Share

Chapter 36

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at sandaling in-adjust ang paningin sa liwanag. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinanap sina Kuya at Baste. Ako lang kasi ang mag-isa pagkagising ko, akala ko pa naman ay nandito sila sa tabi ko.

Wala lang, nami-miss ko lang sila hehe.

Isinuot ko ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina, basta bigla na lang akong nakaramdam ng pagka-antok tapos naramdaman ko na lang ang pagsalo sa akin ni Baste.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong inaantok kahit kakatulog ko lang din naman at napapansin ko rin na napakasensitibo ko na pagdating sa mga pagkain na kakainin ko, na dati ay hindi naman. Idagdag pa na napapansin ko din ang pabago-bago ng mood ko. Bakit naman parang ang daming pagbabago sa'kin? May problema ba sa akin? Feeling ko naman ay ayos lang ako pero minsan napapansin ko rin na hindi. Ano ba talaga?

Nandito pa rin kami sa hospital, parang ginawa na naming bahay 'to ah. Pero syempre ayos lang kasi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status