ang unang araw ng aming midterm examination.
Kailangan kong maipasa ito dahil major subject din. Hindi ko kayang bumagsak at umulit dahil para na rin akong nagtapon ng pera. Nang maisuot ang aking uniporme pagkatapos maligo ay bumaba na ako upang magsuot ng sapatos. Kahit pa man hilong-hilo ay naglakad ako sa may eskinita kung saan ang abangan ng mga pang kalyeng transportasyon.
Mas lalo kong nararamdaman ang nag-aapoy kong katawan at ang ginaw na nagpapatayo sa aking mga balahibo. Nang makasakay ng taksi ay nais kong matulog dahil sa lamig noon sa loob kaya naman, kinuha ko sa loob ng bag ang dalang jacket na sinadya ko dahil malamang ay giginawin ako lalo pa't alam kong may lagnat ako. Isinuot ko ito at umidlip ng sandali upang ipahinga ang aking utak.
Naggising ako nang eksaktong tumapat ang taxi sa harap ng gate ng school namin. Nagbayad ako at mabagal na naglalakad patungo sa aming building. Ramdam ko ang init na nagmumula sa araw na humahalik sa nag-iinit ko ring balat.
Umupo agad ako at eksaktong pumasok na rin ang instructor. Napatingin ako sa aking relos at napag-alamang 7:24 pa lamang ng umaga. Kamuntikan ko nang ma-late pero buti na lamang at hindi. Tahimik lamang ako sa buong anim na minuto dahil wala rin naman ako kasundo sa klase namin. Kahit paiba-iba ang aking mga kasama, ay hindi ako nagkaroon ng kaibigan sa kanila.
Alam nila ang aking trabaho dahil nakikita at napapanood nila akong sumasalang sa entablado upang ibalandara ang aking hubong katawan. Tinatanggap ko ang masasakit nilang mga salitang ibinabato, ang mga pangungutya at pangmamaliit na para bang may ambag sila sa aking pag-aaral at araw-araw na pangangailangan.
Totoo naman ang lahat ng kanilang sinasabi at hindi ko rin alam kong bakit hindi na iyon nakakarating sa aking dibdib. Siguro nga ay namanhid na.
"You are given an hour to finish this exam. Don't forget to write your name in capital letters, read the instructions carefully, and use black or blue pen," habilin ng aming instructor at nagsimula na kaming magsagot.
Unang tanong pa lamang ay nasagutan ko na. Nag-review ako noong isang araw at mabuti na lamang ay hindi ko nakalimutan ang lahat ng aking inaral. Hindi na masama kung makakuha ako ng 75 percent dito, dahil iyon lang din naman ang kailangan upang makapasa.
Hilong-hilo ako nang tumayo upang ipasa ang aking testpaper matapos itong masagutan at i-review. Lumabas na rin agad ako upang makauwi na. Isang subject lamang kami ngayon at bukas ang dalawa pa. Kailangan kong makapag-review pauwi dahil mamayang gabi ay hindi ko na magagawa dahil kailangan kong mag-trabaho.
Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasalubong ko si Julius. Nakangisi siya habang nakatitig sa akin na para bang marami siyang gustong sabihin ngunit, hindi niya masabi. Nang lumingon ako sa likuran ay nakita kong pasunod pala sa amin ang isa sa nga instructors ng university. Kaya pala siya hindi nagsasalita ng masama.
Naalala ko rin na makailang beses na siyang na-suspended dahil sa pambubuyo sa kapwa ka eskwela. Bago pa man niya ako buyuin ay dali-dali na akong naglakad papalayo. Masakit na rin sa balat ang init dahil alas otso na ng umaga. Tirik na tirik ito dahil walang masyadong puno sa dinadaanan kung pathway patungo sa main gate.
Gusto ko na lamang mahiga nang umikot ang aking sikmura. Wala pa akong kain at walang sapat na tulog sa mga nagdaang linggo. Hindi na ako aasa na muling mararanasan ang kumpletong pahinga dahil na rin sa uri ng trabahong mayroon ako.
Nang makauwi sa club house ay uminom ako ng maraming tubig at umidlip ng sandali. Hindi na ako nakapagbihis at nang magising ay nag-review ako para sa exam kinabukasan. Mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam sa bawat oras na lumilipas. Nanginginig na rin ako sa sobrang ginaw na para bang nagyeyelo ang aking kalamnan.
