Share

Kabanata 7 (Part 2)

Hindi ko na siya hinintay na makalabas sa sasakyan nang nakarating kami sa kaniyang bahay. Walang imik akong lumabas sa sasakyan at dumiretso sa loob. Sinigurado kong mabilis ang bawat lakad ko para hindi na niya maabutan.

Gusto na rin talagang matulog dahil pagod na ako mentally, physically at emotionally. Kaya naman nang nakarating sa kwarto ay kaagad akong naghanap ng pamalit na damit.

Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower. Wala akong sinayang na oras. Kahit pa nanoot sa katawan ko ang lamig ng tubig ay hindi ko na iyon ininda. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang makapagpahinga.

Mabilis lang din akong natapos. Hindi ko na rin binasa ang buhok ko para wala nang rason para hindi pa makatulog. Lumabas ako nang nakabihis na ng pantulog. Naabutan ko pa siyang nasa kama na at nakabihis na rin at mukhang bagong shower lang din. Siguro ay sa banyo na rin nagbihis at nag-shower.

Ano man ang ginawa niya, wala na akong pakialam.

Kung kanina ay gusto ko pang pag-usapan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status