MasukChapter 1
"BAKIT ngayon ka lang?" halos paos niyang tanong sa kakarating na asawa. Ang totoo ay kakauwi niya lang din. "Ah! Madami kasi akong tinapos sa opisina, hindi na ako nakatawag sayo!" hindi na siya nakapagpigil at tuluyan nang napaiyak. "Zach, anniversary natin, pinag-usapan na natin ito kagabi at nangako kang darating ka. Pero pinagmukha mo akong tanga sa kakahintay! Kahit text o tawag hindi mo ginawa!" napapasigaw na siya rito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilaan niyang balikat. Napasigok siya at napatingin sa asawa. "Anna, im sorry! Babawi nalang ako!" maang siyang napatingin sa kaharap. Akmang bubuka ang bibig niya, may gustong sasabihin ngunit naitikom niya ang kanyang bibig at hinayaang maglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Babawi? Halos hindi na niya alam kung ilang beses na nitong sinabing babawi ito. Pero umabot nalang sila ng isang taong mag asawa ay lagi nalang itong nangangakong babawi. "Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit nagkakaganito, Zach! nagsisisi ka ba napinakasalan mo ako?" tila batang tanong niya. "Anna, puwede ba, huwag na muna natin-" nahinto ito sa pagsasalita. "Nakainom ka?!" hindi niya alam kung tanong ba iyon o galit ito. Pero hindi niya ito sinagot. "Bakit?" mahinang tanong niya. "Bakit mo pa pinaabot sa ganito, Zach? ngayon ko lang naalala na kahit minsan hindi mo sinabi sa akin na mahal mo ako!" napahikbi siya sa sinabi. "Please, lasing ka lang, bukas na tayo mag usap. Tara na sa itaas!" hinawakan siya nito sa kamay at anyong hihilaan paakyat ngunit mabilis niyang binawi ang kamay. "Hindi, ngayon tayo mag usap! Sabihin mo, kaya mo ba ako nilagawan noon dahil alam mong mahal kita? Kaya mo ba ako niyayang magpakasal dahil napapagod ka ng makipaglaro sa mga babae?!" hindi niya alam kung dahil sa epekto ng alak kaya niya nasabi ang mga iyon. "Anna, ano ka ba?!" sita nito sa kanya. Tuluyan na siyang napahagulhol. "Zach, please, huwag mo akong saktan! mahal na mahal kita!" naramdaman niyang hinapit siya nito palapit at niyakap. "Hindi kita sasaktan!" mabilis nitong sagot. Nag angat siya ng tingin at hinagilap ang mga labi nito. Nang magtagpo ang kanilang mga labi ay sabik silang tumugon sa isa't isa. Ilan sandali pa ay naramdaman niya ang pag angat sa ere. Pinangko siya ng asawa at dinala sa kanilang silid. "ZACH, nakikinig ka ba?!" napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ng ama. "Sorry, Tay! Ano ho iyon, ulit?" napahilot ito sa sariling noon at puno ng pag aalalang tumingin sa kanya. "Ano ba ang problema? Nag away ba kayo ni Patricia?" sa tanong nito ay mabilis na napalipad ang tingin ng kanyang Tito Jake nang marinig ang pangalan ng anak. Lumapit ito sa kanila. "Anong nangyari?" anito at natatakot siya sa nakikitang galit sa mukha nito. Hindi tuloy siya makahuma, hindi malaman ang isasagot. "Ah, simpleng tampuhan lang, pero inaayos naman namin!" pagsisinungaling niya at nag iwas ng tingin sa ama ng asawa. "Ganoon ba? Kung ano man iyan, ayusin niyo ng maaga. Huwag niyo ng paabuting lumala pa." Mahinang bilin ng kanyang Tatay. Habang si Jake ay napapailing na lumayo sa mag ama. Hindi siya kumbinsido sa paliwanag nito. "Tay! Pasensiya na, pero, baka puwedeng mauna na akong umuwi? pupuntahan ko lang si Patricia sa bangko." Tinapik siya ng ama sa balikat bilang pagpayag nito. Tumayo na siya at lumabas na ng conference room. Pupuntahan niya ang asawa sa bangkong pinamamahalaan nito na pag aari din nila. Alam niyang marami na siyang pagkukulang dito, kailangan niyang bumawi sa asawa. Nang makarating sa basement ay agad siyang pumunta sa nakaparadang kotse at pinasibat iyon. Hindi naman kalayuan ang bangko kaya naman ilang