Paglabas na paglabas niya mula sa kompanya, kaagad na nahagilap ng kanyang mata si Mika na lumabas mula sa kotse.
Si Daniel ang personal assistant ni Duke at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto para kay Mika. Paglabas naman ni Mika ay binigay nito ang hawak na mga bags. Napataas ang kilay niya dahil sa ginawa at narinig niyang sinabi nito kay Daniel.
“Ibigay mo ito sa lahat ng mga department staff, Daniel.” Ang mga kilos na ito ay katulad na katulad ng isang hostess.
Nakita niyang tinanggap iyon ni Daniel na may respeto, “Thank you, Miss Mika.”
Nakita naman niyang marahan na tumango si Mika kay Daniel, at pagbaling nito sa entrance kung saan siya nakatayo at mariin na nakatingin sa kanya, pinagsingkit nito ang dalawang mata niya.
Natigilan pa si Mika at sa isang iglap, lumapit ito sa kinatatayuan niya. "Jian." Ang tono ni Mika ay banayad, para bang isang malapit na nakatatandang kapatid. Pretentious bitch.
Nang muling mahanap siya ng pamilyang Hernandez, sinabi nila na mas matanda si Mika sa kanya ng isang oras. Banayad ang tono ni Mika para marinig ni Daniel sa likod nito at ang tingin nito sa kanya ay puno ng panunukso. Habang papalapit ito sa kanya, ibinaba ni Mika ang boses, "Fiancee ka niya, pero ako ang pinapunta niya sa kompanya para hanapin siya. Saan kaya niya inilagay ang posisyon mo, bilang fiancé?"
Nanlamig ang kanyang mukha. Hindi dahil naapektuhan. Ngumisi siya, "Hangga't gusto ko, makukuha ko ang anumang posisyon sa pamilyang Montefalcon. Pero ikaw? Maliban sa pagpunta mo sa kompanya para hanapin siya, mahahanap mo ba ang pinaka-importanteng posisyon sa Montefalcon?”
Bahagyang nagbago ang mukha ni Mika dahil sa sinabi niya. Tumingin si Mika sa kanya na puno ng inggit ang kanyang mga mata. Nanlilisik pa nga ito.
It's already obvious, na hindi pwede. Hindi papayag ang mga matatanda sa pamilyang Montefalcon. Nasiyahan naman siya sa nakikitang reaksyon ni Mika.
Huminga ng hinga si Mika at tiningnan siya ng masama, "Huwag kang makampanti dyan, hangga't nandito ako, hindi matutuloy ang kasal ninyo ni Duke."
Ngumiti siya at tumingin nang walang pakialam sa kanya, "Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo, at hindi ko kailangang magpakasal sa kanya." Ani niya. Para sa isang lalaking tulad ni Duke na may isang taong especial sa puso nito, mas mabuti pang makipaghiwalay na lang. At dapat gawin niya ang lahat sa lalong madaling panahon, para matapos na.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Mika, "Anong ibig mong sabihin?" Tiningnan siya ni Mika nang hindi makapaniwala.
Nag-eskandalo pa ako nang dalawang taon, at ngayon nagpapanggap akong walang pakialam, nagpapanggap lang ba ako? Basta gusto ko na lang tapusin ang lahat ng ito. "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo ba naiintindihan? Kung mawala sa akin si Duke, makakahanap ako ng iba. Pero ikaw? Siya lang ang lalaking gustong magpakasal sayo, pero hindi ka man lang niya mabigyan ng engrandeng kasal." Nanunuyang sabi niya.
Galit na ang mukha ni Mika at ngayon na narinig niya ang sinabi niya, mas lalo siyang nagalit. Nang makita niya na nabasag ang maamo nitong itsura, labis siyang nasiyahan.
Akala niya siguro kung sino siya, eh. Nakalimutan na niya siguro kung paano niya ako tratuhin noon. Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras sa kanya kaya tumalikod na ito at umalis.
Pero bigla na lang hinawakan ni Mika ang braso niya. "Jian, bumalik lang ako para sa medical consultation." Ani pa niya, "Hindi ko gustong sirain ang relasyon niyo ni Duke, huwag ka sanang magalit.”
"Bitawan mo nga ako!" sabi niya. Nandidiri siya sa paghawak ni Mika sa kanya, kaya sinubukan niyang puwersahin na alisin ang kamay nito, pero bigla na lang itong bumagsak sa sahig. Pero bago pa siya makapag-react, may narinig siyang sumigaw mula sa kalayuan.
Narinig niya ang galit na boses ni Duke mula sa di kalayuan. "Jiannella!" Dumagundong ang boses nito.
Ah, kaya naman pala nagdadrama na naman ito. Dumating na pala ang walanghiyang shining armor niya. Tiningnan niya si Mika na nagpapanggap na kawawa at saka sumulyap sa fountain na malapit. Ngumisi siya at humakbang palapit kay Mika at hinawakan niya ang buhok nito.
Kaagad na sumigaw si Mika dahil sa sakit. "Ahh!"
