Home / Romance / The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir / Chapter 7 - Ang Batas ng Pamilya Gutierrez

Share

Chapter 7 - Ang Batas ng Pamilya Gutierrez

last update publish date: 2026-11-01 19:00:02

Chapter 7

“Damn!”

Saka lang napagtanto ni Mark na ang order na ‘to ay isang trap na ginawa ng pamilya Gutierrez para papuntahin siya rito sa hotel.

Naglakad si Marcol palapit kay Mark habang sumisigaw. “Tanggalin mo ‘yang uniform at helmet mo!”

“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ni Mark.

Sa mga oras na ‘to, lumapit na rin si Sean sa kanila. “Anong ibig niyang sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Marcol ang general agent ng Grab Food Delivery dito sa Manila.”

Mapait na natawa si Marcol. “Kung ayaw mong maniwala, wala akong ibang choice kundi tawagan si Xander na siyang nagpasok sa ‘yo!”

Hindi rin nagtagal ay tumawag si Xander sa telepono ni Mark. “Pare, bakit mo naman binangga si Mr. Marcol? Pinapatanggal ka na niya ngayon sa ‘kin!”

Napangisi si Mark, hindi inaasahang sa ganitong paraan pa matatapos ang trabaho niya.

Sa totoo lang, nag-eenjoy siya sa pagde-deliver ng mga pagkain. Nakakakilala siya ng iba’t ibang tao, at nakakatulong din sa pag-improve ng pasensiya at ugali ng isang tao.

Gusto niya sanang matapos ang trabaho niya nang matiwasay pero mukhang sisirain lang ‘yon ni Marcol.

Muling sumigaw si Marcol. “Hindi mo pa ba huhubarin ‘yang damit mo? Tinanggal ka na sa trabaho ni Xander!”

Lahat ng gamit niya ay galing sa kompanya, magmula uniporme, helmet, pati na rin ang motorsiklo. Ngayong natanggal na si Mark sa trabaho, wala na siyang karapatang gamitin pa ‘to.

“Sige.”

Madilim ang mukha ni Mark habang tinatanggal ang kaniyang uniporme sa harap ng maraming tao.

Natawa naman si Sean nang sobra na halos mapaupo pa siya sa sahig. “Para siyang aso na tinanggalan ng balahibo!”

Galit din sumigaw si Romulo. “Walang kwenta! Hindi ba at ang tapang mo pa kanina? At may lakas ka pa talaga ng loob na saktan ang anak ko. Tingnan natin ang angas mo ngayon!”

Empleyado pa ni Marcol si Mark kanina kaya wala siyang magawa kundi ang sundin ito.

Pagkahubad ng uniporme, iniwan ‘yon ni Mark sa motorsiklo at sinabi, “Marcol, narinig ko na mage-expire na ngayong taon ang prangkisa mo sa Grab Food Delivery.”

Natigilan si Marcol sandali. “Ano naman ‘yon sa ‘yo?”

Ngumiti si Mark. “Hindi mo na kailangang pumunta pa ng Quezon para pag-usapan ang tungkol sa contract renewal. Dahil mula ngayon, hindi na ikaw ang magiging general agent ng Grab Food Delivery.”

Si Mark, ang tunay na may-ari ng Grab Food Delivery, ay may ideya na kung sino si Marcol. Matagal na nitong gustong mag-set ng isang appointment para personal na makilala ang pamilya Ayala. Ngunit sa lahat ng pagtatangka niya ay palagi lang siyang tinatanggihan ng lolo ni Mark.

Isang banggit lang sa kaniyang lolo, siguradong mawawala na si Marcol sa syudad na ‘to.

Galit na galit si Marcol dahil gusto niyang kumita ng pera bilang agent.

“Sino ka ba sa palagay mo? Kapag sinabi mo bang hindi na ako ang magiging general agent, ganoon na nga ang mangyayari? Alam mo ba kung gaano kalakas ang kapit ko sa boss ng Grab Food Delivery?”

Nagpatuloy siya, “Noong panahong wala pang naniniwala sa pag-unlad ng food delivery, ako ang nagbuhos ng pera para tulungan siya! At ngayon, handa akong magbigay ng kulang 50 million pa.”

Malamig na ngumiti si Mark. “Kahit maglabas ka pa ng 100 million, hindi mo na makukuha ang prankisang ‘yon. Kung ayaw mong maniwala, eh di subukan mo.”

“Ikaw…”

Hindi na napigilan ni Mrs. Gutierrez ang magsalita. “Walanghiya kang bata, Mark. Huwag ka ngang masyadong mayabang!”

“Una, pinagtaksilan mo ang apo kong si Jade, pagtapos ay binugbog mo pa ang apo ko. Ngayon, oras na para parusahan ka mismo sa harap ng maraming bisita! Bakit, natatakot ka bang pumasok?”

Muling napangiti si Mark. “Bakit naman ako matatakot?” Sumulyap siya mula sa pintuan ng hotel.

Bukod sa maimpluwensyang pamilya ang pamilya Gutierrez, marami ring mga bisita ang nagpunta para sa kaarawan ni Mrs. Gutierrez.

Alam ni Mark na ang mga bisitang ito ay malalaking tao o hindi kaya naman ay may mga impluwensya rin sa buong syudad ng Manila.

Kung hindi man sa politika, sa martial arts world, sa negosyo, o mga artist, lahat sila ay may kakayahan at kapangyarihang hindi lang maiisip ng isang ordinaryong tao.

