LOGINSAMARA POV
Limang taon. Mahabang panahon para sa iba, pero para sa akin, mabilis na lumipas ang mga taon dahil abala ako sa pagbuo ng bagong buhay. Ang mahina, emosyonal, at sunod-sunurang si Samara Hidalgo na iniwan si Cassian Valdez sa Maynila ay matagal nang patay.
Ngayon, kilala na ako sa mundo ng fashion at sining bilang 'Aria', ang lead jewelry designer ng isang sikat na French luxury brand. Pilit kong itinago ang tunay kong pagkakakilanlan para sa proteksyon ko, at lalo na para sa anak ko. Nakakatawa kung paano nagbabago ang ikot ng mundo. Ang babaeng itinuring lang na kasangkapan noon, ngayon ay pinag-aagawan na ng mga mayayaman para lang sa isang piraso ng dinesenyo kong alahas.
"Mommy, look! Parang spaceship yung ceiling!"
Napatingin ako sa ibaba at agad na lumambot ang puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Altair. Naka-suot siya ng maliit na navy blue suit na terno sa pormal kong suot para sa grand exhibition ngayong gabi. He had thick eyelashes, a sharp nose, and deep, intelligent eyes. Sa tuwing tinitingnan ko siya, naaalala ko kung sino ang ama niya. Pero kaagad ko ring inaalis ang isip ko doon. Altair is mine. Akin lang siya.
Nasa grand hall kami ng isang luxury hotel sa Bonifacio Global City. Ito ang unang pagkakataon na bumalik ako sa Pilipinas pagkatapos ng limang taon. Kung hindi lang dahil sa mahalagang partnership na ito ng kumpanya ko, hinding-hindi ako tutapak muli sa mundong binalot ko na ng limang taong katahimikan.
"Yes, baby. It's beautiful, right? Pero remember our rule, okay? Don't let go of Mommy's hand. Maraming tao ngayon," paalala ko sa kanya habang inaayos ang buhok niya.
"Opo, Mommy. I will stay beside you like a good cop," seryosong sagot niya sabay saludo na ikinatawa ko. Napakatalino ng anak ko. Sa edad na apat, daig pa niya ang matatanda kung mag-isip at magsalita. He was my biggest blessing, ang tanging magandang bagay na nakuha ko mula sa mapait kong nakaraan.
"Miss Aria! Ready na po ang VIP lounge para sa panayam niyo sa mga investors," tawag sa akin ng coordinator ng event.
Tumango ako at binalingan muli si Altair. "Baby, upo ka muna dito sa bench malapit sa entrance habang kinakausap ni Mommy si Tita, ha? Dito lang ako, tanaw kita."
"Okay, Mommy. I'll just look at my tablet," sagot niya habang bitbit ang kanyang maliit na gadget bag.
Naglakad ako ng ilang hakbang palayo para harapin ang coordinator at pirmahan ang ilang dokumento para sa exhibition ng aming bagong diamond collection. Nakatalikod ako ng ilang minuto, kampanteng nasa likod ko lang si Altair. Pero nang matapos ko ang pinapapirmahan at lumingon ako pabalik sa bench—
Wala na si Altair.
Biglang uminit ang buong katawan ko. Ang hawak kong mamahaling pluma ay nahulog sa sahig. "Altair?" bulong ko. Pinihit ko ang paningin ko sa buong paligid. Ang daming tao, mga nakasuot ng gown at suit, nagtatawanan, nag-iinuman ng wine. Pero walang maliit na batang lalaki na naka-navy blue suit sa paligid.
"Altair! Baby!" Medyo lumakas na ang boses ko. Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko sa takot. Hindi pwedeng mawala ang anak ko. Hindi sa lugar na ito.
Mabilis akong naglakad patungo sa gitna ng event hall, hinahawi ang mga elitistang bisita na nagtatakang tumitingin sa akin. Lumabas ako patungo sa malawak na lobby, kung saan mas kaunti ang tao ngunit mas malaki ang espasyo. Kung saan-saan ako lumingon, lumalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha ng takot.
Nasaan ka na ba, Altair? Please, Lord, huwag ang anak ko.
Habang nagpapanic ako malapit sa malalaking glass wall ng hotel, may napansin akong maliit na pigura sa dulo ng pasilyo, malapit sa elevator hall ng mga VIP. Nakatayo ang anak ko sa tapat ng isang matangkad na lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na humakbang patungo sa kanila. Pero habang papalapit ako, unt-unting bumagal ang mga hakbang ko. Parang umurong ang lahat ng dugo sa katawan ko, at ang hangin sa paligid ko ay tila naglaho.
Ang lalaking kausap ng anak ko ay may malalapad na balikat, nakasuot ng napakamahal na charcoal gray suit, at may tindig na kilalang-kilala ko kahit nakatalikod ito. Ang maayos na gupit ng buhok nito, ang awra nitong nakakapang-init ng ulo sa sobrang arogansya.
Si Cassian.
Kausap ng anak ko ang sarili nitong ama. Nag-uusap silang dalawa habang si Cassian ay dahan-dahang lumuhod para mapantayan ang taas ni Altair. Ang puso ko na limang taon kong pinatigas ay parang gustong sumabog sa tindi ng kabog. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Cassian Valdez ang lalaking nasa harap ng anak ko ngayon.
Lumingon ako sa paligid, naghahanap ng mapagtataguan o paraan para makuha si Altair nang hindi ako nakikita ni Cassian. Pero huli na ang lahat. Nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na iyon na nagtanong kay Altair, alam kong wala na akong matatakbuhan.
Dahan-dahan akong lumapit, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong sistema, habang ang dalawa ay seryosong nagtititigan na parang may sariling mundo.
