LOGINNagpadala si Joshua ng mga larawan ng fireworks kay Arabella.Joshua : Gusto mo bang makita ang bata?Kailanman ay hindi nag tanong si Arabella tungkol sa kanyang anak, alam naman ni Joshua na sinasadya ito ng babae. Takot siyang mas lalo lang siya masasaktan kapag nakita niya ang bata. Pero alam din niyang sa kaibuturan ng puso nito, araw-araw nitong gustong makita ang anak. Matagal na nakatitig ang babae sa message ng lalaki. Pagkatapos ay tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto bago tuluyang sumagot.Arabella: Sige.Sa huli...Hindi niya pa rin kinayang pigilan ang sarili.Ilang sandali lang ay sunod-sunod na ipinadala ni Joshua ang mga litrato ni Callie.May larawan habang mahimbing itong natutulog at ang isa naman ay nakangiti ito. Hindi maipagkakaila na maganda talaga ang kanyang anak.Malalaki ang mga mata nitong kumikislap, at kapag ngumingiti ay nagiging hugis buwan ang mga ito.Maliit ang ilong, mapupulang labi, at maputi ang munting mukha na parang isang mamahaling manika.H
Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang bisperas ng Bagong Taon.Maaga pa lang ay abala na si Catherine sa paghahanda ng mga lulutuin para sa handaan. Samantala, nagtulungan sina Lorenzo at Gerald sa paglilinis ng buong bahay.Nang araw ding iyon, dumating si Joshua dala ang iba't ibang regalo.Kasama rin doon ang mga pasalubong at mga health supplements na ipinadala ni Sir Jim. Magiliw siyang sinalubong nina Lorenzo at Catherine at agad na tinanggap ang mga dala niya.“Nasa kwarto si Arabella, puntahan mo nalang siya roon.”“Sige po, salamat po.”Kumatok si Joshua bago pumasok sa kwarto.Nakasandal si Arabella sa kama habang tahimik na nagniniting ng scarf. Kulay pink iyon na may maliit na disenyo ng strawberry. Mukhang napakalambot at siguradong mainit isuot.Sa laki pa lang nito, halatang para iyon sa isang bata.Mula nang manganak siya, tuwing walang ginagawa sa bahay ay abala siya sa pagniniting.Napatingin siya kay Joshua at bahagyang ngumiti."Buti naman at dumating ka na
Sa napakatahimik na sala, ang tanging maririnig ay ang mahihinang hikbi niya.Hanggang sa tuluyan na siyang napayakap sa sarili at humagulgol.Pagsapit ng tanghali, nakauwi na sina Lorenzo at Catherine. Mabuti nalang at napakalma na niya ang sarili niya. Tahimik na siyang nakahiga sa kwarto niya. Pumasok si Catherine dala ang hiniwang prutas at isang kahon ng bagong lutong chestnut cake, mainit-init pa iyon."Fresh from the oven pa yan, kainin mo na habang mainit pa."Ngumiti si Arabella."Sige po, salamat ma kain na rin po kayo."Nginitian lamang siya ng ginang bago lumabas upang magluto ng tanghalian.Maaga ring nagbakasyon si Chriztle.Bago umuwi sa Manila kinabukasan, dumaan muna siya sa bahay nila Arabella upang dalawin siya.Marami rin siyang dalang mga pagkain at regalo.Kasama rin niyang dumating sina Lhanze at Dominic.Tagaroon din si Lhanze kaya sabay silang uuwi.Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na silang lahat."Arabella.""Pagkatapos ng bakasyon na ulit tayo magkikita."Ngumiti
Dalawang araw ang nakalipas nang muli siyang suriin ng doctor ang kalagayan ni Arabella. Sa wakas ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital. Bago sila umalis, halos balutin siya ng kanyang Tita Catherine mula ulo hanggang paa. Ilang patong ng damit ang isinuot sa kanya, takang-taka siya kung bakit kailangan pa na maging balot na balot siya. Hindi niya na napigilan na magtanong sa ginang.“Tita para saan po ba ito? Eh init na init na po ako eh.” “Hindi ka kasi pwede pasukin ng lamig kahit kaunti, dahil masama pag nabinat ka. Kasabihan ito ng matatanda, hindi naman masama kung maniniwala tayo.”Napangiti na lamang ang babae at wala na siyang nagawa kundi hayaan ang ginang. Magaan ang kanyang pakiramdam dahil ramdam niya na mahal talaga siya nito bilang anak. Nakaramdam siya ng tunay na aruga ng isang ina.Pinaupo na siya sa wheelchair dahil hindi pa naman niya kaya maglakad ng malayo, si Lorenzo ang nagtulak ng wheelchair palabas ng kwarto. Kasunod naman nila sina Catherine at Geral
Maagang dumating sina Maricel, Richard, Stephanie at Randie upang bisitahin ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Karga-karga ni Maricel ang bata habang nilalaro ang munting kamay nito."Napakaganda talaga ng apo naming si Callie Jade."Sila na mismo ang nag pangalan sa bata, hindi man lang nila tinanong si Arabella kung gusto nito ang pinangalan sa sarili niyang anak. Malalaki ang mga mata ng sanggol habang mausisa nitong pinagmamasdan ang mga taong nasa paligid. Sakto naman na bumukas ang pinto at niluwa nito ang ama ng sanggol na kanina pa nila nilalaro. “Nathaniel buti naman at dumating ka na, halika tingnan mo ang anak mo.” bungad ng kanyang ina.Agad na lumapit ang lalaki, tahimik niyang pinagmasdan ang maliit na sanggol. Napangiti siya ng bahagya nang makita niyang nakatitig sa kanya ang maliit na mata ng kanyang anak. Napangiti naman ang matandang babae sa kanyang nasisilayan. “Baby, dumating na ang daddy mo. Halika apo, kargahin mo ang anak mo.”Iniabot niya ang sanggol
Sa ospital buo ang suporta ng mga kaibigan ni Arabella sa kanya. Naroon sina Lhanze, Chriztle at Joshua. Hindi rin umalis sa tabi ni Arabella ang kanyang ama at asawa nitong si Catherine. Palaging binabantayan ng mga doctor ang kalagayan niya. Dahil napapaligiran siya ng mga taong tunay na nagmamalasakit sa kanya, naging magaan ang kanyang pakiramdam. Maayos ang kanyang kondisyon at maganda rin ang kanyang mood.Tumawag si Lhanze kay Sir Jim upang ipaalam sa matanda ang kalagayan ni Arabella."Wala ba ang magaling niyang asawa sa ospital?" tanong ng matanda.Sandaling natahimik si Lhanze bago sumilip sa loob ng silid."Si Joshua lang po ang narito." sagot nitoIbig sabihin, wala ni isa sa mga Monteverde ang naisipan manlang bisitahin ang babae.Mabigat ang naging buntong-hininga ng matanda."Mabuti na lang at may kasama pa rin siya. Iabot mo nga ang telepono kay Arabella. May gusto lang akong sabihin.""Sige po, wait lang po. Nasa delivery room na po kasi siya inaabangan ang pag fully
Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n
Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya







