Share

The Sleeping Vampire Princess Series #1
The Sleeping Vampire Princess Series #1
Author: Ced Emil

Chapter 1. Waking up from her death sleep.

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay unti-unting nagmulat ng kaniyang mata ang isang babae. Ang malamig at pulang mata niya na kahit madilim ang paligid ay nakikita niya ay tumutok sa takip ng kabaong na hindi pa tuluyang naalis. Dahil sa incantation na binigkas ng kaniyang inang si Maxine isang libong nakakaraan na. Kapag sa araw na lalaya siya sa kaniyang parusa ay kusa siyang magigising. At ang takip ng kabaong na siyang naging kulungan niya ay kusa ring bubukas.

Habang hinihintay na bumukas ang kabaong ay kumurap siya ng ilang beses. Nagbago ang pulang kulay ng kaniyang mata sa golden brown at ang pangil niya ay animo isang ilusyon na nag-retract. At nang tuluyang bumukas ang kabaong ay bumangon siya at naupo. The lamp inside the room was dim but it was still enough to illuminate the entire room.

Ang manipis at pulang labi niya ay unti-unting gumalaw at may isang malamig pero inosenteng ngiti na gumuhit sa kaniyang labi. Ang mahabang daliri niya ay ginamit niyang panuklay sa kaniyang itim na itim na mahabang buhok. Pagkatapos na maayos ang sarili niya ay tumayo siya at tumalon pababa sa naging kulungan niya ng isang libong taon.

Siya si Selena, ang nag-iisang prinsesa ng pamilyang Madrid. Thousand years ago she was punished and imprisoned by her parents. She was unrestrained and even her parents can't control her. Lahat ng naisipan niyang gawin ay gagawin niya. Isa na rito ang ginawa niyang massacre sa tribu ng Tibara. Lahat ng mga nakatira sa tribu'ng iyon ay pinatay niya kaya naman naging sanhi ito ng kaniyang pagkakaparusa.

So her parents send her to death sleep.

"Selena," tawag ng isang baritonong tinig. Nabosesan niya ito. Siya ang panganay niyang kapatid, si Ralphf.

Kanina pa niya naramdaman ang presensya nito subalit mas pinili niyang manahimik muna. Inilagay niya ang magkasalikop niyang kamay sa may bandang puson niya bago humarap dito at yumukod.

"Kuya," mahinang saad niya.

"Ako ang naatasang sumundo sa'yo rito upang dalhin ka sa Alta Tiero," imporma nito. "And we're hoping that you already learned your lesson," dugtong nito.

"I didn't wake up in this lifetime just to make mistakes again, kuya" she responded faintly. Isa ito sa itinatak niya sa kaniyang utak. Hindi siya gagawa uli ng bagay na magiging dahilan para maparusahan muli.

"Good, once you make trouble again. Hindi ako magdadalawang isip na parusahan ka ng habang-buhay na death sleep," banta nito.

Hindi siya sumagot bagkos ay tumango lang. Satisfied naman ito sa pananahimik niya kaya tumalikod ito at bahagyang pumitik sa ere. Isang lagusan ang lumantad sa kanilang mata.

"Sumunod ka sa akin," narinig niyang utos ng kuya niya. At nang pumasok ito sa lagusan ay walang pagdadalawang isip na sumunod siya rito.

Ilang segundo lamang ay nasa kabilang dako na sila ng mundo. Ito ang mundo ng mga tao. Hindi niya sigurado kung saang lugar sila napadpad ng kapatid niya kaya nilinga niya ito. Nakatayo ito sa may bandang kanan niya at nakasulyap din sa kaniya.

"Ito ang basement ng mansion natin sa Alta Tiero. Nasa itaas ang mga kuya mo at hinihintay na nila tayo," anito. Nagpatiuna na itong naglakad at tahimik na sumunod siya. Ibang-iba na ang istilo ng mansion nila kaysa noon. Ang mga lumang dingding at kagamitan ay napalitan na. Parang binago lahat para sa pagbabago na rin ng panahon ngayon.

Nang makarating sila sa malawak na sala ay nahinto siya sa kaniyang paghakbang. Naroon kasi lahat ang mga kapatid niya na magkakamukha. Ganun din ang kamukha ng kapatid niyang si Ralphf. Lahat sila ay magkakambal. Maliban sa kaniya na walang kakambal.

