The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

By:  smoothiee  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
20Chapters
220views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?

View More
The Revenge of Iza Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
smoothiee
Hi mga beshy! Everyday update po tayo here🫶🏻
2024-05-01 04:48:38
1
20 Chapters
Chapter 1
“Ma’am, congratulations po! Dalawang buwan na po kayong buntis!”Ang ningning sa mata ni Iza ay hindi na nawala nang marinig ang magandang balita ng doctor. Napahigpit ang hawak nya sa test results. Ang ngiti sa labi ay kusang umukit sa kaniya. Ito ang matagal na nyang hinihintay, ang maibigay kay Roman ang pinakamagandang regalo, ang isang anak.Nakatanggap sya ng text message habang papalabas ng clinic. Tumunog ang phone nya at kinuha nya ito. Nagtataka nya itong tinignan. Galing sa isang Unknown number.[Nakitext lang ako. Napaaga uwi namin galing Indonesia.]“Wow.” Namangha siya dahil sumakto sa magandang balitang ito ang pag-uwi ng kaniyang asawa.Masaya syang sumakay sa kaniyang sasakyan. Sa wakas, magkakaroon na sya ng sarili nyang pamilya. Pamilya na matatawag nyang kaniya. Pamilya na aalagaan nya. Bata pa lang ay pangarap na ni Iza na magkaroon ng isang masayang pamilya. Lumaki si Iza sa bahay ampunan, nakaalis lamang sya doon nang ampunin sya ng mga Rosales. Sa bagong pamil
Read more
Chapter 2
-6 years later-Nang makalabas mula sa private airplane ng kaniyang pamilya ay agad na sinalubong si Iza ng mainit na sinag ng araw. Kay tagal na nyang namiss ang ganitong panahon. Sinalubong kaagad sya ng isang bodyguard na mayroong bitbit na payong dahilan para mapawi ang init sa kaniyang balat.“Good afternoon po, ma’am,” bati ng guard at inalalayan sya upang makababa ng maayos.After 6 years, nandito na ulit sya sa Pilipinas. Ang ngiti ay kusang umukit sa kaniyang labi. Inalis nya ang kulay itim na shades na suot at hinayaan ang sarili na damahin ang init ng hangin.Hindi na sya mapakali. Excited na sya sa mga maaaring mangyari ngayong nandito na sya sa Pilipinas. Ang kaniyang kamay ay kumuyom nang maalala ang huling senaryong naranasan nya rito, ang mga senaryong nagpapainit ng kaniyang ulo.“Hindi na ako makapaghintay,” bulong nya sa sarili. “Luluhod kayo sa harapan ko at magmamakaawa. Hindi ako titigil hangga’t hindi kayo lumalagapak sa lupa. Pangako ‘yan.”Nang makarating sila
Read more
Chapter 3
Umaga pa lang ay ramdam na kaagad ang tensyon sa building ng mga Jones, isang sikat na kompanya ng pabango sa Pilipinas. Habang nakapila ang mga guard at ang mga empleyado ay walang maririnig na kahit na anong ingay. Takot na lamang nila sa kanilang boss.Hanggang sa sumapit ang alas otso, eksaktong pagdating ng isang mercedes benz kung saan sakay ang isang tahimik, mayaman, at striktong si Roman. Ang kasalukuyang CEO ng Jones Perfume. Agad na lumabas ng sasakyan ang sekretarya nya na si Ruby, bitbit ang isang yellow na folder. Pinagbuksan nya ng pinto si Roman. Paglapag pa lamang ng paa niya sa sahig ay sumisigaw na kaagad ng karangyaan ang kaniyang kasuotan. “Good morning, sir,” bati ng mga guard sa kaniya at nagsiyukuan ang mga ito ng sabay. Pagpasok nya sa loob ng building ay nagsiyukuan din ang mga empleyado at binati rin sya na tila ba sya ay isang diyos. Tila ba walang tainga si Roman dahil ni hindi nya binibigyan ng pansin ang mga ito at patuloy lang sa paglalakad hanggang
Read more
Chapter 4
