Share

Chapter 2

I was busy roaming my eyes around the club.

Some are drunk already. Some are busy kissing on the dark corners of the place. Some are busy making dirty dances and some are on the couch chilling like the three people I am with now. Naglalaro pa rin ang dalawa habang si Kerwin ay nakaupo pa rin sa kung nasaan siya nakaupo kanina. Maya-maya ay umalis siya at tumungo sandali sa rest room ng club.

The song shifted into a love song kaya kanya-kanyang balik sa mga upuan nila ang karamihan while few of those who are dancing earlier chose to stay and dance with their partners. Oh, so the club has this kind of thing hah? I think people know's the routine of the club dahil walang ni isang umangal sa pagpapatugtug ng love song ng Dj.

"So its rest time huh?" Tanong ni Kerwin nang makabalik.

"Hmm?"

"The love song is played here para makapagpahinga ang mga tao sa pagsasayaw. It’s a marketing strategy para yung mga sumasayaw ay bumalik sa inuupuan nila at bumalik sa pag-inom at maubos ang mga alak nila." Pag e-explain niya.

"Oh. Kaya pala.” Ngumiti siya at kumuha ng panibagong bote ng beer sa mesa namin.

"Kaya kung napapansin mo some people who chose to go here are couples and not so wild people." Napalingon ako sa mga naghahalikan kanina, not wild huh?

Bumalik si Clowie sa pwesto namin pero akala ko ay magpapahinga at titigil na ito sa pagsasayaw yun pala ay gusto niyang isayaw siya ni Dave. And because Dave is so busy with his game wala sabi-sabing kinuha ni Edgar ang phone niya at ang bakla na ang naglaro niyon.

"Shit! Don't you dare lose the game!" sigaw ni Dave na hatak-hatak na ni Clowie. Natawa kaming mga naiwan sa couch.

Hindi na nagsalita pa si Kerwin at nabusy sa kakakulikot ng phone niya kaya I busied my eyes on roaming around. My sight landed on the bunch of girls somewhere. Sa gitna nila ay si Raffael na malaki ang ngisi sa labi. She's holding someone's waist sa magkabilang gilid niya.

"Playboy." I whispered to myself. Halata pa lang sa mukha at kung paano siya tumingin at makipag-usap sa babae. Kung sabagay may hitsura at mayaman kaya rin nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. I’m sure, para sa babaeng iyan eh mahalikan lang ng isang Monreal ay ang swerte na nila.

Tumingin siya sa direksyon ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Pinutol ko naman agad iyon at nilipat ang tingin sa kanina ko pang hawak na bote ng alak. Kanina ko pa ‘to hawak-hawak pero hindi ko pa rin nakukunan ng kahit kaunte lang.

May narinig akong kumausap sa akin. Hindi masyadong narinig ang sinabi nito dahil bigla nalang bumalik sa trap music ang musika sa loob ng club.

"Sorry ano ‘yon?" I asked. Nilapit ko pa ng kaunte ang sarili sa gawi niya para marinig niya ng maayos ang sinabi ko. Spbrang ingay na naman muli nang paligid, sinabayan pa ng mga hiyawan ng mga tao sa pagbabalik ng trap music.

He gestured to sit beside me kaya umurong ako para makaupo siya ng maayos. "Hindi kaba umiinom?" Tanong niya. I can now hear him clearly dahil sa lapit namin sa isa’t isa.

I shooked my head, tinitingnan ang boteng hawak. Kung kanina ay malamig pa iyon ngayon ay hindi na. "Hindi eh." I chuckled. I don't know why I am still holding the can. Nilagay ko ito sa mesa and wiped my wet hands.

"Gusto mong sumayaw?" He asked. He looked worried that I might get bored so much. Well, I am perfectly fine. I am so used to it. I can even make my own world in this noisy place just by opening a reading application here in my phone.

I shook my head . "Okay lang ako, tsaka nakakahiya I don't know how to dance."

Tumango siya.

Maya-maya ay may kumausap sa kaniya at nagpaalam na sasamahan muna niya ito kaya naiwan na naman ako roon sa couch nang walang kausap though I am with Airra and Edgar kaso parang may sariling mundo ang mga ito dahil sa nilalaro kaya naisipan ko nalang ding kunin ang phone ko at magbabasa nalang.

I groaned when I can't concentrate on what I am reading dahil sa ingay ng paligid. Akala ko kaya kong magbasa kahit maingay, hindi pala, kaya ibinalik ko nalang ang phone ko ulit sa pocket ko. Again, I  roamed my eyes around the club again.

Gusto kong magliwaliw pero natatakot ako. Baka mabastos lang ako, marami pa namang lasing na. I looked on the way where I just saw Raffael earlier pero wala na ito roon. Maybe he's on the dark corners of the club too, you know, making french kisses with the girl he's  with earlier.

Dahil walang magawa ay inenjoy ko nalang ang sarili by watching those people in the dance floor. Naputol lang ang pag tanaw ko roon when someone blocked the way.

Ilang segundo bago ko nakilala kung sino iyon. Madilim kasi at nakatalikud ito sa mga ilaw.

"Ah, ahm. Shall we dance?" Tanong ni Kerwin while offering his hand. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hiya.

"You looked bored. Baka gusto mo lang?" Sabi nito habang nasa ere pa rin ang isang kamay.

"I can't dance eh--- hey!" Tatanggi na sana ako nang bigla nalang kinuha ni Edgar yung kamay ko and puttes it on Kerwin's hand dahilan upang hindi na ako nakapalag.

“W-woooy!” Nahihiyang sabi ko rito.

“Sige na, go!” Sabi ni Edgar na agad binalik ang mga mata sa nilalalaro niya sa phone niya.

Tinulak pa ako nito hanggang sa makatayo na nga ako ng tuluyan. Kerwin chuckled that made my body shiver. Ang gwapo niya kahit sa simpleng pagtawa lang. Pagdating namin sa dance floor ay napatingin agad sa aming dalawa ang mga kaibigan niya. Nahihiya akong lumapit sa kumpol nila.

The music turned into a soft tone. Nawala ang ingay at biglang lumuwag ang dance floor. Naiwan ang iilang mga pares, kaya mas nahiya pa tuloy ako dahil uupo na naman yata ako pabalik. Hindi ako marunong sumayaw!

"Ayusin mo yan!" Sigaw ni Austrid na masama pa ang tingin kay Kerwin, napatawa naman ito na ako lang ang nakarinig dahil sa tunog ng music.

"Yieee, bagay!" Kantyaw ng mga kaibigan niyang pinangungunahan ng engkanto kong pinsan.

Sasama na sana ako sa kanila pabalik but Kerwin held my hand. "Where are you going? Let's dance"

"Ahm... ah... ano kasi... hindi talaga ako marunong sumayaw." nahihiya kong sabi.

"Its okay, I will guide you." He said and smiled at me.

Dahil doon ay parang nahulog ang loob ko sa kanya. Ang bait niya. Tapos ang gwapo pa. Nag-iinit ang mukha ko. Sana hindi ako namumula. Pero nakakahiya talaga, parang feel ko na tuloy yung mga sabi-sabi sa mga kwentong gustong magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Baka maturn-off siya, magkapareho pa namang kaliwa itong mga paa ko.

"Chill lang, sasayaw lang naman tayo." He chuckled. Oh my god! Naramdaman niya ba ang panginginig ko? Nakakahiya!

Kinuha nito ang nanginginig kong mga kamay at nilagay sa mga balikat niya habang nilagay naman nito ang mga kamay niya sa bewang ko.

Ngayon ko lang na realize ampangit ng outfit ko for a sweet dance naka badass outfit ako! Pero I think chokks lang kasi parang bagay naman kami, cHoUr! Parang lang. Natawa ako sa sariling kabaliwan. Dahil doon ay naapakan ko ang paa niya.

"So-sorry." I uttered. Hindi siya nagsalita pero nakita ko ang pagngiwi ng mukha niya pagkatapos ay ngumiti. Tumingin ako sa mga paa naming dalawa para alam ko yung steps na dapat gawin at madali ko naman itong nakuha.

He chuckled. "Ang cute mo" sabi niya dahilan para mapatingin ako rito.

