Share

Chapter 002

Penulis: LostInWell
last update Tanggal publikasi: 2026-04-08 16:58:58

Huminto ang taxi sa harap ng isang naglalakihang gate na gawa sa itim na bakal. Mula sa labas, tanaw ang isang mansyon na tila ba kinuha sa mga magazine ng arkitektura. Maputi ang pintura nito, puno ng malalaking bintanang ginto ang mga gilid, at ang garden ay napakalinis na tila ba bawat dahon ay sinusuklay araw-araw.

“Heto na tayo, Nicole,” wika ni Aling Juliet habang binabayaran ang taxi.

Bumaba ako at muling hinawakan ang aking kupas na maleta. Kumpara sa karangyaan ng bahay na ito, ang maleta ko ay mukhang basura na dapat nang itapon. Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Ito na ba ang magiging bagong tahanan ko?

Bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng gate. Isang lalakeng naka-uniporme ng guard ang sumalubong sa amin. “O, Juliet, nakabalik ka na pala. Sino itong kasama mo?” Makikita sa mukha niya ang panandalian gulat at pagkamangha

“Kasambahay din, kinuha ko para makatulong sa paglilinis. Hayaan mo na, dumaan na ito sa akin,” sagot ni Aling Juliet bago ako sinenyasang sumunod.

Habang naglalakad kami sa mahabang driveway, hindi ko mapigilang mapatingala. Napakatahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay ang kalansing ng aking maleta sa semento. Walang huni ng ibon, walang ingay ng mga kapitbahay na tulad sa probinsya. Ang mansyon ay tila isang magandang libingan—payapa pero nakakapangilabot.

“Nicole, tandaan mo,” bulong ni Aling Juliet habang papasok kami sa pintuan ng mga tauhan sa likod. “Sa loob ng bahay na ito, mata at tenga lang ang gamit. Huwag kang makikialam sa usapan ng mga amo. At higit sa lahat, huwag kang haharang sa dinadaanan ni Sir Gale.”

Tumango ako, kahit na mas lalong lumalalim ang kuryosidad ko sa kung sino ba talaga ang lalaking ito na tila kinatatakutan ng lahat.

Dinala ako ni Aling Juliet sa isang maliit na kwarto sa dulo ng pasilyo ng mga tauhan. Ibinaba ko ang aking maleta at isinuot ang asul na unipormeng ibinigay niya. Itinali ko ang aking buhok nang mahigpit—isang simpleng pusod—para hindi sagabal sa trabaho. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wala nang bahid ng pampaganda. Wala nang bakas ng dati kong buhay. Tanging simpleng babae na lang ang nakikita ko na ang tanging hangad ay mamuhay ng payapa.

“Nicole, punasan mo ang mga vase sa main hall. Dahan-dahan lang, dahil mas mahal pa ang presyo niyan sa buhay nating dalawa,” utos ni Aling Juliet nang makalabas ako.

Sinimulan ko ang pagpupunas. Bawat galaw ko ay maingat. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay. Pero habang abala ako, nakarinig ako ng mabibigat na yabag mula sa malaking hagdanan.

Ang bawat tunog ng sapatos sa hagdan ay tila tumatama sa aking dibdib. Biglang tumahimik ang buong paligid. Ang mga kasambahay na kanina ay nagbubulungan sa kusina ay biglang naglaho. Yumukod ako, tinitingnan lang ang sahig habang hawak ang basahan.

“Manang Juliet” isang boses ang umalingawngaw. Mababa ang boses na iyon, malamig, at punong-puno ng awtoridad.

“Nandito na po ako, Sir Gale,” sagot ni Aling Juliet, halatang may halong kaba.

Nanatili akong nakayuko. Gusto ko man makita ang taong parang kinakatakutan ng mga tuhan sa Mansyon na ito ay hindi ko magawa dahil na rin sa utos ni Aling Juliet.

“Nasaan ang mga dokumento na iniwan ko sa study table? Bakit may bahid ng alikabok ang frame ng litrato ni Mama?” tanong ng lalaki. Hindi siya sumisigaw, pero ang bawat salita niya ay parang kutsilyong humahati sa hangin.

“Pasensya na po, Sir. Ngayon lang po kasi ako nakabalik. Pero inaayos na po ng bago nating kasama ang lahat.”

Naramdaman ko ang paglamig ng aking pakiramdam nang maramdaman kong huminto ang mga yabag. Huminto ang makinang na itim na sapatos sa tapat ko.

“Sino siya?” tanong ni Sir Gale.

“Si Nicole po, Sir. Bagong katulong.”

Sa hindi inaasahang pagkakataon, at dahil sa kaba, bahagya akong nag-angat ng tingin para sumagot. “M-magandang araw po, Sir—”

Ngunit napatigil ako. Ang lalaking nasa harap ko ay tila nakakita ng multo. Ang kanyang mga mata na kanina ay puno ng galit ay biglang nagdilim at napalitan ng isang emosyong hindi ko maipaliwanag—gulat, sakit, at matinding kalituhan. Bahagya siyang napaatras, at ang kanyang kamay ay tila gustong dumaan sa kanyang mukha na parang sinusuri kung nananaginip ba siya.

“S-Samantha?” mahina, halos pabulong na bigkas niya. Ang kanyang boses ay nanginginig, malayo sa awtoridad na narinig ko kanina.

Napakunot ang noo ko. Sino si Samantha? Bago pa ako makapagsalita, mabilis na nagbago ang kanyang anyo. Ang gulat ay biglang nag-apoy at napalitan ng isang mas matinding poot. Tila ba ang pagkakaroon ko ng mukhang iyon ay isang malaking insulto sa kanya.

“You!” bulyaw niya, mas matindi ang diin ngayon. “Huwag kang haharang-harang sa dinadaanan ko!”

Mabilis akong yumukod muli, ang puso ko ay parang gustong tumalon sa lalamunan ko.

“At sa susunod, ayusin mo ang buhok mo. I don’t want to see that face more than I have to! Hindi kita kinuha rito para maging anino ng kung sino. Understand?”

“O-Opo, Sir. Pasensya na po,” pautal na sagot ko.

Nagsimulang maglakad muli ang mga sapatos palayo, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang galit na naiwan sa hangin. Nang tuluyan siyang makalabas, napasandal ako sa mesa, hinahabol ang aking hininga.

“Nicole, ayos ka lang?” lapit sa akin ni Aling Juliet, halatang nag-aalala rin.

“Sino po si Samantha, Aling Juliet? Bakit ganoon na lang ang tingin niya sa akin?” tanong ko habang nanginginig pa ang mga kamay.

Bumuntong-hininga si Aling Juliet at tumingin sa paligid para masigurong walang nakikinig. “Si Samantha ang babaeng sumira sa puso ni Sir Gale, Nicole. At sa malas... kamukhang-kamukha mo siya." Nag-aalalang wika niya. "Mula ngayon, mag-ingat ka. Dahil sa paningin ni Sir, ikaw ang paalala ng sakit na pilit niyang kinakalimutan.”

Tumingin ako sa malayo. Kaya pala. Kaya pala ganoon ang bagsik ng kanyang mga mata. Sa unang araw ko sa mansyong ito, hindi lang trabaho ang hinarap ko—kundi ang galit ng isang lalaking nasaktan ng isang babaeng katulad ko ang mukha.

Sa bahay na ito, ang mukha ko ay isang kasalanan. At ang bagong simula na hinahangad ko ay tila magiging isang mahabang pakikipaglaban sa isang multong hindi ko naman kilala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The wife he never loved   Chapter 019

    Walang balak na magsalita; kahit nakikita ko naman sa mga mata nila na hindi nila gusto ang sinabi nang matanda. Ngunit ang batas nang mayayaman, ang pinakamatanda sa pamilya ang siyang may hawak nang control. At walang sinoman ang pwedeng tumanggi sa gusto niya."Juliet," mariing tawag ni Rage sa matandang mayordoma ng mansyon.Mabilis na lumapit si Aling Juliet na kanina pa nakatayo malapit sa hagdan, bakas ang kaba at pag-aalangan sa kanyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Gale. "Ano po iyon, Sir Rage?""Mula sa araw na ito, alisin mo na si Nicole sa lahat ng kanyang mga tungkulin bilang kasambahay," utos ng matanda, pormal at walang anomang bakas ng pag-aalinlangan.Bigla akong napatingin sa matanda, nagtataka at nagugulohan. Ano ang ibig niyang sabihin?"Ipag-utos mo sa ibang mga katulong na ilipat ang lahat ng kanyang mga gamit. Ilagay ninyo siya sa isa sa mga marangyang guest room sa ikalawang palapag. At siguraduhin ninyong maayos, malinis, at kumpleto ang

  • The wife he never loved   Chapter 018

    Matapos bitawan ni Glenda ang mga mapang-insultong salita, mas lalo akong nanliit sa aking sarili. Masyadong matalim ang mga salita niyang diretso sa puso ko, bawat kataga ay tila ba may lasing na humihiwa sa aking natitirang halaga. Ramdam ko ang bawat tingin ng pamilya Salazar na nakatutok sa akin—mga tinging puno ng pandidiri, pagpapasya, at pagsubaybay sa aking reaksyon na parang isa akong maruming insekto na nakapasok sa kanilang marangyang tahanan.Tahimik akong nagdasal, humihiling na sana, kahit kunti lang ay ipagtanggol ako ni Gale. Ngunit ang patuloy na pananahimik niya sa tabi ko ang nagpapatunay na wala nga talaga siyang pakialam sa akin.𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, 𝐺𝑎𝑙𝑒? Sigaw ng aking isipan habang mas tumitindi ang panginginig ng aking buong katawan.Naikuyom ko nang mariin ang aking mga palad.Magmula nang pumasok ako sa mansyong ito, wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa bawat utos ni Gale, ang tiisin ang ugali niya... Kahit wala siyang ip

  • The wife he never loved   Chapter 017

    "Oh, Nicole. Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang sabi ni Aling Juliet nang mamataan ako nitong papasok sa mansion.Ni hindi ko magawang itaas ang aking paningin. Pakiramdam ko, bawat sulok ng aking katawan ay nadungisan na, at ang natitira kong lakas ay unti-unti nang nauubos. "P-Pasensya na po... Ayaw ko na po rito..." nasasaktang sabi ko bago nagpatuloy sa paghakbang papasok. Lumabas ang boses ko na tila isang pira-pirasong bulong—basa sa luha at durog ang dignidad.Ramdam ko ang matinding bigat ng bawat hakbang, habang ang aking mga kamay ay nanginginig na pilit pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi upang hindi mahalata ang labis na pinsala."T-Teka, Nicole..." tila nag-aalalang sambit muli ni Aling Juliet. Sa pagkakataong ito, may kakaiba at mabigat na babala na humalo sa kaba ng kanyang boses.Pagtapak ko mismo sa makintab at malamig na sahig ng sala ay biglang napatigil ang buong mundo ko. Nanigas ang aking mga paa, hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat nang nadatnan ko."Nar

  • The wife he never loved   Chapter 016

    Nanatili akong bingi sa marahang katok na iyon ni Gale sa pinto ng banyo. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinahayaang lamunin ako ng dilim at ng katotohanang kailanman, hindi ako magiging sapat. Ang mga huling salita niya at ang sarkastikong boses ng kanyang ina ay tila nag-iwan ng sugat sa puso ko na hindi na kailanman maghihilom. "Nicole... Mag-usap tayo." Muling bumasag ang boses ni Gale mula sa labas. May kaunting diin na sa pagkakataong ito, bakas ang pagmamadali at tila naiipit na tono. "Open this... Pag-usapan natin ang nangyari sa atin kagabi." Napahikbi ako nang mahina, pilit na tinakpan ang aking bibig gamit ang nanginginig kong kamay upang hindi niya marinig ang aking pagkasira. 𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑝𝑎? "S-Sir... Nagbibihis pa po ako!" dahilan ko. Ayaw kong lumabas. Natatakot ako na baka paglabas ko ay muli lang akong matupok ng nagbabagang emosyon ni Gale. Paano ko haharapin ang pamilya niya ngayon? Sa dinami-dami ng araw na makita nila kami, bakit sa ganitong pagkakata

  • The wife he never loved   Chapter 015

    Ang malakas at sunod-sunod na katok na iyon ay muling umalingawngaw sa buong silid, tila ba mas nagpatindi sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Gale. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang hawak pa rin ang door knob ng banyo. Ang puso ko ay mabilis na dinaluhong ng matinding kaba at takot. Sino ang kakatok sa suite niya sa ganitong oras ng umaga? Nanatili ang mga mata ko kay Gale. Ang kanyang mukha na kanina lang ay puno ng gulat at umuusbong na konsensya dahil sa mantsa ng dugo sa kama ay biglang seryosong pinalitan ng pagkadismaya. Mabilis niyang hinila ang comforter para takpan ang mantsa bago siya tuluyang bumaba sa kama. "Pumasok ka," mababa, mariin, at tila nagmamadaling utos niya sa akin habang mabilis na isinusuot ang kanyang bath robe. Habol ko ang aking hininga sa matinding kaba at takot na tuluyang bumabalot sa buong loob ko. Kahit nagpupumilit ang matinding hapdi sa pagitan ng aking mga hita sa bawat galaw ko, pilit ko pa rin prinotektahan ang aking sarili at nag

  • The wife he never loved   Chapter 014

    Ang unang naramdaman ko paggising ko ay ang matinding lamig ng aircon na dumadampi sa aking hubad na balat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit agad din akong napapikit nang salubungin ako ng maliwanag at nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa malaking balkonahe. Mabigat ang ulo ko, at ang bawat bahagi ng aking katawan ay may naiiwan pang matinding kirot—mga bakas ng marahas at mapusok na gabi na pinagsaluhan namin. Unti-unti kong nilingon ang tabi ko. Doon ko nakita si Gale. Mahimbing pa rin siyang natutulog, nakadapa habang ang kalahati ng kanyang mukha ay nakabaon sa unan. Ang magulo niyang buhok ay bumagsak sa kanyang noo, at ang kanyang mga labi ay bahagyang nakabukas. Sa ganitong posisyon, mukha siyang tahimik at walang malay—malayo sa galit at mapanghusgang lalaki na humila sa akin kagabi. Tinitigan ko ang kanyang natutulog na mukha, at kasabay niyon ay ang muling pag-alingawngaw sa aking isip ng huling salitang binitawan niya bago siya tuluyang naka

  • The wife he never loved   Chapter 013

    "Mama, gising!"Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Niko. Naramdaman ko ang pagdagan niya sa akin."Wake up mama." Parang isang musika ang boses ng anak ko na nagpagising sa akin.Napangiti ako ng maramdaman ang pag ulan niya ng halik sa buong mukha ko.Nagmulat ako ng mata. Umupo ako habang

  • The wife he never loved   Chapter 012

    "Talaga yatang wala nang pag-asa."My heart hurt evermore when I started singing."Upang ako'y iyong piliin pa."I know he never chose me. Wala ako sa choices, kahit sa option pa iyan hindi ako kasali."Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin? Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin?"Paano n

  • The wife he never loved   Chapter 001

    Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit

  • The wife he never loved   PROLOGUE

    I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status