MasukSAMARA POV
Napatigil ang buong mundo ko habang nakatayo ako sa pagitan ni Cassian at ng anak ko. Ang amoy ng mint at cedarwood na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon ay biglang sumakop sa espasyo ko. Ramdam ko ang mariing titig ni Cassian sa likod ko, pero nanatili ang paningin ko kay Altair.
"Altair," medyo may kalakasan at seryosong tawag ko sa anak ko. "I told you to wait for me, right? Bakit ka umalis doon?"
Tumingala sa akin si Altair, hawak pa rin ang kanyang maliit na gadget bag. Imbes na matakot dahil seryoso ako, ngumiti pa ang gago kong anak—isang ngiti na carbon copy ng lalaking nasa likuran ko ngayon.
"Sorry, Mommy. Navigated to the wrong coordinate. I got lost," nakataas-kamay pang sabi ng bata na parang wala lang. Pero bago ko pa siya mahila paalis, narinig ko ang marahang pagtayo ni Cassian mula sa pagkakaluhod niya sa sahig.
"Aria?" Isang mababa, paos, at tila hindi makapaniwalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi 'Samara' ang tinawag niya kundi ang designer name ko, ibig sabihin ay nakita niya ako sa event program o narinig sa mga investors.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa mga balikat ni Altair para itago ito sa likod ko. Pilit kong pinatatag ang mukha ko. I wore my cold, professional mask—ang mukha na binuo ko sa Paris para hindi na muling tapakan ng kahit sino.
"Mr. Valdez," malamig kong bati sa kanya, seryosong nakatitig sa mga mata niya.
Gulat. 'Yun ang unang emosyon na nakita ko sa mukha ni Cassian. Ang aroganteng neurosurgeon at CEO na laging kontrolado ang lahat ay mukhang nakakita ng multo. Lumiyab ang mga mata niya habang pinapasadahan ang mukha ko, pababa sa suot kong emerald green gown, hanggang sa bumalik ito sa mga mata ko. Ang panga niya ay nakakuyom, at mabilis ang pag-naas ng dibdib niya.
"Samara..." bulong niya. Sa pagkakataong ito, ang tunay ko nang pangalan ang binigkas niya. Ang boses niya ay may panginginig na hindi ko kailanman narinig noong kasal pa kami. "Buhay ka. You're... you're really here."
"I am Aria, Mr. Valdez. Lead designer of Maison de l'Est. At kung naghahanap ka ng asawa mo, limang taon na ang nakalipas mula nang pirmahan ko ang divorce papers na iniwan ko sa kama mo," diretso kong sagot nang walang kakurap-kurap. Nagulat ako sa sarili ko kung gaano katatag ang boses ko. Ang sakit noon ay naging galit at proteksyon para sa anak ko.
"I didn't sign it," mabilis na putol niya, humakbang siya nang isang beses palapit sa akin pero awtomatiko akong umatras habang hila si Altair. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya nang mapansin ang pag-ilag ko. "Hindi ko pinirmahan ang divorce, Samara. Limang taon kitang hinanap. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Bakit ka umalis nang walang pasabi? Bakit bigla ka na lang naglaho?"
Gusto kong matawa sa kaprehasang naririnig ko. Hinanap niya ako? Pagkatapos niyang sabihin kay Evelyn na kasangkapan lang ako ng pamilya niya? Napakagaling niyang aktor. Pero hindi na ako ang tangang Samara na maiiyak sa mga pa-biktima niyang linya.
Bago ko pa siya masagot, biglang sumingit ang maliit na boses sa likod ko. Sumungaw si Altair sa gilid ng hita ko at tumingin kay Cassian gamit ang kanyang bilugang mga mata.
"Mommy, is he my daddy?" direktang tanong ni Altair.
Parang binagsakan ng langit at lupa ang lobby ng hotel sa tanong ng anak ko. Nanlaki ang mga mata ko. Binalingan ko si Altair, pero bago ko siya mapigilan, nagpatuloy pa ang bibong bata.
"Mister, you look like me. Sabi ni Mommy, my daddy is a very smart man with sharp eyes, just like yours. Are you my lost daddy?" wika ni Altair habang nakaturo pa ang maliit na daliri kay Cassian.
