Share

Chapter 2

Author: Covey Pens
last update Last Updated: 2022-03-01 16:56:28

Flashback

Noong una ko pa lang na makita si Cholo, alam ko nang alangan kami sa isa't isa. Nakakalula ang yaman ng pamilya nito. Mayamang negosyanteng Amerikano ang tatay nito na siyang nanguna sa  shipbuilding industry sa bansa. Ang mama naman nito ay anak ng isang kilalang mall owner sa siyudad.

Kung ikokompara sa kanilang hawak na impluwensiya at yaman, para lang akong putik na dumikit sa gilid ng kanilang sapatos. Isang hamak na magsasaka ang tatay ko na nang ma-stroke ay tuluyan nang nawalan nang ganang mabuhay. Ilang beses ko na siyang nahuling sinubukang kitilin ang buhay nito kaya kinailangan kong patigilin ang kapatid sa part-time job nito sa karinderya para may magbantay kay papa.

Wala na akong balita sa ina ko na ayon sa mga kwento ni papa ay nagmamadaling naglakad palayo nang mailagay na niya ako sa mga bisig ng ama. May nag-offer daw na agent dito para maging entertainer sa Japan kaya nagkukumahog itong iwan ako kahit na mag-a-anim na buwan pa lang ako noon.

Napakahirap ng buhay para sa amin pero kakayanin ko para sa aming pamilya. Gagawin ko ang lahat kahit na patulan ang alok ni Missy na ibenta ang sarili ko sa taong ngayon ay matiim na nakatitig sa akin mula sa kamang kinauupuan nito.

Napalunok ako at pinilit ang sariling wag mag-iwas ng tingin. Kailangan kong magtapang-tapangan kahit na nga ba hindi maikakaila ang panginginig ng mga tuhod ko.

Itinulak ko pabukas ang pinto ng banyo habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa tali ng bathrobe. Basa pa ang buhok ko sa loob ng tuwalya na inilagay ko sa ulo.

"Good evening sir," bati ko rito sa pigil na boses. Humakbang ako patungo sa kama at umupo sa paanan nito. Hindi ito tumugon nang pagbati. Hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin kaya ako na ang nag-iwas. Hindi ko kayang salubungin ang animo nanunuot na tingin nito na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.

Ilang sandali pang tanging ang ingay lang nang paglunok nito sa hawak na baso ang maririnig sa malamig na suite na iyon na nasa isang mamahaling hotel. Isang buwang allowance na ng kapatid ko ang bayad sa isang gabing pananatili rito. Si Missy mismo ang naghatid sa akin dito para mag-check in. Binilinan niya rin akong hintayin ang magiging customer ko.

Handa na ako sa kung sinong matanda na makakasama ko sa gabing ito kaya laking gulat ko nang makita ang binatang tinatangi na nakaupo sa kama at mukhang kanina pa ako hinihintay.

Tila nababato-balaning tinitigan ko si Cholo na sandaling tumayo at nagpunta sa mini fridge para kumuha nang maiinom.

Pinag-aralan ko ang itsura nito dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya sa ganito ka-up close na paraan. Matangkad si Cholo, medyo payat kaysa sa kaibigan nitong si Maverick Fuentebella pero mas gusto ko siya sa ganitong katawan. Wavy ang hanggang balikat na maitim na buhok nito, abuhin ang mata na namana nito sa ama, pangahan, at napakatangos ng ilong nito. Mahihiya ang kapiranggot na piraso ng ilong ko na sinasabi nilang cute raw at bagay sa malapusong hugis ng mukha ko.

Mamula-mula ang kutis nito na halatang laking-aircon. Nakasimpleng cotton pants at black t-shirt lang ito pero mukha pa rin itong mamahalin. Siguro dahil may something sa pagdadala nito ng sarili. May awtoridad kung paano ito kumilos at magsalita.

Nasaksihan ko iyon noong isa ako sa mga catering staff na nag-asikaso sa party ng mama nito. Nakita ko si Cholo noon, napakaguwapo sa suot na suit at bow and tie habang nakikisalamuha sa mga bisita sa magarbong lawn ng mansion nila.

Simula noon ay sinasadya ko nang dumaan sa harap ng university nito para magbakasakaling masilayan ang binata kahit ilang segundo lang.

Mula pa noon, hinahangaan ko na siya dahilan para magkaroon ito ng espesyal na lugar sa puso ko. Kaya naman laking panghihinayang at hiya ang nararamdaman ko ngayon dahil makikilala niya ako sa ganitong paraan.

Isang desperadang babae na kailangang ibenta ang sarili para mailigtas ang kapatid na nasa kulungan. Sa naisip ay muling bumalik ang bigat sa dibdib ko pagkaalala sa miserableng buhay na kinasasadlakan.

"What do you want?" untag nito sa pananahimik ko at bahagya akong tiningnan.

Saglit na hindi ako nakasagot. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan pagkarinig sa malamig at buung-buong boses nito.

"T-tubig," nauutal kong sagot.

Nakita kong kumuha ito nang maliit na bottled water at isinara ang ref gamit ang paa. Bumalik ito sa kama at iniabot sa akin ang tubig bago hinila ang isang silya at umupo rito. Itinaas nito ang mga paa sa kama katabi ko saka nilagok ang energy drink na hawak. Napalunok ako nang hindi niya inihihiwalay ang tingin sa akin sa buong durasyon.

Animo pinangangapusan ng hininga na uminom ako ng tubig.

"So how long have you been doing this?"

Napalipad pabalik sa lalaki ang tingin ko sa tanong nito.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong.

Tumawa ito nang sarkastiko. "Don't act coy with me, lady. You seemed to be a pro in this industry. You look so calm and collected. So? Three years? Five years? How many man have you bedded already? Fifty? A hundred?"

Natitilihan ako sa mga pinagsasabi nito kaya hindi ako nakapagsalita. Tila nalulon ko ang dila dahil wala akong maapuhap na sagot.

Napagkamalan pa yata niya akong p**a. Pero hindi ba ganoon ka na rin? Sabi ng utak ko. Ibinebenta mo ang sarili mo kaya p**a ka na rin.

Nahindik ako sa mga naisip pero pilit ko itong nilulon. Totoo naman kasi.

"Cat got your tongue, bitch?" Sabi nito sa tinig na puno nang pagkasuklam.

Napapitlag ako sa sinabi nito hindi lang dahil sa masakit na salita na itinawag nito sa akin kundi sa tono na kalakip ng boses nito. Nahimigan ko ang galit, pandidiri, at panghuhusga rito.

Nagtaas ako ng tingin kay Cholo na nagbabaga ang mata sa poot at pangungutya.

"Malinis ako. Kung gusto mong makita ang health car—"

"I know you're physically clean but are you morally clean?"

"H-hindi kita maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi mo? Maaari mo bang klaruhin sa akin?"

Ngumiti ito nang nakakaloko. "Ah, the bitch is dimwitted. Ano pa nga bang aasahan ko mula sa babaeng katulad mo?"

Hindi uli ako nakakibo kasi hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Naguguluhan at nakakaramdam na ako ng takot sa pinupunto nito.

"Okay, I understand you. Ganito na lang, do what you came here to do. But before that..." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at itinutok sa akin.

"Strip for me, Karina."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   56 (last chapter)

    Para kay Cholo Gastrell,Walang kasiguraduhan kung mapapasakamay o mababasa mo pa ito Cholo pero nagbabakasakali lang ako tutal ito na ang huling bagay na makukuha mo mula sa akin.Pasensiya ka na dahil hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Please 'wag mong isipin na iniwan kita. Oo, aaminin ko na pinag-isipan ko noong una pero binawi ko agad kasi hindi ko pala kayang iwan ka. Naipit lang ako. Wala akong magawa. Isang hamak na babae lang ako. Kayang-kaya nila akong tirisin, hamakin, at pahirapan.Siguro may ideya ka na na may damdamin na ako para sa iyo. Alam ko naman kasing hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko. Minahal kita, Cholo. Sana maniwala ka at tanggapin ang pag-ibig ko kahit isang segundo lang. Wala man akong ibang pwedeng pagkomparahan ng damdamin ko pero alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal na mahal kahit tuluyan mo na akong inabandona, kahit hindi mo ako pinagkaabalahan pang bigyan ng isang sulyap na para bang ang isang tulad ko ay hindi karapat-dapat na makausap ka

