MasukChapter 2
HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok. Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito. "Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos. Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito patayo at niyakap. Hindi ito pumalag. Umiyak lang ito nang umiyak. Inakay niya ito papasok sa loob ng sasakyan. Umikot siya sa kabilang side ng kotse. Nang makaupo sa driver seat ay saglit niyang nilingon ang asawa. Tahimik lang itong umiiyak habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ini-start niya ang kotse at imbes na bumalik sa bahay ng magulang ay pinili niyang umuwi sa bahay nilang mag asawa. Hindi niya muna iisipin si Bettina, nandoon naman si Zion at ito muna ang bahala sa dalaga. Kailangan nilang mag usap ni Patricia. Hindi naman kalayuan ang kanilang bahay kaya ilang saglit pa ay narating na nila ang kanilang tahanan. Pinatay niya ang makina ng kotse at hinawakan ang asawa sa kamay nito. "Huwag mo akong hawakan!" pabigla nitong tinabig ang kamay niya. Natural na nagulat siya. Gigil nitong inalis ang seatbelt at bumaba ng koste. Mabilis naman siyang napasunod rito. "Hon!" hinabol niya ito at hinila sa braso at iniharap sa kaniya. "Bitawan mo ako!" "Patricia, please!" muli itong napaiyak at tumingin nang derekta sa kanya at naiilang siyang salubungin ang tingin nito. "Sabihin mong hindi totoo, Zach! Sabihin mong mali ang lahat na narinig ko at papatawarin kita." Luhaan nitong pakiusap sa kanya. Nagbawi siya ng tingin rito. "Patricia!" lumapit siya rito at akmang hahawakan ito nang umiwas ito sa kanya. "Sabihin mong hindi totoo!" sigaw nito. "Im sorry! Patawarin mo ako!" sa sinabi niya ay mabilis pa sa kidlat na nasugod siya nito at binigyan ng mag asawang sampal. "Paano mo na nagawa iyon sa akin? Ang sama-sama mo!" pinaghahampas siya nito sa dibdib habang umiiyak. "Patawarin mo ako!" tinanggap niya ang lahat ng mamasakit na salita, mura, sampal at suntok mula rito. Hindi siya umiwas o pumalag. Hinayaan niya ito, alam niyang sobra itong nasaktan sa nalaman. "Kailan mo pa ako niloko? Kailan pa?!" Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Natatakot siyang sabihin dito ang totoo. Pero mapilit ang asawa niya. "Umamin kang Gago ka!" muli na naman siya nitong sinampal. Doon na siya hindi nakapagtimpi. "Ano bang gusto mo malaman? Kailan kita niloko? Matagal na Patricia! Habang kasal ako sa sayo, nasa kandungan niya ako. Sa tuwing hindi ako nakakarating sa usapan natin, nasa kama niya ako! Iyon ba ang gusto mong malaman?!" nagsisigaw itong nakasalampak sa sahig habang nakatakip ang dalawang tenga. Sa nakikitang ayos ng asawa ay gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi. Hindi niya ito ginustong saktan. Nanghihinang napatayo ito mula sa sahig. "S-saan ba ako ng kulang, Zach? naging mabuti akong asawa sayo, sinunod ko ang lahat ng gusto mo! sa tuwing nagagalit ka kapag nahuhuli mo ako sa banyo na may hawak na PT, wala kang naririnig mula sa akin, pinagbigyan kita sa lahat ng gusto mo, ano pa ba ang kulang?!" hindi siya sumagot, nakatitig lang siya rito. "Ang sabi mo, hindi mo ako sasaktan, pero bakit, Zach?" doon na siya hindi napagpigil. Napaluha na siya ng tuluyan. MAGA at mugto ang kanyang mga mata kinabukasan. Hindi niya alam kung ilang oras ang naitulog niya, at lalong hindi niya alam kung anong oras na siyang nakatulog kagabi. Ang alam niya lang ay iyak lang siya ng iyak kagabi matapos malaman ang lahat, at hindi na niya namalayang nahila na siya ng antok. At sa