Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit.
"Ang kapal mo!"
Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.
Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.
Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...
Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko.
"Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko.
"Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa.
"Sige po, uwi po ako diyan sa bahay mamaya."
At ayon ng ang ginawa ko. Nag-grab na ako pauwi sa Bulacan.
Ngayong taon lang nang nakabili kami ng second-hand apartment sa Bulacan. Isang palapag lang iyon pero sobrang laki. May real estate company din si Papa. Bagamat hindi kami itinuturing na mayaman, hindi rin naman kasi sobrang hirap. Kaya lumaki rin ako sa medyo marangyang kapaligiran.
Ngunit kasalukuyang nasa krisis ang real estate. Higit kalahating taon na rin ang nakalipas nang maranasan ng kumpanya ang matinding problemang pinansyal dahil sa mga palpak na investment, at halos mabangkarote na kami. At kahit na ganon, nang malaman ng ama ko na pinagbubuntis ko ang anak ng isang Montelvar, hindi niya ako pinilit pumunta sa mansion nila para manghingi ng sustento o tulong pinansyal.
Pero, hindi ko matiis na panoorin ang ama ko na sobrang naghihirap sa punto na kinailangan pa niyang ibenta ang mga ari-arian namin para mabayaran ang utang namin, matanda na siya at ayokong dumagdag sa problema niya kay ako na mismo ang nagdesisyon na harapin ang mga Montelvar.
At alam ko sa sarili kong, hindi lamang para sa ama ko ang ginawa, kundi para rin sa sarili kong interes, ang masakama ang taong walong taon ko ng minamahal.
Iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko.
Bagaman at nakuha ko nga ang ninanais, nabayaran namin ang mga utang namin dahil sa malaking pera na hiningi ko sa mga Montelvar at naikasal nga kami ni Kaiden pero ang kapalit naman ay pagkasuklam niya sa akin.
Kaya kung may dapat sisihin sa paghihirap na nararanasan ko ay walang iba kundi ako mismo. Lahat ito ay bunga ng maling desisyon ko.
"Nandito ka na pala, Gaile!" masayang sigaw ni Tiya Jessa nang makita ako. kalalabas niya lang galing kusina.
Siyam na taong gulang ako nang naghiwalay si Mama at Papa. Dinala ni Mama ang kapatid kong lalaki samantalang iniwan niya ako sa puder ni Papa. At doon nakilala ni Papa si Tiya Jessa at naging magkasintahan sila pero hindi sila nagpakasal. Galit pa nga ako noong una sa kaniya pero lumaon at natutunan ko siyang mahalin dahil sa kabutihan niya sa akin at sa ama ko. Anak niya sa unang kasintahan si Kuya Miguel pero tunay magkapatid ang turing namin sa isa't isa.
Nagmano ako.
"Saan po sila Papa?"
"Pauwi na rin sila. May binili lang. Pahinga ka muna sandali, nak. Siguradong pagod ka."
"Medyo pagod nga po, punta po muna ako sa kwarto," tango ko at ngumiti.
Hinatid niya pa ako sa kwarto ko. Kahit kasi kasal na ako, hindi pa rin binabago ni Papa ang kwarto ko, ganon pa rin katulad ng dati, naaayon pa rin sa gusto kong disenyo.
Pakiramdam ko tuloy ay galing ako sa isang gyera at ngayon lang tuluyang makapagpapahinga.
Naupo ako sa gilid ng kulay asul na kama ko at nakita ang photo album na nakapatong sa lamesang nasa tabi. Kinuha ko ito, maalikabok pa kaya pinagpag ko pa bago binuksan. Unang tumambad sa akin ang kupas na family portrait namin dati. Sobrang luma na nito. At kung hindi ako nagkakamali, walong taon pa lang ako rito.
Hawak ako ng bata at gwapong si Papa. Nakatayo sa tabi ko ang aking nakatatandang kapatid na labing-apat na taong gulang noon, at sa kabilang panig naman ay si Mama. Sa sobrang galit ko rati kay mama sa pag abondoan niya sa amin, pinunit ko itong larawan namin kaya hindi na kita ang mukha niya.
Pero ngayon, tila limot ko na ang galit na iyon.
Nilipat ko ang pahina.
Larawan ng isang magandang dalaga na nakasuot ng asul na bestida ang sumunod. May suot pa itong kulay brown na woven square hat habang nakatayo sa puno ng narra na may bungang bulaklak na tila ginto. Ang sinag ng araw ay tumatama sa perpekto at nakakasilaw niyang ngiti.
Mahaba at itim na itim ang kanyang buhok, may maliit at oval na mukha na tila kasing ganda ng buwan. Lalo na ang kanyang mga mata, kumikinang na parang mga bituin sa langit.
Kung hindi sana ako nagkasakit nang malubha at kung hindi sana sa hormone medication na mga ininom ko, baka ganito pa rin sana ang hitsura ko. Dahil ngayon, sobrang laki ng pinagbago ko. Kahit gaano ako magsumikap na magpapayat, walang epekto. Hindi ko na mabalik ang dati kong anyo kaya sobrang liit na tingin ko sa sarili ko.
Sa hindi malamang dahilan, habang nakatitig sa litrato ko rati bigla kong naalala si Gelly na kabit ng asawa ko...
Kumunot ang noo ko habang iniisip ang sagot sa sariling tanong na...
"Bakit parang may pagkakahawig siya sa dating ako...lalo na sa mga mata..."