I paused for a bit kasi ang lapit pala ng mga mukha namin sa isa’t isa. Sa tingin ko’y pinamulahan ako dahil dun kaya yumuko nalang ulit ako at mariin na ipinikit ko ang mga mata. Nakakahiya! Muntik ko na siyang mahalikan!

Ang lapit ng mga mukha namin kanina kaya mas nasaksihan ko pa kung gaano siya kakinis at kaputi. Tapos namumula pa yung mga pisngi niya dahil siguro sa alak na nainom niya but he doesn't smell like it.

Ang gwapo niya. Napakagat ako sa labi habang nakayuko parin.

Malapit nang matapos ang kanta at nagpaalam na sina Austrid na babalik sa pwesto namin dahil sumunod ito kanina sa amin upang sumayaw rin. Akala ko naman ay susunod agad kami pero bumalik nalang sa trap music at nagsi-balikan na ang mga walang jowa sa dance floor pero andito pa rin kami, siya na nakahawak pa rin sa balakang ko at habang ako naman ay nakahawak pa rin sa mga balikat niya.

Para kaming nmga tanga roon na sumasayaw ng slow dance habang ang lakas at bilis na ng beat ng music.

Someone bumped to me at the back kaya napasubsub ako ng kaunti sa dibdib ni Kerwin. Nilingon ko kung sino iyon at laking gulat ko nang si Raffael pala iyon at ang mas nakakagulat pa ay may kalat na lipstick ito sa mga labi niya.

"Ooops sorry.” He said na sa akin lang nakatingin. Sinamaan ko siya ng tingin. Sinira niya yung moment namin. Ngumisi lang ito't bumalik sa pagsasayaw kasama yung mga babaeng kasama niya kanina.

Gross!

"Hindi pa ba tayo babalik?" I said awkwardly when I faced Kerwin, masyado nang wild ang mga katabi namin.

Some girls are looking so gross while doing their sexy dances and kita ko naman that some of the boys grabs the opportunity na mahawakan ang mga katawan nila. The girls didn’t even mind kung saan-saan na sila mahawakan dahil sa sobrang kalasingan ng mga ito.

Someone bump on me again dahilan para mapasubsub na naman  ako sa dibdib ni Kerwin at napayakap naman ito sa akin para hindi ako matumba. Inis na tiningnan ko kung sino iyon. Akala ko si Raffael iyon, hindi pala. Bibigyan ko na naman sana nang isang masamang tingin.

"Tara?" I heard Kerwin muttered. Hinawakan nito ang kamay ko at naunang maglakad pulling me from behind.

Hindi ko alam kung bakit nag tha-thumbs up ang mga lalaking kaibigan niya habang siya naman ay napapailing-iling nalang na naupo sa pwesto niya kanina sa tapat ko. Ngumiti ito sa akin bago kumuha ng panibagong can beer.

Pinanliitan kami ng mga mata ni Austrid. I just shook my head at umupo na rin sa kaninang inuupuan ko.

I checked my phone to find out that its already 2 in the morning! Agad na nanlaki ang mga mata ko. Alas doss na?! Ganun naba ako ka-enjoy dito para di ko maramdamang alas doss na pala ng umaga? Hindi man lang ako dinalaw ng antok.

Kinalabit ko si Austrid "We have to go, its already 2am." Baka pagalitan na kami nito.

Nagulat ako sa biglaan nitong pagtayo. Napatingin ang lahat ng kaibigan nito sa kanya. Uh oh! She's drunk already!

"Kailangan na naming umuwi!" she said seriously that made her friends chuckle habang ako naman ay nahiya sa biglaan nitong pagsalita. Napasapo ako sa noo, paano ko 'to iuuwi ngayon?

Pagnalalasing kasi si Austrid kung ano-ano nalang ang ginagawa nito. Pabagsak na bumalik ito ng upo sa tabi ko.

Humarap siya sa akin na parang papaiyak. I groaned. What the hell?  "Wala ka pang jowa Dani, I'm so sad for you."Napa facepalm ako. She's drunk, totoo! Sobra! Kaya kailangan ko na itong mau=iuwi agad sa kanila bago pa ito magwala rito.

Nilayo ko siya sa akin. "May jowa ako, marami" Totoo naman talaga, marami talaga akong jowa depende sa kung sino ang bida na lalaki sa binabasa ko.