Itinulak pa niya ang ulo nito sa malamig na tubig. Dahil siguro sa gulat ay halos hindi ito makahinga at dahil hindi inaasahan ang ginawa niya, nagpupumiglas pa nga si Mika. Pero hindi niya ito binitawan. Gusto niyang magpanggap at magsumbong? Hindi na kailangan! Mas maganda kung siya na mismo ang gagawa kung pagbintangan nalang man siya nito.
"Tulong! Ahhh!" Puff, Ahh!" Sumigaw ito ng tulong nang hilahin ito. Pero hindi niya ito tinantanan, itinulak pa nga ulit ito.
Alam niyang nakita ni Duke ang lahat mula sa malayo at nakita niya sa pheriperal vision na mas binilisan nito ang lakad. "Jiannella, itigil mo 'yan!" Sigaw ni Duke.
Itinaas niya ang ulo ni Mika at lumanghab agad ito ng hangin dahil kinakapos na ito. Paglapit ni Duke sa kanila ay agad nitong tinulak siya papalayo kay Mika na umuubo na ngayon.
Basang-basa si Mika dahil sa tubig ng fountain, at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Duke. "Okay ka lang ba?" Tanong nito kay Mika.
Patuloy pa rin na umuubo si Mika, at nakikita niya ang hirap at sakit sa bawat paghinga nito.
"D-duke!" Lumuluhang sambit ni Mika kay Duke.
Tumingin si Mika kay Duke habang umiiyak. Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang sakit siguro. Kaagad naman na tumingin si Duke sa kanya gamit ang masama nitong tingin.
Pero hindi siya nagpaapekto, humakbang pa nga papalapit kay Mika at walang pag aalinlangan na inapakan ang ankle nito. Sumigaw ito sa sobrang sakit, hindi pa siya nakuntento at diniin pa nga nito.
"Ah!" Hiyaw ni Mika, ngunit wala siyang nararamdaman kahit konting awa para rito, sa halip mas lalo pa siyang nakaramdam ng galit para rito.
Malakas na tinulak ni Duke, “Jiannella! That’s enough!” Galit na sigaw ni Duke.
Ngumisi siya bago iwinasiwas ang dalang bag at ibinato sa ulo ni Duke. Hindi na makontrol pa niya ang galit niya.
Natigilan si Duke dahil sa gulat at mas lalong nagalit pa sa kanya. But she didn't fuck—ing care, the two of them deserve it at kulang pa nga yan para sa kanya.
Hindi na niya hinintay na makapag-react at agad na sinipa niya ang mga binti ni Mika nang ilang beses pa, nakita niyang nagiging violet ang mga binti nito, dahil sa pamamaga.
Sa pagbanggit ng pamilya Hernandez tungkol sa kasal na hindi na matutuloy, hindi mapigilan ni Mika ang palihim na mapangiti. Ang kanyang puso ay kumakabog nang marinig na ang credit card ni Jiannella ay pinatigil. Punong-puno siya ng pagmamalaki. “Jiannella, wala kang karapatan sa pera ng pamilya. Ako lang ang tunay na anak na babae ng mga Hernandez.” Wika pa nito sa isip. Pagdating sa pagpapanggap, si Mika ang pinakamagaling. Nagpakita siya ng pag-aalala sa kanyang mukha. "Paano mabubuhay si Jian kung kanselahin ninyo ang kanyang card? Dalawang taon na siyang umaasa sa ating pamilya, at wala siyang trabaho.""Mika, huwag mo siyang ipagtanggol. Kailangan na nating turuan si Jiannella ng leksyon," sagot ng kanyang kapatid. Nagkunwari si Mika na nag-aalala para kay Jiannella, at tumingin sa kanyang ina na si Jane, nagpapakita pa rin ng pag-aalala.Tumango si Jane bilang pagsang-ayon. "Makinig ka sa kapatid mo. Oras na para matuto siyang maging isang tunay na babae."Sa isip ni Mika, an
(Note: This chapter has a two person pov, para po hindi kayo malilito.) Sumakay si Duke sa kotse, halata ang galit sa mukha. Sinulyapan siya agad ni Daniel sa rearview mirror. "Kamusta? Kumalma na ba si Miss Jian?" Halata na para sa lahat, nagtatantrums lang si Jian para pilitin si Duke na paalisin ulit si Mika. Napapikit si Dukw at napahilot sa sariling sentido. "Paano siya basta-basta kakalma?" Hindi umimik si Daniel, dahil tama naman ang sinabi ng amo. Alam ng lahat ang ugali ni Jian at sa kasong ito imposible na kaagad itong kakalma. Tapos bigla na lang bumalik si Mika at walang nakapagsabi man lang kay Jian. "Seryoso ba talaga siya na ikakansela niya ang kasal niyo?" Hindi umikik si Duke ngunit mahahalata na naiinis ito sa naging tanong ni Daniel. Naalala ni Duke ang nakalipas na dalawang taon at napatawa nalang ng mapakla. "Ano sa tingin mo?" Seryoso? Gagawin niya kaya talaga 'yon? Hindi sumagot si Daniel pero mukhang alam na nito ang sagot. Tutal, galit na galit na sa k
Padabog na umupo si Duke sa sofa, halatang gustong magsigarilyo ngunit agad niyang kinuha ang sigarilyo sa kamay nito at walang pag-aalinlangan na itinapon sa basurahan. Kumunot ang noo ni Duke, nagtataka. "Ano ba'ng problema mo?" Kailan ba siya nito nirespeto? Noong sila pa ni Mika, kahit anong gustong gawin ni Duke, walang reklamo si Mika. Pero iba siya. Ayaw niya sa usok ng sigarilyo at hindi niya ito hahayaang gawin ang gusto nito sa condo niya. "Ayoko ng amoy ng sigarilyo," seryosong sabi niya. Hindi umimik si Duke, pero halata sa mukha nito na hindi ito sang-ayon. “Okay, hindi na ako maninigarilyo.” Mariin nitong sabi at seryoso siyang tinignan. "Dahil ba sa'yo kaya naglabasan ang balita kanina?" Para bang sigurado na si Duke na siya ang may kagagawan. Gusto naman talaga nitong ipagpaliban ang kasal, hindi ba't mas maging masaya pa ito kung makalaya sa kanya? Bakit parang big deal na siya ang naglabas ng balita? Hindi siya sumagot. Pumunta siya sa refrigerator at kumuha ng
Nakita niya si Bea na panay ang tingin sa kanyang cellphone. Umilaw kasi ito kapag may tumawag, tapos babalik sa itim kapag naputol ang tawag. Gusto na lang niyang magmura dahil laging may tumatawag. Baka ito pa ang dahilan na mabilis mawalan ng baterya. Hindi na napigilan pa ni Bea ang sarili at tumingin sa kanya. "Why don't you turn it off? It's annoying," wika nito at umirap sa cellphone niya.Tama si Bea, walang silbi ang pag-block ng mga numero, dahil parang hindi na ito gumagana. Lahat ng tawag ay mula sa hindi niya kilalang mga numero, at ang kanyang ina ay ginamit na naman ang selpon ng mga kasambahay. Sumunod siya at pinatay ang kanyang cellphone. Pero alam niya na magpapatuloy ang parusa nito sa kanya. Nang magbayad na sila, binuksan niya ang kanyang cellphone para i-scan ang QR code ulit, but she saw the notification. It said that her bank card has been disabled, and she will choose another payment method.Mukhang ang card niya ay naka-konekta sa kanyang Mama, at ito ang
Pagpasok niya sa lobby ay agad niyang nakita ang kanyang kaibigan na si Bea, nakaupo ito sa sofa. Nang 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚝𝚊𝚊𝚗 siya nito ay kaagad itong tumayo at lumapit sa kanya at yumakap. "Bes, men are nothing. I'll introduce you to someone better tomorrow." Sabi nito.Tumango lang siya at sumagot. "Okay.”Nakita niya ang bibig ng kanyang kaibigan na nakabuka, gulat. Nang mahimasmasan ay kaagad itong dumistansya at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at huminto ang mata nito sa kanyang damit. “Huh? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka? Saan banda?”Tumingin naman siya sa ibaba at nakita ang ilang patak ng dugo sa kanyang beige blazer. ”Nah, hindi yan sa akin.” Simpleng sagot niya.“Kung hindi sayo, kanino?" Nagtataka na tanong ni Bea.Nagkibit-balikat siya bago nagsalita, “Baka kay Mika siguro o kay Duke.” Balewalang sagot niya kay Bea.Mas lalong nagtaka ang pagmumukha ni Bea, "Huh?"Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Ginulpi ko si Mika, ang arte ba naman tapos ng makita siguro niya
Pagkatapos ng nakakahingal na pangyayari ay kaagad na nahuli ni Daniel ang kanyang pulso at mahigpit na hinawakan iyon. Agad na napatiningin siya sa banda ni Mika at nakangiwi ito, halatang nasasaktan pa rin. Naluluha p𝖺 itong nakatingin kay Duke at may nakaka-awang tingin. ”D-duke, I...” Bumaling naman agad siya kay Duke na ngayon ay sobrang dilim ng mukha. Bigla itong tumingin sa banda niya, “Take her away now!” Sigaw nito sa nakahawak sa kanya na si Daniel, ang personal assistant nito. Nagpupumiglas siya upang makawala sa hawak ni Daniel, pero hindi siya binigyan ng pagkakataon na makawala. How could this guy have so much strength? “Miss Jiannella, let's go first." 𝖲abi ni Daniel. Bago pa siya tuluyang nahila palayo ni Daniel ay naaalala niya pa ang kanyang bag, "My bag!" Sigaw niya. Her bag, which she used to hit Duke, was now right next to him. He was enraged, he grabbed it quickly, and threw it to Daniel. Kaagad itong nasalo ni Daniel at nilagay agad sa kanyang br