Share

55

“Ahm Pierce?"

Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.

Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.

Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office.

Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon.

Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na.

"Xylc, why?"

"Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako.

Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin.

"Not that busy anymore. Come here."

"Yown."

Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok.

"Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."

Inayos ko an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status