Share

Chapter 3

NAGPAIWAN muna ako kay Kuya sa field ng school at umalis naman silang apat dahil daw papasok pa sila sa kanilang mga klase. They are a graduating students. Med Students si Kuya dahil sa kaniya ipapamana ni Daddy ang hospital na pagmamay-ari niya.

After 3 years maybe, ipapasa na sa kaniya ni Daddy ang hospital and it will all be his. While me? I'm just sixteen, senior highschool palang, studying Accountancy and Business and Management at ipapamana ito sa akin ni Daddy after 6 years. 

I don't want it actually. I'm not into business. I was just forced to study business para daw sa kumpanya. Ayaw kong pumayag pero wala akong magagawa. Maraming kalaban ang gustong ipabagsak si Daddy and he even receiving a threat. And there's part of me that I understand him but why me? I mean I can't guarantee my life, I have heart failure and anytime I can be disappeard.

It hurts but it's also the truth. I have to accept my fate. If it will happen then I'll let it happen. 

Kaya ngayon palang ine-enjoy ko na ang buhay ko. Sa bawat segundo, minuto o oras man ay pinapahalagahan ko dahil ang mga alaala na mabubuo ko ay isa ng napakahalagang bagay na mababaon ko sa kabilang buhay.

Hindi naging matagumpay ang paggamot sa akin sa US at ayaw kong sabihin sa pamilya ko kung gaano na kalala ang sakit ko. Mas mabuti nang hindi nila alam. Mas okay na ang ganito, masaya kaming magkakasama at walang pinoproblema.

Sa totoo lang, gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang magkaroon ng isang pamilya. Pero hindi ko alam at walang kasiguraduhan na mangyayari pa ang hinihiling ko ngayong may taning na ang buhay ko.

In next life, maybe.

Umiling ako para maalis sa isip ko ang mga naisip ko. Bakit ko nga ba iniisip ang bagay na iyon gayong kakasabi ko lang na ang bawat segundo ay mahalaga sa akin pero nagsayang lang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Hindi ko alam pero natatawa ako sa sarili ko. Hays Dahlia! Nababaliw ka na naman.

"MISS TABI!!!"

Lumingon ako sa taong sumigaw at nagulat ako nang may paparating sa akin na bola. Hindi ako makagalaw at parang nadikit na ang paa ko sa lupa. Ilang metro na lang ang bola sa akin para matamaan ako. Pumikit na lang ako at nagdasal na sana lumiko ang bola at hindi sa akin tumama. Opo humihiling po ako kahit imposible, please lang.

Nagulat ako nang may biglang humila sa kamay ko at niyakap ako nang maramdaman kong matutumba kami. Dinilat ko naman ang mata ko at nakita ang isang lalaking nakatingin sa akin. Agad akong humiwalay sa kaniya at tumayo. 

Lumapit naman ang lalaking sumigaw kanina sa pinagbagsakan ng bola at dinampot ang bola doon. Nang madampot ito ay sinamaan niya ako ng tingin. Am I to be blamed?

"Sinabi ng tumabi ka eh!" Di makapaniwalang tumingin ako sa kaniya habang naglalakad na siya paalis. Ang sungit ha!

'Wow ha! Kasalanan ko pa?!'

"SORRY HA? SANA KASI INAYOS MO ANG PAGSIPA MO SA BOLA! HINDI KO TALAGA SINASADYA. PASENSYA NA!" Sigaw ko nang makalayo siya. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Ang pangit siguro ng mood niya ngayon. Wala naman akong ginawa pero parang may nagawa ako sa kaniya na ikinagalit niya. Ayos ha! Naglalakad lang naman ako pero parang nabigyan ko siya ng loob. Tsk!

Ano gusto niya? Ang matakot ako? Duh! Hindi naman siya katakot-takot!

Napalingon ako sa taong tumawa. Nagulat pa ako dahil akala ko ay umalis na siya pero hindi pa pala. Yumuko ako at humingi ng pasensya.

"Sorry nga pala." Paghingi ko ng paumanhin. Inilahad niya ang palad niya sa harap ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Anong gagawin ko?

