Share

Chapter 6

Author: Jhen08
last update Last Updated: 2025-12-12 16:07:29

Chapter 6

"ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya.

"M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa.

"Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!"

"Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya.

"Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito.

"Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito.

"Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Sana hindi mo ako bibiguin!" tumango-tango siya sa sinabi nito at humigop ng kape.

"Wala ba kayong alam na lugar na maaari niyang puntahan? o kakilala na puwede niyang puntahan?"

"Wala, sinubukan ko na rin siyang ipahanap sa Nueva Ecija, pero negative ang laging resulta. Iyon lang ang lugar na alam ko dahil taga-doon ako."

"Mahihirapan talaga tayong hanapin siya.." Wala sa sariling usal niya at tumanaw sa labas.

"Alam ko! kung tutuusin puwede naman akong maghintay na bumalik siya dahil alam kong babalik naman siya pero, hanggang kailan?"

"Ma..."

"Aalis na ako! Tawagan mo nalang ako kapag may balita ka na.." Tumayo na ito kaya napatayo na rin siya. Humalik ito sa pisngi niya bago tuluyang umalis. Naiwan naman siyang maraming iniisip.

Bumalik siya sa pagkakaupo habang nakatanaw sa labas. Hindi niya alam kung ilang minuto na siya sa ganoong ayos. Napamulat nalang siya nang biglang may umupo sa harapan niya.

"Lalim niyon, ah?" wika ng bagong dating.

"Jake!" gulat niyang sambit sa kapatid. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Singapore ka?" maya-maya ay tanong niya rito. Tinawag nito ang crew at umorder ng kape bago siya binalingan nito.

"Oo, pinauwi ako ni Tatay, e! Kainis nga Kuya, balak ko pa naman sanang magbakasyon doon ng matagal tapos, tatawagan ako ni Tatay para pauwiin!" reklamo nito. Lihim siyang natawa sa kapatid.

"Umuwi ka naman? puwede mo namang tanggihan si Tatay, ah?" aniya rito. Noon naman dumating ang order nitong kape.

"Salamat!" anito at muli siyang hinarap. "Para ano? susunduin ako ni Tatay doon at kakaladkarin pabalik dito, ayaw kong mangyari iyon.."

"Takot ka talaga kay Tatay, no?" hindi niya alam pero sa unang pagkakataon, iyon ang unang beses na nag usap silang magkakapatid. Hindi nagsusuntukan, nagmumurahan at nag aangilan. At natutuwa siya.

"Sinabi mo pa!" natatawang amin nito. "Ikaw din naman, ah? tanda ko pa noong college ka? isang tawag lang ni Tatay sayo, nanginginig na ang tuhod mo!" tudyo nito sa kanya at tumawa ng malakas.

"Oo na!" natatawang pagsuko niya kay Zion.

"Oo nga pala, kuya..ano ng balita kay Bettina? anong plano mo?" natigilan siya sa biglang tanong nito.

Ano nga ba ang plano niya kay Bettina? isa pa, isang linggo na itong nangungulit sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi niya ito pinupuntahan. Dahil inilaan niya ang kanyang bakante oras sa paghahanap sa asawa.

"Hindi ko alam! hinahanap ko pa si Patricia!" mahinang sagot niya. "Ikaw ba? hindi ka na ba galit sa akin?"

"Nah! hindi na! Isa pa, kapatid kita. At totoo naman iyong sinabi mo noon sa akin e.. Hindi ko mahal si Bettina, gusto ko lang tagala siya at naiinis ako sayo noon, feeling ko kasi mas gwapo ka pa sa akin!" hindi niya maiwasang mapangiti.

"Ikaw talaga, magkapatid tayo, kaya pareho tayong gwapo. Nagkataon lang talaga na ako ang Kuya!"

"Oy! lamang ako sayo ng isang gym no! Mas may Abs ako kaysa sayo!"

"Zion Jake, Talaga! Oo sige na, ikaw na ang may abs!" nagpatuloy sila sa pagkukulitan. At masaya si Zach na nagkakausap at nagkakabiruan na silang magkapatid.

PAKIRAMDAM ni Patricia ay kakaiba ang umagang iyon. Laging siyang nagigising sa umaga na tahamik sa buong apartment. Pero ngayon, maingay at tila parang may bata.

"May bata!" gulat niyang sambit sa sarili at napabalikwas ng bangon. Dali-dali siyang umalis sa kama at bumaba.

"Naku, tulog pa, e!"

"Anong oras po ba siya magigising?" narinig niyang tanong ng bata sa Matanda. Kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong batang nakilala niya noong isang araw. Tumikhim siya upang iparating ang presensiya niya.

"Ay, gising na po siya, Lola!" matilis nitong sabi at lumapit sa kanya. "Good morning po, Miss Ganda! May dala po akong bulaklak para sayo!"

