Share

Chapter 7

Author: Jhen08
last update Last Updated: 2025-12-13 08:33:36

Chapter 7

INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata.

Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae.

Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala.

"Goo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Runaway wife    Chapter 9

    Chapter 9 "ZACH.." Mahinang tawag niya rito. Tahimik itong nakatayo habang nakasilip sa salaming bintana ng ICU kung saan naroon ang ama nito. Dalawang araw na mula nang magbalik siya sa maynila. Agad niya itong pinuntahan. Mismong si Anton pa ang naghatid sa kanya. Nagulat pa ito nang makita nitong kasama niya si Anton. Hindi na nito nagawang magtanong pa nang sugurin niya ito ng yakap. Ganoon nalang ang iyak niya nang makitang maayos ang asawa at ligtas ito. Samantalang ang ama nito ay nasa Coma. Sa daming balang tumama rito ay napaka-imposibleng mabuhay ito pero, nakikipaglaban parin ito sa kamatayan. Marahan niyang hinawakn ang kamay nito at pinisil upang iparating na naroon siya sa tabi nito. Malungkot itong sumulyap sa kanya. "Hindi niya kami iiwan, diba?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito at muling tumingin sa bintana. "Sabi nga ng mga Doktor, napaka-imposibleng makaligtas siya. Pero, lumalaban parin siya kasi, alam niyang naghihintay kayo!" tumango ito sa k

  • The Runaway wife    Chapter 8

    Chapter 8 "ZACH, Bitaw!" mahinang usal niya habang pilit itong itinutulak ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ayoko!" mariing wika nito at mas lalong pa siyang hinapit. "Zach, ano ba?!" nauubasan na siya ng pasensiya sa asawa. Ginamit na niya ang lahat ng lakas niya para itinulak ito palayo pero mahina talaga siya. Pagdating talaga dito napakahina niya. "Umuwi na tayo.." Anito. Paulit-ulit nalang, kanina pa sila. Parang hindi ito napapagod sa kakaiyak, samantalang siya, pagod na pagod na sa kakaiyak at kakatulak dito. "Zach.." Mahinang tawag niya at noon lang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang dalawang palad nito at hinawakan siya magkabilaang pisngi. Pagkakataon na niyang itulak ito palayo sa kanya pero habang nakatitig sa luhaan nitong mukha ay nawalan siya ng lakas para gawin iyon. Nakatitig lang siya dito. "Ang Gago ko, Patricia! Alam ko iyon, pero huwag mo itong gawin sa akin! Hindi ko kaya!" impit siyang napaiyak sa sinabi nito. "Noong umuwi ako sa bah

  • The Runaway wife    Chapter 7

    Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo

  • The Runaway wife    Chapter 6

    Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k

  • The Runaway wife    Chapter 5

    Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong

  • The Runaway wife    Chapter 4

    Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status