"What do you think of my hair, Selena? Is it beautiful?" tanong ni Ronald na sumalampak sa malamig na marmol and comb his silky and slightly white hair using his fingers. Muntik pa siyang mabuway sa kaniyang kinatatayuan dahil sa unang tanong na lumabas sa bunganga nito.

"Yeah, maganda," tabingi ang ngiting sagot niya.

"Silence! This is not the time to joke around. Selena, this time, be good and listen to me. Sa darating na lunes, mag-aaral ka bilang isang ordinaryong teenager," umalingawngaw sa buong sala ang malamig at buong-buo na tinig ni Rolphf. Siya ang kambal ng kuya Ralphf niya.

Natameme silang dalawa at agad naitikom ang bibig. "Sorry, Kuya!" parang maamong tupa na bigkas ni Ronald.

Her mouth twitches, hindi pa rin pala ito nagbago na takot kay Rolphf.

"Hindi na ho ako aapela pa sa disisyon mo, Kuya. Gusto ko po ng normal na buhay at kapaligiran," maamong turan niya.

"Good! Arlon, give her some briefing about our school. Sa tagal ng pagkakatulog niya ay napalitan ang mga rules ng isla ay kailangan niyang malaman at ng hindi siya magkakamali," tawag pansin nito kay Arlon na nahulog sa pagkakaupo sa hagdan. Pagkatapos mabanggit ang pangalan nito.

"Bakit ako, Kuya? Tamad kaya akong magpaliwanag," reklamo nito at tumayo.

"Ako na lang, Kuya. Papaluin ko siya sa puwet kung hindi siya makikinig," alok ni Arlan na lumabas galing sa komedor at may hawak na kopita. Kahit nagbibiro ang sinabi nito ay magkaiba naman ang sinasabi ng malamig na tingin at seryosong mukha nito.

Tumango ito. "Babalik ako sa school. Kayo na muna ang bahala rito."

Nang makaalis na si Rolphf at ang kambal nito ay nagkatinginan sila at sabay na napahinga ng malalim. Sa tuwing nasa paligid ang panganay na kapatid nila ay mababalot sila ng kaba at takot.

Roland clicked his tongue and made a sound. "Tsk!! Don't mind them. Gusto sana namin na magdiwang tayo dahil gumising ka na pero tumutol agad sila."

"Ayos lang, Kuya" sambit niya. Nilinga niya si Arlan na sumenyas sa kanya at umakyat sa taas.

She clenched her fist, kahit gusto na niyang bigwasan si Roldan na nakangiti sa kanya ay hindi niya ginawa. Yung ngiti niya kase ay parang nag-aasar na ewan.

Sa malawak at may kadilimang library sila pumasok ng kapatid niya. Umabot lang ito ng isang makapal na libro at ibinigay sa kanya.

"Nandiyan lahat ng kailangan mong malaman," saad nito

Her brows knitted in annoyance, why didn't she read his mind before tailing him. That Roland, kaya pala ganun ang pagkakangiti niya dahil alam nito na ganito ang mangyayari.

"I don't want to waste my saliva in explaining all of that." He said flatly before turning his back. Sa pagkayamot niya ay malakas niyang ibinato ang libro na tumama sa likod ng ulo nito. Tumigil ito at nilingon siya, magkasalubong na ang kilay nito at matalim siyang tinignan. Nakikinita na niyang sasabog na naman ito sa galit sa kaniya.

Ngumisi siya, with just a minute, nakalabas na siya ng library bago pa siya nito pilipitin sa leeg.

"Selena!! Don't let me catch you or else I'll strangle your neck!!" umalingawngaw sa buong kabahayan ang malagom at malamig na tinig ni Arlan.

"Wala pang isang araw na nakabalik ka. Ginalit mo na si Arlan," naiiling na bigkas ng kambal nitong si Arlon.

"Well,…" inagaw niya ang kopita rito at inisang lagok ang laman na naibuga rin niya nang may tumulak sa kanya.

"Sh*t!!!" mura ni Arlon dahil kumalat lahat sa puting damit nito ang pulang likido.

Nilingon niya si Arlan. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya. "Maligayang pagdating!" maya ay wika nito.

Humagikgik siya. Okay!!! Kahit pinipilit niyang maging seryoso kung ganito ang mga Kuya niya ay hindi pala siya mananalo sa kanila.

Tumawa na rin si Roland at niyakap siya. "We're glad to have you here again our little princess," bulong nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status