LOGINBANDANG ALAS-OTSO y medya na nagising si Piper kinabukasan. Nagkukumahog na siyang bumangon habang inaayos ang gulo at buhol-buhol niyang buhok. Dala iyon ng ginawa nila ni Bryson sa ibabaw ng kama. Kilala niya ang sariling hindi sanay gumising ng late lalo at alam niyang mayroon siyang malaking tungkulin na ginagampanan sa company kung kaya naman nagtataka siya na late na dumilat ang mga mata. Nag-alarm siya, nagising siya doon ngunit kaka-extend ng tulog ay napahamak na siya. Nilingon niya ang tabi ng kama. Wala na doon si Bryson ngunit may bakas na may natulog dito dahil sa gusot na bedsheets. Ibig sabihin lang noon ay hindi niya guni-guni lang ng malayang isip ang mga nangyari.“Pumasok na siguro siya ng trabaho. Tanghali na rin kasi. Baka pinili niya lang na hindi ako gisingin.”Napalingon na si Piper sa nakabukas na pintuan ng silid nang maamoy ang bagong bake na tinapay. Walang boses ngunit may mga yabag ng tao sa labas na tila pabalik-balik. Lingid sa kaalaman niya ay si Bryso
LUMIPAD ANG MGA mata ni Piper sa isang maletang pinasok nito sa pinto at sa bouquet ng bulaklak na hawak ng kanyang isang kamay. Nasa punto siya noon ng pagtatanggal ng kanyang suot na sapatos upang magpalit ng tsinelas na pangbahay. Nang marinig naman ni Bryson ang boses ni Piper, halos mapunit na ang kanyang labi sa laki ng ngiti matapos na inangat ang tingin niya upang makita lang ang gulat na imahe ni Piper habang hawak ang baso ng gatas niya. “Bakit gising ka pa?” iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ni Bryson, “Dama mo ba ngayong pauwi na ako?” Nakuha pa nitong magbiro. Kumibot na ang bibig ni Piper na kakabawi pa lang sa labis na pagkagulat. May pangangatal ang katawan na binaba na niya ang baso ng gatas sa center table habang hindi inaalis ang malagkit na tingin kay Bryson. Dala marahil ng labis niyang pananabik sa lalaki ay walang pag-aalinlangan na sumalubong na siya dito na parang bata. Hindi alintana kung ano ang kanyang hitsura ng mga sandaling iyon. Bumitaw naman
HAPON NG ARAW na iyon, habang nasa parking lot si Piper at pauwi na ng kanyang apartment nang may kumatok sa salamin ng bintana ng kanyang sasakyan. Nakita niyang si Seth ito, ang anak ni Nana Selda. Agad niyang binuksan ang bintana upang harapin lang ang lalaki. Nakangiti na siya kaagad sa lalaki nang magtama ang pares ng kanilang mga mata.“Kuya, ikaw pala iyan.” Luminga pa sa likod ni Seth si Piper, naghahanap kung mayroon itong kasama. “Anong ginagawa mo dito?” Binuksan ni Piper ang pintuan ng kanyang sasakyan upang makapasok doon ang lalaki. Agad siya nitong pinaunlakan. “Pumunta ako ng apartment mo, mukhang walang tao.” Tinango ni Piper ang kanyang ulo at hinintay na matapos ang sasabihin pa ni Seth. “Susunduin ko sana siya ngayon para sumalo sa aming mag-dinner. Surprise sana kaya hindi ko siya tinawagan.” Napatakip ng kanyang bibig si Piper nang maisip na marahil ay hindi nagpaalam si Nana Selda sa anak, o hindi nito alam na nasa Baguio siya kasama ang triplets at wala
MAGKASABAY SILANG UMALIS ng apartment, hindi pinilit ni Bryson si Piper na sumabay sa kanya at hinayaan niya itong dalhin ang kanyang sasakyan. Ilang sunod-sunod na araw na naging ganun ang set up at routine nila. Magkahiwalay ng oras ang uwi, sabay na kakain ng dinner at agahan. Minsan pa ay hinihintay talaga siya ni Bryson kahit sobrang late ang uwi. Hindi man sila tabing matulog sa iisang kama, paunti-unting nakasanayan ni Piper ang presence ni Bryson habang hindi nila ksama ang mga anak na nag-e-enjoy sa bakasyon nila.“Hindi pa siya umuuwi?” puno ng pagtatakang tanong ni Piper pag-uwii niya at hindi nadatnan na naroon si Bryson, bukas ang ilaw ng apartment. “Baka late siya sa aking uuwi.” Diretsong pumasok ng silid si Piper upang magpalit ng damit. Iyon ang madalas niyang gawin kada darating mula sa trabaho. Pagkatapos ay lumabas siya ng sala upang maghintay. “Anong oras na ah, bakit wala pa rin siya?” Isang oras na siyang nakatambay sa sala at wala pa rin si Bryson. Tiningnan
NGAYONG ALAM NIYANG nasa Baguio ang mga anak, biglang nakaramdam si Piper ng pag-iisa sa buhay. Madrama kung iisipin at napakababaw na dahilan, ngunit kakabalik niya pa lang din kasi ng bansa noon at nangungulila pa siya mga bata.“Isang Linggo lang naman iyon, bakit ako nalulungkot? Pwede naman akong umuwi muna sa amin habang wala sa puder ko ang tatlo. Tama, uuwi ako sa bahay nina Mom and Dad. Sila muna ang guguluhin ko habang wala ang triplets sa akin.”Ang plano ni Piper ay kukuha lang siya ng ilang piraso ng damit at muling aalis. Doon muna siya sa bahay ng kanyang mga magulang habang nasa bakasyon ang triplets nang hindi siya ma-bored. Pagbukas ng pintuan ng apartment, agad nanuot sa kanyang ilong ang amoy ng nilagang karne ng baboy. Biglang parang nais tumulo ng kanyang laway. Napakunot na ang noo niya, nagmamadaling pumasok sa loob ng apartment ng mapagtantong mayroong tao sa loob ng bahay niya.“Tamang-tama ang dating mo, luto na ang dinner natin.”Si Bryson. Nakasuot ng apr
NAMALISBIS NA ANG mga luha ni Faith, hindi na niya magawa pangn mapigilan na masaktan sa tahasang pagsasabi ni Bryson ng mga salitang iyon. Para iyong kutsilyong matalas na humihiwa sa kanyang puso. Lumakas pa nang lumakas ang kanyang pag-iyak. Hinayaan lang naman siya nni Bryson. Hindi siya nito inalo sa pag-asang kusa siyang titigil.“Umuwi ka na, Faith. Huwag ka ng pupunta dito nang walang appointment kung ayaw mong ipaharang kita sa lobby pa lang ng aking kumpanya.” Kumibot na ang bibig ni Faith, naiiyak na naman siya pero padabog ng tumayo. Parang batang naghihisterya dahil hindi nakuha ang kanyang nais na inihagis niya ang dala sa sahig. Kumalat ang mango graham. Umalingasaw ang matamis na amoy ng manggang hinog. Umigting ang panga ni Bryson pero pinilit na kalamayin ang sariling huwag magalit.“Miss Faith!” sigaw ng assistant ni Bryson na umalingawngaw sa apat na sulok ng opisina. “Mahirap bang tanggapin ang pagkain? Tatanggapin mo lang, alam mo ba kung ano ang—”Hindi na na
SA LOOB NG tatlong taong nakalipas, panaka-nakang nakakarinig ng balita si Fourth ng tungkol kay Gabe. Napagku-kwentuhan ng sariling pamilya ng babae na madalas ay naririnig niya nang hindi nila alam. Hindi niya rin inaasahan na sa mismong birthday ng ina ni Gabe ay magkakaroon siya ng pagkakataong
NAPASABUNOT NA SA kanyang buhok si Atticus. Naiiyak na siya. Makailang beses niyang nahiling na sana lumabas lang ang kasintahan at nakipagkita sa client niya kahit pa hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng ama nitong aalis ang babae. Nangangatog ang mga tuhod at may guwang ang pusong patakbo
NAPAIWAS NA NG tingin si Gabe na pahapyaw na sinulyapan ang kanilang mga anak na humahalay ang tawanan sa buong sala habang nagpapahabol at nakikipagharutan kay Otso. Isang matingkad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “Hindi naman pwedeng ipahiram natin sila sa ating mga magulang at baka hindi
HILAW NA ANG naging ngiti ni Gabe na bahagyang nakaramdam ng hiya sa magulang ni Atticus na alam niyang kahit panay ang ngiti sa kanila at tango, medyo nao-off din sa kanyang pinapakitang ugali. Baka mamaya ayawan na siya ng mga ito. “Okay,” tanging nasabi ni Gabe na kinuha na ang kanyang juice up







