LOGINBOOK 6GIAVANNA BIANCHI'S THE YEAR OF ALMOST SECOND GENERATION/BIANCHI BABIESGIAVANNA ‘GIA’ BIANCHI STORY BLURBMatagal pinaniwala ni Giavanna Bianchi ang sarili na sa pamamagitan ng pagbaling niya ng atensyon at pagmamahal sa ibang lalaki ay tuluyan ng makakalimutan ng kanyang bata at pihikang puso ang tunay na tinitibok nito sa kanyang murang edad. Oo, bahagyang naging matagumpay siya; nakalimutan niya nga ngunit pansamantala lang. Patuloy na bumabalik sa kanyang guni-guni ang nakaraan nila. Ang cravings na muling makita at ang lalaki pa rin ang makasama sa panghabangbuhay niya. Masakit man, sa tagal ng kanyang paghihintay na bumalik ito ay tinanggap niya na lang nang matiwasay na hindi sila ang tinadhana ng lalaking bukod sa mas matanda sa kanya ng anim na taon ay piniling layuan siya at iwan sa ere nang walang sabi-sabi. Ang hindi niya inakala, sa panahon na tanggap niya na ang lahat at maging mag-isa na lang sa buhay sa hinaharap ay muli itong babalik, na tila walang nangyari
MARAHANG TINAPIK NI Gavin ang isang balikat ng anak na lalaki. Hindi pumayag ang mag-asawa na hindi ihatid ang pamilya nila sa airport. Hindi nila kailangang makipagsiksikan dahil ang private plane ng kanilang pamilya ang gagamitin nila paalis.“We will, Dad.”“Hija, Piper huwag mong kakalimutan na mag-send ng maraming pictures sa group chat ng ating pamilya ha? Alam mo na ang requirements kapag may nagbabakasyon. Bigyan niyo kami doon palagi ng mga update.”“Opo, Mom. Huwag po kayong mag-alala. Babaha ng pictures at videos ang group chat.”Matapos na bigyan ng yakap ang mga apo at ang mag-asawa ay hinayaan na ni Gavin at Bethany na pumasok sa loob ang mag-anak. Kumaway pa sila sa mga apo na ibinalik ang iyon sa dalawang matanda habang naglalakad.“Ang layo na pala talaga ng nilakbay ng buhay natin, ang dami na natin na mga apo Thanie…”Mahinang tumawa lang ang Ginang sa biglang pagiging emosyonal ni Gavin. Niyakap niya ang isang kamay sa beywang ng asawa niya. “At mas malayo pa dito
NANG MAKABABA ANG pamilya nina Bryson sa stage ay nagsimula na silang magpakain sa mga bisita. Nag-perform na rin ang clown na mas ikinatuwa ng mga bata after meal. May ilang palaro pa ang naganap na ikinasiya ng lahat. Hindi naglaon ay namigay na ang mag-anak ng birthday souvenirs sa lahat ng mga dumalo. At tumanggap na rin ng mga gifts ang triplets buhat sa mga bisita. Walang nagawa ang triplets na birthday celebrants na inunahan na naman ni Bree na magbukas sa ilang mga regalo nila na nasa gilid ng venue.“Hayaan na lang natin, toys and things for boys naman halos lahat ng natanggap natin. Wala siyang mapapakinabangan kahit na isa.” si Palmer nang akmang sasawayin ni Paxton ang marahas na ginawang ito ng kapatid nila. “Oo nga, mapapagod lang siya. Hayaan na lang natin siyang mapagod kakabukas. Pabor nga sa atin iyon, hindi na tayo mahihirapan.” si Pietro na tumawa lang matapos lingunin si Bree na hirap na hirap sirain ang mga wrapper. “Kita niyo iyon? Sa umpisa pa lang iyan ha?”N
ALIW NA ALIW ang mga bisita sa kanilang pamilya na ang tingin ay almost perfect na walang anumang katiting na lamat ang pagsasama. Hindi nila alam may mga pagkakataon din na sinusubok ang tatag nila.“Ang selosang unica hija!” sabay-sabay na bansag ng marami na naroon habang naiiling.Sari-saring emosyon ang makikita sa mukha nila habang nakatunghay sa malditang si Bree.“Mukhang kay Bree sasakit ang ulo nina Bryson at Piper, hindi sa triplets na mga lalaki.” komento ni Gabe, nakalingon na sa banda ng kanilang mga magulang na tahimik.“Hindi mo sigurado, Ate Gabe. Masyado pang bata si Bree, magbabago pa iyan ng ugali.” si Nabe, kilala siyang walang kinikilingan sa mga pamangkin niya ngunit kampi sa nag-iisang anak na babae ng kanyang Kuya Bryson.“Do you think so? Sana nga, paniguradong mabilis tatanda sina Bryson at Ate Piper dito.” “Oh please Ate Gabe, kumusta naman ang bunsong twins mo? Sa palagay mo hindi rin kayo mabilis tatanda nitong si Kuya Atticus? Ngayon pa lang, batak na