"Ah..eh! Salamat naman!" tinanggap niya ang bulaklak na inabot nito."Bakit ka nandito?" hindi nakatiis na tanong niya.

"Gusto ko po kayong makita e.."

"Bakit?"

"Ang ganda-ganda niyo po kasi.."

"Naku, Hija! kay bata-bata pa niyan ang dami ng alam."

"Ma'am, pasensiya na po kayo, masyado po kasing makulit ang alaga ko!" napatingin siya sa babaeng nakaupo sa sofa.

"Ganoon ba? Ayos lang iyon." Aniya sa mga ito at hinawakan ang bata sa kamay. "Kumain na ba kayo?"

"Opo!" mabilis nitong sagot at umupo sa sofa. Napailing na lamang si Patricia at nagsimula ng kumain. Panaka-naka niya nililingon si Tucker. Kusa siyang napangiti.

Hindi niya alam pero naaliw siyang titigan ito, ang cute nito lalo na sa tuwing ngumingiti ito ay lumabas ang dalawan biloy na nasa magkabilaang pisngi nito.

"Tucker, nasaan ang Daddy mo?" tanong niya sa bata nang matapos siyang kumain. Lumapit siya rito at tumabi.

"Nasa trabaho po!"

"Ano iyan?" ininguso niya ang paper bag na nasa tabi nito.

"Mga things ko po!" inilabas nito ang mga laman ng bag at napangiti nalang siya.

"Marunog kang magdrawing?"

"Hindi po!"

"E, bakit may ganyan ka?"

"Kasi po, ikaw ang mag drawing, ako ang magkukulay, marunog ka po bang magdrawing, Tita Ganda?"

"Hindi masyado, gusto mo subukan natin?" mabilis itong tumango at inabot sa kanya ang gagamitin. Ngumiti lang siya dito at nagsimula nang gumuhit. Hindi talaga siya marunog at wala siyang hilig sa pagdrawing pero napasubo siya sa isang bata.

Natawa siya sa sarili nang mapagmasdan ang ginawa. Kasuklam-suklam talaga. Pero si Tucker, tuwang-tuwa at sabik na kinulayan ang gawa niya.

Lihim niya itong pinagmasdan. Natutuwa talaga siya rito. Inasahan na niyang araw-araw na siyang may bisita sa bahay niya.

Walang kaso iyon sa kanya, masaya nga siya at nakilala ito. Siguro nga ganoon siya kasabik sa bata.

Buong araw silang tumambay ni Tucker sa sala. Nang makasawaan sa pag drawing ay niyaya niya itong manood ng tv. Pagsapit ng hapon ay niyaya niya itong mag meryenda.

Bandang ala-sais nang natigilan siya ng may humimpil na sasakyan sa tapat ng gate nila.

"Dad!" nagulat pa siya nang bigla itong tumayo at lumabas. Napasunod na rin siya dito. Mula sa itim na SUV ay bumaba ang isang matangkad na lalaki.

Napasinghap siya nang wala sa oras nang malayang mapagmasdan ito.

Ito ang Daddy niya? kaya naman pala napakagwapong batang ito, may pinagmanahan.

Bigla usal niya sa sarili habang nakamasid sa mag ama.

"Dad! Halika! papakilala kita kay Tita Ganda.." Hinila nito ang lalaki palapit sa kanya. "Tita Ganda, siya po ang Daddy ko!"

"Hi!" bati nito sa kanya at inilahad ang palad. Nahihiyang tinanggap niya ang palad nito.

"Hello.."

"Ikaw pala ang lagi niyang kinukwento sa akin, at tama ang anak ko, napakaganda mo nga!" pinamulahan siya ng pisngi sa sinabi nito. Ngiti lamang ang naisagot niya.

"Dad! uuwi na ba tayo?"

"Yes, Anak!" muling itong bumaling sa kanya. "Pasensiya ka na sa anak ko!"

"Wala anuman! Isa pa, napakabait niyang bata. Nakakatuwa!"

"Oo nga, e. Susunduin ko na siya, ha? alam kong buong araw siyang nandito sa bahay mo.." napangiti siya rito at nilingon si Tucker na nakangiting nakatingin sa kanila.

"Bye po, Tita Ganda! Balik po ako bukas!" natatawang ginulo niya ang buhok nito.

"Oo ba! maaga akong gigising bukas at ipagluluto kita ng pan cakes!"

"Wow! Gusto ko iyan! Sige po, balik ako bukas!" nagpatiuna na itong humakbo sa kotse.

"Sige mauna na kami.."

"Patricia, iyan ang pangalan ko!"

"Patricia, sige! Salamat ulit!" tumalikod na ito at tinungo ang kotse. Kumaway siya sa mga ito.

Nang tuluyan nang makaalis ang mag ama ay nahulog siya sa malilim na pag iisip.

MALALIM na ang gabi ngunit mailap sa kanya ang antok. Napabuntong-hininga siya at bumangon sa pagkakahiga. Inabot niya ang laptop niya na nasa gilid ng kama at binuksan iyon. Kahit nasa malayo siya ay ginagawa niya parin ang trabaho niya sa bangko. Kahit sa e-mail lang. Nang makitang walang bagong padalang e-mail ang sekretarya ay bumaba siya sa kama at tinungo ang bintana.

Nangumbaba siya roon at diretsong nakatingin sa langit. Habang nakatingin sa itaas ay maraming siyang tanong sa sarili niya.

Paano kaya kong hindi siya nagpakasal kay Zach?

Paano kung hindi nalang si Zach ang minahal niya?

Ano kaya ang magiging takbo ng buhay niya kung walang isang kagaya ni Zach sa kanyang Buhay?

Hindi niya siguro mararanasa ang lahat ng ito. Iyong sakit, galit! iiyak kaya siya ng ganito? aabot kaya siya sa puntong magpapakalayo?

Paano kaya kong hindi nalang sila nagkakilala?

Ang dami niyang tanong, pero hindi niya magawang sagutin nag paisa-isa. Dahil habang nakatingin siya sa kalangitan, naamin niyang baliw yata ang puso niya. Dahil kahit ulit-ulitin yata ang nangyari. Si Zach parin ang kayang mahalin ng puso niya.

Hindi niya namalayang tumulo na ang mga luha niya.

"Nagmahal lang naman ako! pero bakit ang sakit-sakit?" naluluhang tanong niya sa hangin. Pinunasan niya ang mga luha niya at pilit na ngumiti.

Marami pa siyang araw na sasalubungin. Lihim niyang inihilig na sana, tama na. Dahil ayaw na niyang masaktan, ang tanging gusto niya lang ay ang maging masaya. Sana lang dumating ang araw na iyon.

Itutuloy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Runaway wife    Chapter 9

    Chapter 9 "ZACH.." Mahinang tawag niya rito. Tahimik itong nakatayo habang nakasilip sa salaming bintana ng ICU kung saan naroon ang ama nito. Dalawang araw na mula nang magbalik siya sa maynila. Agad niya itong pinuntahan. Mismong si Anton pa ang naghatid sa kanya. Nagulat pa ito nang makita nitong kasama niya si Anton. Hindi na nito nagawang magtanong pa nang sugurin niya ito ng yakap. Ganoon nalang ang iyak niya nang makitang maayos ang asawa at ligtas ito. Samantalang ang ama nito ay nasa Coma. Sa daming balang tumama rito ay napaka-imposibleng mabuhay ito pero, nakikipaglaban parin ito sa kamatayan. Marahan niyang hinawakn ang kamay nito at pinisil upang iparating na naroon siya sa tabi nito. Malungkot itong sumulyap sa kanya. "Hindi niya kami iiwan, diba?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito at muling tumingin sa bintana. "Sabi nga ng mga Doktor, napaka-imposibleng makaligtas siya. Pero, lumalaban parin siya kasi, alam niyang naghihintay kayo!" tumango ito sa k

  • The Runaway wife    Chapter 8

    Chapter 8 "ZACH, Bitaw!" mahinang usal niya habang pilit itong itinutulak ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ayoko!" mariing wika nito at mas lalong pa siyang hinapit. "Zach, ano ba?!" nauubasan na siya ng pasensiya sa asawa. Ginamit na niya ang lahat ng lakas niya para itinulak ito palayo pero mahina talaga siya. Pagdating talaga dito napakahina niya. "Umuwi na tayo.." Anito. Paulit-ulit nalang, kanina pa sila. Parang hindi ito napapagod sa kakaiyak, samantalang siya, pagod na pagod na sa kakaiyak at kakatulak dito. "Zach.." Mahinang tawag niya at noon lang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang dalawang palad nito at hinawakan siya magkabilaang pisngi. Pagkakataon na niyang itulak ito palayo sa kanya pero habang nakatitig sa luhaan nitong mukha ay nawalan siya ng lakas para gawin iyon. Nakatitig lang siya dito. "Ang Gago ko, Patricia! Alam ko iyon, pero huwag mo itong gawin sa akin! Hindi ko kaya!" impit siyang napaiyak sa sinabi nito. "Noong umuwi ako sa bah

  • The Runaway wife    Chapter 7

    Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo

  • The Runaway wife    Chapter 6

    Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k

  • The Runaway wife    Chapter 5

    Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong

  • The Runaway wife    Chapter 4

    Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status