Tumingin si Cassian kay Altair. Sa pagkakataong ito, mas masusi niyang tinitigan ang mukha ng bata. Mula sa hugis ng panga, sa makakapal na pilikmata, hanggang sa aura nitong tila maliit na bersyon niya. Nakita ko ang unt-unting pagtatanto sa mga mata ni Cassian. Ang calculator sa utak ng isang magaling na doktor ay mabilis na nag-compute ng timeline. Limang taon akong nawala. Ang bata sa harap niya ay mukhang apat o limang taong gulang na.
"Samara..." Napatingin muli si Cassian sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng emosyon—halo ng gulat, pag-asa, at matinding galit. "Anak ko ba siya? Buntis ka noong umalis ka?"
"Hindi," mabilis at mariin kong sagot, hinila ko na si Altair patungo sa gilid ko. "He is my son. Mine alone, Mr. Valdez."
"Huwag mo akong ituring na parang tanga, Samara! He looks exactly like me!" Lumakas ang boses ni Cassian, dahilan para mapatingin ang ilang dumaraang hotel staff sa amin. Akmang hahawakan niya ang braso ko pero mabilis ko siyang tinabig gamit ang clutch bag ko.
"Sabi ko huwag mo kaming hahawakan!" bulyaw ko sa kanya sa pabulong na paraan. Lumapit ako sa kanya para harapin siya nang malapitan, sapat lang para kami lang ang makarinig. "Wala kang anak sa akin, Cassian. Ang anak ko ay may ibang ama. At hinding-hindi ikaw 'yon. Kaya pakiusap, lumayo ka sa amin kung ayaw mong ipatawag ko ang security ng hotel na ito at sirain ko ang reputasyon ng Valdez Medical Group."
Napatitig sa akin si Cassian, halatang nabigla sa bagsik ng pananalita ko. Ang dating Samara ay hinding-hindi magtataas ng boses sa kanya, pero ngayon, handa akong pumatay para lang ilayo siya sa anak ko.
"Altair, let's go," sabi ko sa anak ko, binuhat ko na siya kahit mabigat at kahit naka-gown ako.
Mabilis akong naglakad palayo patungo sa exit ng lobby, hindi pinapansin ang mga tawag ni Cassian sa likod ko. Ramdam ko ang mabibigat niyang hakbang na sumusunod sa amin, pero bago pa niya kami maabutan sa main p***o ng hotel, hinarang na siya ng aking mga bodyguard na kanina ko pa tinext noong nakita ko silang nag-uusap.
"Sir, bawal po kayong lumapit kay Miss Aria," harang ng dalawang malalaking lalaki kay Cassian.
Lumingon ako sa huling pagkakataon bago sumakay sa naghihintay na black SUV sa labas. Nakita ko si Cassian na pinipigilan ng mga bodyguard ko, habang ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa amin ng anak ko—puno ng pagsisisi, galit, at determinasyon. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at marahas na isinarado ang p***o, habang si Altair ay tahimik na nakatingin sa akin mula sa kanyang upuan.