NAPAKUNOT ANG NOO ni Piper. Ibig sabihin may pasabog pang regalo si Bryson sa tatlo? Hindi pa todo ang mga binalot nitong toys na matagal ng hinihiling ng kanilang mga anak? Curious na rin siya kung anuman iyon kahit may kutob siyang malabong sabihin ng asawa. Sinubukan pa rin niyang alamin kung ano ito.“Anong klaseng regalo, Bryson?”Tumikwas na ang gilid ng labi ni Bryson na may naglalaro na ring kalokohan sa mga mata.“Isa ka ba sa triplets para sabihin ko sa’yo?”Napapikit ang mga mata ni Piper matapos na mamilog iyon ng ilnag segundo. Nagtitimpi na huwag malakas na matawa sa sagot ni Bryson. Halata sa boses nito ang pagmamalaki na malamang sinabi niya lang iyon upang gumanti kanina sa kanya sa ginawa niyang pambabara. Iisang litanya rin nag ginamit nito na kahit kailan, wala man lang originality. Napakamot sa dulo ng ilong si Piper upang pigilan ang sariling bumunghalit ng tawa at ipaalala na linya niya ito kanina. Ginawa pa ang abot ng makakaya ni Piper na magpigil basta huwag
NATUTOP NG TATLONG bata ang bibig sa sinabing iyon ng ina. Nagpipigil ng matawa sa pagkapahiya ng ama na namula na ang dalawnag tainga. Namilog naman ang mga mata ni Bree na nilingon na ang kanyang ama.“Piper, ayan ka na naman—”“Labas na, para makalabas na rin kami.”“Alright.” taas ng dalawang kamay ni Bryson, sign na sumusuko na siya sa diskusyon nila. “Let’s go, Bree. Sa labas na natin sila hintayin.”Sinubukang kunin ni Bryson si Bree na umiling at humigpit pa ang yakap kay Piper. Kapwa ikinagulat ng mag-asawa ang reaksyon ng kanilang bunsong anak, mas umiyak pa ito.“No, Daddy! I want to stay with Mommy!”Halos maghalo na ang luha at laway ng bata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.“Bree, you heard your Mom. Let’s go, baby…”“No! I said no, Daddy!”Tiningnan ni Piper si Bree. Puno ng pakiusap ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Magseselos na naman ito s triplets oras na masaksihan ang gagawin niyang pagbati dito.“I want to stay, Mommy. Brittany wants to stay here
PAGKATAPOS NG ILANG harutan ay pinatulog na ni Bryson si Piper na agad namang sinunod ng babae dala ng kanyang matinding pagod. Bryson had a multinational video conference that night, so he got up quietly without waking Piper up. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama matapos
WALA SA SARILING napahilamos na si Bryson sa kanyang mukha. Nag-sink in na sa isipan na masamang pangitain iyon dahil baka lumayas na naman ang babae, mali, tumakas na naman ito at sa pagkakataong iyon ay siya na ang dahilan nito.Nag-AWOL ba si Piper nang dahil sa kanyang mga sinabi at ginawa kaga
KUMUHA SI BRYSON ng maliit na piraso ng pagkain at buong pusong isinubo niya iyon sa bibig ni Piper. “Niloloko lang naman kita dati.”Ngumiti lang si Piper nang maliit. Ngumiti lang din doon si Bryson. “Pwede pa rin naman kitang asarin di ba?”Umirap na si Piper kay Bryson upang bigyan ito ng bab
BRYSON GAVE HIM a deep look before pulling his luggage and leaving, leaving Savanna too stomping behind him, a hint of resignation in her voice. Maverick put his hands in his pockets and smiled faintly. Nasa likod pa rin ni Bryson nakatingin ang kanyang mga mata.“Kung ako sa’yo, susuko na ako ngay







