NATAWA NA DOON si Giovanni kahit na kumakalat na rin ang lungkot sa kanyang sistema. Kailangan niya na pagaanin ang nararamdaman. Ganundin kasi ang nararamdaman niya. Kung pwede lang na bitbitin niya na lang si Briel patungo ng Baguio para lang hindi niya gaanong ma-miss, ginawa niya na sana iyon. Kaso ay hindi naman pwede iyon lalo pa sa sitwasyon na kinakaharap ng mga Dankworth at Bianchi sa ngayon.“Pinapahirapan mo naman ako, Gabriella…”Hindi sumagot si Briel na parang batang namamasa na ang bawat sulok ng mga mata. Naiiyak na siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na para bang iiwan siya nito at kapag umiyak siya ay isasama na siya.“Kapag gumaling na si Bethany at bumaba ako, pwede kitang isama paakyat sa Baguio. Sa ngayon kasi hindi pa pwede dahil kailangan ka nilang mag-asawa eh. Mahihintay mo ba iyon, hmm? Saglit na lang...”Nagulat si Briel sa sinabing iyon ni Giovanni. Siya? Isasama nito sa Baguio? Saan siya titira? Sa mansion nila? Hindi man lang ba muna siya ipapakilala s
PATAKBO NG TINAWID ni Briel ang kanilang pagitan upang bigyan ang Gobernador nang mahigpit na yakap. Hindi pa man lang si Giovanni nakakapagpalit ng kanyang suot na pang-opisinang damit ay doon na ito agad dumiretso. Sinalubong naman din siya ni Giovanni ng yakap na agad na siyang nahawakan sa kanyang beywang at nabuhat upang iikot-ikot lang. Mababanaag sa kanilang mga mata na miss na ang bawat isa. Yumakap na ang mga binti ni Briel sa beywang ni Giovanni na mabilis ng nahalikan ang labi ni Briel na bumaba na sa leeg ng babae na mahinang humahagikhik sa tuwa at kiliti. Napatili pa doon si Briel sa hatid nitong ibayong kiliti na kinailangan ni Giovanni na agad selyuhan ang labi upang mapahina iyon.“I miss you—” “Sobrang na-miss din kita, Gabriella…” anas ni Giovanni na humakbang na patungo ng kama habang buhat pa rin ang katawan ng kasintahan. “Miss na miss...” patuloy nitong sambit habang salitan ang mga halik. Hinakbangan lang ni Giovanni ang maleta ni Briel sa sahig na nakakalat
NAKIKITA NA ANG sinag ng araw sa yari sa bubog na dingding ng silid kung saan ay nakahawi ang makapal na kurtina at tanaw ang labas noon na may halik pa ng mga hamog ng nagdaang gabi. Maingat na tinanggal ni Giovanni ang ulo ni Briel na nakaunan sa kanyang braso, gumalaw lang ito pero hindi naman tuluyang nagising na humarap lang sa kabilang dereksyon ng kama. Kailangan niyang magtungo ng sariling silid upang maligo at ihanda na ang kanyang sarili. Patingkayad niyang tinungo ang pinto matapos na halikan muli sa labi ang kasintahan. Pigil ang hingang lumabas siya ng silid ng nobya at nang bumalik doon pagkaraan ng ilang minuto ay nakaligo na at gayak na rin upang umalis ng mansion para sa trabaho. “Anong oras na? Kanina ka pa ba gising?” tanong ni Briel nang maaninag ang bulto ni Giovanni sa gilid ng kama niyang nakaupo, agad na yumakap ang kanyang mga braso sa katawan nito matapos na umusog palapit at umunan sa isang hita ng Gobernador. Pabalagbag na ang higa niya ngayon sa nasabing
SA KANYANG PANINGIN ay sobrang naging gwapo lalo ng Gobernador. Para tuloy gusto na niyang hilahin ang oras na gumabi na para magkita na sila. Pinahaba na ni Briel ang kanyang nguso sa bilis noon at upang muli itong sumilip sa camera ngunit hindi na ito naulit pa. Nanatili na itong naka-focus sa kisame ng office.“Stop doing that, Gabriella…hindi na ako makapag-focus...”Lumakas pa ang tawa ni Briel, lalong pinahaba ang nguso na para bang gusto nito ng kiss mula kay Giovanni. Pinatay na ng Gobernador ang videocall. Maya-maya ay tumawag na lang ito sa phone number.“Bakit mo pinatay? Saglit mo nga lang pinakita sa akin ang mukha mo. Gusto ko lang naman ng kiss.”Problemadong napakamot na si Giovanni ng kanyang ulo habang panaka-naka ang tingin ng secretary niya na kanina pa may kakaibang ngiti sa kanyang labi bagama't hindi ito nakatingin sa kanyang mukha. Alam niya na narinig nito ang buong usapan nila ni Briel at nasulyapan din nito ang hitsura ng kasintahan niya.“Humanda ka sa akin
PAGKATAPOS NG DINNER ay hinayaan na silang magpahinga ni Donya Livia at hindi na inistorbo pa. Ni hindi na sila inimpede na makipag-usap pa sa kanya hanggang sa antukin. Gaya ng inaasahan pasimpleng dinala ni Giovanni si Briel sa loob ng kanyang silid. Habang nakaupo sa gilid ng malaking kama ay iginala ni Briel ang mga mata upang pansinin ang mga antigong bagay na naroon. Noon lang niya napagmasdang mabuti ang silid. Unang may nangyari sa kanila doon, ngunit doon lang nakatutok ang utak ni Briel kagaya kanina kung kaya naman hindi niya napuna kung ano ang hitsura ng kwarto ng Gobernador. “Bakit gulat na gulat ka yata sa hitsura ng silid ko?” lapit na agad ni Giovanni sa kanya na ikinulong na ang mukha ni Briel sa kanyang dalawang palad, yumakap naman ang mga braso ni Briel sa kanyang beywang bilang tugon. “Pang-ilang beses mo ng nakapasok dito ah? Noong una hindi pa tayo, tapos kanina. Bakit parang first time mo ata ngayon kung makaikot ang mga mata mo sa mga gamit na laman ng kwart
NAPAKUNOT NA ANG noo ni Donya Livia sa reaction ni Giovanni na parang galit ito sa kanyang huling tanong. Usually, wala itong pakialam sa ibang tao pero kitang-kita ng matanda ang concern sa bunso ng mga Dankworth na maistorbo. Hindi na niya iyon binigyan pa ng kulay, baka kasi iniisip at trinatrato niya lang ang babae na parang pamangkin niya rin. Kagaya ng hipag nitong si Bethany, ganun lang din iyon.“Mama, ang ibig kong sabihin ay anong oras na rin kasi. Sigurado akong tulog na iyon. Pagod iyon sa paglabas niya at paniguradong nagbabawi pa ang katawan sa puyat. Nakakahiya naman kung maiistorbo.”“Ganun ba iyon? Kahit na, katukin ko pa rin kaya at tanungin? Malay mo gusto niyang kumain?” pagbibiro pa ng matanda na parang mas gustong asarin ang kanyang anak na nakikinita niyang apektado doon.“Mama? Hindi ka pa ba inaantok? Bored ka ba? Huwag ka ng mangdamay pa ng iba...”Tiningnan na ng Gobernador ang caregiver nitong kasama na mabilis lang napatungo ang ulo sa kanya. Iyong mga tin
MAY PAGTUTOL MAN sa kanyang mga mata, hindi niya tahasang masabi iyon dahil nagkasundo na rin sila ni Giovanni ng kung anong gagawin sa relasyon nila pansamantala. Kumbaga, alam nila pareho kung ano.“Ah, akala ko fiancee mo na. Tanda mo na rin kasi, hindi ka pa ba mag-aasawa?” medyo nakakainsultong saad ni Daisy na tiningnan si Briel mula ulo hanggang paa, palihim siyang tinaasan ng isang kilay ni Briel. Kabadong tumawa lang si Giovanni na nilingon na si Briel. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Alam niyang nasaktan ito, pero hindi naman pwede na sabihin niyang bigla na girlfriend niya ang babae gayong itinanggi na niyang kasintahan ito. Nasabi na rin niya kung ano ang relasyon nito sa pamilya nila.“Nagbabakasyon lang siya dito.” dugtong pa ni Giovanni upang mukhang maging kapani-paniwala iyon. “Ah, o siya sige. Aalis na rin ako at may lakad pa ako. Ingat kayo kung saan pa man ang lakad niyo.”Dumiin ang mga mata ni Briel sa kamay ng babaeng humawak sa isang braso ng Gobe
INIHATID LANG NI Briel ang mga pinamili at dumeretso na din siya agad sa silid ng nobyo pagkatapos niyang mabilis na maligo. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa at tanging roba lang ang naging suot nang magtungo ng silid nito. Sabik namang sinalubong ni Giovanni ang kasintahan na sa may pintuan pa lang ay kanya ng binuhat patungo ng kanyang kama matapos na i-locked ang pinto ng naturang silid. Maingat na inihiga ng kama, at mapanukso ang mga matang hinubaran na ito na parang normal na lang.“Kailan mo planong lumagay sa tahimik? I mean magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.” pahapyaw na tanong ni Briel habang nakaunan siya sa isang braso ni Giovanni, “Gusto ko lang namang malaman.” Nakapikit si Giovanni at marahan ang taas at baba ng kanyang dibdib. Pagod na pagod pa sa kanilang ginawa. Hindi pa siya gaanong nakakahinga heto na naman ang tanong ng nobya tungkol sa kasal nila.“Kapag thirty na ba ako at forty ka na? Hmm?” Itinaas pa ni Briel ang kanyang isang kamay upang haplusin
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta