LOGINTaon 1820…Sa kabilang buhay…Hindi na nagngangalit ang lupa.Ang dating kumukulong talampas ay unti-unti nang tumahimik. Ang makapal na usok ay naglaho, at ang nag-aalab na lupa ay napalitan ng banayad na liwanag na tila sumasayaw sa hangin. Ang dating amoy asupre ay napalitan ng malamig at payapang simoy, at ang mga kaluluwang minsang tumakbo sa takot ay ngayo’y nakatayo na, malaya at panatag. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay may kapayapaan na. Unti-unting umalingawngaw ang mga tinig, hindi na sigaw ng sakit, kun'di halakhak ng tuwa.“Malaya na tayo…”“Tapos na… tapos na ang lahat…”Ang ilan ay napaluhod sa lupa, ang iba’y nagyakapan, habang ang iba nama’y tumingala sa kalangitan na ngayo’y nagliliwanag sa kakaibang ganda.Sa gitna ng kapatagang iyon ay nakatayo sina Prinsipe Zaitan at Prinsipe Zumir. Tahimik at pagod, ngunit parehong nakangiti. At sa kanilang harapan ay naroon ang isang liwanag na dahan-dahang bumaba mula sa itaas na bahagi ng talampas.Hindi it
Taon 1818…Sa kabilang buhay…Sa isang malawak at wasak na talampas na nababalot ng makapal na usok at nag-aalab na lupa, dalawang oras nang walang tigil ang labanan. Ang lupa ay kumukulo, ang hangin ay amoy asupre, at sa gitna ng nagngangalit na kapaligiran ay naroon ang isang napakalaking nilalang. Isang dragon na ang katawan ay tila hinulma mula sa apoy at bato.Si Luhat.Sa bawat paghinga nito ay bumubulwak ang nagbabagang lahar na parang ilog ng kamatayan. Ang mga kaluluwang naliligaw sa kapatagang iyon ay walang magawa kun'di tumakbo, sumigaw, at magmakaawa habang tinutugis sila ng apoy.“AAAAGH!”“Ilayo ninyo kami rito!”Ngunit walang makakatakas.Hanggang sa isang puting liwanag ang humawi sa makapal na usok. Sumugod si Prinsipe Zaitan at ang kaniyang espada ay nagliliyab sa dalisay na enerhiya. Sa isang mabilis na galaw, hinati niya ang paparating na lahar at itinaboy ito palayo sa mga kaluluwa.“Kayo ay tumakbo” sigaw niya. “Magtungo kayo sa likod!”Kasabay nito ay lumitaw s
Taon 1805…Maliwanag ang umaga sa Kaharian ng Sarsul. Ang sikat ng araw ay marahang sumisilip sa makakapal na ulap, at ang hangin ay may dalang kakaibang katahimikan, na tila naghihintay sa isang pangyayaring magbabago sa kasaysayan ng kanilang lahi. Sa loob ng silid ni Misan ay abala ang lahat.Ang mga kandila ay nakahanay sa paligid ng silid, at ang mga kurtina ay bahagyang nakabukas upang makapasok ang malamlam na liwanag ng umaga. Sa gitna ng silid ay naroon si Misan, pawisan, hingal, at halos mawalan ng lakas matapos ang mahabang oras ng panganganak. Nakapaligid sa kaniya sina Inang Reyna Zenya, Zabel, Meryam, at ang komadrona ng palasyo.“Huminga ka nang malalim, anak,” malumanay na sabi ni Inang Reyna Zenya habang hawak ang kamay ni Misan. “Malapit na… malapit na.”Napapikit si Misan habang pilit na pinipigil ang sigaw na gustong kumawala sa kaniyang dibdib.“Isa pang tulak, Misan!” sigaw ng komadrona. “Kaya mo iyan!”Sa labas ng palasyo ay tila huminto ang hangin.At sa pagtun
Taon 1805...Malamig ang simoy ng hangin at tila nagbabadya ang ulan dahil sa madilim na kalangitan. Masaya at payapang nagdidilig ng mga halaman sa hardin ng Kaharian ng Sarsul si Misan kasama si Zabel. Nakasuot siya ng kulay kremang kasuotan na mahaba at maluwag, habang nakapusod naman ang mahaba at kulay tsokolate niyang buhok. Walong buwan na rin ang kaniyang sinapupunan, at sa susunod na buwan ay inaasahan na ng karamihan ang kaniyang pagsisilang sa magiging supling nila ni Prinsipe Zumir.“Ako ay nananabik nang masilayan ang iyong anak, Misan... Tiyak na siya ay ubod ng gwapo o ganda!” ani ni Zabel habang dinidiligan ang bulaklak na mirasol.Ngumiti lamang si Misan at hindi agad nakapagsalita. Marahan niyang hinaplos ang kaniyang umbok at saka pinagmasdan ang buong kapaligiran. Napakaganda ng paligid na punô ng samu’t saring mga halaman at bulaklak na tila kumakaway sa malamig na hangin.Malapit na ring mag-isang taon si Prinsipe Zumir na nakahimlay sa pribadong silid ng palasyo
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMuling nagsalpukan ang kanilang mga espada. Ang bawat hampas ay nagdudulot ng lindol sa ilalim ng kanilang mga paa, at bawat pagsabog ng enerhiya ay nagpapalipad sa mga bato’t alikabok sa kalangitan. Ang kanilang mga mata ay tila apoy sa gitna ng unos, puno ng poot, determinasyon, at sugatang dangal.Si Prinsipe Zaitan ay halos hindi na humihinga sa tindi ng labanan, ang puting apoy ng kaniyang mahika ay patuloy na umaalab sa kaniyang mga palad. Samantalang si Prinsipe Zumir, na muling nakabawi ng lakas mula sa dugo ni Sastareus, ay nagliliyab sa mapulang enerhiya ng kadiliman. Ang bawat galaw niya ay tila halimaw na nagising mula sa mahabang pagkakatulog.Malamig, mabilis, at nakamamatay.Nagbanggaan muli ang kanilang mga espada. Mula sa kanilang mga katawan ay nagsabog ng liwanag. Puti laban sa itim, liwanag laban sa anino. Sa bawat hampas ay may kasabay na pagsabog ng kulog.“Hindi na ito laban ng dangal, Kamahalan!” sigaw ni Prinsipe Zumir habang pi
Taon 1805...KAHARIAN NG SARSULMahigit sampung dipa ang layo ng mga mata nila Prinsipe Zumir at Prinsipe Zaitan habang malakas na sinasayaw ng malamig na ihip ng hangin ang kanilang mga kapa. Makulimlim ang kalangitan, ang mga ulap ay tila lumalapit sa dalawang bampirang puro makapangyarihan at nag-aagawan sa trono."Ikaw nga ay tunay na may dugong itim... Napaniwala mo akong ikaw ay tunay na kaibigan, tinrato kita na parang aking kapatid, ngunit lingid sa aking kaalaman ay ikaw pala ang bampirang labis kong pinaghandaan sa aking buong buhay... Ito ang unang paghaharap natin bilang ikaw ay si Prinsipe Zumir... Tama ba, Rycon?" madilim ang mga matang sambit ni Prinsipe Zaitan.Lumakas ang ihip ng malamig na hangin, maging ang kulog ay maririnig na rin sa kalangitan. Hinawakan ni Prinsipe Zumir ang espadang nasa kaniyang tagiliran at saka nagsalita."Hindi ko batid kung ako ba ay hihingi ng paumanhin o ikaw ay sasabihan ko ng katotohanan, ngunit alam ko na ikaw ay hindi rin naman manin
Kampo ng mga Puting Bampira...Sa kabilang dulo ng kagubatan, sa isang lihim na kampo sa lilim ng bundok, nakatayo si Prinsipe Zaitan sa harap ng mga nasasakupan. Ang kaniyang mukha ay parang batong di na muling ngumiti. Hindi na siya galit, siya’y manhid na. Ang apoy sa kaniyang puso ay hindi dahi
Oktubre 28, 1799...Hindi mapakali si Prinsipe Dalleon habang naririnig ang iyak at pagsigaw ng kaniyang asawa na si Prinsesa Lovera habang iniluluwal nito ang pangalawa nilang anak. Halos isang oras na itong pinapaanak ng komadrona ngunit hindi pa rin lumalabas ang sanggol."Mahal, tatagan mo ang iyo
Oktubre 25, 1799...Naggising ang diwa ni Prinsipe Zumir. Pakiramdam niya ay galing siya sa isang malayong paglalakbay. Alam niya sa sarili na lumipas na naman ang isang siglo kaya nagsisimula na namang maggising ang kaniyang espiritu. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid. Mayroon na naman bang m
Oktubre 30, 1797...Isinilang ni Prinsesa Lovera ang panganay na anak nila ni Prinsipe Dalleon na si Amira. Kahit na sanggol pa lamang ay nakikinita na ang angking kagandahan nito. Masayang sinalubong ng buong kaharian ang pagsisilang kay Amira. Nagkaroon agad ng malaking salo-salo sa buong kaharian







