Share

Chapter 41

SYD

Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon.

Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan.

“Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin.

Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!”

“Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty.

“Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status