Share

Chapter 9

Auteur: Jhen08
last update Dernière mise à jour: 2025-12-15 12:42:16

Chapter 9

"ZACH.." Mahinang tawag niya rito. Tahimik itong nakatayo habang nakasilip sa salaming bintana ng ICU kung saan naroon ang ama nito. Dalawang araw na mula nang magbalik siya sa maynila. Agad niya itong pinuntahan. Mismong si Anton pa ang naghatid sa kanya. Nagulat pa ito nang makita nitong kasama niya si Anton. Hindi na nito nagawang magtanong pa nang sugurin niya ito ng yakap. Ganoon nalang ang iyak niya nang makitang maayos ang asawa at ligtas ito. Samantalang ang ama nito ay nasa Coma. Sa daming balang tumama rito ay napaka-imposibleng mabuhay ito pero, nakikipaglaban parin ito sa kamatayan.

Marahan niyang hinawakn ang kamay nito at pinisil upang iparating na naroon siya sa tabi nito. Malungkot itong sumulyap sa kanya.

"Hindi niya kami iiwan, diba?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito at muling tumingin sa bintana.

"Sabi nga ng mga Doktor, napaka-imposibleng makaligtas siya. Pero, lumalaban parin siya kasi, alam niyang naghihintay kayo!" tumango ito sa k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The Runaway wife    Chapter 10

    Chapter 10 MAIINIT NA HALIK ang gumising sa kanya kinabukasan. Gustuhin pa man niyang matulog ay napilitan na rin siyang magmulat ng mga mata. "Zach, inaantok pa ako.." Mahinang usal niya nang mabungaran ang nakangiting asawa. Kumilos siya at tumagilid ng higa. "Hey!" pero mabilis siya nitong nahila. Iniyakap nito ang braso sa baywang niya habang masuyo nitong hinahaplos ang buhok niya. "Zach.." Parang biglang nawala ang antok niya sa pamamaraan ng pagtitig nito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Bumaba ang mukha nito at inabot ng mga labi nito ang labi niya at isang masuyong halik ang ipinagkaloob sa kanya. "Good Morning.." Anito nang pakawalan nito ang labi niya. Natatawang tinampal niya ito sa braso. Mahina niya itong itinulak at bumangon sa pagkakahiga. Bumaba na rin ito sa kama. "Aalis ka?" tanong niya nang mapansing nakapang-alis ito. "Oo, pupuntahan ko lang si Zion sa hotel. May pag uusapan lang kami." Anito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. "Hindi ba ako puwedeng

  • The Runaway wife    Chapter 9

    Chapter 9 "ZACH.." Mahinang tawag niya rito. Tahimik itong nakatayo habang nakasilip sa salaming bintana ng ICU kung saan naroon ang ama nito. Dalawang araw na mula nang magbalik siya sa maynila. Agad niya itong pinuntahan. Mismong si Anton pa ang naghatid sa kanya. Nagulat pa ito nang makita nitong kasama niya si Anton. Hindi na nito nagawang magtanong pa nang sugurin niya ito ng yakap. Ganoon nalang ang iyak niya nang makitang maayos ang asawa at ligtas ito. Samantalang ang ama nito ay nasa Coma. Sa daming balang tumama rito ay napaka-imposibleng mabuhay ito pero, nakikipaglaban parin ito sa kamatayan. Marahan niyang hinawakn ang kamay nito at pinisil upang iparating na naroon siya sa tabi nito. Malungkot itong sumulyap sa kanya. "Hindi niya kami iiwan, diba?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango siya rito at muling tumingin sa bintana. "Sabi nga ng mga Doktor, napaka-imposibleng makaligtas siya. Pero, lumalaban parin siya kasi, alam niyang naghihintay kayo!" tumango ito sa k

  • The Runaway wife    Chapter 8

    Chapter 8 "ZACH, Bitaw!" mahinang usal niya habang pilit itong itinutulak ngunit sadyang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ayoko!" mariing wika nito at mas lalong pa siyang hinapit. "Zach, ano ba?!" nauubasan na siya ng pasensiya sa asawa. Ginamit na niya ang lahat ng lakas niya para itinulak ito palayo pero mahina talaga siya. Pagdating talaga dito napakahina niya. "Umuwi na tayo.." Anito. Paulit-ulit nalang, kanina pa sila. Parang hindi ito napapagod sa kakaiyak, samantalang siya, pagod na pagod na sa kakaiyak at kakatulak dito. "Zach.." Mahinang tawag niya at noon lang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang dalawang palad nito at hinawakan siya magkabilaang pisngi. Pagkakataon na niyang itulak ito palayo sa kanya pero habang nakatitig sa luhaan nitong mukha ay nawalan siya ng lakas para gawin iyon. Nakatitig lang siya dito. "Ang Gago ko, Patricia! Alam ko iyon, pero huwag mo itong gawin sa akin! Hindi ko kaya!" impit siyang napaiyak sa sinabi nito. "Noong umuwi ako sa bah

  • The Runaway wife    Chapter 7

    Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo

  • The Runaway wife    Chapter 6

    Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k

  • The Runaway wife    Chapter 5

    Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status