minuto pa ay narating na niya ito. Nang marating ang naturang lugar ay nagmamadali siyang bumaba ng kotse habang hawak ang bouquet. Binati siya ng mga empleyado pagkapasok niya. Dumiretso siya sa opisina ng asawa. "Ma'am, hindi niyo pa po na aprobahan ang loan ni Mr. Sanchez.." Akmang kakatok siya nang marinig niyang magsalita ang kalihim nito. "Ah, oo. Pag aaralan ko pa kasi iyon, buti napaalala mo." Nang marinig ang boses ng asawa ay doon na siya kumatok at pinihit ang seradura. "Zach! anong ginagawa mo dito? I mean.." Nilingon nito ang kalihim at nakakaunawang nag excuse ito at lumabas. Lumapit siya at inabot ang bouquet rito. "Salamat!" "May gagawin ka pa ba?" "Wala naman. Bakit?" "Good!" walang pasabing kinuha niya ang bag nito at hinawakan sa kamay at hinila palabas sa opisina nito. "Wait, Zach! may aayusin lang ako saglit!" pigil nito sa kanya. "Hon, ibilin mo nalang kay Miranda iyan!" "Pero.." Wala na itong nagawa pa nang maisakay na niya ito sa kotse. Napangiti nalang siya nang irapan siya nito. Kumindat siya sa asawa bago pinaandar ang sasakyan. "KAKAINIS ka!" nang gigil niyang hinampas sa braso ang asawa. Walang pasabi itong sumugod sa bangko. Akala niya ay kung saan siya dadalhin ng asawa. "What?!" tumigil ito sa paghalik sa kanyang leeg at tumitig sa kanya. Ngumuso siya at kumandong rito. "May inihanda ka palang dinner date, hindi mo man lang sinabi sa akin!" "Sopresa, Hon!" natatawang sagot nito. Habang malaya nitong pinalandas ang daliri nito sa kanyang tagiliran. "Ah, sopresa, kaya dito mo naisip sa hotel and casino niyo? May iba ka pa bang sopresa?" pinanlakihan niya ito ng mga mata nang inisa isa nitong tanggalin ang butones ng blusa niya. "Babawi ako, diba?" sabi nito bago siya siniil ng halik. Natawa siya nang halos punitin na nito ang blusa niya. Tinulungan niya ito at siya na mismo ang nag alis sa suot niyang brassiere. Nang tuluyang tumambad sa mukha nito ang dalawang malulusog niyang dibdib ay sabik nitong isinubo ang isang tuktok ng dibdib niya habang ang isa ay malayang pinaglalaruan ng daliri nito. "God! Zach!" umalpas ang malakas na ungol sa kanyang bibig. Napasabunot siya sa buhok nito. "Zach!" binuhat siya nito at inihiga sa kama. Napabuntong hininga nalang siya nang dumadausdos ang labi nito papunta sa kanyang sikmura. Nailiyad niya ang kanyang katawan nang alisin nito ang suot niyang skirt, sinunod nitong alisin ang kahuli-huliang saplot niya sa katawan. Naiangat niya ang balakang nang dumampi ang labi nito sa pinakasensitibong bahagi ng kanyang katawan. Umalpas ang napakalas na ungol sa kanyang bibig nang magsimulang maglaro ang dila nito roon. Napabaling-baling ang ulo niya. Naitapak niya ang kanya paa sa balikat nito at napasabunot ng mahigpit sa malambot nitong buhok. "Ah! Zach!" naramdaman niyang tila may nais sumabog sa kanyang loob. "Zach! im c-coming!" sa sinabi niya ay lalong naging maharot ang dila nito. Hangang sa hindi niya na napigilan ang pagsabok. Nanghihinang napatingin siya sa asawa na nakatingin din sa kanya. Gumapang ito at pumantay sa kanya. "Hindi ko kasalan kung pinanganak akong malaki!" wika nito at naramdaman niya ang pagpasok nito sa kanya. Isang taon na silang mag asawa pero hindi parin siya sanay sa laki nito. Umungol ito sa ibabaw niya at dahan-dahang gumalaw. Nakagat niya ito sa braso nang maging marahas na ang galaw nito. Mga ungol ang daig ang tanging maririnig sa loob ng silid na iyon. Napasigaw siya nang maabot na niya ang nais marating. Sumunod ito sa kanya. Umalis ito sa ibabaw niya at humiga sa kanyang tabi. Hinila siya nito palapit at niyakap. Dala ng pagod ay nakatulog siya agad. NAGING maayos ang takbo ng buhay nilang mag asawa. Pero akala niya lang pala