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   55

    The sound of my six-inch Chanel stiletto echoed through the busting halls of the topmost floor of the biggest and most renowned ship building company in the whole of Asia. My black crossover halter bodycon dress clung to my body like it's my second skin as I sauntered across the long hallway. Pinaraan ko sa maikling buhok ang mga daliri at impressed na tinitigan ang bagong renovated na lugar. Tumigil ako sa harapan ng isang portrait at hindi napigil ang paghanga."Wow. I never thought I could look this good in a painting," I exclaimed when I took a closer look at it.Before me is a magnificently made painting of myself dressed in a black gown. My hair is in a loose and I had that wicked mysterious look in my eyes while looking at the apperture. The painter perfectly captured my lost self some years ago.Dahan-dahan akong pumihit para tingnan ang isa pang portrait na nasa kabilang bahagi ng hallway.Kumurap ako nang makailang beses at parang natunaw ang puso ko sa nakita. Matamis ang

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   54

    I took a lot of air before I entered the mausoleum inside the private cemetery of the Alcantaras. My hand is full of flowers, of all sorts of chocolates, and toys for my son.My son. My dead son.The word brings so much pain in my heart.Pagpasok ko ay agad na bumati sa akin ang mga nakangiting mukha ni Errol na nasa mga dambuhalang frames na nakakabit sa bawat sulok. It felt like I'm looking at my childhood photos. It's his picture during his baptismal, his first birthday, and when he was I think a few days old. He's so small there... so fragile and so tiny.I stood there in the middle too overwhelmed by the feeling of love, sadness, and regret. Nanginig ang mga kamay ko at nabitawan ang mga hawak. Para ring nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Huminga ako nang malalim at isa-isang pinulot ang mga nasa sahig at inialay sa paanan ng altar kung saan naghihintay ang nakangiting mukha ni Errol. Umapaw na sa dami kaya inilapag ko na lang sa baba ang mga natitirang laruan at pagkain.With

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   53

    It was raining hard outside. The droplets of the pouring rain created a nice soundless effect on my closed window. Tumayo ako at binuksan ang bintana at hinayaang pumasok ang lamig sa silid. Kanina pa dapat kami nakaalis pero kinailangan naming kanselahin ng ilang oras ang byahe dahil sumama ang panahon. Bumalik ako sa pamamaluktot sa kama at tumitig sa unos sa labas. Kahapon pa ako nakauwi dito sa mansiyon ng kapatid sa Monte Vega. Kahapon ko pa tuluyang tinapos ang paghihiganti na ilang taon ko ring pinaghandaan.Yesterday Zen asked me if I was contended with what I achieved. Is it enough that I left without actually doing what I planned all along?I didn't answer him because I don't know how to express what I have inside my head. I also kept asking myself if abandoning the original plan of killing Ymir and Elizabeth is what I really wanted. Only this morning did I finally have my final answer while staring at my older brother who is painfully gazing at the portrait of his once-

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   52

    It has been hours since Karina's scent left me but I'm still on the floor, stuck at the same moment when she told me everything. Apparently, the Asturias killed her family, we had a son, and Elizabeth killed our little Errol and then my mother let her go. That was pure evil perpetuated by the people in my circle. They are my friends and my family, the people I've cared about. It was unacceptable to think that the people who caused this to Karina is the people I dine and I do business with.Killing innocent people is just plain evil. The killing of my son and my wife's family by my own friends is just wicked. It's immoral. It's horrible. It's making all my insides churn in disgust and abhorrence.And it happened to my wife while she's all by herself. Alone, scared, and with no one she can rely on. I can't imagine how that must have felt. While I was spending my years hating her, she endured her life living through the traumatic experience and nurturing our child and then having to go

  • The Wicked Mrs. Gastrell (Tagalog)   51

    Ilang segundo muna kaming nagtitigan bago ko siya nakitaan ng reaksiyon. Ang dating mga mata na puno ng simpatiya ay napalitan ng pagkabigla at pagkamangha na kalaunan ay naging larawan ng isang taong animo ay pinagsakluban ng langit at lupa. His face turned pale, his palms formed into fists, and his eyes burned in tears."What did you say?" he whispered while piercing me with his red eyes."Nagkaanak tayo."Kumurap ito ng ilang beses na parang pinoproseso pa rin ang narinig. Yumuko ito at sinapo ang ulo. Nang mag-angat ito ng mukha sa akin ay muntikan na akong mapaatras dahil sa kakaibang lamig na nagmumula rito. Yanig pa rin ang mukha na mabilis itong tumayo at naglakad papunta sa akin. He gently held my face in his cold hands and asked again in a trembling voice."We have a child, Karina?"Dahan-dahan akong tumango. "Had is a better term. We had a son, Cholo.""W-What?"I blinked the tears away. "E-Errol. Our little boy's name is Errol. He's almost two years old. He's very bubb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status