Gayunpaman, wala pa ring takot si Mark sa harap ng mga big shot na ‘to!

Isang maliit na high-class city lang naman ng syudad ng Manila.

Taas-noong naglakad si Mark kasunod ng pamilya patungo lobby ng hotel.

Dahil matanda na si Mrs. Gutierrez, pinareserba niya ang buong hotel, at wala nang ibang outsider sa lobby maliban sa mga waiter.

Nang pumasok si Mark, miski ang mga waiter ay iniiwasan siya.

Naupo si Mrs. Gutierrez sa gitna ng sala. Kahit medyo maliit siya ay punong-puno pa rin siya ng awtoridad.

“Hayop ka! Bakit hindi ka pa lumuluhod?”

Tumingin si Mark sa paligid at sinabi, “Bakit ako luluhod?”

“Tatlong taon na ang nakalipag nang pumasok ka sa pamilya namin bilang asawa at nangako kang kung gagawa ka ng ikapapahamak ng pamilya, tatanggapin mo ang batas ng pamilya namin. Tinatanong kita, totoo pa rin ba ang pangako mo noon?”

Itinuwid ni Mark ang kaniyang likod. “Syempre. Ang sinasabi ko, tinutupad ko!”

“Magaling! Dalhin dito ang Royal Dragon Ruler!”

Sa utos ni Mrs. Gutierrez, agad inabot ni Romulo ang Dragon Ruler na matagal na nilang inihanda.

Ang malaking Dragon Ruler na ito ay nagmula pa sa ninuno ng mga Gutierrez. Gawa ito sa metal at mas malaki kumpara sa normal na rulers.

Isang panukat lang ang gamit nito, ngunit sa katagalan ay ginamit na ito para sa pagpapatupad ng batas sa pamilya.

Sa oras na tamaan ang sinuman sa mukha gamit ito ay tiyak iinda nang halos tatlong araw.

Hinawakan ni Mrs. Gutierrez ang Dragon Ruler at sinabi, “Mas maganda siguro kung aaminin mo na. Anyone, saktan niyo na siya nang dalawampung beses!”

“Opo!”

Matagal nang gusto makaganti ni Romulo para sa kaniyang anak kaya siya ang unang lumapit.

Ngunit binawi naman ni Ramil ang Dragon Ruler sa kaniya.

“Ma, hindi trabaho nang iba ang disiplinahin ang manugang ko, kaya ako mismo ang magtuturo sa kaniya ng leksyon!”

Nang makuha ni Ramil ang Dragon Ruler ay siya naman itong inagaw ni Beatrice.

“Ako ang palaging sumasampal sa kaniya. Hayaan mong ako ang gumawa!”

Marami pa ang nakipag-agawan sa Dragon Ruler.

Ang hindi inaasahan ni Mark ay nang miski ang kaniyang asawa ay nagsalita.

“Asawa ko siya. Hayaan niyong ako ang magparusa sa kaniya!”

Nakuha ni Jade ang malaking Dragon Ruler. Hindi inaasahan ni Mark na ang balingkinitang kamay pa ni Jade ang magpaparusa sa kaniya. Ang mga kamay na halos tatlong taon ding hindi nahawakan ni Mark.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 8 - Hindi ko aaminin!

    Tiningnan ni Mark ang napakagandang mukha ni Jade. Pero sa paningin niya, napakapangit ng ugali nito!Natawa si Mark. “First, you cheated on me. ‘Tapos may lakas ka pa ng loob na sabihin sa kanilang ako ang nag-cheat? At hindi lang ‘yon. Ngayon, gusto mo pang ikaw ang magparusa sa ‘kin? Napakabuti ng asawa ko. Napakahirap maghanap ng napakabuting asawa sa loob ng sandaang taon!”Sagad-sagad na ang galit ni Mark.At hindi pa roon nagtatapos. Sa pagkakataong ito, si Sean naman ang kumuha ng Dragon Ruler at mabilis na sinugod si Mark.“Hayop ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako. Tingnan natin ngayon kung hindi ko durugin ‘yang pagmumukha mo.”

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 7 - Ang Batas ng Pamilya Gutierrez

    Chapter 7“Damn!”Saka lang napagtanto ni Mark na ang order na ‘to ay isang trap na ginawa ng pamilya Gutierrez para papuntahin siya rito sa hotel.Naglakad si Marcol palapit kay Mark habang sumisigaw. “Tanggalin mo ‘yang uniform at helmet mo!”“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ni Mark.Sa mga oras na ‘to, lumapit na rin si Sean sa kanila. “Anong ibig niyang sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Marcol ang general agent ng Grab Food Delivery dito sa Manila.”Mapait na natawa si Marcol. &ldqu

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 6 - Birthday

    Sa maliit na hagdan, makikita ang pagkakaiba ng malaking katawan ni Mark kumpara sa mga lalaki.Pero madali lang naiiwasan ni Mark ang suntok ng mga ito. Tumalon si Mark nang walang kahirap-hirap sa railing, at saka sinipa ang isa sa kanila sa mukha.“Shit! Ang sakit no’n, ah?” Agad na nagdugo ang ilong ng lalaking nasipa.Mahinang natawa si Mark. “Isa akong 4th-degree black belter.”“9th dan black belt na si master!”Bumawi naman ng sipa ang lalaki dahil sa galit kay Mark.Tumalon pababa si Mark mula sa railing bago sinuntok ang isa pang lalaki. Napailing

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 5 - Underworld

    “Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 4 - Bully

    Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 3 - Pamilya Gutierrez

    Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status