iyon. Nanghihinang napasandal siya sa malamig na tiles ng banyo. Gusto niyang mapaiyak habang nakatingin sa hawak na PT. Gaya ng mga nauna niyang subok ay negative na naman ang resulta. Doon na naman bumukas ang pinto ng banyo at pumasok ang asawa. "Hon, pakiaayos naman ng-"nahinto ito sa pagsasalita at napako ang tingin nito sa hawak niyang PT. Biglang nagdilim ang mukha ng asawa. "Ilang beses na ba nating pinag usapan ang tungkol dito, Patricia?!" halos pumuno sa buong banyo ang boses nito. "Z-Zach! nagbabasakali lang naman ako, at saka, gusto ko na talagang magkaanak na tayo." "Sinabi ko ng huwag muna ngayon, diba? bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" doon na siya napaiyak ng tuluyan. "Bakit ka ba nagagalit? wala namang masama kung mabuntis ako, ah? Isang taon na tayong kasal, masisisi mo ba ako kung sabik akong magkaanak tayo!" sigaw niya sa kaharap habang umiiyak. Napailing-iling ito. Tila hindi siya naiintindihan. Tinalikuran siya nito at lumabas ng silid. Pabalya nitong isinara ang pinto. Naipikit niya nalang mga mata. Hindi alam kung bakit ito nagagalit. Inihagis niya ang PT sa trashbin at pumasok sa shower room. "Patricia, my dear! wala pa ba ang asawa mo?" mula sa pagtanaw sa gate ay nilingon niya ang nagsalita. Linggo kaya naroon sila sa mansiyon ng mga ito. Nakasanay na nila ang ganito. "Nay! wala pa po, eh!" magalang niyang sagot dito. Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Ang ganda-ganda mo anak, at higit sa lahat napakabait mo, ang swerte ni Zach sayo." tipid siya ngumiti sa kaharap. Akmang may itatanong siya rito nang may humimpil na sasakyan. Sabay silang napalingon ni Shaira. Bumukas ang gate. Kotse ni Zion ang dumating. Nang maiparada na ang kotse ay bumaba na ang binata. "Hello, Nanay! Na-miss kita!" hindi niya maiwasang matawa, lalo na nang yumakap ito sa ina na parang bata. "Zion, anak. Ang laki-laki mo na, hindi na kita puwedeng i-baby!" "Nanay! Baby mo ako! I love you, Nanay!" lalo siyang natawa sa inasta ni Zion. Kalaking taon nito pero kung makalambing sa ina ay daig pa ang dalawang taong bata. Naalala niya nang minsang dumalaw silang mag asawa sa mga ito. Naabutan niya si Zach at Zion na nagsisiksik sa ina habang naglalambing. Tila nag aagawan pa ang dalawansa atensyon ng Ginang. Bumitiw lang sa pagkakayakap si Zach nang makita siya nitong nakatingin. Nahinto siya sa pag iisip nang may kasunod na humimpil na sasakyan. Dumating na si Zach. "Nay! Nanay!" anito at sinugod ng yakap ang ina. Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi siya nito mapapansin. Nahihiyang bumitiw ito sa ina at lumapit sa kanya. "Kanina ka pa ba?" tanong nito matapos siyang gawaran ng halik. "Oo, maaga palang ay pinasundo na ako ni Nanay!" "Hali na kayo sa loob at lalamig na ang pagkain!" "Nanay! Niluto mo ba ang paborito ko?" muli na naman siyang natawa kay Zion. Nakayakap parin ito sa ina habang papasok sa loob. "Umayos ka nga Zion, madadapa tayo!" "Bakit?" "Wala, natatawa lang kay Zion, masyado siyang malambing kay Nanay, para siyang baby!" nilingon niya ito at hindi nakaligtas sa kanya ang pag ikot ng mga mata nito. "Zach, iyong tungkol sa PT h-" "Tama na, ayaw ko munang pag usapan iyan sa ngayon, lalo na't nasa bahay tayo ng mga magulang ko!" Pigil nito sa kanya. "Tara na sa loob!" hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok. Tinungo nila ang dinning area at doon naabutan nila si Zion na naglalambing habang nagpasubo sa ina. "Naku, Zion! hindi na bagay sayo ang maging baby!" kumento nito habang nakatingin sa bunso. "Kailan kaya kami bibigyan ng kuya at Ate mo ng apo?" napangiwi siya sa tanong ng Ginang. "Nay!" tawag ni Zach rito. Hindi niya mapigilan ang matawa. Alam niyang