Share

Chapter 35. Hunch!

Prenteng nakaupo si Selena sa kama ni Elmhurst habang inaayos nito ang damit sa backpack nito. Ang usapan nila ay sa Enigma hotel sila mag-stay kaya ang sabi nito ay hindi ito uuwi sa kanila. Isa pa ay kapag umuwi ito nang walang pasabi sa magulang ay maraming tanong na naman ang istriktong ama nito. Dalawang araw lang sila roon at hindi puwedeng magtagal dahil may klase pa sila. Kung sa kanilang tatlo nina Clark ay wala silang problema kahit pa hindi sila pumasok ng isang buwan ay iba naman kay Elmhurst. Isa itong mortal at kailangan nitong magtapos ng kolehyo.

Kinausap din nila ang paanganay nilang kapatid at pumayag naman sila. Sila rin ang nagsabing ang private chopper ng pamilya nila ang kanilang gagamitin. Hindi sila komontra at agad siyang pumayag. Kapag sa dagat sila dadaan ay mas matatagalan sila hindi katulad sa himpapawid na deretso pa sila sa rooftop helipad ng Enigma hotel.

“Sa halos mag-iisang taon ko na rito sa Alta Tiero, hindi ko pa nakita ang chopper ng pamilya ninyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status