“Alive?” takang tanong ni Ruby kay Roman. “Sino pong alive?“Napalunok si Roman at nag-iwas ng tingin. Hindi nya mawari ang sarili kung bakit nya nasabi iyon. Maybe coincidence lang na magkapangalan or marahil ay dahil ito na lang ulit ang pagkakataon na narinig nya ang pangalan ng kaniyang asawa sa ibang tao.“Never mind,” sagot nya kay Ruby. Tumayo sya at tinuro ang mga pagkain. “I’ll try some Japanese food.”Nang makaalis ay napakunot na lamang ng noo si Ruby. Sa kasamaang palad ay walang idea si Ruby sa mga nangyari noon dahil tatlong buwan matapos ng aksidente ay doon pa lamang sya natanggap bilang bagong sekretarya ni Roman.———————————————————-“Grabe, kaunting galaw ko lang pinagpapawisan na ako kaagad.”Pinaypayan ni Iza ang sarili gamit ang kaniyang kamay. Hindi nya akalain na ganito kainit sa Pinas ngayon. Kakatapos lamang nya maligo ngunit pinagpapawisan na sya kaagad. “What time ang uwi nila tita?” kuryosong tanong ni Kath sa kaniya na ngayon ay kalalabas lang ng kwarto
Read more
Chapter 5
FUJITSU ENTERTAINMENT - Busy ngayon ang buong building dahil paparating ang mga big boss mula sa Japan, sina Aileen Fujitsu at Mark Fujitsu. “Ok na ba yung mga foods?” kinakabahan na tanong ni Kath sa mga staff. “Yung mga design dito sa lobby, naayos na ba lahat?”Kath is the current Manager of the Philippine Branch ng Fujitsu Entertainment. Sya ang boss ng mga boss dito sa Pilipinas. Aside sa pagiging hands on sa mga projects ng entertainment ay grabe rin ang pagiging dedikado nya sa trabaho at bilang inaanak na rin ng mga Fujitsu. “All goods na po, madam,” sagot ng mga staff sa kaniya. “Even the decorations are goods na rin po. Waiting na lang po sa mga flowers.”Napakunot agad ang noo ni Kath sa narinig. Para bang nagpintig ang tainga nya sa sagot na nakuha mula sa staff.“Ilang beses ba nating sinabihan ang flower shop na ‘yan na agahan ang delivery?” agad na tanong nya. Nakataas na ang kilay nya at napapahilot na sya sa kaniyang sentido. “Call the nearest flower shop nga. Opti
Read more
Chapter 6
Hindi ininda ni Roman ang mga kuko na bumabaon sa kaniyang likuran. Habang patuloy na gumagalaw sa ibabaw ng isang babae ay patuloy lang din na lumalakas ang paghalinghing nito.“Shit! It’s so f*cking good, Roman!” sigaw ng babae habang nakakagat sa kaniyang mga labi. “Make it faster! Make me a sl*t!”Binilisan pa ni Roman ang pagbaon ng kaniyang katawan. Pabilis nang pabilis na halos masira na ang sofa ng kaniyang office. Hindi nya maitatanggi na masarap at masikip ang babaeng kasama nya ngayon. “Ugh! Make it faster! I’m cumming like shit!” muling halinghing ng babae. Namumula na si Roman at ang pawis ay nagbubutil na sa kaniyang dibdib. Malapit na rin nyang maabot ang rurok ng langit nang makarinig sila ng malalakas ng katok mula sa labas.“Bubuksan mo ‘to o isusumbong kita kila tita? Roman! We are getting married but still you're a womanizer?”Napabalikwas ang babae sa mga narinig. Napatayo ito sa sofa at napalunok sa kaba. Hindi nya akalain na may ikakasal na kay Roman.“Shit,”
Read more
Chapter 7
Nang imulat ni Iza ang mata ay agad na bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kwarto. Napahawak sya sa kaniyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Napakurap pa sya ng ilang ulit hanggang sa mapagtanto na mayroong kamay sa kaniyang bewang. Nakapulupot ito sa kaniya at doon ay halos manlamig sya.“Shit,” mura nya sa kaniyang isipan. Sa sobrang kalasingan kagabi ay hindi na nya maalala ang mga nangyari. Hindi nya akalain na gigising sya sa piling ng isang lalaki. Dahil sa kaba na nararamdaman ay dahan dahan nyang inalis ang comforter sa kaniyang katawan. Kagaya ng lalaking na sa tabi nya ay wala rin syang saplot sa katawan. Hindi nya maaninag ang mukha ng lalaki. Tanging dibdib lamang nito ang nakikita nya ngayon. Nang magtagumpay na alisin ang comforter at ang kamay ng lalaki ay agad syang nagbihis.Masakit ang buong katawan ni Iza. Ramdam niya rin ang kirot sa kaniyang maselang parte. Nang makapagbihis ay hindi nya mawari ang sarili, tila ba sya inuudyukan ng kaniyang isipan na alisi
