Share

Chapter 296

Hindi ko alam kung ano nga ba nangyayari sa akin. Basta akong ang hirap.

Mahirap. Naging mahirap para sa akin ang mga nagdaang araw, pero ang makitang masaya ang pamilya ko ang isa sa mga bagay na nagpapagaan sa loob ko.

"Anak, kain na!" nakangiting pag-aya sa akin ni Mommy. Napangiti na rin ako.

Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Mommy. Magmula nang nangyari no'ng nakaraan ay mas pinili kong manatili rito sa bahay kaysa sa bahay ni Michael. Hindi na rin ako pumasok pa sa opisina ni Michael, pero dala-dala ko ang mga folder na naglalaman ng profile ng mga stockholder at investors ng Seth Corporation.

"Opo, Mommy. Maya-maya po ako, sunod na lang po ako," sagot ko naman kay Mommy.

Maayos na rito sa bahay. Hindi ko kasi alam na sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Michael ay napagawa na pala niya na pala ang bahay ni Mommy.

"Sigurado ka ba? Baka naman malipasan ka ng gutom," sagot naman pabalik sa akin ni Mommy.

Ngumiti naman ako bago ako umiling.

"Okay lang po ako. May
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status