SAMARA POV"Mommy, are you mad at me?"Nabasag ang katahimikan sa loob ng SUV dahil sa maliit na boses ni Altair. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa car seat, nakayuko ang ulo at nilalaro ang strap ng gadget bag niya. Nawala ang pagiging bibo niya kanina; ngayon, mukha na siyang tutang natatakot.Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig niyang kamay. "No, baby. Mommy is not mad at you. Medyo nagulat lang ako kasi umalis ka sa pwesto mo. I was worried.""I just wanted to help you, Mommy. Nakita ko yung picture nung man sa magazine mo sa Paris bago tayo lumipad dito. Sabi sa text, he's the big boss doctor of the hospital. I thought... if I talk to him, he will buy a lot of your diamonds," seryosong paliwanag niya, diretsong nakatitig sa akin gamit ang mga matatalinong mata niya.Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang kadali para kay Altair na lapitan si Cassian at sabihin ang mga linyang iyon. My brilliant little boy tried to play matchmaker and business p
SAMARA POVNapatigil ang buong mundo ko habang nakatayo ako sa pagitan ni Cassian at ng anak ko. Ang amoy ng mint at cedarwood na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon ay biglang sumakop sa espasyo ko. Ramdam ko ang mariing titig ni Cassian sa likod ko, pero nanatili ang paningin ko kay Altair."Altair," medyo may kalakasan at seryosong tawag ko sa anak ko. "I told you to wait for me, right? Bakit ka umalis doon?"Tumingala sa akin si Altair, hawak pa rin ang kanyang maliit na gadget bag. Imbes na matakot dahil seryoso ako, ngumiti pa ang gago kong anak—isang ngiti na carbon copy ng lalaking nasa likuran ko ngayon."Sorry, Mommy. Navigated to the wrong coordinate. I got lost," nakataas-kamay pang sabi ng bata na parang wala lang. Pero bago ko pa siya mahila paalis, narinig ko ang marahang pagtayo ni Cassian mula sa pagkakaluhod niya sa sahig."Aria?" Isang mababa, paos, at tila hindi makapaniwalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi 'Samara' ang tinawag niya kundi ang des
SAMARA POVLimang taon. Mahabang panahon para sa iba, pero para sa akin, mabilis na lumipas ang mga taon dahil abala ako sa pagbuo ng bagong buhay. Ang mahina, emosyonal, at sunod-sunurang si Samara Hidalgo na iniwan si Cassian Valdez sa Maynila ay matagal nang patay.Ngayon, kilala na ako sa mundo ng fashion at sining bilang 'Aria', ang lead jewelry designer ng isang sikat na French luxury brand. Pilit kong itinago ang tunay kong pagkakakilanlan para sa proteksyon ko, at lalo na para sa anak ko. Nakakatawa kung paano nagbabago ang ikot ng mundo. Ang babaeng itinuring lang na kasangkapan noon, ngayon ay pinag-aagawan na ng mga mayayaman para lang sa isang piraso ng dinesenyo kong alahas."Mommy, look! Parang spaceship yung ceiling!"Napatingin ako sa ibaba at agad na lumambot ang puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Altair. Naka-suot siya ng maliit na navy blue suit na terno sa pormal kong suot para sa grand exhibition ngayong gab
SAMARA POVHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa sahig ng walk-in closet, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ang bawat kalabog ng pinto sa kabilang kwarto. Umalis na si Evelyn. Narinig ko ang sasakyan nitong umalis bago mag-alas tres ng madaling araw. Pero ang mga salita ni Cassian? Nanatili silang nakaukit sa utak ko, paulit-ulit na nagpaparusa sa akin.She’s just a tool.Alas kwatro na ng madaling araw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng mismong master's bedroom ko. Hindi ko ni-lock ang pinto mula sa closet, kaya naman malinaw kong narinig ang mabibigat at tila pagod na mga hakbang ni Cassian.May amoy ng alak na humalo sa pamilyar niyang panlalaking pabango—yung paborito kong amoy ng mint at cedarwood na dati-rati ay nagpapakalma sa akin. Pero ngayon, nagdulot lang ito ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pinihit ko ang pinto ng closet at dahan-dahang lumabas.Doong ko siya nakita. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatungo, habang maluwag na
SAMARA POVMay mga gabi na kahit anong lakas ng buhos ng ulan sa labas, mas naririnig ko pa rin ang sarili kong tibok ng puso. O ang kawalan nito.Tumingin ako sa orasan sa dingding ng kusina. 2:14 AM.Malamig na ang niluto kong hapunan sa lamesa. Dalawang taon. Dalawang taon ko nang ginagawa ang routine na ito. Naghihintay sa asawa kong si Cassian Valdez. Ang sikat na neurosurgeon at CEO ng Valdez Medical Group. Ang lalaking pinangarap ko noon pa man, pero naging simula rin ng sarili kong impiyerno.Kasal kami, oo. Isang marangyang arranged marriage na pinalabas na fairytale sa media para isalba ang nalulubog na kumpanya ng tatay ko. Pero sa loob ng mansyong ito, ako lang ang nakakaalam kung gaano kalamig ang reyalidad. Para kay Cassian, isa lang akong responsibilidad. Isang obligasyon na kailangan niyang tiisin.Narinig ko ang ugong ng makina ng kanyang sports car sa labas. Agad akong napatayo, inayos ang suot kong silk robe, at mabilis na pumunta sa pinto.Bukas ang pinto ng opisin