Read more
Chapter 8
“Nagulat ka ba?” Napatango si Iza sa tanong ni Kath. Kasalukuyan nagmamaneho si Kath habang na sa passenger seat naman si Iza. Papunta na sila ngayon sa office para sa meeting ng mga managers para sa darating na bagong collaboration project nila sa kabilang company.“Grabe, ate,” sagot ni Iza. “Shookt ako sa tanong ng anak ko. Hindi ako nakatulog kakaisip. That was intense. Pero nalulungkot na rin ako dahil hindi ko maibigay sa kaniya yung gusto nyang daddy.”Napabuntong hininga si Kath. “I already told you three years ago, maghahanap at maghahanap yan sya ng daddy.”Napahilot sa sintido si Iza at napatingin na lamang sa labas ng bintana. Hindi nya maiwasang malungkot. Ginawa naman na nya ang lahat pero mukhang tama nga si Kath, maghahanap at maghahanap nga ang anak nya ng daddy. Hindi nya alam ang gagawin at hindi nya alam if papaano sisimulan.“I need to explain it to him na lang muna, Ate Kath. I know my son, he will understand my situation,” sagot nya. Hindi na nagtanong pa si K
Read more
Chapter 9
“Wala na ba talaga? Sure ka? Double check mo baka may naiwan or what. Mamaya mapagod ka kababalik balik.”Nakasandal sa pintuan si Kath habang nakatingin kay Iza na ngayon ay naghahakot ng gamit. Wala ng natirang mga gamit sa loob at gusto lamang ni Kath makasigurado dahil ayaw nyang mapagod si Iza pabalik balik.“Wala na, ate. All goods na. Again, thank you for letting us stay, ate,” pasasalamat ni Iza. “Promise, bibisita kami here once a week. You know, bonding.”“Wala ‘yon, ano ka ba,” sagot ni Kath sa kaniya. “Malay mo magulat ka ako yung bibisita sa inyo.”Natawa si Iza at napatango. “Sure yan, ah! Dumalaw ka.”“Grabe, araw araw naman tayong magkikita sa office!” natatawang sabi ni Kath sa kaniya. “Oh sya, mag-iingat ka pag-uwi. Drive safely!”Tumango si Iza at bumeso sa kaniya. Sumakay sya sa sasakyan na kadarating lamang kanina. Pinaandar nya ito at nagfocus sa daan.Napailing sya nang makita ang billboard ng kaniyang kapatid sa kahabaan ng edsa. Ngayon ay halos mapangisi sya d
Read more
Chapter 10
Sa sobrang kaba na naramdaman ay agad na sumakay si Iza sa kaniyang sasakyan. Nagmamadali nyang sinabihan ang driver na paandarin na agad at walang atubiling kinalabit ito.“Come on, kuya. Make it fast!” tarantang sigaw nya. “Pakibilisan po.”Hindi maaari ito, wala pa sa plano nyang magpakita kay Roman ngayon. Hindi pa pwede, hindi pa tapos ang hinahanda nyang plano. Bahagya syang napatalon nang makarinig ng mga kalabog sa bintana ng sasakyan. Mas lalong dumagundong ang kaba sa kaniyang dibdib nang makita si Roman. Ang mga nangungusap nitong mga mata at ang mga ugat na lumalabas sa leeg nito.“Open it, Iza! I know it’s you!” sigaw ni Roman sa labas. “Open it!”Ngunit mas lalong namula sa inis si Roman nang tuluyang umandar ang sasakyan na kinakalabog nya. Napahampas sya sa posteng malapit sa kaniya.Gustuhin man nyang habulin ang sasakyan ay hindi nya magagawa. Wala syang sasakyan ngayon dahil pinahatid nya ito sa parking lot ng school kung na saan ang likod na parte ng school.“Sir,
Read more
DMCA.com Protection Status