"I'm Sebastian Umali." Pagpapakilala niya. Napatango naman ako at tinanggap ang kamay niya. "Dahlia na lang." Pagpapakilala ko naman. Bibitawan ko na sana ang kamay ko nang higpitan niya pa lalo ang paghawak dito. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. Nang mapansin niya ang reaction ko ay siya na ang bumitaw sa kamay ko at nag-sorry.

"Sorry. I thought may idadagdag ka pa e!" Napatango naman ako sa sinabi niya. "But Miss? I want to know the full name of every person that I meet and see. It's better than knowing only the first name. And I don't have any bad intention. Mas gusto ko lang talagang nalalaman ang buong pangalan ng mga nakikilala ko." Mahabang dagdag niya. Napatango naman ako ulit sa sinabi. 

Hindi naman na niya kailangan pang ipaliwanag 'yon. I don't care anyway.

"Dahlia Catarhina El Mundo. That's my full name." Nakangiting sabi ko. 

"El Mundo, that's quite familiar." Nakakunot noong sabi niya na para bang inaalala kung saan nga ba narinig ang apelyido.

"Maybe because I'm related to Vince Daniel El Mundo." Nahihiyang sabi ko. Agad namang nawala ang kunot sa kaniyang noo at pinitik pa ang daliri sa harapan ko, napaatras naman ako sa ginawa niya. What's that?

"Bingo! Si Vince nga! So magkapatid pala kayo? Glad I saved an El Mundo today!" Tuwang tuwang sabi niya. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tinanong na lang siya.

"Do you know him by any chance?" I asked. I know everyone knows Kuya but I only knows that he's mostly popular by the girls, I don't know if he's also popular to the boys.

"Of course. Who wuldn't? He's part of the basketball team. Me and his friend are a varsity player of this school." Proud na proud pang sabi niya.

So Kuya is really popular not just to the girls but also to the boys. I will assumed that he's popular everywhere. And he's a varsity player now. He achieved his dream. He always wanted to be a basketball player and now he's one of it, I can't deny that I'm so proud of him.

"Are you close with him?" Tanong ko pa. Nawala naman ang ngiti niya at sinuklay ang buhok saka humarap sa akin gamit ang seryosong mukha.

'Maybe he is.'

"Hindi nga eh!' Sabi niya saka lumukot ang mukha.

'That's what I'm saying. Una palang alam ko na!'

"Pero nag-uusap usap naman kami kapag nasa court na kami. Through the ball." Sabi niya at kinamot pa ang batok. Nahihiya naman niya akong tinignan nang maramdaman niyang hindi na ako nagtatanong.

"Wala ka ng tanong?" He asked. 

"Where's the class of Accountacy and Business and Management?" I asked. Mas gusto ko na lang pumasok sa klase kesa sa makipag-usap sa kaniya. Para siyang si Kuya. Parehong may hangin, puno ng kabag siguro.

"Are you an ABM students? I'm in that class as well. Nice, same class! Ang saya naman yata ngayon ng buhay ko." Nakangising sabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay sayang saya sa pinaggagawa.

"Ang bata mo pa para sumali sa team nila Kuya ah. Dapat nasa junior team ka." Sabi ko naman at hindi pinansin ang sinabi niya kanina.

"Ahh, right! I was, before. Nagulat na lang ako bigla nung kinuha nila ako at pinasok sa team nila." Paliwanag niya.

"And why is that?" I asked again.

"Because I'm good." Taas noo niyang sinabi sa harap ko saka nagpakita pa ng moves niya na parang nagsho-shoot ng bola.

"You're good?" Sarcastic na tanong ko. Tumango naman siya sa akin at napabuntong hininga na lang ako. Hindi niya yata napapansin na kanina pa ako nagiging sarcastic sa harap niya. Or maybe he did notice it but he didn't mind.

"I'm going. Bye!" Sabi ko sa kaniya at nagsimulang maglakad. Masyado yatang napahaba ang pag-uusap namin kanina at hindi ko na napansin ang oras. 

