Share

The Runaway wife
The Runaway wife
Penulis: Jhen08

Prologue

Penulis: Jhen08
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-30 10:40:12

Prologue

"AYAN! nakatunganga ka na naman diyan, habang tila nanaginip ng gising!" saglit niyang inalis ang tingin kay Zach na naglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan nito. Nilingon niya ang nagsalita.

"Ahm! Hindi naman, no? ang sarap niya lang kasing titigan!" wala sa sariling naiwika niya at muling ibalik sa binatilyo ang atensyon. Wala sa sariling biglang napangiti ang dalagita at nakabangumbaba habang tinatanaw ito.

Hay! Zachary Jack! matitigan lang kita, ang lakas na ng kabog ng puso ko!

"Oy! Zach, kakaiba ka talaga! bilib na ako sayo pagdating sa mga babae!" bigla siyang natauhan ng biglang may nagsalita isa sa mga kaibigan ng binatilyo. Napalakas ang kabog ng puso niya nang saktong magtama ang kanilang mga paningin.

"Hoy! Anna, ano naman iyang iniisip mo, habang nakatingin sa akin?" biglang tanong nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot. Napangisi na lamang ito. "Siguro, iniisip mo namang nakasuot ka ng traje de boda at kasama ako doon, syempre!" pagyayabang pa nito. "Tigilan mo na nga iyan, dahil kailan man ay hindi iyan mangyayari!" gusto na niyang mapaiyak. Kahit simple salita nito ay nasasaktan siya, dahil lantaran nitong pinapadama sa kanya na ayaw nito sa kanya. Sa inis ay tumayo siya at lumapit sa binatilyo.

"Hoy! Zachary! Ang yabang mo! pero kahit ang yabang mo mahal talaga kita. Pero ito lang sasabihin ko sayo, kahit anong pag ayaw mo sa akin, ako ang babaeng karapat-dapat sayo, walang iba!" mariing bigkas niya at nagpapadyak pa siya sa harapan ng mga ito. Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan nito.

"Hanep, Pare! ang lakas ng loob!" singit ng isang kaibigan nito. Pinukol niya ito ng isang masamang tingin.

"Ah, basta! Kahit ilang babae pa ang makarelasyon mo, sa akin ka rin babagsak!" iyon lang at iniwan niya ang mga ito. Narinig niya pa ang hiyawan ng mga ito, pero nagtatakbo na siya palabas ng court.

Akala niya batang pag ibig lang iyon at nililipas din. Ngunit taon man ang lumipas ay nasa puso niya parin ang pag ibig para dito.

Sa araw-araw na ginagawa ng diyos, at sa araw-araw na makikita itong iba't ibang babae ang kasama. Gusto na niyang sumuko sa sobrang sakit.

Ang akala niya, kusang mawawala ang pagmamahal niya dito, ngunit nagkamali siya.

"Papa, ayaw ko doon magtrabaho sa Hotel & Casino ni Tito Alwin!" halos nagmamakaawa na siya sa ama.

"Pat, simula palang pinag-usapan na nito ang tungkol dito."

"Pero, Papa..." Hindi niya alam kung anong idadahilan sa ama.

"Anna Patricia!" suko na siya, tinawag na siya ng ama sa buong pangalan niya at hindi na siya aangal.

Kaya nang tumuntog siya sa gusali ng mga Tajarda ay gusto niyang umatras upang iwasan ang taong paparating. Ngunit huli na.

"So?" ito ang unang namatawi sa bibig nito habang titig na titig sa kanya.

"Hindi ako nandito para sayo, sinunod ko lang si Papa!" nanlaki ang mata niya nang maintindihan ang sinabi niya.

"Bakit? May sinabi ba ako? Diffensive, Anna? Hanggang ngayon ba, hindi pa na wawala iyang pag asa mo?" sarkistong wika nito.

"Ang yabang mo! Porket alam mong patay na patay ako sayo, ganyan ka kung makapag-" napatutop siya sa kanyang bibig. Narinig niya ang malutong nitong pagtawa. Nahihiyang nagyuko siya ng ulo.

"Itinawag na sa akin ni Tito Jake ang pagdating mo. At ako ang naatasang magturo kung anong gagawin mo!" seryosong wika nito. Napatango na lamang siya rito. Wala naman kasi siyang sasabihin. "So? Lets go!"

LAKING pasasalamat niya at naging maayos ang unang araw niya sa trabaho. Kahit pa na, nahihirapan siya dahil nasa malapit lang si Zach. Pero ang pinagtataka niya ay tila nag iba ito sa pakikitungo sa kanya. Pero kusa din siyang natigil sa iniisip, naiisip niyang baka dahil sa trabaho kaya ganoon ang binata sa kanya.

Ayaw na sana niyang umasa, pero bigla na lang itong lumapit sa kanya at nagyayang lumabas. Akala niya simpleng pagyaya lang iyon, pero ang minsan paglabas nila ay nasundan pa ng maraming beses.

Hanggang hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras, araw at buwan.

At ngayon, nakaharap siya sa malaking salamin at tinitigan ang sariling repleksyon na nakasuot ng traje de boda.

Ikakasal na siya kay Zachary! Ang lalaking minahal niya mula noon hanggang ngayon.

I

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Runaway wife    Chapter 7

    Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo

  • The Runaway wife    Chapter 6

    Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k

  • The Runaway wife    Chapter 5

    Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong

  • The Runaway wife    Chapter 4

    Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i

  • The Runaway wife    Chapter 3

    Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."

  • The Runaway wife    Chapter 2

    Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status