เข้าสู่ระบบSANDRA'S POVIlang araw na lamang at tuluyan na akong mamartsa sa entablado.Minsan, hindi ko pa rin mapaniwalaan na malapit na akong matapos. Ilang taon ding puro libro, puyat, deadlines, exams, requirements, at mga gabing kinukwestiyon ko kung kakayanin ko pa. At ngayon, ilang tulog na lamang ang pagitan ko sa araw na matagal ko nang hinihintay. Nakahanda na rin ang pagpunta ng pamilya ko mula sa Spain. Ayon kay Favian, baka mauna raw siya kina Sidro dahil sabik na sabik na siyang makita ako.Two weeks had already passed since the last time I spoke with Arthur.Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Nalaman ko rin mula kay Zillian na nagpunta raw si Arthur sa Maldives para magbakasyon. Hindi ko na tinanong kung sino ang kasama niya.Hindi ko rin alam kung bakit.Siguro dahil may mga bagay na mas mabuting hindi na alamin kapag pilit mo nang tinuturuan ang sarili mong huwag pakialaman.Sa halip, ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa graduati
SANDRA'S POVAlas diyes ng umaga nang magising ako sa lakas ng tunog ng ringtone ng aking phone. Pipikit-pikit pa ako nang sagutin ang tawag at agad namang napabalikwas nang marinig ang boses ng delivery guy. Ngayong araw na pala i-dedeliver ang susuotin kong dress sa Graduation! "Kuya, pababa na po ako." Ani ko at dali-daling isinuot ang aking tsinelas. Isang simpleng mumurahing bestida na nagkakahalaga lamang ng two hundred pesos ang aking isusuot. Hindi na ako gagastos pa kasi sandali ko lang namang maisusuot. Mayroon pa din naman akong shoes kaya hindi na ako nag-abalang mag order.Nang tuluyang ma-receive ang order ay bumalik na ako sa kwarto at saka isinukat iyon. Isa itong mahabang white dress na backless. Simpleng plain dress lamang ito na may plets sa paldang banda. Maganda ang tela, gaya nga ng nabasa ko noon sa reviews.Nang araw na iyon ay nagtungo na ako sa Ayolla dahil may shoot ako ngayon. Ngayon ang schedule namin ni Arabelle sa isang bagong designer skirts na ipapal
SANDRA'S POVAng pool area ay iluminado ng maliliit na ilaw na nakasabit sa mga sanga ng puno. Parang mga bituin na bumaba mula sa langit at tahimik na nakisalo sa aming hapunan. Sa gilid ay kumikislap ang tubig ng pool, sumasalamin sa mga ilaw at sa mahinang galaw ng hangin.Maayos na naihanda ni Zillian ang mesa. May puting tablecloth, ilang kandila sa gitna, at ang mainit na kare-kare na niluto namin ni Ate Lora ay nasa malaking mangkok na may usok pang dahan-dahang umaangat. Ang amoy ng peanut sauce, bagoong, at bagong lutong kanin ay kumalat sa hangin. Matagal na akong hindi nakakaupo sa ganitong klaseng hapunan. 'Yong hindi nagmamadali, 'yong walang iniisip na trabaho o deadline, at 'yong puro lang pamilya.Nagsimula kaming kumain habang nagkukuwentuhan.“Okay,” sabi ni Zillian habang nagsasalin ng kare-kare sa plato niya, “ikaw naman ang bida ngayong gabi.” 