naiingit ito. Kung nagkataong wala siya, baka nakipag-agawan na naman ito sa kapatid. NAGISING siyang wala sa kanyang tabi ang asawa. Bumangon siya at nagsuot ng roba. Bumaba siya ng kama at lumabas ng silid at titignan ang asawa sa ibaba. Dahil masyado ng gabi kaya nagdesisyon silang bukas na lamang uuwi. Natulog siya kaninang katabi ang asawa. Saan ka iyon ng punta? Tinalunton niya ang kusina nagbabasakaling naroon ito. Ngunit wala ito roon. Bumalik siya sa sala at nag iisip kung saan ito maaring nagpunta. Nasa ganoon siyang pag iisip nang mapako ang tingin niya sa nakabukas na pinto. Dahan-dahan siyang lumapit at doon natanaw niya ang asawang nakatalikod nakatayo sa may gate, kasama nito si Zion. Lumabas siya upang lapitan ang dalawa. Noon niya lang napansing may iba pa itong kasama. Sa tulong ng liwanag mula sa poste ay nakilala niya agad ito. Bettina? Kilala niya ito, dahil bago pa man naging sila ni Zach ay nobya nito ang babae. Kung ano man ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito noon ay hindi siya nag aabalang magtanong. Pero ngayon.. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Ngunit nakailang hakbang palang siya nang matigilan siya sa paglalakad. "Zach, please! kailangan kita!" nagpantig ang tingin niya sa narinig, hindi parin pansin ng mga ito ang presensya niya. "Bettina, ano ba? nandito naman ako!" singit ni Zion. Napansin niyang tila lasing ito. "Puwede ba, Zion. Tigilan mo ako!" itinulak nito si Zion at muling bumaling sa kanyang asawa. Nanatili parin itong kalmado habang nakatitig sa kaharap. Habang nakamasid sa tatlo ay hindi niya maiwasang magtanong sa hangin. Anong ginagawa ni Bettina dito nang ganitong oras? Anong kailangan nito sa asawa niya at bakit sinasabi nitong kailangan nito ang asawa niya? Ang daming tumakbo tanong sa isipan niya. "Lower your voice, Bettina at baka magising sina Nanay!" wika ni Zach. "Bettina, ako nalang!" ani Zion at pilit inilalayo ang babae sa kanyang asawa. Naguguluhan na siya. Aktong ihahakbang niya ang kanyang paa upang lumapit sa tatlo nang biglang nagsalita ulit ang babae. "Zach! Buntis ako! Zach, kailangan ka namin ng anak mo?!" Inihiling niyang sana ay namali siya nang pandinig, na sana, hindi totoo. "Bettina!" si Zion ulit. "Zion, ano ba? Bitawan mo ako!" muli nitong itinulak ang binata. "Kuya, paano mo nagawang-" natigil ito sa pagsaalita nang mapako ang tingin nito sa kanya. "A-ate Patricia?" sambit nito habang nakatitig sa kanya. Tila naman nanigas ang katawan ng asawa nang marinig ang pangalan niya. "P-Patricia!" baling nito sa kanya. Napatingin na rin ang babae sa kanya. Partikular na napatingin siya sa puson nito. Nag uunahan sa pagpatak ang mga luha niya. Kung magkakaanak man sa ibang babae ang asawa niya, matatanggap niya itong kung nasa edad dalawa o higit pa. Pero.. Natutop niya ang kanyang bibig at pinipigilan ang mapahagulhol. "Hon!" humarap ito sa kanya at anyong lalapitan siya. Napaatras siya habang hilam ng mga luha. Nang hindi na niya kaya ay tumakbo siya palabas ng mansiyon. Nilagpasan ang mga ito. "Patricia!" narinig niyang tawag ng asawa pero hindi niya ito pinansin. Tumakbo lang siya nang tumakbo habang umiiyak. Iyong salitang masakit? Iyon ang naramdaman niya. Pero sobrang sakit! Sa sobrang sakit na naramdaman ay hindi niya tuloy malaman kung ano ang gagawin, kung saan siya pupunta. ItutuloyChapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo
Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k
Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong
Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i
Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."
Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito







