Share

The Unwanted Wife's Second Chance
The Unwanted Wife's Second Chance
Author: cm.o

Kabanata 1 - Surpresa

Unang Kabanata

Napahawak si Carmina sa kaniyang kubrekama at bumangon mula sa kama. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi nang sulyapan ang banyo kung saan kitang-kita niya ang hubad na anino ng kaniyang asawang naliligo na si Enrico. Biglang sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi at agad namula ang mukha niya. Bagama't mag-asawa na sila ay sobrang pagkahiya pa rin ang nararamdaman niya pagkatapos nang pinagsaluhan nilang matamis na sandali.

Tumigil ang tunog ng tubig, at lumabas si Enrico na may suot na tuwalya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan habang pinupunasan ng tuyong damit ang kaniyang katawan.

Inabot niya ang mga damit, "Handa na ang almusal, hihintayin kita sa ibaba."

"Okay!" masiglang tugon ni Enrico.

Pagkababa, maingat na inilabas ni Carmina ang cake sa ref at inilagay sa gitna ng hapag kainan.

Hawak niya ang isang pregnancy test sheet sa kanyang kamay habang ang kanyang puso ay tumitibok ng malakas dahil sa kaba.

Ngayon ay ang ikalawang anibersaryo ng kanilang kasal, iniisip niya na sabihin sa kanyang asawa ang tungkol sa pagbubuntis niya. Si Carmina ay kinakabahan at hindi mapakali kung paano ito kay Enrico.

Matapos magpalit nang damit si Enrico ay bumaba na ito. Nakasuot si Enrico ng hand-made black suit, kaya naman ay napaka elegante nitong tingnan. Tunay na kaakit-akit at talaga namang guwapo.

Pagkatapos ng almusal, dahan-dahan na inilabas ni Carmina ang pregnancy test. Bahagyang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Huminga siya ng malalim, at ibinuka ang bibig.

"Enrico, may sasabihin sana ako sa iyo…" she bit the bottom of her lip.

Nag-angat nang tingin si Enrico sa kaniya at makikita ang pagkaseryoso ng mga mata nito. “May sasabihin din ako sayo."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Carmina. Samo’t-saring senaryo ang tumatakbo sa isipan niya. Napakagat labi siya sa isiping baka iimbitahan siya ng asawa ng lumabas at kumain sa labas. Siguro ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa pregnancy test. Malakas ang kalabog ng kaniyang puso sa sobrang excitement.

"Kung ganoon ay mauna ka na kung ano ang iyong sasabihin," mahinang sabi ni Carmina at nagbaba ng tingin. Ayaw niyang makita ng asawa kung gaano siya kasaya ngayon.

'Ano kaya ang kaniyang surpresa?' Nakangiting tanong ni Carmina sa kaniyang isip.

Ibinaba ni Enrico ang basong hawak saka tumayo. Naglakad ito patungo sa aparador at kinuha ang isang papel mula sa drawer at dahan-dahang iniabot kay Carmina.

Bakas sa mukha ni Carmina ang saya at pagtataka. She’s expecting a love letter and an invitation. Tinanggap niya ang papel na inabot ng kaniyang asawa habang malawak ang kaniyang ngiti. 

“What is this, Enrico?” mahinahon niyang sambit.

Walang ekspresyon si Enrico saka napasuklay nang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. “Iyan ang kasunduan sa diborsyo, maglaan ka ng ilang oras upang basahin ang mga laman niyan and after reading and fully understood it, then sign it."

Natigilan si Carmina, at sinubukan niyang kontrolin ang sarili para hindi mahulog at matumba sa pagkabigla. Halos malaglag ang hawak niya at naguguluhan pa sa kaniyang narinig. Hindi siya makapaniwala. Huminga siya ng malalim, at parang kutsilyo ang hangin na tumatama sa bibig niya. Ang puso niya na sobrang saya ay napalitan ng lungkot at kirot, para itong pinipiga.

Sinabi niya ba na divorce agreement? Divorce? A-ano? What the hell?! Paano siya? Ang magiging anak nila? Nagbibiro lang siguro ang asawa... Ngayon ang kanilang ikalawang wedding anniversary. Nawawala ang kanyang katinuan sa kakaisip. Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay nabawi ni Carmina ang kanyang boses at blangko siyang nagtanong.

"H-hihiwalayan mo na ba ako? Tama ba ang pagkakarinig ko?"

"Oo." Napakagaan at mababaw ang boses ni Enrico na tila ba balewala rito ang sinabi.

Hinawakan ni Carmina ang pregnancy test sheet at tatanungin niya sana si Enrico kung wala na bang puwang para sa pagbabago ng isip nito?

Paano kung sabihin kong magkaka-baby na tayo?

Magdadalawang isip ka ba?

'Magiging sapat ba na dahilan ang pagkakaroon natin ng anak for you to stay?'

Hindi mabilang ang mga tanong sa isipan ni Carmina. Nang sandaling makabawi siya ay ibinuka niya ang kaniyang bibig para sabihin kung ano ang kanina pa dapat niyang sinabi.

“Enrico, I’m p—”

"Bumalik na si Rebecca…” biglang sambit ni Enrico na nagpatigil kay Carmina sa pagsasalita. “Gusto kong tapusin nang maaga ang ating kasal. Napagkasunduan natin ito na lilimitahan lang sa tatlong taon ang ating kasal, hindi ba? Ngunit ngayon ay nagbago na ang sitwasyon, tapusin na natin ito."

She felt as if the world splatters in front of her. Nagbaba siya nang tingin at biglang nanghina.

“Pero dalawang taon pa lamang tayong kasal ngayon, kakadalawang taon pa lang natin…” There was a glint of sadness in her voice.

“The earlier the better,” Enrico inhaled deeply. “I know it’s so sudden, Carmina. Alam kong sa paningin mo ay medyo nagmamadali ako. This is a draft agreement. Tingnan mo muna ang mga nilalaman. Kung may disagreement ka o kung may kailangan ka pang iba ay sabihin mo sa akin. As long as hindi sobra-sobra, I will accept your concerns."

Silence filled the room. Ilang sandali pa bago magkaroon ng lakas ng loob upang magsalita si Carmina.

"Okay sige, babasahin ko ito mamaya." Tumugon si Carmina na may blankong isip matapos ang mahabang katahimikan.

Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod, mahigpit na pinisil ang pregnancy test, ang pinong pawis niya ay nagbubuo-buo. Alam niya na hindi na kailangang ilabas ito. Para saan pa? Para ipahiya ang sarili niya? Enrico will divorce her no matter what, period.

"Also..." sambit ni Enrico.

“A-ano 'yon?” Mahigpit na kinuyom ni Carmina ang kanyang mga kamay at itinaas ang kanyang ulo at nakangiting tumingin sa asawa.

"I have something to ask you," pagpapatuloy ni Enrico.

"Okay, basta't makakatulong ako," tugon naman ni Carmina.

“I need your help… with Lolo.” May pagmamakaawa sa mga mata at boses ni Enrico na mahirap matanggihan ni Carmina. 

Napatango na lang si Carmina. She wants to complain pero hindi niya ginawa. "Naiintindihan ko. Ako na ang magbabanggit kay Lolo ng hiwalayan nating dalawa.”

Enrico gave her a bored look. “Do it for us, Carmina. Alam mo na kung ako magbabanggit nito kay Lolo ay hindi siya papayag. Pero kung ikaw ang mag-open up, pagbibigyan ka niya.”

"Okay, naiintindihan ko." Carmina drew a deep breath.

Si Carmina ay isang ordinaryong babae lamang. Nagmula siya sa isang ordinaryong pamilya lamang sa isang lipunan, isang nurse ang kaniyang ina at sugarol naman ang kaniyang ama. Ang pamilya niya ay hindi maikukumpara sa pamilya Dela Muerte kahit ano pa ang mangyari.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang naglapit sa pamilya nilang dalawa. Ang Ama at Lolo ni Enrico ay binalak patayin ng kalaban nito sa negosyo kaya nagkaroon ng aksidente sa sasakyan na humantong sa pagkakaroon ng sakit sa puso at muntik ng ikamatay ng dalawa.

Carmina's mother happened to pass by and rescued the two people, enthusiastically.

Makalipas ang maraming taon, namatay ang ina ni Carmina dahil sa cancer at siya ay naiwan na lamang sa kaniyang amang isang sugarol. Nag-alala ang ama ni Carmina sa kanya, kaya pagkaraan ng maraming taon, nakipag-ugnayan ito sa pamilya Dela Muerte at nakiusap sa kanila na tulungan si Carmina bilang isang ulila. Direktang gumawa ng desisyon si Dante Dela Muerte, at ang Lolo ni Enrico at ipinapakasal siya kay Enrico sa sandaling makapagtapos siya ng kolehiyo.

Noong panahong iyon ay malinaw ang naging usapan nilang dalawa ni Enrico bago sila tuluyang ikasal. Tandang-tanda niya pa ang lahat…

"Maaari kitang pakasalan, ngunit ang puso ko ay pag-aari na ng iba,” paliwanag ni Enrico. “Tatagal ang ating kasal sa loob ng tatlong taon. Pagkaraan ng tatlong taon, magpipresenta ka ng divorce papers natin kay Lolo upang hindi siya maghinala. Magiging maayos din tayo."

Pinigilan niya ang kanyang sariling damdamin at itinago ang lahat ng kanyang pagmamahal.

"Naiintindihan ko…” Nag-iwas si Carmina nang tingin. Ito na ba talaga ang katapusan ng kanilang pagiging mag-asawa? “I’m in love with someone too… kaya tutuparin ko ang ating usapan at kusang aalis sa oras na maapprove ang divorce nating dalawa."

Ano ba itong pinagsasabi niya? Ang kaniyang binitawang mga salita ay taliwas sa totoo niyang nararamdaman. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tutulan ang divorce. Pero hindi niya kayang saktan pa si Enrico. Gustuhin man niyang ipagpatuloy pa ang nasimulan nila Enrico, hindi niya ito magagawa lalo at may nag mamay ari na rin ng puso ng kaniyang asawa.

Matapos silang ikasal, ginampanan ni Enrico ang lahat ng responsibilidad bilang asawa ni Carmina, kasama na rito ang pagmamahal, pagprotekta, at pangkalahatang pagtrato sa kanya ay lubos na mabuti. Sa bawat pagkakataong malungkot siya, hangad ng lahat na magkaroon rin sila ng asawang tulad ni Enrico. Hindi alam ng kanyang mga kaibigan na siya ay Reyna at kayamanan ni Enrico.  

Gayunpaman, si Carmina lamang ang nakakaalam na ang kanilang kasal ay hindi dahil sa pag iibigan, ngunit isang arrange marriage o kontrata lamang.

Ang lahat ng magagandang bagay na ibinigay ng asawa sa kanya ay walang kinalaman sa pag-ibig, ginagawa lang nito ang isang obligasyon. Kung may pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa ay walang iba kung ‘di ang pagsisiping nilang dalawa. Ang tanging nais ni Enrico ay ang katawan niya, at ganon din sa kaniya.

Tatlong taon ang orihinal na pinagkasunduan nilang dalawa, ngunit ngayon ay bumalik na ang babaeng matagal ng minamahal ni Enrico sa kanyang puso. At oras na rin siguro para magbigay daan para sa kanilang dalawa.

Alam na alam ni Carmina na hindi na siya minamahal ni Enrico o hindi man lang siya minahal ng kanyang asawa, ngunit pinili pa rin niyang manatili. Hindi siya isang martir. Mas lalong hindi siya tanga. She just believes that a strong woman fights for what is rightfully hers. Pero, hanggang kailan siya magtitiis para lang mabuo ang pamilyang kanyang inaasam? Sapat bang mahal niya ito para manatili siya?

Yumuko si Carmina at kinuha ang divorce agreement na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nawalan na siya ng gana, at babalik na sa kanyang silid nang biglang hilahin ni Enrico ang kanyang kurbata at tinawag siyang huminto.

"Kapag binanggit mo ang hiwalayan, tiyak na tatanungin ni lolo ang dahilan ng ating divorce. Can you explain it well to him? Just tell him the truth of your side, will you? Hindi ba sinabi mo na mayroon kang mahal sa loob ng maraming taon? Ngayon ay pinapalaya na kita, maaari ka nang pumunta sa kaniya at habulin mo ang iyong kasiyahan. I know that when it comes to your own feelings, Lolo won’t hesitate but to let us divorce. Hindi niya tatanggihan ang kahilingan mo.”

Hindi niya masisisi ang asawa niya.  It was all her fault for loving him too much. Kaya tumango na lang si Carmina , "Ako na ang bahala magpaliwang kay Lolo."

Pagkatapos magsalita, hindi na siya makapaghintay na bumalik sa kwarto. Kung magtatagal pa siyang kaharap ang asawa ay baka pagsisihan niya ang mga susunod na salitang lalabas sa kaniyang bibig at baka hindi niya mapigilang sabihin na huwag siyang hiwalayan.

Don’t divorce me, Enrico. Can’t we stay together?’ Ito ang tumatakbo sa isip niya.

Biglang iniunat ni Enrico ang kanyang kamay, natakot si Carmina na malaman ni Enrico kung ano ang nasa kamay niya, kaya napaatras siya bigla.

Lalong nag-alala si Enrico sa ikinikilos ni Carmina, at nagpumilit na hawakan ang kamay ng asawa.

“Bakit namumutla ang mukha mo? Masama ba ang pakiramdam mo?" pag-aalala nito sa kaniya.

"H-ha? Yes--No… I mean, I’m fine. Okay naman ako." Halos mautal utal na wika ni Carmina at mabilis siyang humiwalay sa kamay ni Enrico. 

"Mag-asawa tayo sa loob ng dalawang taon, Carmina. Sa tingin mo ba hindi ko nakikita na nagsisinungaling ka ngayon?" Nagdilim ang mga mata ni Enrico.

She gathered all her strength. “Okay lang talaga ako… Nandito lang si Tita kaya hindi ako masyadong komportable." At naiilang na lumingon lingon sa kaniyang paligid.

Tumango si Enrico at naniwala naman ito sa sinabi niya. "Magpahinga ka muna saglit."

Nang tumalikod si Carmina ay napansin ni Enrico na kanina pa nakakuyom ang kamay nito.

“Ano ang hawak mo sa iyong kamay? Parang kanina mo pa yata hawak iyan.” Kunot noong tanong ni Enrico.

Agad itong itinapon ni Carmina sa basurahan na parang mainit na patatas, at pilit na ngumiti. "Wala lang, basura lang,” kibit balikat niya. “Nakalimutan ko lang itapon kanina.”

Tumango lang si Enrico at hinayaan na siyang umalis.

Taas baba ang dibdib niya, pilit na pinapakalma ang sarili. He won't know how much her heart hurts. It was as if someone had grabbed an axe and ripped open her chest, severing her heart into two pieces and leaving her body damaged. Her heart was filled with blood. She gripped the broken heart in her hands, writhing in agony as she noticed that each petal was still actively flowing.

  

Enrico..." nulong ni Carmina sa kanyang puso, “We are a good couple, how can we just divorce?” 

Noong pinakasalan niya ito, halos nagkaroon siya ng herat attack sa sobrang saya. Kung gaano siya kasaya noong una ay kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Pighati.

Carmina, stop it. Hindi ka niya mahal, hindi ka naman niya minahal," bulong na sumbat niya sa sarili sa harap ng salamin.

Carmina can't stop herself from crying. She found herself seated at the comfort room, crying so hard.

Kakatapos lang niya sa pagsusuka nang punasan niya ang kanyang mga labi. Nararamdaman niya ang lamig ng sikmura pero ayaw naman niyang tumigil sa pag-iyak. She cried some more when she remembered her pregnancy. She wouldn't get a happy family dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na ayaw na sa kanya ni Enrico. Her shoulder started shaking again as she sobs. Ang sakit at hapdi na ng mga mata niya. She wants to stop herself from crying pero kahit ang mga mata niya ay hindi sumusunod sa utos ng isipan niya. She is not stupid not to realize na hanggang doon na lang sila.

Narinig ni Enrico ang mahinang pag-iyak ng asawa sa banyo kaya dali-dali siyang pumasok roon. Nang makitang niya ang mahina nitong estado at nasusuka ay agad niya itong binuhat.

Nagulat si Carmina sa naging aksyon ng asawa. "Bitawan mo ako, Enrico. Ayos lang ako. I can handle myself just fine."

“Stop lying and faking that you can handle yourself just fine. Don't be brave when you can’t." Seryosong saad ni Enrico habang nakatingin ito sa kaniyang mga mata.

Umalingawngaw sa mga tainga ni Carmina ang banayad, kaakit-akit, sexy at malalim na boses nito. It was this voice that made her listen to it for two years, and she was obsessed with it, but now he is suddenly leaving her. She blinked, but couldn't hold back her tears.

 “Okay nga lang ako… medyo sinikmura lang sa kinain ko kanina,” pagdadahilan niya.

“Tatawagan ko ang doktor mamaya.” He stood up and inhaled deeply. “And please, stop crying,” anito sa mahinang boses.

“Hindi ako umiyak.” Matigas na sabi ni Carmina .

He smirked when he saw her shoulders shaking. Ano ba ang iniiyak nito? He had no idea what she was crying for.

"Okay, okay, huwag ka ng umiyak kung hindi ka umiiyak!" pang-aasar ni Enrico.

She inhaled deeply. She wiped off her tears and fixed her hair. Umupo siya sa kama nang umupo si Enrico sa tabi niya.

“Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino siya?” Biglang tanong ni Enrico sa kaniya.

Nagulat si Carmina. “Sinong siya?” naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ba sabi mo ay inlove ka sa isang lalaki sa loob ng maraming taon? Curious lang ako kung sino ang maswerteng lalaking ito.” Nag-iwas nang tingin si Enrico sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status