SANDRA'S POVAng biyahe papunta sa bahay ni Lola Zaniella ay parang isang mahabang buntong-hininga na matagal ko nang hindi nailalabas. Tahimik ang kalsada, ngunit sa loob ng sasakyan, puno ito ng mga kuwento, tawanan, at mga alaala na tila sabay-sabay na bumabalik sa akin.Nasa passenger seat si Lola Zaniella habang ako at si Zillian ay nasa likuran. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya pumapasok ang malamig na hangin ng hapon. Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa gilid ng kalsada habang dahan-dahan kaming bumabagtas sa pamilyar na daan. Hindi ko namalayan kung gaano ko sila namiss hanggang sa sandaling iyon.“Hindi mo man lang kami binalaan na uuwi ka, Ate Sandra,” pabirong sabi ni Zillian habang nakasandal ang ulo sa upuan. “Namiss ka namin sobra, Ate!"Napangiti ako.“Kung sinabi ko, baka hindi ako makaalis,” sagot ko. “Baka pinigilan n
SANDRA’S POVUnang araw ng practice for graduation.Maaga pa lamang ay puno na ng ingay ang buong auditorium ng Benison. May mga estudyanteng nagkukumpulan sa kani-kanilang mga grupo, may mga tumatawa, may mga abalang nag-aayos ng kanilang toga measurements, at may ilan ding katulad ko na tahimik lamang na nakaupo habang pinagmamasdan ang paligid.Hindi ko maiwasang mapangiti.Ito na talaga iyon.Ilang linggo na lamang at tuluyan na kaming magtatapos.Sa harap ng stage ay nakatayo si Kaydie Seth Sarmiento. Nakasuot siya ng simpleng polo at slacks habang kausap ang ilang professors. Kahit sa simpleng ayos ay hindi maitatago ang presensya niya.Hindi rin naman nakapagtataka.Siya ang Summa Cum Laude ng buong graduating batch ng Benison University.Ang valedictorian.Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi lang dahil sa matalino siya, kun'di dahil kaibigan ko siya. Ako naman ang sumunod sa kaniya bilang Magna Cum Laude at si Rina ang sumunod sa akin. Dahil doon, halos hindi magk
SANDRA’S POVAraw ng Martes at iyon na ang araw ng huling paghahanda namin para sa application for graduation. Maaga akong nagising nang araw na iyon. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa kakaibang kaba na matagal ko nang hindi nararamdaman. Parang may maliit na ibon sa loob ng dibdib ko na walang tigil sa pagaspas ng pakpak, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa saya o sa takot na baka may mangyaring mali sa huling hakbang na ito.Habang naglalakad ako papunta sa registrar’s office ng unibersidad, mahigpit kong hawak ang folder na naglalaman ng lahat ng requirements ko. Mga transcript, clearance, at kung anu-ano pang papeles na ilang linggo kong pinag-ipunan ng pagod at puyat.Running for Magna Cum Laude.Napangiti ako nang maalala iyon at isang punto na lang sana. Isang maliit na numero na sana’y nagdala sa akin sa Summa Cum Laude.Ngunit hindi ko iyon nakuha.Hindi dahil sa hindi ko kayang abutin, kundi dahil may isang semester na bumagsak ang ilang grado ko, ang semester na halos hi
[Warning: Read at your own risk, SPG content]SANDRA’S POVPagkatapos ng fireworks show na kagagawan ni Arthur ay umuwi na kami pabalik ng Hotel room. Kinabukasan at petsa-23 na ng Disyembre kaya kailangan na naming mamili ng mga pagkain na ihahanda
SANDRA’S POVKinahapunan ng araw ding iyon ay inaya ako ni Arthur na mag-mall.Ayaw ko na sana.Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong napakarami na niyang nagastos para sa amin nitong mga nakaraang araw pa lamang. W
SANDRA’S POVPagmulat ng aking mga mata kinabukasan, agad kong napansin ang katahimikan ng silid.Wala si Arthur.Ang kama sa kaniyang bahagi ay maayos na parang hindi man lang natulugan. Napakunot ang noo ko habang
SANDRA’S POVKinabukasan, maaga kaming nagising ni Arthur. Umuna siyang maligo para sa susunod naming pamamasyal ngayon.Pagbukas ko ng bintana ay sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at ang tanawing tila pintura ng langit na puno ng kulay a



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