pag gising niya ay wala na sa kanilang silid ang asawa. Pumasok siya ng banyo at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Habang nakatitig sa salamin ay muli na naman niyang naalala ang lahat. Ang pangloloko ni Zach, ang tungkol sa pinagbubuntis ni Bettina. Gusto niyang isipin na panaginip lang ito, pero hindi. Totoo ang lahat at harap-harapang inamin sa kanya ni Zach ang lahat. At sumugat iyon sa kanyang puso. Pero kahit ganoon, wala parin siyang makikitang dahilan na iwan ito, para sa kanya hindi sapat iyon. Mahal niya ito at gagawin niya ang lahat, siya ang mas may karapatan at ilalaban niya iyon. Hinubad niya ang kanyang saplot at pumasok ng shower room. Ayaw niya munang isipin ang nangyayari, sumasakit lang ang ulo niya, lalo na ang kanyang puso. Matapos mag shower ay madalian siyang nagbihis at lumabas ng silid. Pababa na siya sa hagdanan nang marinig niyang may nagtatalo sa living area. "Alwin!" alam niyang boses iyan Shaira. Nanatili siyang nakatayo roon. "Huwag mo akong pigilan, Shaira! kung kinakailangan bugbugin ko ito hanggang sa matauhan siya at maisip niya kung anong mali sa ginawa niya!" galit na sigaw ng ama nito. Noon na siya nagdesisyong bumaba. "Alwin, please! Nakikiusap ako sayo! Tama na iyan!" pigil ni Shaira sa asawa nito. Gusto niyang mapaiyak sa nakikitang hitsura ng asawa. Pero pinili niyang huwag itong lapitan. "Tatay!" biglang pumasok si Zion at mabilis na dinaluhan ang kapatid. "Bitiwan mo siya, Zion kung ayaw mong pati ikaw ay suntukin ko!" "Pero, Tatay!" "Bitawan mo o susuntukin kita?" banta nito, pero hindi man lang natinag ang binata at nanatiling dinaluhan ang kapatid. "Alwin, pag usapan natin ito!" "Ano pa ba ang pang uusapan, Shaira? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat?" "Ano pa ba ang magagawa mo? nangyari na, nandiyan na iyan! kaya kahit anong bugbog pa ang gawin mo, hindi na mababago ang lahat!" doon na siya hindi nakatiis, tumikhim siya at lumapit sa mga ito. "Anna!" lumapit sa kanya si Shaira at yumakap sa kanya. Gumanti siya ng yakap sa Ginang. "Nanay Shaira, Tatay Alwin! pasensiya na po pero, kung may dapat mang mag usap dito ay kami iyon ni Zach. Problema namin ito kaya kami ang aayos." Mahinahon niyang wika sa kaharap. Parehas na hindi sumagot ang dalawa. Si Shaira ay mataman lang na katingin sa kanya, tila sinisigurado kung seryoso siya sa sinabi. "Pero sa ngayon, kailangan ko munang gamutin ang sugat ng asawa ko!" nilapitan niya ang asawa at hinila ito papunta kusina. Inutusan niya ang katulong na kumuha ng aid. Habang si Zach ay mataman lang na nakamasid sa kanya. Hindi siya ng salita, nakamasid lang din siya rito. Nang dumating na ang katulong at dala nito ang aid ay walang imik niyang sinimulang gamutin ito. Habang ito naman ay nakamasid lang sa mga bawat galaw niya. Gusto niyang maawa rito, pero naisip niyang kulang pa ang mga suntok at sugat na natamo nito kumpara sa sakit na naramdaman niya. Bago pa siya matalo ng kanyang emosyon ay dali-dali niyang tinapos ang ginagawa. "Anna, puwede ba kitang makausap, kahit saglit lang?" saglit siyang napasulyap sa asawa. Tapos na niyang gamutin ang mga sugat nito sa mukha nang biglang pumasok si Shaira. "Nay! Ah, oo naman po!" wika niya ngunit may halong kaba. Muli siyang tumingin kay Zach at nakaunawa itong tumayo at lumabas ng kusina. "Nay.." "Im sorry, hija!" pabiglang sambit nito at mabilis na ginaganap ang kanyang palad. "Bakit kayo nag so-sorry, Nay? hindi niyo naman kasalanan!" "Alam ko, at alam ko kung gaano ka nasaktan. Pero Anna, sana huwag kang magpatalo sa emosyon mo, ipaglaban mo ang dapat ay sayo, huwag mong hayaang matalo ka nang hindi lumalaban!" "Nay!" tanging iyon lang ang nasambit niya, hindi niya ito maintindihan kung ano ba ang ibig nitong sabihin. "Minsan nang naipakilala sa amin ni Zach si Bettina at sa una palang ay ayaw namin sa kanya. Lalo na noong nag aaway na si Zach at Zion dahil sa kanya. At ngayon, ikaw at si Zach, dahil sa kanya nagulo kayo! Kaya, sana huwag mong hayaang masira niya kung ano mang meron kayo ngayon ng asawa mo!" tumango-tango siya rito. Malinaw sa kanya ang nais nitong ipahiwatig sa kanya. "SAAN ka pupunta? lalabas ka? sariwa pa iyang mga sugat mo sa mukha!" natigil siya sa paghakbang at hinarap ang asawa. "Tapos na kayong mag usap ni Nanay?" tanong niya at tumingin sa dereksiyon ng kusina. Mula roon ay lumabas ang kanyang ina. "Mauna na kami, pang usapan niyo na ang dapat pag usapan!" bilin nito. Humalik ito sa pisngi ng asawa niya. "Umayos ka, Zach! dahil sa susunod ako na ang bubugbog sayo!" banta nito sa kanya bago tuluyang umalis. Naiwan silang dalawa ng asawa niya. Napangiwi siya at hindi makayang salubungin ang mga tingin nito sa kanya. "Inuulit ko, Zach! Saan mo nais pumunta?!" tanong ulit nito. Tila naiinip itong hintayin ang sagot niya. "Ah! pupunta sana ako sa Hotel, may aasikasuhin akong mga papeles." "May aasikasuhin o umiiwas ka lang?" "Patricia, ano bang g-" "Ilang buwan?" pabiglang tanong nito. "Ano?" "Ilang buwan na sabi, Gago ka!" singhal nito sa kanya. Natatakot siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. "M-mag tatatlo.." Sa huli ay sagot niya. "Tatlo?" ulit nito sa basag na boses. Alam niyang iiyak nito ngunit pilit lang nitong pinipigilan. "O-oo.." "Alam mo, puwedeng walang magbago sa atin Zach, basta sundin mo lang ang mga gusto ko. Asawa kita at kaya kong palampasin ang lahat ng ito.." Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumitig rito. "Ano, Patricia, kung hi-" "Layuan mo siya!" "Ano? At sa tingin mo gagawin ko iyon? Patricia, anak ko iyong dinadala niya, at hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko na wala ako sa ta-" "Hindi siya lalaking walang ama! Kapag nakapanganak na si Bettina ipapa-DNA ko ang bata." pigil nito sa kanyang sasabihin. Napahilot siya sa kanya sentido. "P-paano kung talagang anak ko iyong bata, anong gagawin mo?" tumingin ito sa kanyang ng deritso bago sumagot. "Kukunin mo sa kanya ang bata, tayo ang magpapalaki sa kanya, ako ang kikilalanin niyang ina." "Hindi kita maintindihin, Patricia kung bakit mo nasasabi mo ang mga ganyan!" "Ginagawa ko ito dahil mahal kita! tatanggapin ko ang bata dahil mahal kita na kung tutuusin ay kaya naman kitang bigyan ng anak pero ayaw mo pero nakabuntis ka sa iba! Alin ba doon ang hindi mo naintindihan? Pati ang nararamdaman ko ay hindi me naiintindhan?"" napailing-iling siya rito. Hindi niya alam pero.. nagbawi siya ng tingin at pumikit. Nagbilang siya hanggang sampu at pilit kinakalma ang sarili, ayaw niyang makipagtalo rito. Walang imik at walang lingon niya itong tinalikuran at umalis. Narinig niyang tinawag siya nito ngunit hindi niya ito pinansin. IChapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo
Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k
Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong
Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i
Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."
Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito







