LOGINNyx's Point of View
TININGNAN ko muli ang dalawang envelope sa aking kamay. Ang isa ay formal at sagrado, habang ang isa ay basta ko na lang nilagay sa puting envelope. Nang makarating ako sa pintuan ni Mav, huminga ako nang malalim saka kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang kanyang opisina. Pagpasok ko, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit saglit. Nakasuot siya ng salamin na mas lalong nagdagdag sa kanyang appeal. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang noo niya'y nakakunot na tila may hindi nagugustuhan. Nanunuot sa buong opisina ang panlalaki niyang amoy na paborito ni Nixie. Tumigas ang bagang ko sa naisip. Sa bawat paghakbang ko patungo sa kanya ay parang may bumubulong na huwag ko itong gawin. Ngunit bawat memorya na kasama siya ay pasakit lang sa akin. "I have some important papers for you to sign, sir." Doon lang siya nag-angat ng tingin. He narrowed his eyes at me, but I remained unfazed. Dumako ang mga mata niya sa dalawang envelope na inilapag ko sa kanyang lamesa. Halata sa mukha niya ang pagtataka—parang iniisip niya kung may ipinagawa ba siyang proposal sa akin. Binalik niya ang tingin sa akin. Nagtagpo ang aming mga paningin. Ang kanyang tsokolateng mga mata ay nagtagal sa akin—inalis niya ang kanyang salamin at inilapag sa mesa. Ipinatong niya ang kanyang maugat na kamay sa ibabaw ng lamesa at pinagsiklop iyon. Hindi ko matanggal ang tingin ko roon pero pinilig ko ang aking ulo. Huwag kang maging marupok! Umigting ang kanyang panga. Kinuha niya ang annulment at agad na tumalim ang tingin sa akin. Kung nakakamatay ang titig, malamang kanina pa ako nakabulagta sa sahig. "What is this?” The tone of his voice was hard as stone that trembled my knees. Pero determinado na akong makalaya at magsimula. "Open it so you'll know." I replied coldly, matching his tone. Tinaasan niya ako ng kilay—naninibago sa pinapakita kong ugali, ngunit hindi ko na iyon problema. Unti-unti niyang hinablot ang papel. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin habang hawak ang dokumento. For a second, I swore he wanted to ask me more. My breath caught in my throat—baka sa pagkakataong ito ay makita na niya ako. Pero biglang nag-ring ang kanyang phone. Si Nixie. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Tiningnan niya iyon sandali—kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha at ang malalim na paghinga bago niya sagutin ang tawag. "Mav..." nanginginig ang boses sa kabilang linya. Agad na may kakaibang emosyon ang lumitaw sa mukha ni Maverick nang marinig si Ate. Takot? O guilt? Hindi ko mahinuha. "Anong nangyayari?" "Mav, kailangan kita." Rinig ko ang desperasyon sa kanyang tinig. "Takot na takot ako, Mav." Naiiyak niyang sigaw. Nakita ko kung paano siya natigilan sandali. Nang ibaba ni Ate ang tawag, agad niyang sinuot ang kanyang grey suit saka binalingan ang papel sa mesa. "Para sa business deal ito, hindi ba?" Hindi ako nagsalita. Pinagmamasdan ko lang ang mabilis niyang kilos para puntahan ang aking kapatid. Isang tawag lang, at nakalimutan niya agad kung sino ang nasa harapan niya. Kinuha niya ang kanyang panulat at pinirmahan iyon nang hindi man lang binabasa. Na parang wala lang lahat. Na hindi ako nag-eexist sa harapan niya at tanging si ate lang ang nasa isip niya ngayon. Saka ako iniwan doon at mas lalong lumamig ang temperatura sa loob ng kanyang opisina. Kumibot ang panga ko, ramdam ang pagpipigil bago lumabas at ibinigay kay Vince ang aking resignation letter. "Alam na ba ito ni sir?" nagdadalawang-isip niyang tanong. I shrugged it off. "Siya mismo ang nag-aproba kaya malamang alam niya." Walang pakundangan kong sagot. Nakita ko ang pagkabigla niya ngunit mabilis ko siyang tinalikuran. Maverick would never ask about me or my whereabouts. Ni minsan hindi niya ako tinuring na asawa—empleyado lang talaga. Mabuti na lang at magaling ako sa finances kaya naging madali rin ang lahat. Ngunit lilisanin ko na ang lugar na ito. Ituturing ko na lang na bangungot ang lahat ng alaala rito. Nagsimula na akong maglinis ng desk ngunit bigla akong hinila ni Vince sa may coffee maker kung saan walang tao. "Hindi ka pa pwedeng umalis agad." Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ikaw lang ang magaling sa pag-handle ng ilang crisis kaya kailangan mong turuan ang papalit sa'yo." "Ayoko," matigas kong sagot. Gusto ko nang makawala. "Limang araw." "No." Pinal na sagot ko. "Tatlong araw," palugit niya, halos nagmamakaawa. Nanuyo ang lalamunan ko pero tumango. "Tatlong araw lang." Para siyang nabunutan ng tinik at ngumiti sa akin. The next day, a woman went to me. Magkatabi kami, tinuturuan ko siya at pinadali ang bawat paliwanag upang mabilis niyang makuha ang ibig kong sabihin. "This was way better than this kasi—" bago ko pa matapos ang sasabihin, tumayo ang lahat ng empleyado. Unti-unti akong tumayo at nakita sa unahan si Maverick, ang kamay niya nasa bewang ni Ate Nixie—na para bang sinasabi niyang pagmamay-ari niya ito. They looked so powerful together. Bagay na bagay. Pareho silang matangkad. My Ate was slender and elegant, at ganoon din si Mav—kahit nakatayo lang siya, ramdam mo ang awtoridad, na parang lahat ay susunod sa kanya. Bigla na lang, ang kanyang mga mata ay parang may hinahanap...at sa huli, nahanap niya ang mga mata kong nakatingin sa kanila. Nakita ko kung paano siya nakahinga ng maluwag nang makita ako, saka agad niyang ibinaling ang tingin kay Ate. Tumikhim siya—lahat kami ay nakatuon ang tingin sa kanila. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. The red backless gown at Chanel necklace—akin iyon. Regalo ni Mav sa akin noong first anniversary namin. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang anumang emosyon na gustong kumawala. Wala na akong pakialam kahit angkinin pa niya ang lahat sa akin. "Nixie Dela Cruz will be working with me and her sister..." Nagtagpo muli ang mga mata namin. Kahit pinapakita kong wala akong pakialam, nanginginig naman ang tuhor ko at halos mawalan ng balanse. "Nyx Dela Cruz will guide her." Rinig ko ang bulong-bulungan ng mga katrabaho at mga matang nakatuon sa akin. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Vince at ang tanong sa kanyang mukha sa naging anunsyo ni Maverick. Tatlong araw lang. Pagkatapos nito at makakalaya rin ako. Ngumiti ako at naglakad sa unahan. "I am happy to work with my sister." Ngumiti ako, pilit na matamis. Kita ko ang gulat sa mukha ni Ate—alam kong ibang sagot ang inaasahan niya. Ngunit sa gilid ng aking paningin, nahuli ko ang mga mata ni Maverick. May kislap doon. Paghanga. Sandali lang...bago niya mabilis na ibinalik ang malamig na maskara. Para bang walang nangyari. Para bang guni-guni ko lang. Mabilis akong pumunta sa comfort room. Halos kapusin ako ng hininga habang nakikipagplastikan sa kanila. Kinalma ko ang aking sarili bago nagpasyang bumalik doon upang hindi sila magtaka. Ngunit bago pa man ay biglang nagring ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang ang aking OBGYN ang caller. “Yes, doc?” “Ms. Dela Cruz, may nakita akong hindi inaasahan sa test mo.”Nyx's Point of View NAKATINGIN lang ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may kaba at inis na nagsasabay sa dibdib ko. Ano bang aaminin niya? Bumuka ang kanyang labi, tapos biglang ipagdidikit muli. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita. In the end, he sighed in exasperation before finally speaking. "Nixie and I... are over. Really over." Napangiwi ako. I blinked, just to make sure I heard him right, pero wala siyang idinugtong. Iyon lang? Akala ko naman ay isang malaking rebelasyon na gugulantang sa amin. "O-okay?" I hesitated. Tumango lang siya, walang paliwanag. Iyon na 'yon? Wala nang iba? I shook my head, pinipigilan ang buntonghininga. Masyado lang siguro akong nag-expect. He b
Nyx's Point of View I stared blankly at my phone. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka kanina pa siya nahihiya sa ginagawa kong pagtitig. The message. The unknown name. I wanted to know who he was... but I was afraid of what I might discover. May hinala akong si Maverick iyon, pero parang imposible naman. I groaned softly and slapped my forehead. Ang dami ko ng problema sa buhay, dinagdagan pa ng kung sino mang walang magawa sa oras. I was still staring at my phone when it suddenly rang. It was Liam. Matagal bago ko sagutin dahil nagdadalawang-isip pa ako, but in the end, I did. "Napatawag ka, Liam?" iyon agad ang bungad ko habang sinagot ang kanyang tawag. "How are you?" paos ang boses niya, halatang pagod pero sincere. "Ayos ka lang ba diyan?" "I'm fine, Liam." "Is he hur
Nyx's Point of ViewTIME slows down as I watch the hands of the clock move. Kanina pa ako nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding, pero gano’n pa rin. Parang hindi nga humahakbang ang oras. Tanging tik-tak lang ng orasan ang naririnig ko.Hindi pa bumabalik si Maverick simula kanina. Nakaligo na ako, nagbihis, kumain ulit pero wala pa ring bakas ni Maverick.At hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba siya hinihintay. Ewan, parang may gusto lang akong marinig mula sa kanya.But I tried to erase it in my mind. Hindi ko na dapat iniisip pa si Mav. Malaki na siya kung nahuli siya ni Nixie na nagloloko, labas na ako ro’n.Tinawagan ko si Nathaniel nang makapag-ayos na ako ng sarili bago matulog. Gabi na rin kasi at dinadalaw na ako ng antok.Dumapa ako sa kama, naka-on na ang MacBook, at nag-video call ako kay Nanay Alejandra sa WhatsApp.Nanay answered, at ang unang bumungad sa screen ay si Nathaniel na namumugto ang mat
Nyx's Point of View WALA akong ibang inisip buong araw na iyon ay kung paano ako ipinagtanggol ni Maverick laban sa mga magulang ko. He knew Nixie wouldn't want our parents to be disrespected, not even by me. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na rin na... hindi ko kailangang itama lahat ng gusto nila. I've realized a lot of things, kaya nag-iba na ang prinsipyo ko sa buhay. Some things are meant to be buried forever. Pero si Maverick... huminga ako nang malalim, pinilit kong alisin siya sa isipan ko. Hindi ito maganda. Mali itong nararamdaman ko. Maybe he was just trying to be nice to me? My lips pressed into a thin line, trying to convince myself that everything would be fine. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang boses niya. The way he said my name. The way he stood for me. Bakit napakalaki ng epekto niya sa akin? Dahil ba... kahit minsan, noon ay hind
Nyx's Point of View HINDI ako tumayo.Hindi dahil wala akong galang kundi dahil hindi naman nila deserve ang respeto ko. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Noong naging asawa ko si Maverick, ni minsan, hindi ko naramdaman na may respeto sila sa akin. Kasi kay Nixie umiikot ang mundo nila. Kasi mas kailangan daw ni Nixie si Maverick. Harap-harapan nila akong hindi pinahalagahan. Nakatitig lang ako sa kanila. Ni hindi ko magawang ngumiti o magalit. Wala lang talaga akong pakialam pero alam kong sa loob ko ay pinipigilan ko lang ang aking sarili. Akala ko kapag nagkita kami ulit, I would be fuming mad but instead, I just stared at them like it was nothing. "Aren't you going to say hi to your mother and father?" Mom's voice was light, but her smile was forced. I knew that kind of smile, the one that hides disgust behind sweetness. Katulad ni Nixie, ganoon si M
Nyx's Point of ViewHINDI ko siya pinansin sa buong lakad namin. Kasi napapansin kong may kung ano pa ring epekto siya sa akin sa tuwing magkalapit kami.Kahit simpleng paglapit lang niya, parang may kumikirot, may kumakalabit sa nakaraan. At hindi ko iyon nagugustuhan. Dinala niya ako sa isang malayong lugar, somewhere quiet. Hindi ko sigurado kung tama ba itong ginagawa namin. Pero... nagtitiwala pa rin ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung dapat pa nga ba.Bahala na nga.Pumasok kami sa isang maliit na café sa Italy, malapit lang sa Verona — the city of Romeo and Juliet. Hindi ko alam, pero under the Verona sky, love always felt like a promise and a curse. Gaya ng dalawang taong nagmamahalan ngunit sa huli ay nabigo pa rin. Umuulan nang marahan. Pagpasok ko pa lang, agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng kape, ‘yung halong aroma ng espresso beans at ulan sa labas. May kung anong lungkot at init na sabay sumagi sa dibdib