"Marami your face!" She said while pointing my face "jowain mo mga libro mo" she said at sinubsob na naman ang mukha sa leeg ko.

Tinulak-tulak ko naman ito at baka masukahan pa ako nito.

"What happened?" Concern na tanong ng kakarating lang na si Raffael. Hindi ako umimik. Inaayos niya pa ang pagkakabutones ng suot niyang polo when he went beside Austrid. Umupo siya roon at niyugyug ang pinsan ko.

Ilang minuto ang lumipas nang hindi na ito umimik. Nakatulog na ang gaga, pano na ‘to? Pano ako makakauwi nito? Patay ako kay Tita nito. Baka ako sisihin bakit hindi ko inuwi agad ang babaeng ‘to.

Tinulungan ko sa pag-akay ang mga kaibigan ni Austrid sa kanya dahil sa pagewang-gewang na ito kung maglakad, natatawa pa ito dahil lasing na nga daw talaga siya dahil umiikot na ang mundo niya.

Sinong ba namang tao ang hindi malalasing” Eh, ilang bucket na ng alak ang na ubos nila. Gusto pang padagdagan! Buti nalang talaga at di ako uminom!

Magkaiba kami ng way ni Austrid pauwi kaya nag-aalala ako't hindi ko siya masasamahan. Ihahatid naman daw siya ng mga kaibigan niya pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala dahil pati ang mga ito ay lasing na rin. Pero wala na rin naman akong nagawa dahil halos humiga na si Austrid sa daanan dahil sa kalasingan.

"Patay ka talaga kay Tita Autumn kang babae ka!" I hissed.

Raffael went beside us. Namomroblema na rin sa kaibigan niya.

“Ughhh” Si Austrid na parang masusuka pa at.

“Oh my god! Not here Auwie, please!” Inatras nila Tadashi si Austrid na ipapasok na sana nila sa sasakyan.

Inupo muna nila ito sa hood ng sasakyan.

Nag-aalalang tumungo ako rito.

“Huy, Austrid.” Tinampal-tampal ko ang pisngi nito.

“Ohh.” Ugngol niya.

Napailing ako. Lasing na lasing talaga siya. Patay kami nito! Paniguradong pagagalitan ang kung sino mang maghahatid sa kanya. For sure nasa bahay na sina Tita Alex at Tito Jimmy. Ang sabi pa naman ng gagang ito sa akin kanina ay sa beach ang paalam niyang pupuntahan nila para mag celebrate ng birthday niya! Napatampal ako ulit sa noo.

“May number ka ba ni Nay Rosa?” Tanong nang lalaking tumabi sa akin para aluin si Austrid. Si Raffael

Tumango ako rito.

“Call her at sabihin mong ihahatid ko si Austrid.” Agad ko namang sinusnod ang sinabi niya.

Tinawagan ko ang matagal nang katulong ni Austrid. Nag-alala ito sa alaga pero nang sabihing kasama nmin si Raffael ay tila nabawasan ang kaba sa pananalita nito.

They insisted to just drop Austrid on their house dahil same way naman din sila, si Raffael na daw ang kakausap kay Nay Rosa.

"Di natin pwedeng pabayaan 'to, birthday pa naman nito." Humalakhak si Dave, natatawa sa pinsan kong parang nadaanan ng ilang bagyo ang mukha. Gulong-gulo ang buhok at wala nang lakas ang mga binting tumayo.

"Paano si Dani?" Airra asked concernly.

"Okay lang ako. Mag ta-taxi nalang ako." I said habang tinutulungan si Tj sa pagpapaupo kay Austrid sa tabi ni Clowie na ngayo'y tulog na rin dahil sa kalasingan.

"Sakay ka nalang Dani, ihahatid ka nalang namin kami malilintikan ni Austrid pag nalaman niyang di ka namin hinatid pauwi sa inyo" si Tadashi.

"Hindi na. Okay lang talaga ako. Mag cocommute nalang ako, may taxi naman" pangungumbinsi ko sa kanila.

"Bat ka kasi hindi nagdala ng sasakyan Raffael." Si Edgar kay Raffael.

"Ayos lang talaga ako." Sabi ko sa kanila.