Habang nagbabasa para sa huling subject ay kumatok si Madam Rowena sa aking kwarto. Agad kong isinara ang aklat at tinignan siya.
"Malapit na mag alas seis, Sandra... Magbihis ka na, hija." Aniya at agad akong tinalikuran. Rinig ko agad ang pagbaba niya ng hagdan.
Napabuntong-hininga ako at tamad na tumayo upang kunin ang tuwalya para makaligo na. Sobrang bigat ng aking pakiramdam at nais ko na lamang magpahinga buong gabi upang makabawi ng lakas.
Nang akmang papasok na ako ng banyo ay tumunog ang aking cellphone. Napakunot ang aking noo nang makita ang sandamakmak na text messages ng isang Unknown number. Hindi ko napansin ang ibang messages dahil pinatay ko ang cellphone ko habang nag-eexam kanina at sinet na mag-oon muli kapag alas singko na nang hapon upang makapag-focus ako sa pag-r-review.
+639*********
F*ck woman! Why did you leave? I told you to stay!
6:09 A.M.
+639*********
Where are you now?
6:25 A.M.
+639*********
I went to the club house and your co-workers said that you're in school, how are you feeling now?
7: 32 A.M.
+639*********
I waited for an hour outside and didn't even had the chance to see you, nasaan ka ba talaga?!
8:35 A.M.
+639*********
Are you still in school today?
9:01 A.M.
+639*********
I'm f*cking worried, just tell me where are you?!
10:45 A.M.
+639*********
Hey, still feeling sick?
11:12 A.M.
+639*********
I passed by the club house and your gay manager said that you were sleeping. I left knowing that you were resting. Sleep well, baby.
12:14 P.M.
+639*********
Just for now, please rest.
3:00 P.M.
Hindi ako nakagalaw nang mapagtanto kung sino ang pwede mag-text sa akin ng ganito. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso nang parang may humaplos doon.
Paano niya nakuha ang number ko? Bakit niya kailangang mag-alala sa akin ng ganito? At ano ang nararamdaman kong ito?
THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma
SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo
SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma
[Warning: Read at your own risk, SPG content]SANDRA’S POVHumahagulhol ako sa bawat hakbang ko papalayo sa condo niya, ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa elevator ay narinig ko ang mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin, at nang lingunin ko ay pag-aari ang mga iyon ni Arthur. Tumatakbo siya papalapit sa akin at agad akong binuhat.“Arthur, anong ginagawa mo?” pinahiran ko ang mga luha habang nakatitig sa madilim niyang ekspresyon na may bahid pa ng luha.Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakapasok agad kami sa condo at dali-dali siyang pumasok sa kwarto. Inihiga niya ako sa kama, at siniil ako nang malalim na halik.“A-Arthur,” saad ko nang maramdaman na unti-unting nag-iinit ang katawan ko.“Before you leave me, I’ll make sure to f*ck you ‘til I fall asleep… And if that happened, please leave this place without waking me up… and without me even knowing,” saad niya, kahit bakas sa boses niya ang pagkabasag.Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang maramdaman ko ang init ng k
SANDRA’S POVMag-aalas dos na nang hapon nang mapagdesisyonan kong umuwi na sa tinutuluyan namin ni Sidro. Ilang araw na din akong absent sa school at napaintindi ko na iyon sa mga professors ko. Huling-huli na ako sa klase, pero babawi ako kapag natapos na hearing.Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isipan ko si Arthur. Nasa condo unit ko pa ang mga gamit ko sa school at mga importanteng mga dokumento. Kailangan ko iyong makuha dahil sa susunod na school year ay third year college na ako, at mag-s-start na ang internship.Kailangan ko lang talaga ng timing na wala roon si Arthur. Ayaw ko pa siyang makita at ayokong may mapag-usapan pa kami dahil tinapos ko na ang kung ano mang meron kami.“Kuya, sa Solace Condominium po,” ani ko sa taxi driver.Araw ng Martes ngayon at alam kong nasa opisina si Arthur sa mga oras na ito. Sa tuwing weekends ay mag-isa ako mula alas siyete nang umaga hanggang alas sais nang gabi, kaya sigurado akong wala siya roon, at pagkakataon kong makuha ang mga