"Excuse me," mariing sabi ko habang humahakbang sa pagitan nilang dalawa upang harangan ang paningin ni Cassian kay Altair.
SAMARA POV"Mommy, are you mad at me?"Nabasag ang katahimikan sa loob ng SUV dahil sa maliit na boses ni Altair. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa car seat, nakayuko ang ulo at nilalaro ang strap ng gadget bag niya. Nawala ang pagiging bibo niya kanina; ngayon, mukha na siyang tutang natatakot.Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig niyang kamay. "No, baby. Mommy is not mad at you. Medyo nagulat lang ako kasi umalis ka sa pwesto mo. I was worried.""I just wanted to help you, Mommy. Nakita ko yung picture nung man sa magazine mo sa Paris bago tayo lumipad dito. Sabi sa text, he's the big boss doctor of the hospital. I thought... if I talk to him, he will buy a lot of your diamonds," seryosong paliwanag niya, diretsong nakatitig sa akin gamit ang mga matatalinong mata niya.Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang kadali para kay Altair na lapitan si Cassian at sabihin ang mga linyang iyon. My brilliant little boy tried to play matchmaker and business p
SAMARA POVNapatigil ang buong mundo ko habang nakatayo ako sa pagitan ni Cassian at ng anak ko. Ang amoy ng mint at cedarwood na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon ay biglang sumakop sa espasyo ko. Ramdam ko ang mariing titig ni Cassian sa likod ko, pero nanatili ang paningin ko kay Altair."Altair," medyo may kalakasan at seryosong tawag ko sa anak ko. "I told you to wait for me, right? Bakit ka umalis doon?"Tumingala sa akin si Altair, hawak pa rin ang kanyang maliit na gadget bag. Imbes na matakot dahil seryoso ako, ngumiti pa ang gago kong anak—isang ngiti na carbon copy ng lalaking nasa likuran ko ngayon."Sorry, Mommy. Navigated to the wrong coordinate. I got lost," nakataas-kamay pang sabi ng bata na parang wala lang. Pero bago ko pa siya mahila paalis, narinig ko ang marahang pagtayo ni Cassian mula sa pagkakaluhod niya sa sahig."Aria?" Isang mababa, paos, at tila hindi makapaniwalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi 'Samara' ang tinawag niya kundi ang des
SAMARA POVLimang taon. Mahabang panahon para sa iba, pero para sa akin, mabilis na lumipas ang mga taon dahil abala ako sa pagbuo ng bagong buhay. Ang mahina, emosyonal, at sunod-sunurang si Samara Hidalgo na iniwan si Cassian Valdez sa Maynila ay matagal nang patay.Ngayon, kilala na ako sa mundo ng fashion at sining bilang 'Aria', ang lead jewelry designer ng isang sikat na French luxury brand. Pilit kong itinago ang tunay kong pagkakakilanlan para sa proteksyon ko, at lalo na para sa anak ko. Nakakatawa kung paano nagbabago ang ikot ng mundo. Ang babaeng itinuring lang na kasangkapan noon, ngayon ay pinag-aagawan na ng mga mayayaman para lang sa isang piraso ng dinesenyo kong alahas."Mommy, look! Parang spaceship yung ceiling!"Napatingin ako sa ibaba at agad na lumambot ang puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Altair. Naka-suot siya ng maliit na navy blue suit na terno sa pormal kong suot para sa grand exhibition ngayong gab
SAMARA POVHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa sahig ng walk-in closet, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ang bawat kalabog ng pinto sa kabilang kwarto. Umalis na si Evelyn. Narinig ko ang sasakyan nitong umalis bago mag-alas tres ng madaling araw. Pero ang mga salita ni Cassian? Nanatili silang nakaukit sa utak ko, paulit-ulit na nagpaparusa sa akin.She’s just a tool.Alas kwatro na ng madaling araw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng mismong master's bedroom ko. Hindi ko ni-lock ang pinto mula sa closet, kaya naman malinaw kong narinig ang mabibigat at tila pagod na mga hakbang ni Cassian.May amoy ng alak na humalo sa pamilyar niyang panlalaking pabango—yung paborito kong amoy ng mint at cedarwood na dati-rati ay nagpapakalma sa akin. Pero ngayon, nagdulot lang ito ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pinihit ko ang pinto ng closet at dahan-dahang lumabas.Doong ko siya nakita. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatungo, habang maluwag na
SAMARA POVMay mga gabi na kahit anong lakas ng buhos ng ulan sa labas, mas naririnig ko pa rin ang sarili kong tibok ng puso. O ang kawalan nito.Tumingin ako sa orasan sa dingding ng kusina. 2:14 AM.Malamig na ang niluto kong hapunan sa lamesa. Dalawang taon. Dalawang taon ko nang ginagawa ang routine na ito. Naghihintay sa asawa kong si Cassian Valdez. Ang sikat na neurosurgeon at CEO ng Valdez Medical Group. Ang lalaking pinangarap ko noon pa man, pero naging simula rin ng sarili kong impiyerno.Kasal kami, oo. Isang marangyang arranged marriage na pinalabas na fairytale sa media para isalba ang nalulubog na kumpanya ng tatay ko. Pero sa loob ng mansyong ito, ako lang ang nakakaalam kung gaano kalamig ang reyalidad. Para kay Cassian, isa lang akong responsibilidad. Isang obligasyon na kailangan niyang tiisin.Narinig ko ang ugong ng makina ng kanyang sports car sa labas. Agad akong napatayo, inayos ang suot kong silk robe, at mabilis na pumunta sa pinto.Bukas ang pinto ng opisin