"Ako nalang maghahatid sa kanya" si Kerwin sa likuran ko.

Napatingin ako kay Kerwin, his holding a helmet.

"You sure? Kaya mo pa ba?" Nag-aalalang tanong ni Airra. Ilang bote din kasi yung naubos ni Kerwin at namumula na rin ito.

"Naka-inom ka Kerwin ha" said Tadashi na sumilip galing sa driver's seat.

Ngumiti siya. "kaya ko pa."

“Ingatan mo ‘yan patay ka kay Austrid.” si Dave bago pumasok sa sasakyan.

"Text Austrid later pag nakauwi kana. Alis na kami baka nag-iintay na si Nay Rosa. Kerwin ingat kayo." Tj reminded Kerwin, after that ay pumasok sa siya sa sasakyan. Nahuling sumakay si Raffael, tinanguan niya muna si Kerwin sa tabi ko bago ako naman ang tiningnan. He looked at me from head to foot.

Hinubad niya ang suot na polo and handed it to me. He smirked at pumasok na sa passengers seat.

My brows furrowed because of him. The hell is his problem?

Tiningnan ko ang suot ko at napangiwi ng maalalang hindi kotse ang sasakyan namin kundi motor! Kaya pala kung makatingin yung Raffael na yun! I rolled my eyes. Malayo na ang sasakyan nila.

Niyakap ko ang sarili ng umihip ang isang malamig na hangin. Bakit ko nga ba nakalimutang magdala ng kahit blazer man lang? Myghad!

Kinuha muna ni Kerwin ang motor niya sa likud ng club, kung saan niya ito pinarada. Maya-maya ay narinig ko na ang papalapit na tunog ng motor niya.

Humito siya sa harapan ko. He offered his helmet to me.

"Suotin mo 'to.” Hindi na ako nagtanong pa at inabot iyon.

Pagkatapos ay napatingin ako sa kanyanang hubarin nito ang suot niyang leather jacket at ibinigay sa akin.

"Wear this, malamig." Napatingin ulit ako sa suot ko na masyadong ngang manipis.

"Paano ka?" I asked him. Wala na nga siyang helmet, wala pa siyang jacket.

He smiled. "I'm fine."

Umangkas na ako sa motor niya at humawak sa dulo ng damit niya.

Mahina lang ang pagpapatakbo niya nang bitawan ng isang kamay niya ang manebela at kinapa ang kamay kong nakahawak sa manggas ng damit niya para ayusin ang pagkakahawak sa bewang niya.

"Masisira shirt ko" humalakhak siya ng mahina na ako lang ang nakakkarinig.

"Uh. Sorry." I said nang makitang ang higpit nga ng pagkakapit ko roon. Napakagat naman ako sa labi at kaunting nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang ipalupot niya ang kamay ko sa bewang niya. Tuloy ay parang nahihirapan ako sa paghinga dahil sa pagkakabigla ko. Nakakahiya! We just met tapos may paganito na agad!

Hindi naman gaanong malayo yung sa amin kaya ilang kalye nalang ay makakarating na kami sa street namin.

"Diyan lang... dito..." ani ko while pointing our house. Bumaba ako sa motor niya at tinanggal ang helmet at inabot iyon sa kanya.

Huhubarin ko na rin sana yung jacket niya nang sabihin nitong hindi na at malamig. Napangiti ako dahil sa sobrang pagka-thoughful niya.

"Pasok ka na." Sabi niya.

"Thank you. Ingat ka." I smiled. Ngumiti rin siya bago sinuot ang helmet niya.

"Sige na, pasok ka na. Hihintayin kong makapasok ka muna" Ani nito kaya pumasok na ako sa gate namin.

Hihintayin ko pa sana siyang umalis but he signaled with his hand na pumasok na sa bahay kaya naglakad na na ako palapit sa pintuan ng bahay namin. Bago ako tuluyang makapasok ay humarap muna ako sa kanya and waved my hand.

Pagkasirado ko ng pintuan ay narinig ko ang pagkabuhay muli ng makina ng motor niya at tuluyang nang umalis. Napabuga ako ng hangin at niyakap ang sarili habang suot pa rin ang jacket na pinahiram niya. Early morning’s wind is so cold!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status