"Wait." Pagpigil niya sa akin pero hindi ako tumigil at hindi rin ko siya nilingon. Siya 'yong tipo ng lalaki na maraming talk. I'm okay with it honestly. Gusto ko rin naman sa tao 'yong maraming talk para hindi awkward sa isa't-isa kaya lang, may mga pagkakataon kasi na 'yong mga sinasabi niya ay palayo ng palayo sa pinag-uusapan namin, para bang ang hilig niyang magsingit ng mga bagong topic kahit hindi pa kami tapos sa isa.

"Won't you offer a friendship?" Napatigil ako sa paglalakad at di makapaniwalang nilingon siya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Why is he asking that? 

"Why?" Kunot noo kong tanong. Grabe siya! 

"Usually, in the movie or books that I've read, friendship happens when two or more person meet accidentally. And I'm just wondering if it can happen in real life." Nakangiting sabi niya. He's still a kid, right? Tell me! Kasi kung hindi, mababatukan at masisipa ko siya. 

Of course it can happen in real life. But why is he saying this to me? I'm not really interested in this thing but I can't understand why is he pursuing it? Friends with me? Oh no, he can't lie to me.

"And why would I offer you a friendship, why it has to be me?" Walang gana kong tanong. Naglakad siya palapit sa akin at ngumiti ng pagkalaki-laki. Lumayo ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama. 

"Because you owe me! Remember? I saved you from the flying ball earlier." Sabi niya. I don't know what to react properly and what to say. Is he really like this?

He's really serious about me offering a friendship right? He's not joking either? Maybe I can be friends with him in the other day but not now. I'm enjoying my first day here alone but he just showed up suddenly and wanting to be friends with me? That fast?

"I didn't even ask you to saved me." Katwiran ko. Lumayo siya ng kaunti sa akin at yumuko. Okay, what drama is this? Don't tell me susumbatan niya ako. If he is, I can't handle this anymore.

"Parang wala ka namang utang na loob. Nagmagandang loob lang naman ako sa iyo. Eto naman." Bagsak ang balikat na sabi niya. "Sige, ako na lang." My mouth fell open becaue of what I've heard. He's really serious!

"Can we be friends, Miss Dahlia Catarhina El Mundo?" Napangiwi ako dahil buong pangalan ko pa ang binigkas niya. I told him to just call me Dahlia. He doesn't even know to listen and comprehend.

"NO!" Sabi ko at tumalikod na saka naglakad paalis. 

Hinabol naman niya ako at pinigilan muli. "Hala siya! Ako na nga nag-offer ng friendship tapos 'No' ka pa din?" Sabi niya. Wow ha? Kasalanan ko pa ngayon?

"Nanggagago kaba?" Naaasar na tanong ko sa kaniya. "Anong gusto mong gawin ko? Mag-sorry gaya nung ginawa ko sa masungit na lalaki? Kahit anong gawin at sabihin mo diyan, I don't care! Leave me alone, okay?" Sabi ko sa kaniya. 

Napatakip siya sa bibig niya at gulat na napatingin sa akin. "Hala, nagmumura ka?" Punong puno na ako sa kaniya, sana naman tigilan na niya ako. Nananadya na yata siya. Gusto pa yata niyang sagarin ang pasensya ko para masapak siya.

"Sebastian Umali! Parang awa mo na, ayaw ko pang mamatay! At kung ayaw mong patayin kita . . . UMALIS KANA!!!" Naiinis na sigaw ko siya. Nginitian lang niya ako at kumaway sa harap ko.

"Aye, Aye! Sa susunod na araw naman, aking mumunting kaibigan." Todong ngiting sabi niya sa akin at paatras na lumakad. Kumaway ulit siya sa akin bago tumakbo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Tumataas ang dugo ko sa isang Sebastian Umali. Baka biglang tumigil ang tibok ng puso ko kung siya palagi ang makikita ko sa araw araw.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago tumalikod at umalis. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Napatigil ako sa paglalakad at kinuha ang phone ko sa bag at tinignan ang nagnotif.

I*******m: @itsurcutiebaste follows you

Hindi ko binigyang pansin ang notif na iyon at binalik ang phone ko sa bag at patuloy na naglakad patungo sa paroroonan ko. Nasira ang magandang araw ko dahil sa kaniya. He's really an annoying person, ewan ko lang sa susunod. 

There's a lot of people I could meet, why it has to be him?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status