MAHINANG NATAWA NA si Atticus sa kadamutan ni Gabe kung kaya naman may kalokohan na naman siyang naisip habang nakatingin sa mukha ng babae. Inilapit niya ang katawan sa abogada na pinandilatan pa siya ng mga mata. Sa pag-aakala ni Gabe na pipilitin nitong tikman ang milk tea niya, mas inilayo pa niya ang kamay upang hindi maabot iyon ni Atticus. Napaawang ang bibig niya na hindi iyon ang pinuntirya ni Atticus, sa halip ay hinawakan ang baba niya at walang paalam na humalik sa kanyang labi. Pwersahang ipinasok pa nito ang kanyang dila sa loob ng kanyang bibig. Hindi niya iyon napaghandaan kung kaya naman hindi niya nagawang makaiwas. Nahimasmasan siya ay natanggal na ni Atticus ang labi sa bibig niya. Tumango-tango ang kanyang ulo, marahan ito na para bang nagawa ng tikman ang milk tea.“Not bad, pero dahil galing sa labi mo papasa na siyang masarap.” Akmang tatadyakan siya ni Gabe ngunit mabilis itong nakaiwas sa kanya. “Ikaw na nga ang pinuri, ikaw pa ang galit. Hayaan mong tikman
NADAGDAGAN PA ANG pagtataka sa mga tinging ipinukol ni Gabe kay Atticus. Inalalayan na ni Atticus pababa si Gabe at agad na kinuha ang kamay nito na pinagbigyan naman ni Gabe kahit na ang dami niyang katanungan sa kanila. Ilang sandali pa ay marahan na silang naglakad na parang matandang mag-asawa na ini-enjoy ang tahimik at malamig na gabi. Hindi pa ito nagawa ni Gabe sa sinuman at ni minsan kung kaya feel na feel niya. Nakabawas din iyon sa stress niya. Naisip niya na maganda rin pala ang paminsan-minsan na maglakad lalo sa gabi. Medyo hindi siya komportable sa mga tingin ng kanilang mga nadadaanan na naroon din at malamang ay ginagawa ang ganito, ganunpaman ay hindi niya napigilan na iyakap ang isang kamay sa mga bisig ni Atticus. Ikinalapad pa iyon ng ngiti ng kumag sa kanya dahil sa kanyang ginawa.“Is this better? O sa beywang mo dapat iyakap ang isang kamay ko, Fourth?” Tumigil sa paglalakad si Atticus sa narinig niyang katanungan ni Gabe. Marahang itinango niya ang kanyang ul
TAHIMIK NA SUMUNOD si Gabe palabas ng silid. It was indeed a feast. Ang dami nitong niluto na parang hindi lang dalawang tao ang kakain noon kung hindi isang buong malaking pamilya. Iba’t-ibang putahe na na-miss nga ng abogada. “Pinaghandaan mo talaga ang pagbabalik ko ah.” “Oo naman, lalo at nakita kong medyo pumayat ka. Hindi ka siguro nakakakain doon nang maayos.”Naupo na si Gabe at nagsimula ng kumuha ng pagkain upang ilagay sa kanyang pinggan. Nakangiti naman siyang sinabayan na ni Atticus. Sa totoo lang ay sobrang na-miss niya si Gabe, buti nga nakaya niyang hindi ito kontakin. Ayaw niyang dumagdag pa sa problemang pinapasan nito tungkol kay Jake habang nasa ibang bansa, pinili niyang manahimik. Hindi makakatulong kay Gabe kung pati siya ay iisipin pa nito habang naroon kaya ay hindi na lang siya komontak dito.“Narito pa ang mga gamit mo, kailan ka aalis?” “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang bagay na iyon.” pakli ni Atticus na ayaw haluan ng iba ang kasiyahan. Hind
PRENTENG SINANDAL NI Gabe ang ulo sa salamin ng bintana ng kotse. Binalikan niya ang araw ng kanyang pag-alis, busy noon si Atticus. Pinapunta ito ng kakambal niyang si August ng kanilang kumpanya. Ni hindi siya nagawa nitong ihatid ng airport. Hindi naman siya nagtatampo. Nauunawaan niya iyon. Hindi niya rin sinabi na pabalik na siya dito. During those ten days, Atticus had rarely contacted her. Marahil ay iniisip nitong ayaw siyang istorbohin. Dahil busy siya kay Jake, hindi niya iyon gaanong napansin pati ang hindi nito pag-se-send sa kanya ng message. Pinatulis na ni Gabe ang nguso niya. Sumidhi pa ang pagka-miss niyang nadarama. Noon lang niya iyon naramdaman. Marahil dahil sa nakabalik na siya dito.“Hindi niya kaya ako na-miss? Imposible iyon. Baliw na baliw sa akin ang Atticus Carreon na ‘yun.” Sa isiping iyon ay napangisi na nang malaki si Gabe. “Tama, baliw na baliw siya sa alindog ko kaya paniguradong mamatay-matay na iyon sa pagka-miss sa akin.”Puno ng pagmamadali ang k
MEDYO MALALIM NA ang gabi nang makabalik si Atticus ng penthouse. Sinulyapan niya ang silid ni Gabe, ngunit hindi siya doon pumunta. Kinain niya ang lahat ng natirang pagkain ni Gabe sa lamesa at nilinis ang kusina. Nagtapon din siya ng mga basura na nakagawian na niyang gawin bago matulog. Pagbalik niya ay nakita niyang lumabas ng silid si Gabe na ang buong akala niya ay kanina pa tulog kung kaya naman hindi niya ito inistorbo. Hindi niya inalis ang paningin sa mga mata nitong mapula at medyo namamaga. Hindi dahil iyon sa pagtulog kundi halatang nang dahil sa kanyang pag-iyak.“What’s wrong, Gabe? Umiyak ka habang wala ako?” Iniiling ni Gabe ang kanyang ulo ngunit agad na siyang nilapitan ni Atticus. Hinarangan kung saan planong pumunta. Pilit niyang hinuli ang mga mata ng babae. Hindi siya naniniwala na hindi ito umiyak. Hindi ito normal na hitsura niya.“Hindi ako—” “Kilala ko ang mukha mo kapag umiyak ka at hindi. Si Jake na naman ba ang inaalala mo? He is fine. Hindi mo siya da
GABE TOOK A few bites and was a little dazed. Sabi ni Atticus mahuhumaling siya sa kanya, pakiramdam niya nagkakatotoo na nga ang sinasabi nito. Hindi lang nahuhumaling kundi ay nahuhulog na naman siya dito nang malalim. Atticus knows what she wants. He can give her what she needs. This kind of feeling is not something that everyone can give. Tanging si Atticus lang ang makakagawa noon sa kanya. Ilang beses pa siyang napakurap na ng kanyang mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagsabing pwede kang pumasok sa silid ko? Labas! Hindi ka welcome dito!” Hindi pinansin ni Atticus ang sunod-sunod na tanong at rant ni Jake.“Bingi ka ba? Tinatanong kita!” “May sakit ka na nga ganyan ka pa kung umasta. Dinalhan kita ng pork ribs stew at—” “Bakit mo ako dadalhan? Hindi ko kakainin iyan. Malay ko bang nilagyan mo iyan ng lason para mapadali ang buhay ko!” bintang pa ni Jake na pulang-pula na ang mukha sa galit na kanyang nararamdaman sa presensya ng kanyang karibal.Tumigil ang galaw n